You are on page 1of 19

PAGSULAT NG IBA’T IBANG URI

NG LAGOM O BUOD

SINTESIS
ABSTRAK
BIONOTE
FILIPINO 12 FILIPINO SA PILING LARANG
INIHANDA NI: BB. NERISSA QUESADA
PAGBUBUOD

• Ang buod ay tala ng isang indibidwal, sa sarili


niyang pananalita, ukol sa kanyang mga
narinig o nabasang artikulo, balita, aklat,
panayam, isyu, usap-usapan, at iba pa.
• Sa paaralan, karaniwang ginagawan ng buod
ang mga kuwentong binasa, balitang
napakinggan, isyung tinutukan, pananaliksik
na pinag-aralan, palabas na sinubaybayan,
pelikulang pinanood, o liksyong pinakinggan.
PANGANGAILANGAN SA
PAGBUBUOD
Swales at Feat (1994)

• Kailangang ang isang buod ay


tumatalakay sa kabuuan ng
orihinal na teksto.
• Kailangang nailahad ang sulatin
sa pamamaraang nyutral o
walang kinikilingan.
• Kailangang ang sulatin ay
pinaiksing bersyon ng orihinal at
naisulat ito sa sariling
pananalita ng gumawa.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD

• Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng


orihinal na teksto.
• Hindi nagbibigay ng sariling ideya at
kritisismo.
• Hindi nagsasama ng mga halimbawa,
detalye, o impormasyong wala sa
orihinal na teksto.
• Gumagamit ng mga susing salita.
• Gumagamit ng sariling pananalita ngunit
napananatli ang orihinal na mensahe.
MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD
1. Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga
mahahalagang punto at detalye.
2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga
katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag
sa bawat ideya.
3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkasunod-sunod
ng mga ideya sa lohikal na paraan.
4. Kung gumamit ng unang panuhan (hal. ako) ang
awtor, palitan ito ng kanyang apelyido, ng
manunulat, o siya.
5. Isulat ang buod.
SINTESIS

• Pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang


paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o
higit pang mga akda o sulatin.
• Ang sintesis ay may kaugnayan, ngunit hindi
katulad ng klasipikasyon, dibisyon, komparison,
o kontrast.
• Ito kung gayon ay isang sulating maayos at
malinaw na nagdurugtong sa mga ideya mula sa
maraming sangguniang ginagamit ang sariling
pananalita ng sumulat.
(Warwick, 2011)
ANYO NG SINTESIS
Explanatory Synthesis ay isang sulating naglalayong tulungan ang
nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na
tinatalakay.
Ipinaliliwanag ang paksa sa pamamagitan ng paghahatid sa paksa
sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito sa isang malinaw at
maayos na pamamaraan.
Gumagamit ito ng deskripsyon o mga paglalarawan na muling
bumubuo sa isang bagay, lugar, o mga pangyayari at kaganapan.
Hindi hinahangad ng sintesis na ito na magdiskurso salungat sa
isang partkular na punto kundi naglalayon itong mailahad ang
mga detalye at katotohanan sa isang paraang obhektibo.
ANYO NG SINTESIS
Argumentative Synthesis ay may layuning maglahad
ng pananaw ng sumusulat nito. Sinusuportahan ang
mga pananaw na ito ng mga makatotohanang
impormasyon na hango sa iba’t ibang mga
sanggunian na nailahad sa paraang lohikal.
Karaniwang pinupunto ng pagtalakay sa ganitong
anyo ng sintesis ang katotohanan, halaga, o
kaakmahan ng mga isyu at impormasyong kaakibat
ng paksa.
MGA URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY
SINTESIS

1. Background synthesis. Ito ay isang uri ng sintesis na


nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang
impormasyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong
inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian.

2. Thesis-driven synthesis. Halos katulad lamang ito ng


background synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa
pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang
simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang
kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga
punto sa tesis ng sulatin.
MGA URI AT KATANGIAN NG MAHUSAY
SINTESIS

3. Synthesis for the literature. Ginagamit ito sa mga sulating


pananaliksik. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik
ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang
literatura ukol sa paksa. Upang maipakita ang malawak na
kaalaman sa paksa, kailangang magkaroon ng sintesis ng mga
literaturang kaugnay ng pag-aaral ang isang papel pananaliksik.
Halos katulad lang din ito ng background synthesis. Ang
pagkakaiba lamang, ang uri ng sintesis na ito ay tumutuon sa
mga literaturang gagamitin sa pananaliksik na isinasagawa.
Karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian
ngunit maaari rin namang ayusin ito batay sa paksa.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT SINTESIS

1.Linawin ang layunin sa pagsulat.


2.Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa
layunin at basahin nang mabuti ang mga ito.
3.Buuin ang tesis ng sulatin.
4.Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
5.Isulat ang unang burador.
6.Ilista ang mga sanggunian.
7.Rebisahin ang sintesis.
8.Isulat ang pinal na sintesis.
ABSTRAK
• Ang abstrak ay maikling buod ng
artikulong nakabatay sa pananaliksik,
tesis, rebyu, o katitikan ng
komperensya.
• Maaari rin itong maging buod ng ano
mang malalalimang pagsusuri ng iba’t
ibang paksa na nagagamit ng
mambabasa upang madaling
maunawaan ang nilalaman at layunin
ng sulatin. Kung minsan ay tinatawag
ding sinopsis o presi ng ibang
publikasyon ang abstrak.
URI NG ABSTRAK
May tatlong uri ng abstrak: Impormatibo, Deskriptbo at Kritikal.

Ibinabatay sa kahingian ng isang akademikong journal kung


anong uri ng abstrak ang kailangang gawin para sa iba’t ibang
pananaliksik.

Pinakakaraniwan ang isang Impormatibong Abstrak. Hindi ito


kasing-haba ng kritikal na abstrak ngunit hindi rin naman kasing-
ikli ng deskriptibong abstrak.

Ang isang Impormatibong abstrak ay naglalaman na ng halos


lahat ng mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng
pananaliksik. Maaari na itong makapag-isa sapagkat nagbibigay
na ito ng buong ideya sa lalamanin ng pananaliksik.
URI NG ABSTRAK
Ang deskriptibong abstrak naman ay
mas maikli (kadalasang nasa 100 salita
lamang) kaysa sa impormatibong abstrak
(naglalaman ng malapit sa 200 salita).

Naglalaman lamang ito ng suliranin at


layunin ng pananaliksik, metodolohiyang
ginamit at saklaw ng pananaliksik ngunit
hindi tinatalakay ang resulta, konklusyon
at mga naging rekomendasyon ng pag-
aaral. Sapagkat hindi buo ang
impormasyong
ibinibigay tungkol sa pananaliksik, mas
lalong kailangang basahin ang buong
artikulo.
URI NG ABSTRAK

Ang kritikal na abstrak naman


ang pinakamahabang uri ng
abstrak sapagkat halos kagaya
na rin ito ng isang rebyu. Bukod
sa mga nilalaman ng isang
Impormatibong abstrak,
binibigyang-ebalwasyon din nito
ang kabuluhan, kasapatan at
katumpakan ng isang
pananaliksik.
BIONOTE
• Sulating nagbibigay ng mga impormasyon
ukol sa isang indibidwal upang
maipakilala siya sa mga tagapakinig o
mambabasa.
• Binibigyang-diin ng bionote ang mga
bagay-bagay tulad ng edukasyon, mga
parangal o nakamit, mga paniniwala at
mga katulad na impormasyon ukol sa
ipinakikilalang indibidwal hindi lamang
upang ipabatid ito sa mga mambabasa o
tagapakinig, kundi upang
pataasin din ang kanyang kredibilidad.
• Volatile o maaring mabilis magbago.
BAKIT KAILANGAN NG
BIONOTE?

1. Aplikasyon sa trabaho;
2. Paglilimbag ng mga artikulo aklat, o
blog;
3. Pagsasalita sa mga pagtitipon; at
4. Pagpapalawak ng network propesyonal.
htp//www.theundercoverrecruiter.com
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG BIONOTE

1.Balangkas sa pagsulat.
2.Haba ng bionote
Tatlong uri ng Bionote ayon sa haba: Brogan (2014)
micro-Bionote – halimbawa: social media at business card
maikling bionote - bionote ng may-akda sa isang aklat
mahabang bionote – pagpapakilala sa natatanging panauhin

3.Kaangkupan ng nilalaman.
4.Antas ng pormalidad ng sulatin.
5.Larawan.
MGA HAKBANG SA
PAGSULAT NG BIONOTE

1. Tiyakin ang layunin.


2. Pagdesisyonan ang haba ng susulating bionote.
3. Gamitin ang ikatlong panauhang perspektib.
4. Simulan sa pangalan.
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan.
6. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay.
7. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye.
8. Isama ang contact information.
9. Bahasahin at isulat muli ang bionote.
(Brogan , 2014; Hummel, 2014)
 

You might also like