You are on page 1of 21

Buod/Sintesis,

Abstrak at
Bionote
MODYUL 3
Balik – Aral
1.) Magbigay ng katangian ng Akademikong
Pagsulat?

2.) Magbigay ng anyo ng Akademikong Pagsulat?


LAYUNIN

Nalalaman ang Nauunawaan


Nakasusunod sa Nakasusulat ng
kahulugan, ang kahulugan,
istilo at teknikal na isang abstrak
kalikasan at kalikasan at pangangailangan ng batay sa isang
katangian ng katangian akademikong sulatin pananaliksik
abstrak. abstrak.
Paraan ng Pagluluto ng Adobong Baboy
• Lagyan ng suka, asin at asukal. Depende ang dami sa inyong panlasa.

• Isalang ang magkakahalong karne ng baboy, toyo, bawang, sibuyas at


paminta. Lutuin sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ang karne.

• Dagdagan ng tubig at toyo kung nais mong mas may sabaw.

• Pwede nang ihain ang classic adobong baboy.

• Pakuluin lang at ayos na.

• I-marinade ang karne ng baboy sa pinaghaluhalong toyo, bawang,


sibuyas, at paminta sa loob ng 30 minuto o higit pa.
Paraan ng Pagluluto ng Adobong Baboy
I-marinade ang karne ng baboy sa pinaghaluhalong toyo, bawang, sibuyas,
at paminta sa loob ng 30 minuto o higit pa.

2. Isalang ang magkakahalong karne ng baboy, toyo, bawang, sibuyas at


paminta. Lutuin sa mahinang apoy hanggang sa lumambot ang karne.

3. Dagdagan ng tubig at toyo kung nais mong mas may sabaw.

4. Lagyan ng suka, asin at asukal. Depende ang dami sa inyong panlasa.

5. Pakuluin lang at ayos na.

6. Pwede nang ihain ang classic adobong baboy.


KAHULUGAN NG ABSTRAK
⮚ Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng akademikong
papel gaya ng tesis, scientific paper, teknikal, lektyur at
report.
⮚ Mahalagang akademikong sulatin ang papel - pananaliksik.
Tumutugon ito sa mga partikular na suliranin at nakatuon ito
sa pag-aambag ng bagong kaalaman hinggil sa isang paksa.
DESKRIPTIBO IMPORMATIBO

• Inilalarawan sa mga • Binibigyang


mambabasa ang kaalaman ang mga
pangunahing ideya ng mambabasa sa lahat
pananaliksik. ng punto ng
pananaliksik.
• Kabilang ang • Nilalagom ang
background, layunin at background, layunin,
pokus ng papel ngunit pokus, pamamaraan,
hindi kabilang ang resulta at
metodolohiya, resulta at kongklusyon.
kongklusyon.
NILALAMAN NG ABSTRAK
1.) Layunin ng pananaliksik.

2.) Suliranin ng pananaliksik.

3.) Disenyo ng pananaliksik. lsdRK


4.) Resulta ng pananaliksik.

5.) Kongklusiyon ng pananaliksik.


Pamantayan sa pagsulat ng abstrak
1.) Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay ay dapat makikita sa
kabuon ng papel; ibig sabihin, hindi maaring mag lagay ng mga kaisipan
o datos na hindi binanggit sa ginawang pag – aaral o sulatin.

2.) Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak


sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag ng
magiging dahilan upang humaba ito.

3.) Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak.


Pamantayan sa pagsulat ng abstrak
4.) Dapat ito ay naka dobleng espasyo.
5.) Gumamit ng malinaw at direktang mga pangungusap.
6.) Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing
kaisipan at hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
7.) Gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan
ng babasa ang pangkalahatang tanaw.
8.) Maaaring maglaman ng 100 – 200 na salita.
Batay sa isinagawang
talakayan, paano makatutulong
sa isang bagong mananaliksik
ang pagbasa ng abstrak?
LAYUNIN

Nalalaman ang Nauunawaan


Nakikilala ang
kahulugan, ang kahulugan,
kalikasan at Nakasusulat ng
kalikasan at kalikasan at
katangian ng isang
katangian ng katangian ng
buod/sintesis, akademikong
buod/sintesis, buod/sintesis,
abstrak, at sulatin.
abstrak, at abstrak, at
bionote.
bionote. bionote.
KAHULUGAN NG BUOD

⮚ Ang buod ay tala ng isang indibidwal, sa sarili


niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig
o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam,
isyu, usapusapan, at iba pa. Ibig sabihin,
maaaring magsulat o magpahayag ng buod ng
isang nakasulat na akda o ng oral na pahayag.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA BUOD
1.) Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto.

2.) Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo.

3.) Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala


sa orihinal na teksto.

4.) Gumagamit ng mga susing salita.

5.) Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napananatili ang orihinal na


mensahe.
MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD
1.) Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang
punto at detalye.
2.) Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at
ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya.
3.) Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
sa lohikal na paraan.
4.) Kung gumamit ng unang panauhan ang awtor, palitan ito ng kanyang
apelyido, ng Ang manunulat, o siya.
5.) Isulat ang buod.
KAHULUGAN NG SINTESIS
⮚ Uri ng lagom na kalimiting ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, tula,
parabula, talumpati at iba pang genre ng panitikan.

⮚ Ang sintesis ay mula sa salitang griyego na syntithenai. Ang


syn ay nangangahulugang kasama o magkasama habang ang
tithenai nangangahulugang ilagay o sama-samang ilagay.
KATANGIAN NG SINTESIS
1.) Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit
ng iba’t ibang estruktura ng pagpapahayag.

2.) Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling


makikita ang mga impormasyong nagmumula sa iba’t ibang
sangguniang ginamit; at

3.) Napagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at


napalalalim nito ang pag - unawa ng nagbabasa sa mga akdang
pinagugnay - ugnay.
HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS
1.) Linawin ang layunin sa pagsulat
2.) Pumili ng mga naaayong sanggunian batay sa layunin at basahin
nang mabuti ang mga ito.
3.) Buuin ang tesis ng sulatin.
4.) Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin. LPBBIIRI
5.) Isulat ang unang burador.
6.) Ilista ang mga sanggunian.
Labas Pasok
7.) Rebisahin ang sintesis. BaBy IIRI
8.) Isulat ang pinal na sintesis
KAHULUGAN NG BIONOTE
⮚ Uri ng lagom sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Ginagamit ito sa pagsulat ng bio – data at resume.

⮚ Ang bionote ay isang maikling sulatin gamit ang ikatlong


panauhan kung saan ipinakikilala ang isang personalidad
batay sa kanyang propesyonal na katangian o kwalipikasyon
at larangang kinabibilangan.
KATANGIAN NG BIONOTE
1.) Maiksi ang nilalaman.
2.) Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw.
3.) Kinikilala ang mambabasa.
4.) Gumagamit ng baligtad na tatsulok.
5.) Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian.
6.) Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.
• Pangalan
• Hanapbuhay at Institusyong Kinabibilangan
• Edukasyon
• Mga Karangalan at Pagkilala
• Mga Publikasyon o Aktibidad na may kinalaman sa propesyon
• Larangang kinabibilangan
KATANUNGAN?

You might also like