You are on page 1of 13

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO
“Huwag kang matakot na magsalita
at manindigan para sa katapatan
at katotohanan laban sa kawalan
ng hustisya ,kasinungalingan at
kasakiman.Kung lahat ng tao sa
buong daigdig ay gagawa
nito,mababago ang buong mundo”.
William Faulkner
• TEKSTONG ARGUMENTATIBO
-Nangungumbinsi batay sa dato o
impormasyon
-Nakahihikayat dahil sa merito ng
mga ebidensya
-obhetibo
-Nangangailangan ang pagsulat ng
masusing imbestigasyon kabilang
na ang pangongolekta at
ebalwasyon.
• - Isang uri ng teksto na
nangangailangang ipagtanggol ng
manunulat ang posisyon sa isang
tiyak na paksa o usapin gamit
ang mga ebidensya mula sa
personal na karanasan, kaugnay
na literatura at pag-aaral,
ebidensyang kasaysayan at
resulta ng empirikal na
pananaliksik.
Mga Elemento ng Pangangatwiran

1. Proposisyon
ang pahayag na inilahad
upang pagtalunan o pag-usapan .
Hal. Dapat na ipasa ang Divorce Bill
upang mabawasan ang karahasan
laban sa kababaihan.
2. Argumento
ang paglalatag ng mga
dahilan at ebidensya upang
maging makatwiran ang
isang panig.
• KATANGIAN AT NILALAMAN NG MAHUSAY NA
TEKSTONG ARGUMENTATIBO
1. Mahalaga at napapanahong paksa
2. Maikli ngunit malaman at malinaw na
pagtukoy sa tesis sa unang talata ng teksto
• Unang talata = dito ipinaliliwanag ng
manunulat ang konteksto ng paksa sa
pamamagitan ng pagtalakay sa
pangkalahatan. Tinatalakay rin sa bahaging ito
kung bakit kailangang makialam sa isyu ang
mga mambabasa
• Mga Paraan ng Introduksyon: pagbibigay-
impormasyon, estadistika, makabuluhang sipi,
anekdota
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan
ng mga bahagi ng teksto
• Transisyon=ito ang magpapatatag ng
pundasyon ng teksto; nakatutulong ito upang
ibuod ang ideya sa nakaraang bahagi ng
teksto at magbigay ng introduksyon sa
susunod na bahagi
4. Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang
naglalaman ng mga ebidensiya ng argumento.
5. Matibay na ebidensya para sa argumento
• Ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan
ng detalyado, tumpak at napapanahong mga
impormasyon mula sa pananaliksik na
sumusuporta sa kabuuang tesis.
• Iwasan ang paggamit ng wikang
emosyonal, pagtibayin ang ebidensya,
paghusayin ang lohikal na
pangangatuwiran, huwag mag-imbento ng
ebidensiya, banggitin ang pinagmulan ng
mga impormasyon at pagpapatunay,
pagbuo ng balangkas ng kabuuang teksto
upang Makita ang kabuuang daloy ng
pangangatuwiran at kung maayos ang
pagkakaugnay-ugnay nito.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng T.Argumentatibo

1. Pumili ng paksang isusulat na angkop


para sa tekstong argumentatibo.
Halimbawa: Ang pagpapatupad ng K to 12
Kurikulum
2. Itanong sa sarili kung ano ang panig na
nais mong panindigan at ano ang mga
dahilan mo sa pagpanig dito.
3. Mangalap ng ebidensiya. Ito ay ang mga
impormasyon o datos na susuporta sa iyong
posisyon.
4. Gumawa ng burador (draft).
Panimula-Kaligiran-Ebidensyang susuporta
sa posisyon-Counter argument (Ilahad dito
ang iyong mga lohikal na dahilan kung bakit
iyon ang iyong posisyon)-Konklusyon
5. Isulat na ang draft ng iyong t.
Argumentatibo.
6. Basahing muli ang isinulat upang
maiwasto ang mga pagkakamali sa
wika at mekaniks.
7. Muling isulat ang iyong teksto taglay
ng anumang pagwawasto.Ito ang
magiging pinal na kopya.

You might also like