You are on page 1of 19

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO
Layunin
Paggamit ng mabisang paraan ng pagpapahayag sa mga sumusunod:

01 02
Kalinawan Kalinawan

03
Bisa sa reaksyong papel na
isinulat
Ano ang Tekstong Argumentatibo?
Ito ay isang uri ng teksto na nangangailangang ipagtanggol
ng manunulat ang posisyon sa isang tiyak na paksa o
usapin gamit ang mga ebidensya mula sa personal na
karanasan kaugnay na mga literatura, pag-aaral ng
ebidensyang kasaysayan, at resulta ng empirikal na
pananaliksik.
Mga Elemento ng
Pangangatwiran
1. Proposisyon – Ito ay pahayag na
inilalahad para pagatalunan o pag-
usapan.
2. Argumento – Ito ay ang paglalatag
ng mga dahilan at ebidensya para
maging makatuwiran ang isang panig.
Mga Katangian
1. Mahalaga at napapanahong paksa.
2. Maikli pero malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis
sa unang talata ng teksto.
3. Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi
ng teksto.
4. Maayos na pagkasunod-sunod ng talatang naglalaman
ng mga ebidensya ng argumento.
5. May matibay na ebidensya para sa argumento.
Narito ang ilang
mahalagang tanong na
maaaring gamiting gabay
sa pagbabasa ng Tekstong
Argumentatibo:
Tibay ng Argumento
•Ano-ano ang suportang detalye at karagadagang impormasyon ang
ginamit upang talakayin ang bawat ebidensyang binanggit?
•Ano-anong impormasyon batay sa estatistika, pananaliksik, at
karanasan ang ibinigay ng teksto bilang karagdagang detalye sa
pagtalakay ng mga ebidensya?
•Sa ano-anong uri ng sanggunian nagmula ang mga batayang ito?
Nakatulong ba ang mga detalyeng ito na pagtibayin ang mga
natalakay sa ebidensya?
Bisa ng Panghihikayat ng teksto
• Matapos ilahad ang mga ebidensya, muli ba itong
nalagom sa bandang wakas ng teksto?
•Anong reaksyon o aksiyon ang nilalayong makuha mula
sa mambabasa?
• Tagumpay ba ang paggamit ng mga elemento ng
panghihikayat upang makumbinsi ang mga
mambabasa?
Mga kasanayan sa
Tekstong
Argumentatibo:
1) Paggamit ng puwersa o pananakot
(Argumentatum ad Baculum)
Lihis ang ganitong uri ng pangangatuwiran
dahil nawawalan ng katotohanan ang
argumento dahil ang pinagtutunan ay hindi
ang isyu kundi ang kredibilidad ng taong
kausap.
2) Paghingi ng awa o simpatiya
(Argumentatum ad Misericordiam)
Ang pangangatuwiran ay hindi nakasalig sa
katatagan ng argumento kundi sa awa at
simpatiya ng kausap.
3) Batay sa dami ng naniniwala sa
argumento
(Argumentatum ad Numeram)
Ang paninindigan sa katotohanan
ng isang argumento ay batay sa
dami ng naniniwala rito.
4) Batay sa kawalan ng sapat na ebidensya
(Argumentatum ad Igonarantiam)
Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan
dahil hindi pa napatutunayan ang kamailan
nito at walang sapat na patunay kung mali
o tama ang pahayag.
5) Batay sa pagkakaugnay ng dalawang
pangyayari
(Cum Hoc ergo popter Hoc)
Ang pangangatwiran ay batay sa sabay na
pangyayari; ang isa ay dapat dahilan ng isa o
may ugnayang sanhi at bunga agad ang
dalawang pangyayaring ito.
6) Batay sa Pagkakasunod ng mga
Pangyayari
(Past Hoc ergo propter Hoc)
Ang pagmamatuwid ay batay sa
magkakasunod-sunod na pattern ng
mga pangyayari, ang nauuna ay
pinaniniwalaang dahilan ng kasunod na
pangyayari.
7) Walang kaugnayan
(Non Sequitur)
Ang kongklusyon ay walang
lohikal na kaugnayan sa
naunang pahayag.
8) Paikot-ikot na Pangangatuwiran
(Circular Reasoning)
Paulit-ulit ang pahayag at walang
malinaw na punto.
Maraming
Salamat

You might also like