You are on page 1of 12

SIMPLIFIED COURSE PACK (SCP) FOR SELF-DIRECTED LEARNING

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN


(AKADEMIKO)

Vision By 2023, a recognized professional institution providing quality, economically


accessible, and transformative education grounded on the teachings of St.
John Paul II.

Mission Serve the nation by providing competent JPCean graduates through quality
teaching and learning, transparent governance, holistic student services, and
meaningful community-oriented researches, guided by the ideals of St. John
Paul II.

Core Values ● Respect


● Hard Work
● Perseverance
● Self-Sacrifice
● Compassion
● Family Attachment
Graduate Attributes ● Inquisitive
● Ingenious
● Innovative
Course Code/Title ● Inspiring

Course Description

Course Requirement

Time Frame 80 Hours (40 Hours for 1st Quarter and 40 Hours for 2nd Quarter)

Grading System DepEd Grading System (Applied)

Contact Detail

SHS Principal Christeline F. Balante, LPT, RN, MAN (09336369769)

SCP- Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademiko) | 1


LEARNING INTENT!

Week 3 - 4 Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademiko)

Paksang - aralin Pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng:


1. Pagsulat ng Abstrak
2. Pagsulat ng Sintesis at Buod

Mga Kasanayang 1.Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng


Pampagkatuto mga piniling akademikong sulatin
2.Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin

LEARNING NTENT! I
Terminolohiya

Ang bahaging ito ay magbibibgay ng mga kahulugan ng bawat


paksa upang mas higit na maunawaan ang mga termino sa simplified
course pack sa Pagsulat sa Fiipino sa Piling Larangan (Akademiko),
sa pamamagitan ng mga bokabularyong inilihad mas higit na
mauunawaan ang asignaturang ito.

Abstrak – ito ay isang maikling buod ng artikulong nakabatay sa


pananaliksik, tesis, rebyu, o katitikan ng komperensyal.
- Maaari rin itong maging buod ng ano mang malalalimang
pagsusuri ng iba’t ibang paksa na nagagamit ng mambabasa
upang madaling maunawaan ang nilalaman at layunin ng
sulatin.
- Kung minsan ay tinatawag ding synopsis o presi ng ibang
publikasyon ang abstrak.
- Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskripto na
nagsisilbing panimulang bahagi ng ano mang kademikong
papel.
- Tumutukoy ito sa pagkuha ng eksklusibong karapatan o
pagmamay-ari ng isang malikhain o intelektwal na akda o
imbesyon. Itinuturing ang pananaliksik na isang intelektwal na
pagmamay-ari at sa pamamagitan ng copyright ay naiiwasan
ang paglabag sa karapatan na pagmamay-ari ng isang may-
akda.

Sintesis – ay ang pagsasama ng dalawa o higit pang buod. Ito ang


paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda
o sulatin.
- Ang sintesis ay may kaugnayan, ngunit hindi katulad ng
klasipikasyon, dibisyon, comparison, o kontrast.
- Isang sulating maayos at malinaw na nadurugtong sa mga ideya
mula sa maraming sangguniang ginagamit ang sariling pananalita
ng sumulat. - Ang sintesis ay maaaring nasa anyong
nagpapaliwanag o explanatory synthesis, o argumentatibo o
argumentative synthesis.

Expanatory synthesis – isang sulating naglalayong tulungan ang


nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na
tinatalakay. Ipinapaliwanag ito sa pamamagitan ng paglalahad ng
paksa sa kanyang mga bahagi at inilalahad ito sa malinaw at maayos
na pamamaraan.

Argumentative Synthesis – may layuning maglahad ng pananaw ng


sumulat nito. Sinusupurtahan ang mga pananaw ito ng mga
makatotohanang impormasyon na hango sa iba’t ibang mga
sanggunian na nailahad sa paraang lohikal. Karaniwang pinupunto
nito ang anyo ng sintesis ang katotohanan, halaga, o kaakman ng
mga isyu at impormasyong kaakibat ng paksa.
Buod – ay tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa
kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat, panayam,
isyu, usap-usapan, at iba pa.

Esensyal na content
Mga uri at nilalaman ng Abstrak
Impormatibong Abstrak - ay naglalaman nang halos lahat ng
mahahalagang impormasyong matatagpuan sa loob ng
pananaliksik. Maari na itong makapag – isa sapagkat nagbibigay
na ito ng buong ideya sa ng pananalisksik.

Taglay ng isang impormatibong abstrak ang mga sumusunod na nilalaman:

1. Motibasyon – sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag –


aralan ng isang mananaliksik ang paksa. Sa maikli at
mabilis na paraan, kailangang maipakita sa bahaging ito
ang kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik.

2. Suliranin – kailangan nang masagot ang abstrak kung ano


ang sentral na suliranin o tanong ng pananaliksik.

3. Pagdulog sa Pamamaraan – ilalahand ng isang mahusay na


abstrak kung pano kakalapin o kinalap ang datos ng
pananaliksik at kung saan nagmula ang mga impormasyon
at datos. Ibig sabihin, magbibigay ito ng maikling paliwanag
sa metodolohiya ng pag-aaral.

4. Resulta – sa abstrak makikita kung ano ang kinalabasan ng


pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natuklasan
ng mananaliksik. 5. Kongklusyon – ditto sasagutin kung ano
ang mga implikasyon ng pananaliksik batay sa mga
natuklasan.

Deskriptibong Abstrak – mas maikli kaysa sa impormatibong


abstrak, kadalasang nasa 100 na salita lamang. Naglalaman
lamang ito ng suliranin at layunin ng pananaliksik,
metodolohiyang ginamit sa saklaw ng pananaliksik ngunit hindi
tinatalakay ang resulta, konklusyon at mga naging
rekomendasyon ng pag – aaral. Sapagkat hindi buo ang
impormasyong ibinibigay tungkol sa pananaliksik, mas lalong
kailangang basahin ang buong artikulo.

Kritikal na Abstrak - pinakamahabang uri ng abstrak, sapagkat


halos kagaya na rin ito ng isang rebyu.
Kahulugan at anyo ng Sintesis
Sa pinakabatayang antas, ang sintesis ay pagsasama ng dalawa
o higit pang buod. Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng
dalawa o higit pang mga akda o sulatin.

Mga uri at katangian ng mahusay na sintesis

1. Linawin ang layunin sa pagsulat – mahalagang maging


malinaw ang tagubilin ng pagsulat ng sintesis. Dapat
masagot ang tanong na kung bakit ito susulatin. Kung
malinaw ang layunin sa pagsulat, mapagdedesisyonang
mabuti ang anyo at uri ng sintises na bubuuin at dahil dito,
magagampanan ng sulatin/manunulat ang kanyang
layunin.

2. Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at


basahin nang mabuti ang mga ito – magiging madali ang
pagpili at pahahanap ng mga sanggunian para mabuo ito.
Sapagkat kung alam ng susulat ang layunin, malalaman rin
niya kung saan niya hahanapin ang mga sanggunian
makatutugon sa layuning ito. Mas madali ring matukoy
kung akma ang akdang hahanapin para maging
sangguinian.

3. Buuin ang tesis ng sulatin – tiyakin ang tesis ng sintesis na


gagawin. Ito ang pangunahing ideya ng isusulat. Ihayag ito
gamit ang buong pangungusap. Karaniwang nakikita ang
tesis sa unang pangungusap sa pagtalakay, subalit maaari
rin namang makikita ito sa gitna o hulihan ng sulatin.

4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin – maghanda ng


isang balangkas na susundan sa pagsulat ng sintesis. Ang
balangkas na ito ay nakaayon sa iba’t ibang mga teknik sa
pagdebelop ng sintesis. Kasama sa mga teknik na ito ang
pagbubuod, paggamit ng halimbawa o ilustrasyon,
pagdadahilan, strawman technique, konsesyon, o
comparison at contrast.

5. Isulat ang unang burador – tandaan lamang na maging


pleksibol sa sarili. Bagama’t may naka planong balangkas,
kung mapagatatantong may mahalagang pagbabago na
dapat gawin sa balangkas ay dapat ipagpatuloy ito upang
maisama ang mga puntong nais pang matalakay.

6. Ilista ang mga sanggunian – gamit ang pormat na


pinepreskreyb ng guro, ilista at ayusin ang mga ginamit na
sanggunian. Isang mahalagang kasanayan na binigyang-
pagkilala ang anomang akda o sino mang awtor na
pinaghanguan ng impormasyon sa ginagawang
akademikong sulatin. Ang karaniwang ginagamit na pormat
ang MLA o Modern Language Association at ang APA o
American Psycholgical Association.

7. Rebisahin ang sintesis – basahing muli ang sintesis at


tukuyin ang mga kahinaan nito. Hanapin ang mga kamalian
sa pagsulat at higit sa lahat ang mga kamalian sa detalye.

8. Isulat ang pinal na sintesis – mula sa rebisadong borador,


maisusulat na ang pinal na sintesis.

Kahulugan at Kahingian ng Buod

Nagtala sina Swales at Feat (1994) ng tatlong mahigpit na


pangangailangan sa pagsulat ng isang buod o summary. Ang
tatlong pangangailangang ito ay siya ring repleksyon na dapat
taglayin ng isang sulating buod.

1. Kailangang ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng


orihinal na teksto – mahalaga na masigurong naihahayag
din ng buod ang kabuuan ng orihinal na teksto. Bagamat
buod ito, marapat lamang na ang mga datos o detalyeng
mahalaga ay makikita pa rin sa buod. Ibig sabihin, dapat
kayang ihayag ng buod ang kabuuang mensaheng
ihinahatid ng tekstong pinagmulan nito.

2. Kailangang nailahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o


walang kinikilingan – dahil ang buod ay muling
paghahayag lamang ng mensahe ng orihinal na teksto,
kailangang obhektibo ang lapit dito. Nangangahulugang
ang sulating buod at dapat hindi maglaman ng pananaw ng
sumulat nito. Hindi rin ito gumagawa ng argumentasyon o
ano mang uri ng pag-analisa sa mga detalyeng ibinibigay
ng orihinal na teksto.

3. Kailangang ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at


naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa – gamitin ang
sariling pananalita sa pagsulat ng buod ng isang akda.
Bagamat maaaring gamitin ang mismong mga salita ng
awtor ng orihinal na akda, mas mahusay na gamitin ang
sariling pagpapahayag sa mga detalyeng isasama sa buod.
Tandaan lamang na kung sariling pananalita ang
gagamitin, tiyaking ito rin ang kahulugang ipinababatid ng
orihinal na teksto.

Katangian ng mahusay na Buod

1. Nagtataglay ng obhektibong balangkas ng orihinal na teksto


– ang buod ay dapat sumasagot sa mga pangunahing
katanungan tulad ng Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit, at
Paano.

Halimbawa: Ano ang pangunahing ideya ng teksto? Ano ang


mga pantulong na ideya?

Dapat sangguiniin lagi ang orihinal na teksto. Maging sa titulo


ay dapat na banggiting buod ito ng akda. Maaari rin namang
ilagay sa talababa o footnote na ang sualtin ay buod lamang
ng isang particular na akda.

2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo – hindi dapat


dagdagan ito ng pansariling ideya o ng kritisismo ng
nagsusulat.

3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o


impormasyong wala sa orihinal na teksto – ang pagsasama
ng mga halimbawa o ilustrasyon upang lalong mapalinaw
ang mensaheng ibinabahagi ng isang sulatin ay isang
mahusay na hakbang, subalit sa kaso ng isang buod ay
hindi ito kailangan. Tanging hinihingi sa ganitong uri ng
sulatin ay ang paglalahad ng mga mahahalagang
impormasyong nabanggit sa isang akda sa maiksi at
katulad na linaw ng orihinal.

4. Gumagamit ng mga susing salita – sa pagsulat ng isang


buod, dapat gamitin ang mga susuing salita na ginamit sa
orihinal na teksto. Ang mga susing salita ay ang mg
pangunahing konsepto na pinagtutuunan ng teksto.

5. Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang


orihinal na mensahe – kung para sa personal na
pangangailangan ang buod, malaking tulong na ito ay
naihayag sa sariling pananalita. Dahil dito, higit itong
nauunawaan ng sumulat. Bibibigyang pagkakataon din nito
na maging malikhain sa pagpapahayag ang sumulat,
sapagkat kailangan niyang ihayag ang katulad na mensahe
sa paraang iba sa orihinal.

Mga hakbang sa Pagbubuod

1. Habang binabasa ang akda salungguhitan ang mga


mahahalagang punto at detalye – ang pagsasalungguhit ay
makakatulong upang madaling balikan ang mga
importanting konsepto na isasama sa buod. Gayon din, isa
itong paraan ng pagmamarka sa mga ideyang
magkakaugnay sa kalaunan ay maisasama kapag isusulat
na ang burado ng buod.

2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na


ideya, at ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya –
kapag nabasa ang pangunahing ideya ng nilalaman ng
akda, makabubuting ilista ito at salungguhitan. Sa bawat
pangunahing detalyeng nakukuha, halimbawa, sa isang
talata o grupo ng mga talata, isunod na ilista kasunod nito
ang mga pantulong na ideya. Ang paggugrupong ito ay
nakapagbibigay ng isang balangkas sa maaring lamanin at
pagkakaayos ng isusulat ng buod.

3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod - sunod ng


mga ideya sa lohikal na paraan – ang orihinal na awtor ay
maaaring gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang
kanyang ilahad ang paksang tinatalakay.
Halimbawa: Kung binubuod ang isang kwento na gumamit
ng maraming flashback na teknik, maaaring ilahad na
lamang ito sa anyong linyar o sikwensyal. Dito
napapasimple at napadadali ang daloy ng kwento.

4. Kung gumagamit ng unang panauhan (hal: ako) ang awtor,


palitan ito ng kanyang apelyado, ng Ang manunulat, o siya
– ipinakikita nito na ang nagbubuod ay iba sa mismong
sumulat o naghayag ng orihinal na akda. Ang paggamit ng
ikatlong panauhan o third person na perspektibo ay
nagpapakita rin ng pagiging obhektibo at hindi personal na
mga pahayag sa buod.
Sanggunian
Arrogante, A. (2000) Malikhaing Pagsulat, Quezon City:
Great Books Traiding.
Badayos, B. (2002) Filipino sa Iba’t ibang Disiplina, Makati
City: Grandwater Publication and Research Corporation.
Bernales, A., Abesamis, R.,Angeles I., Cabrera, Jr. I.,Espina,
Leticia D., Elizabeth A., Ornos,
S, Rovira, G. & Sustento,S. (2006) Masining na Pagpapahayag s
Filipino Mga Prinsipyo at Proseso, Valenzuela City Mutya Publishing
House.
Bernales, R.,Garcia, L., Villanueva, J. (2002) Komunikasyon
sa makabagong panahon. Valenzuela City, Mutya Publishing
House, Inc.
Doble,J (Ed) 2006. The Philippine collegian anthology of
critical and creative writing. Quezon City. UP Press.
Santiago, A. (2003). Sining ng pagsasaling-wika, Rex Book Store, Inc.
I
LET’S NITIATE!
Aktibiti 1.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan, ilagay
ang sagot sa patlang na nakalahad sa ibaba.

1. Ano ang pagkakaiba ng sintesis at buod?


_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________

2. Paano isinusulat ang abstrak ng isang tesis?


_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
__________________________

3. Bigyang kahulugan ang mga susunod na salita gamit ang iyong


sariling pananalita at pagkaunawa sa paksa.
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_____________________________
I
+LET’S NQUIRE!
Aktibi 1.2
Panuto: Basahin at unawain ang kwentong nakalahad sa
ibaba at gawan ng buod ang kwento.

Pamantayan sa pagpupuntos

Kraytirya Puntos

1. Nailahad ng maayos ang kinakailangang impormasyon 10

2. Malinaw at organisado ang pagkakalahad 10


3. Tamang gramatika at pagbaybay 10

4. May pagkakaisa ang impormasyon 5

Kabuuan 35

Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung saan siya
pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan
tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung
binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang
magbabantay, pupugutan siya ng ulo. Marami ang nagtangkang makipagsapalaran
hindi lamang dahil sa kayamanang matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng
prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit
nawawala ang prinsesa sa hating-gabi. Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa
palasyo, may isang dampang tinitirhan ng isang matandang mangkukulam. Isang
araw ay dinalaw ang matanda ng binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang
tulungan nito. Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong.
“Maganda pong talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa
kanya.” Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa
mga balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at
pinagbilinang magpakaingat bgo siya nagpaalam. Nang gabi ring iyon, nasa labas na
nga siya ng silid ng prinsesa at handang magbantay.

Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang


napakagandang binibini. May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong
makatalikod ang prinsesa ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy
agad ang mga dahon ng halaman. Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng
tinunggang inumin. Nang maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot
niya ang mahikang balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong
pintuan ito na palabas sa palasyo. Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang
prinsesa. Di nito alam ay kasama ang binata dahil hindi niya nakikita ito.
Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan huminto
ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong nagkakaipon doon
at nagsasaya. Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at
naglagay ng maskara.
Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw
hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.
Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila’y bumalik sa
palasyo.“Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?” tanong
ng hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.“Opo, Mahal na Hari!
Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi. Ito po ang katunayan.
Itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang pinagtapunan matapos na
makasayaw siya.” Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa
amang nagpakita ng katunayan.Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging
asawa ang binata, ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na
kinagiliwan nang nagdaang gabi.Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata
na magsayaw sila ng prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.
I
LET’S NFER!

Aktibiti 1.3
Panuto: Ikompara at ikontras ang mga sumusunod: Abstark, Sintesis, Buod, gamit ang
triad vin diagram, at bigyan ito ng maiksing rasyunali.

You might also like