You are on page 1of 79

ANG PAGLALAGOM

LAYUNIN
• Nakapagpapahayag ng
dating kaalaman sa
paglalagom

• Nasusuri ang kahulugan,


katangian, layunin at gamit
ng iba’t ibang uri ng
paglalagom
LAYUNIN
• Nakapagpapahayag ng pananaw sa
mga bagay na dapat tandaan sa
pagsulat ng iba’t ibang uri ng lagom
at kung paano ito maiuugnay sa
mahahalagang bagay sa buhay

• Nakasusulat ng isang uri ng lagom


batay sa sariling interes
PAGLALAGOM

• Pinasimple at
pinaikling
bersiyon ng
isang sulatin o
akda
PAGLALAGOM
• Mahalagang makuha ng sino
mang bumabasa o nakikinig
ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa paksang
nilalaman ng sulatin o akda.
PAGLALAGOM

Iba pang kasanayang nahuhubog


habang nagsasagawa ng
paglalagom:
1. Natututuhan ang pagtitimbang-
timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa binabasa.
PAGLALAGOM

*tandaan na sa pagsulat
ng lagom, mahalagang
matukoy ang
pinakasentro o
pinakadiwa ng akda o
teksto.
PAGLALAGOM

2. Matutuhan niyang
magsuri ng nilalaman
ng kaniyang binabasa.
PAGLALAGOM
*natutukoy ang mga
kaisipang dapat bigyan
ng malalim na pansin at
kung alin ang hindi
gaanong importante.
PAGLALAGOM

3. Nahuhubog ang
kasanayan ng mga mag-
aaral sa pagsulat partikular
sa tamang paghahabi ng
mga pangungusap sa talata.
PAGLALAGOM

Mahalagang ito ay….

✓MALINAW
✓HINDI MALIGOY
PAGLALAGOM

4. Ito ay nakatutulong sa
pagpapaunlad o
pagpapayaman ng
bokabularyo.
PAGLALAGOM

*sa pagsulat nito ay


importanteng makagamit
ng mga salitang angkop sa
nilalaman ng tekstong
binubuod.
PAGLALAGOM

Bukod sa ito ay
makatutulong sa mag-aaral
at sa edukasyon ay kapaki-
pakinabang din ito sa
negosyo at propesyon.
PAGLALAGOM

Sa bilis ng takbo ng
pamumuhay sa
kasalukuyan, ang mga tao
ay…

NAGMAMADALI
PAGLALAGOM

Bilang paghahanda sa
totoong buhay ng
propesyon at pagtatrabaho,
mahalagang matutuhan mo
ang iba’t ibang uri ng lagom.
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK
✓ isang uri ng lagom na
karaniwang ginagamit sa
pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel na
siyentipiko at teknikal, lektyur,
at mga report.
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK

✓maikling buod ng
artikulong nakabatay
sa pananaliksik,
tesis, rebyu o
katitikan ng
komperensya
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK

✓buod ng ano mang malalimang


pagsusuri ng iba't ibang paksa

✓inilalagay sa unahang bahagi ng


manuskrito
KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK

…sinasalamin ng abstrak ang


kabuoan ng iyong papel.

Nakasaad dito ang…


KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK

▪kahalagahan ng iyong pag-aaral


▪ano ang iyong ginamit na
kaparaan para sa iyong pag-aaral
▪ano ang mga maghahalagang
resulta na iyong natuklasan at ano
ang iyong natuklasan sa pag-aaral.
ABSTRAK
Uri ng Abstrak

Deskriptibo Kritikal
Impormatibo
Impormatibong ABSTRAK
✓Pinakakaraniwan
✓hindi ito kasing haba
ng kritikal na abstrak
ngunit hindi rin naman
kasing-ikli ng
deskriptibong abstrak
Impormatibong ABSTRAK
✓(200 salita)
✓naglalaman ng lahat
ng mahahalagang
impormasyong
matatagpuan sa loob
ng pananaliksik
Impormatibong ABSTRAK
suliranin pagdulog at
Motibasyon pamamaraan
Impormatibong
ABSTRAK

konklusyon resulta
Deskriptibong ABSTRAK
✓mas maikli (100 salita)
✓suliranin at layunin ng
pananaliksik, metodolohiyang
ginamit at saklaw ng
pananaliksik
Deskriptibong ABSTRAK

✓hindi tinatalakay ang


resulta, kongklusyon at mga
naging rekomendasyon ng
pag-aaral
Kritikal na ABSTRAK

✓pinakamahabang uri ng abstrak


✓bukod sa impormatibong
abstrak, binibigyang ebalwasyon
din nito ang kabuluhan, kasapatan
at katumpakan ng isang
pananaliksik
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
ABSTRAK

1. Lahat ng mga detalye o o kaisipang


ilalagay rito ay dapat na makikita sa
kabuoan ng papel
*hindi maaaring maglagay
ng mga kaisipan o datos na
hindi binanggit sa ginawang
pag- aaral o sulatin.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng ABSTRAK

2. Iwasan ang paglalagay ng statistical


figures o table sa abstrak
*hindi ito
nangangailangan ng
deyalyadong
pagpapaliwanag na
magiging dahilan para
humaba ito.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng ABSTRAK

3. Gumamit ng mga simple,


malinaw, at direktang mga
pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng ABSTRAK

4. Maging obhetibo sa
pagsulat. Ilahad lamang ang
mga pangunahing kaisipan at
hindi dapat ipaliwanag ang
mga ito.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng ABSTRAK

5. Higit sa lahat ay gawin itong maikli


ngunit komprehensibo

*mauunawaan ng babasa
ang pangkalahatang
nilalaman at nilalayon
ng pag-aaral na ginawa.
Mga hakbang sa pagsulat ng
ABSTRAK

1. Basahing Mabuti at pag-


aralan ang papel o
akademikong sulatin na
gagawan ng abstrak.
Mga hakbang sa pagsulat ng ABSTRAK

2. Hanapin at isulat ang mga


pangunahing kaisipan o ideya ng
bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon, kaugnay na
literature, metodolohiya, resulta
at konklusyon.
Mga hakbang sa pagsulat ng ABSTRAK
3. Buoin gamit ang mga talata,
ang mga pangunahing kaisipang
taglay ng bawat bahagi ng
sulatin. Isulat ito ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga
bahaging ito sa kabuoan ng mga
papel.
Mga hakbang sa pagsulat ng ABSTRAK

4. Iwasang maglagay ng mga


ilustrasyon, graph, table, at
iba pa maliban na lamang
kung sadyang kinakailangan.
Mga hakbang sa pagsulat ng ABSTRAK

5. Basahing muli ang ginawang


abstrak. Suriin kung may
nakaligtaang mahahalagang
kaisipang dapat isama rito.

6. Isulat ang pinal na sipi nito.


Halimbawa ng ABSTRAK
[ABSTRAK] Kaloka, Keri, Bongga:
Pakahulugan at Pahiwatig ng Gay
Language sa mga Piling Pelikula ni Vice
Ganda
Generoso Pamittan, Jr., Chari Amado,
Victoria Amante, and Feorillo P.A.
Demeterio III
Halimbawa ng ABSTRAK
Gamit ang balangkas ng pragmatics at ng cooperative
principle at conversational maxims ni Grice (2012), hinimay
ng papel ang kontekstuwal na kahulugan at epekto sa
naratibo at karakterisasyon ng gay language na ginamit sa
mga piling pelikula ni Vice Ganda. Siniyasat din ng papel ang
sosyo-kultural-politikal na implikasyon ng gay language na
nahayag sa gampanin at imahen ng baklang nagsasalita ng
gay language, at kung paano nito nasasalamin ang tunay na
katayuan at kalalagyan ng bakla sa heteronormatibong
lipunan.
Halimbawa ng ABSTRAK
Lumitaw sa pagsusuri na hindi man naipapahiwatig ang uri o
estado sa lipunan ng mga bakla sa paggamit ng gay language,
nasasalamin nito ang karanasan, kultura, at larangang
kinabibilangan ng bakla. Bukod dito, litaw man ang tatak ng
humor at personalidad ni Vice Ganda at kadalasan mang nasa
modo ng pagpapatawa ang paggamit ng gay language, hindi
maitatanggi na may higit na malalim na kahulugan at
kabuluhan ang lengguwahe sa gitna ng pagsasantabi sa mga
bakla ng lipunan.
Kahulugan at Katagian ng
SINOPSIS/BUOD

❖tala ng isang indibidwal sa


sarili niyang pananalita ukol sa
kaniyang mga narinig o
nabasang artikulo, balita, aklat,
panayam, isyu, usap-usapan at
iba pa
Kahulugan at Katagian ng SINOPSIS/BUOD

❖ isang uri ng lagom na kalimitang


ginagamit sa mga akdang nasa
tekstong naratibo tulad ng
kuwento, salaysay, nobela, dula,
parabula, talumpati at iba pang
anyo ng panitikan.
Kahulugan at Katagian ng SINOPSIS/BUOD

• maaaring buoin ng isa o higit o


maging ng ilang pangungusap lamang.
• Sa pagbuo ng sinopsis, mahalagang
maibuod ang nilalaman ng binasang
akda gamit ang sariling salita.
Pangangailangan sa pagsulat ng BUOD

(Swales at Feat, 1994)


1. tumatalakay sa kabuoan ng
orihinal na teksto

2. nailahad ng sulatin sa
pamamaraang nyutral o walang
kinikilingan
Pangangailangan sa pagsulat ng
BUOD

3. pinaiksing bersyon ng
orihinal at naisulat ito sa
sariling pananalita
katangian ng mahusay na
SINOPSIS/BUOD

1. nagtataglay ng obhetibong
balangkas ng orihinal na
teksto

2. hindi nagbibigay ng
sariling ideya at kritisismo
katangian ng mahusay na
SINOPSIS/BUOD

3. hindi nagsasama ng mga


halimbawa, detalye o impormasyong
wala sa orihinal na teksto

4. gumagamit ng mga susing salita


katangian ng mahusay na
SINOPSIS/BUOD

5. gumagamit ng sariling
pananalita ngunit
napananatili ang orihinal na
mensahe
Mga Hakbangin sa pagbuBUOD

1. habang binabasa ang akda,


salungguhitan ang
mahahalagang punto at
detalye
Mga Hakbangin sa pagbuBUOD

2. ilista o igrupo pangunahing


ideya, ang mga katulong na
ideya, at ang pangunahing
paliwanag sa bawat ideya
Mga Hakbangin sa pagbuBUOD

3. ayusin ang
pagkakasunud-sunod ng
mga ideya sa lohikal na
paraan
Mga Hakbangin sa pagbuBUOD

4. kung gumamit ng unang


panauhan ang awtor, palitan ito
ng kaniyang apelyido, ng Ang
manunulat, o siya
Mga Hakbangin sa pagbuBUOD

5. Isulat sa sariling
pangungusap at huwag lagyan
ng sariling opinyon o kuro-kuro
ang isinusulat.
6. Ihanay ang ideya ayon sa
orihinal.
Mga Hakbangin sa pagbuBUOD

7. Basahin ang unang ginawa,


suriin, at kung mapaikli pa ito
nang hindi nababawasan ang
kaisipan ay lalong magiging
mabisa ang isinulat na buod.
HALIMBAWA NG SINOPSIS/BUOD
ALIBUGHANG ANAK

May isang amang may dalawang anak. Kinuha ng bunsong ang anak ang mana
nito at kanyang ginugol sa mga makamundong gawain. Dumating ang panahon na
naubos ang lahat ng kayamanang minana niya at lubos siyang naghirap at nagdalita
at namuhay ng masahol pa sa katayuhan ng mga alipin sa kanilang tahanan. Dahil sa
mga hirap at sakit na kanyang naransan, napagtanto niya ang kanyang masasamang
ginawa. Nagpasiya siyang bumalik sa kanyang ama, nagpakumbaba, at humingi ng
tawad. Dahil sa labis na pagmamahal ng ama sa anak, buong puso niya itong
tinanggap, at hindi lang ito, ipinagdiwang pa ang kaniyang pagbabalik na ikinasama
ng loob ng panganay na kapatid dahil ni minsan ay hindi niya naranasang ipaghanda
ng pidging ng kanyang ama. Subalit siya ay inalo ng kanyang ama at ipinaliwanag na
siya ay lagi niyang kapiling at lahat ng ari-arian niya ay para sa kanya. Subalit ang
bunsong anak na umalis ay itinuring nang patay ngunit muling nabuhay, na wala,
ngunit muling nasumpungan.
BIONOTE
• ay isang maikling
impormatibong sulatin
(Karaniwan isang talata
lamang) na naglalahad ng mga
klasipikasyon ng isang indibwal
at ng kaniyang kredibilidad
bilang propesyunal.
Kahulugan ng BIONOTE

•Taglay nito ang


pinakamaikling buod ng
mga tagumpay, pag-aaral,
pagsasanay ng may akda.
Kahulugan ng BIONOTE
*Ayon kay Duenas at Sanz (2012),
ang bionote ay tala sa buhay ng
isang tao na naglalaman ng buod ng
kanyang academic career na
madalas ay makikita o mababasa sa
mga journal, aklat, abstrak, ng mga
sulating papel, web sites, at iba pa.
Kahulugan ng BIONOTE

Madalas nasa…

✓Aklat o artikulo
✓Pagdalo sa mga workshops
✓Journal
Kahulugan ng BIONOTE

✓ Pananaliksik
✓Pag-apply sa Scholar
✓Blog at websites
Layunin ng BIONOTE
✓Maipakilala ang sarili sa madla sa
pamamagitan ng pagbanggit ng
mga personal na imporasyon
tungkol sa sarili at maging ng mga
nagawa o ginagawa sa buhay.
Layunin ng BIONOTE

✓Ipakilala ang sarili para


sa isang propesyonal na
layunin.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
BIONOTE
1. Sikaping maisulat lamang ito nang
maikli.

2. Magsimula sa pagbanggit ng mga


personal na impormasyon o detalye
tungkol sa iyong mga interes
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
BIONOTE

3. Isulat ito gamit ang ikatlong


panauhan upang maging litaw na
obhetibo ang pagkakasulat nito.

4. Gawing simple ang pagkakasulat


nito.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
BIONOTE

5. Basahing muli at muling


isulat ang pinal na sipi ng
iyong bionote.
Dalawang Katangian ng
BIONOTE

1. Maikling tala ng may-akda

2. Mahabang tala ng may-akda


Dalawang Katangian ng
BIONOTE
1. Maikling tala ng may-akda
✓Ginagamit para sa journal
at antolohiya
✓Maikli ngunit siksik sa
impormasyon
Dalawang Katangian ng BIONOTE

Nilalaman nito ay ang mga


sumusunod:
• Pangalan ng may-akda
• Pangunahing Trabaho
• Edukasyong natanggap
• Akademikong parangal
Dalawang Katangian ng BIONOTE

Nilalaman nito ay ang mga


sumusunod:
• Dagdag na Trabaho
• Organisasyon na kinabibilangan
• Tungkulin sa Komunidad
• Mga proyekto na iyong ginagawa
Dalawang Katangian ng BIONOTE
2. Mahabang tala ng may-akda
✓Mahabang prosal ng isang
Curriculum vitae
✓Karaniwan ito ay naka dobleng
espasyo
Dalawang Katangian ng
BIONOTE
Ginagamit ito sa mga
sumusunod:
• Ginagamit sa encylopedia
• Curriculum Vitae
• Aklat
Dalawang Katangian ng BIONOTE
Ginagamit ito sa mga
sumusunod:
• Tala sa aklat ng pangunahing
Manunulat
• Tala sa hurado ng mga lifetime
awards
• Tala sa administrador ng
paaralan
Dalawang Katangian ng BIONOTE

Nilalaman ng isang mahabang tala


ng may akda
• Kasalukuyang posisyon
• Pamagat ng mga nasulat
• Listahan ng parangal
Dalawang Katangian ng BIONOTE
Nilalaman ng isang mahabang tala ng
may akda
• Edukasyong Natamo
• Pagsasanay na sinalihan
• Karanasan sa propisyon o trabaho
• Gawain sa pamayanan
• Gawain sa organisasyon
Halimbawa ng BIONOTE
Halimbawa ng BIONOTE
ATHENA JANSSEN M. DELA TORRE Isinilang noong ika-anim ng
Nobyembre noong taong 1999 sa bayan ng Baler, probinsiya ng
Aurora. Siya ay nakapagtapos ng ika-labindalawang baitang sa
sekondarya ng Aurora National Science High School. At
nakapag-aral ng primaryang edukasyon sa Paaralang Sentral ng
Dipaculao na kung saan siya ay nakatanggap ng Ikalawang
Karangalan bilang isang estudyante ng ikaanim na baitang. Isa
rin siya sa mga napasali ng patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at
lumahok bilang represebtatibo sa rehiyonal na lebel ng
nasabing Math Contest noong siya ay nasa ikaanim na baitang.
Halimbawa ng BIONOTE
Kasapi rin siya sa mga lumahok ng Aurora Historical Quiz Bee noong siya’y nasa
ikaapat na baitang at nakakuha ng ikatlong karangalan sa patimpalak. Siya ay
isa ring contestant ng Science Quiz Bee noong siya ay nasa ikaapat hanggang
ikaanim na baitang na kung saan nakamit ang unang karangalan ng siya ay nasa
ikaapat at ikalimang baitang, at ikatlong karangalan naman nang siya ay nasa
ikaanim na baitang na lahat ay Division Level. Kasalukuyang nag-aaral ng ika-
labindalawang baitang sa Aurora National Science High School at
naghahandang kumuha ng entrance exam sa Unibersidad ng Pilipinas
at Polytechnic University of the Philippines.

Halimbawa:
https://filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/2017/10/12/isang-bionote/
BIONOTE
*Pangalan: *Kapanganakan:
*Edad *Tirahan:
*Magulang: Ina at Ama
*Antas ng Edukasyon (Pangalan ng mga paaralan):
Elementarya:
Sekondarya:
*Mga asignaturang kinawiwilihan :
*Mga kinahihiligang gawain:
*Mga natatanging kasanayan:
*Pangarap na propesyon:
*Mga nakamit na karangalan:

You might also like