You are on page 1of 10

TEKSTONG

ARGUMENTATIBO
TEKSTONG ARGUMENTATIBO

Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto na ang pangunahing


layunin ay makapaglahad ng katuwiran. Sa tekstong ito, ang manunulat ay
kailangang maipagtanggol ang kaniyang posisyon sa paksa o isyung pinag-
uusapan.
MGA URI NG
ARGUMENTATIBO
A. PASAKLAW (DEDUCTIVE)
-Nagsisimula sa malawak na kaisipan at iisa-isahin ang mga maliliit o tiyak na kaisipan
bilang suporta sa pahayag.

B. PABUOD (INDUCTIVE)

-Nagsisimula sa mga halimbawa o maliliit na kaisipan at magwawakas sa paglalahat.


MGA PARAAN UPANG MAKAKUHA NG MGA
EBIDENSIYA

1. Survey o Sarbey
- binubuo ng mga tanong na may kaugnayan sa paksang pag-aaralan at kaalaman sa saloobin o pananaw ng mga
partikular
na taga-tugon.

2. Pagmamasid
- tumitingin sa kasalukuyang gawi o kilos ng napiling paksa.

3. Paggamit ng Opinyon
- personal ang panghuhusga, pagtataya, paniniwala, ideya , at kaisipan.
4. Lohikal na Pangangatwiran
- lohikal ang ginagamit sa pagbibigay ng makatuwirang konklusyon sa proposisyong ipinahahayag ng isang manunulat.
MGA KATANGIAN NG MABISANG
TEKSTO
Mahalaga at napapanahong paksa
-sa pagpili ng paksa, mahalaga na isaalang- alang ang kahalagahan at kasalukuyang isyu upang maging interesado ang mga

mambabasa rito.
Maikli ngunit malaman at malinaw na pagtukoy sa tesis sa anumang talata ng teksto
- ang manunulat ay nagpapaliwanag sa unang talata kung paano mailalagay ang konteksto ng paksa at kung bakit mahalaga
ito.
 Malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto
- mahalagang magkaroon ng malinaw at lohikal na transisyon sa pagitan ng mga bahagi ng teksto upang maipakita ang
maayos
na pagkakaayos ng kaisipan.
 Maayos na pagkakasunod-sunod ng talatang naglalaman ng mga ebidensya ng
argumento
- ang bawat talata ay dapat nakatuon sa iisang pangkalahatang ideya lamang at kailangan itong maikli ngunit malaman
para mas madaling maunawaan ng mambabasa.

 Matibay na ebidensiya para sa argumento


- ang tekstong argumentatibo ay nangangailangan ng detalyado, tumpak at napapanahong mga impormasyon mula sa
pananaliksik na susuporta sa kabuuang tesis.
MGA GABAY SA PAGSULAT NG TEKSTO

Piliin ang isang malinaw at konkretong tesis


Magsagawa ng malalim na pagsasaliksik
Organisahin ang iyong mga argumento
Gamitin ang lohikal na pagsusuri
Makisama sa mga posibleng kritisismo
Gamitin ang persuweysibong mga estratehiya
HALIMBAWA NG ARGUMENTATIBONG TEKSTO

• “Marami akong kakilalang malakas uminom ng Coke pero wala silang diabetes kaya
naman hindi ako naniniwalag masama ito sa kalusugan.”

• “Ako ang inyong iboto dahil tulad ninyo ay isa lamang akong anak-mahirap. Inaalipusta
at minamaliit ako ng aking mga kalaban. Ang gusto ko lang naman ay maglingkod. Ako
lamang ang nakakaunawa sa kalagayan ninyo ngunit patuloy ang paninira nila sa akin ng
mga bagay na walang katotohanan.”

You might also like