You are on page 1of 17

ABSTAK, SINTESIS

Subject: FILIPINO SA PILING LARANGAN


Name of Teacher: MISS MARIBELLE S. JAMILLA
• ANG PAGSULAT AY ISANG MASISTEMANG PAGGAMIT
NG MGA GRAPIKONG MARKA NA KUMAKATAWAN SA
ISPESIPIKONG LINGGUWISTIKONG PAHAYAG (Rogers,
2005).

• ISANG SISTEMA NG PERMANENTENG PANANDA NA


KUMAKATAWAN SA MGA PAHAYAG (Daniels & Bright,
1996).

• ANG PAGSULAT AY NAKADEPENDE SA WIKA.


• ARBITRARYO ANG MGA SISTEMA NG PAGSULAT.
• ANG PAGSULAT AY ISANG PARAAN NG
PAGPEPRESERBA NG WIKA.

• KOMUNIKASYON ANG PANGUNAHING LAYUNIN NG


PAGSULAT.

• ANG PAGSULAT AY PUNDASYON NG SIBILASYON.


Mga hakbang sa pagsulat
ABSTRAK ng abstrak

Isang maikling buod ng 1. Basahing muli ang buong papel.


artikulo, ulat at pag- 2. Isulat ang unang draft ng papel.
aaral na inilalagay 3. Irebisa ang unang draft upang
bago ang intro- maiwasto ang anumang kahinaan.
duksiyon. Ito ang siksik
na bersiyon ng 4. I-proofread ang pinal na kopya.
mismong papel.
URI NG ABSTRAK
• DESKRIPTIBONG IMPORMATIBONG
ABSTRAK ABSTRAK
• Inilalarawan sa mga mambabasa • Ipinahahayag sa mga mambabasa
ang pangunahing ideya ng papel. ang mahahalagang ideya ng
papel.
• Nakapaloob dito ang kaligiran,
layunin, at tuon ng papel. • Maikli ito, karaniwang 10% ng
haba ng buong papel at isang
• Kung papel-pananaliksik, hindi na talata lamang.
isasama ang pamamaraang
ginamit, kinalabasan ng pag-aaral, • Binubuod dito ang kaligiran,
at kongklusyon. layunin, metodolohiya,resulta at
kongklusyon ng papel.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA ABSTRAK
1. Binubuo ng 200-250 na salita.
2. Gumagamit ng mga simpleng
pangungusap.
3. Walang impormasyong hindi
nabanggit sa papel.
4. Nauunawaan ng target na
mambabasa.
Sintesis
• Ay isang uri ng lagom na kaliitang ginagamit sa mga
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento,
salaysay, nobela, dula, parabula talumpati, at iba pang
anyo ng panitikan.
• Maaaring buoin ng isa o higit o maging ng ilang
pangungusap lamang.
• Sa pagbuo ng sintesis, mahalagang ibuod ang nilalaman
ng binasang akda gamit ang sariling salita.
Ang sintesis o buod ay ang pinaikling impormasyon sa isang
kwento, pangyayari o impormasyong mahaba at hindi
madaling maintindihan.
Hindi ito panibagong bersiyon ng kwento, kundi ito ay
pinaikli ngunit taglay pa rin nito ang
pinakamahahalagang impormasyon sa isang akda.

Ikinakapit dito ang salitang "sumaryo" sa layuning


panatilihin ang mga mahahalagang impormasyon ng
pangyayari o katotohanan na hindi nangangailangan
ng maraming paliwanag o pagpapahayag.
• Taglay pa rin ng sintesis ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga kaganapan, pangyayari at mga
sitwasyon sa kwento.

• Hindi ito dapat lumihis sa impormasyon kundi


panatalihing matibay ang mga katotohanang
taglay nito sa mas malinaw na paraan ng
paglalahad.

• Ang mga punto ng may-akda ang siyang


bibigyan ng halaga dito.
Mula greek word na “syntithenai”
Syn- kasama, magkasama
Tithenai- ilagay, sama-samang ilagay

Anyo
1. Explanatory
2. Argumentative
Klase o uri
1. Background
2. Thesis- driven
3. Synthesis for literature
Sintesis
-isangebalwasyon o pagsusuri sa ebidensya ng isang partikular na paksa na
ginamit upang makatulong sa pagpapasya sa pagbuo ng mga patakaran.
Mga uri ng Sintesis at Katangian
1. Background Synthesis- ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangan pagsama-samahin ang
mga sanligang impormasyon ukol sa paksa atkaraniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi
ayon sa sanggunian.

2. Thesis-driven synthesis- Halos katulad lamang ng backgroundsynthesis ngunit


nagkakaiba lamang sila sa pagtuon, sapagkat saganitong uri ng sintesis hindi
lamanag simpleng pagpapakilala at paglalahad nga paksa ang kailangan at
paglalahad ng paksa angkailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng
mga punto sa tesisng sulatin.

3. Synthesis for the literature- ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.


Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-
tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature ukol sa paksa.
Karaniwang isinaayos ang sulatin batay sa mga sanggunianngunit maari
rin namang ayusin ito batay sa paksa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis:

1. Linawin ang layunin.


2. Pumili ng naayon na sanggunian batay sa layunin at
basahin ng mabuti ito.
3. Buuin ang tesis sulatin.
4. Bumuo ng plano sa organisyon ng sulatin.
5. Isulat ang unang burador.
6. Ilista ang mga sanggunian.
7. Rebisahin ang sintesis.
8. Isulat ang pinal na sintesis
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sintesis
1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na
sipi.
3. Kailangan mailahad o maisama rito ang mga
pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin
at mga suliraning kanilang hinaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay sa paghabi ng
mga pangyayari sa kwento ng binubuod lalo na kung ang
sintesis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang
talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika,
pagbabaybay, at mga bantas na
ginamit sa pagsulat.

5. Huwag kalimutang isulat ang


sangguniang ginamit kung saan
hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng
akda.
Abstrak, Buod at Sintesis

• Ang abstrak, buod, at sintesis ay mga bahagi ng isang akda, pag-aaral


o thesis. Ang mga ito ay mahalaga sa pagbuo ng isang impormatibong
akda o pag aaral na siyang kinakailangan sa paaralan at sa
propesyunal na aspeto. Ang mga sumusunod ay ang mga pagkakaiba
ng tatlong ito:
• Ang abstrak ay makikita sa unahan ng isang thesis na siyang
naglalaman ng maikling detalye ukol sa pag aaral .
• Ang buod naman ay nasa gitna ng isang pag aaral. Dito makikita ang
kabuuan o detalye ng pag aaral o akda.
• Ang sintesis ay kaugnay ng buod sapagkat dito makikita ang sariling
pagsusuri o ebalwasyon ng mga impormasyon mula sa iba't ibang may
akda o sources.
GAWAING BAHAY BLG. 1:
Panuto: Gawan ng sintesis. Pumili ng isang
topic;
1. Ang sanaysay na “Sa mga Kababaihang
Taga-Malolos” na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal.
2. Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
3. El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal
4. Ang Bagong Paraiso ni Efren Ebueg
Goodbye!!!!!

You might also like