You are on page 1of 14

ARGUMENTATIB O

PANGANGATWIRAN
Ang Argumentatib ay isang makatwiran
at lohikal na paraan ng paglalahad ng
manunulat ng kanyang
panig,paniniwala,at kongklusyon ng
isang isyu.
Sa simula ay ilalahad ng manunulat
ang kanyang paniniwalaan at kasunod
nito ay ng paghahanay ng mga
impormasyong nagsisilbing
ebidensya.Mahalagang mabigyang linaw
ng manunulat ang kanyang
paniniwalaan at maghanap ng matibay
na ebidensya.
Ang layunin ng argumentatibong
pahayag ay upang baguhin ang
takbo ng pag-iisip ng mambabasa
at hikayatin silang kumilos o
tanggapin ang kanyang paliwanag
tungkol sa isang suliranin o
konsepto.
Upang magkaroon ng matibay na
argumentasyon,mahalagang
isaalang-alang ang istruktura ng
argumento

1.Malinaw at maikling tesis na


pangungusap na matatagpuan sa unang
talata sa teksto.
2.Malinaw at lohikal na transisyon
mula sa panimulang talata,tungo sa
katawan ng teksto hanggang sa
pangwakas na talata.
3.Ang bawat talata sa katawang
bahgi ng teksto ay dapat na
nagtataglay ng mga ebidensya.
4.Isang kongklusyon na di lamang
muling ipinapahayag ang tesis
bagkus inilalahad ang mahahalagang
punto ng buong a rgumento.
Hakbang tungo sa pagbuo ng isang
matagumpay na tekstong argumentatib.

1.Pumili ng panig kaugnay ng


paksa.Basahing mabuti ang paksa at
unawain ito.Matapos ay pumili ng
papanigan.Isulat ang iyong pinakadahilanan
ng pagpili ng panig.Ito ang magsisilbing
paunang tesis ng pangungusap.
2.Mabagyuhang isip(Brainstorming) ng
mga dahilang susuporta sa iyong
opinion.
3.Isulat ang bawat paksang
pangungusap.
4.Buuin ang tekstong argumentatib
gamit ang nabuong balangkas.
Tandaan ang mga bagay na
makakatulong sa pagbuo ng isang
matibay na tekstong argumentatib.

Mga mabubuting tandaan


*Gumamit ng salitang may impak
*Banggitin ang mga taong kinikilala sa
paksa na may paniniwalang katulad ng
paniniwala mo.
*Maglahad ng ebidensya at mga estadistika
upang mapatibay ang panig.
*Maglahad ng dahilan bilang suporta sa
iyong paniniwala.
*Pabulaanan ang paniniwala ng katunggali
sa pamamagitan ng paggamit ng counter-
argument kung hindi makatwiran ang
kanilang paniniwala.
Maaaring Iwasan
*Gumamit ng katagang mahina tulad ng
“Naniniwala ako” sa palagay ko.
*Huwag umastang eksperto sa larangan kung
hindi naman talaga at kung kulang sa
ebidensya.
*Huwag bumatay sa mga usaping moral o
pananaw ng simbahan upang pagtibayin ang
iyong panindigan.
*Huwag agad isiping maniniwala ang
iyong mambabasa sa ano mang
aspekto ng iyong panangangatwiran.
*Huwag titirahin ang personalidad ng
katunggali bagkus ituon lamang ang
pangangatwiran sa isyu.
THANK YOU

You might also like