You are on page 1of 13

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO
LAYUNIN
• Naiisa-isa ang mga katangian ng tekstong
argumetatibo;
• Natatalakay ang mga estratehiya ng mabisang
argumetatibo;
• Nakapabibigay ng mga halimbawa ng mabisang
argumento mula sa mga clipping ng mga artikulo,
lathalain, at iba pa,
• Nakagagawa ng sariling obserbasyon kaugnay ng
binasang tekstong argumentatibo.
Alalahanin ang isang pagkakataon kung
kailan kinakailangan mong magbigay ng
sariling argumento tungkol sa isang usapin.
Ibigay ang naging paksa ng usapin at kung
ano ang naging posisyon at argumento mo
hinggil dito.
“Huwag matakot na magsalita at
manindigan para sa katapatan at
katotohanan laban sa kawalan ng
hustisya, kasinungalin, at
kasakiman. Kung lahat ng tao sa buong daigdig
ay gagawa nito,, magbabago ang mundo.”

WILLIAM FAULKNER
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

• Isang uri ng teksto na nangangailangan


ipagtanggol ng manunulat ang posisyon sa
isang tiyak na paksa o usapin gamit ang mga
ebidensya mula sa personal na karanasan,
kaugnay na mga literatura at pag-aaral,
ebidensyang kasaysayan at resulta ng
empirikal na pananaliksik.
• Ang empirikal na pananaliksik ay tumutukoy
sa pangongolekta ng datos sa pamamagitan
ng pakikipanayam, sarbey, at
eksperimentasyon.
• Mahalagang tayahin ang bisa ng iyong
argumento.
• Timbangin ang bigat ng mga ebidensya.
• Bumuo ng pamantayan na pagbabatayan ng
konklusyon.
• Panig (claim) - Ang iyong pananaw o paniniwala.
• Dahilan (rationale) - Mga paliwanag na sumusuporta
kung bakit ito pinaniniwalaan.
• Patunay (evidence) - Mga katotohanan (facts),datos,
at halimbawa na magpapatunay at magpapatibay ng
iyong pananaw.
• Argumento (warrant) - Ang pamamaraan kung
paanong ang mga ebidensya ay magdadala sa
awdyens sa panig ng iyong pinaniniwalaan.
MGA ELEMENTO NG
ARGUMENTATIV
• Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa
“Linangan: Wika at Panitikan,” ang
proposisyon ay ang pahayag na inilalahad
upang pagtalunan o pag-usapan. Ito ang
isang bagay na pinagkakasunduan bago
ilahad ang katuwiran ng dalawang panig.
MGA HALIMBAWA NG
PROPOSISYON
• Dapat na isa ang Divorce Bill upang mabawasan
ang karahasan laban sa kababaihan.
• Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang
miyembro nito upang magtrabaho sa ibang
bansa.
• Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral
ang multilingual education kaysa sa bilingual
education.
• Ang pangalawang elemento ay
argumento. Ito ang paglalatag ng mga
dahilan at ebidensya upang maging
makatuwiran ang isang panig.
KATANGIAN AT NILALAMAN NG
MAHUSAY NA TESKTONG
ARGUMENTATIV
• Mahalaga at napapanahong paksa
• Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis
sa unang talata ng teksto
• Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga
bahagi ng teskto
• Maaayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento
• Matibay na ebidensya para sa argumento

You might also like