You are on page 1of 1

Ibat Ibang Uri ng Teksto

Posted by Bokals on Tuesday, January 15, 2013


Labels: Ang Panitikan
Mga Ibat Ibang Uri ng Teksto
1. Informativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga
bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala at
mga bagong informasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos
ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
Halimbawa: mga kasaysayan, mga balita
2. Argumentativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga
posisyong umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na
nangangailangan ng pagtalunan o pagpapaliwanagan.Ang
ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
Halimbawa: mga editorial
3. Persweysiv- Tekstong nangungumbinse o nanghihikayat.
Halimbawa: mga nakasulat na propaganda sa eleksyon, mga
advertisement
4. Narativ- Naglalahad ng magkakasunod-sunod na pangyayari, o
simpleng nagsasalayasay
Halimbawa: mga akdang pampanitikan

5. Deskriptiv- ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng


informasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng
isang tao, lugar, bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay
tumutugon sa tanong na ano.
Halimbawa: mga lathalain, mga akdang pangpanitikan
6. Prosijural- ang isang teksto kung ito ay nagpapakita
at naglalahad ng wastong pagkakasunod-sunod ng hakbang ng
malinaw na hakbang sa pagsasakatuparan ng anumang
gawain. Naglalahad ng wastong pagkakasuno-sunod ng hakbang sa
paggawa ng isang bagay.
7. Nareysyon-ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga
informasyon tumutugon sa mga tanong na paano at kailan.
8. Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga
informasyon tungkol sa pag-aanalays ng mga tiyak na
konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.
9. Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga
tiyak na pinaghanguan ng mga inilalahad na kaalaman. Ang
mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw na tinitiyak
at inilalahad.

https://teksbok.blogspot.com/2013/01/ibat-ibang-uri-ngteksto.html

You might also like