You are on page 1of 64

Mga Uri ng Abstrak

KATANGIAN NG ABSTRACT
• Nagbibigay ng mga tiyak na ideya sa inaral.

• Naglalarawan ng nilalaman sa pamamagitan ng


mga pangunahing ideya.

• May kaisahan at kaugnayan ang bawat bahagi


ng isinulat.
Maituturing na mahusay ang naisulat na
abstrak kung ito ay  (1) maikli ngunit
naglalaman ng mahalagang
impormasyon at (2) tiyak ang mga datos
at nilalaman nito
Mga Uri ng Abstrak
Deskriptib o
Deskriptibong Abstrak

• Ito ay paglalarawan ng mga pangunahing


ideya sa mga mambabasa. Nakapaloob sa
deskriptibong abstrak ang kaligiran, paksa ng
papel, at layunin nito.
Impormatib o
Impormatibong Abstrak

• Ito ay nakapokus upang mailahad ang


mahahalagang ideya o datos mula sa
kabuuang pag-aaral. Nakapaloob dito ang
paksa, layunin, kaligiran, metodolohiya,
kinalabasan ng pag-aaral, at kongklusyon.
Maging payak at simple sa paggamit ng
mga salita sa pagbuo ng abstrak.

Iwasan ang paggamit ng mga tayutay at


huwag magiging paligoy-ligoy sa
pagbibigay ng mga impormasyon.
Tandaan!

Ang abstrak ang isa sa


pinakamahalagang talata o bahagi ng
akademikong papel ng manunulat o
mananaliksik (APA Style Manual).
Mga Hakbang
sa Pagsulat ng Abstrak

 Pagsulat ng unang borador

 Muling basahin ang papel

 Pagrerebisa ng naunang borador


upang maiwasto ang ilang kahinaan
Ang akademikong pagsulat ay
gumagamit ng mga pormal o teknikal na
salita.

Hindi kailangang gamitan ng mga  tayutay


upang mapaganda ang nilalaman.
Ang bilang ng salitang ginagamit sa
abstrak ay hindi lalagpas sa 150 hanggang
250 na salita.

May dalawang uri ng abstrak: deskriptib at


impormatib.
Ang pagiging mapanuri ay isa sa
mahalagang katangian na dapat taglayin ng
isang indibidwal o manunulat na nais
sumulat ng akademikong papel.
Mga Hakbang sa Pagsulat 
ng Abstrak
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

 Isulat muna ang papel-pananaliksik.


 Isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng
abstrak na tulad ng sa papel-pananaliksik.

Bumuo ng borador ng abstrak.

Ipabasa sa kakilala ang abstrak na isinulat.

Rebisahin ang isinulat na abstrak.


 Sa pagsulat ng abstrak, mahalagang maisaalang-
alang ang wastong pagpili ng mga salita na angkop
sa uri ng papel na ginagawa. Sikapin din na maging
simple ang paraan ng pagpapahayag.

Mas nagiging madali ang pagsulat ng isang abstrak


kung pamilyar o may kaalaman sa mga bahagi nito.
Subuking tumingin ng mga halimbawa ng abstrak
upang magkaroon ng mas malawak na ideya at
mapagdesisyunan ang mga ilalagay sa abstrak.
Ang abstrak o halaw ay isang pinaikling
deskripsyon ng isang pahayag.

Isaalang-alang ang mga hakbang sa pagsulat ng


abstrak: (1) pagsulat at pagsasapinal ng papel-
pananaliksik, (2) pagsasaayos ng pagkakasunod-
sunod ng mga bahagi ng abstrak, (3) pagbuo ng
borador ng abstrak, (4) pagpapabasa sa iba ng
borador ng abstrak, at (5) pagrebisa ng abstrak.
Unit 4: Pagsulat ng Sintesis

Aralin 1
Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Sintesis
Ang pagbuo ng mga ideya at ang pag-
uugnay ng mga ito ay katulad ng pagbuo
ng isang puzzle.
Layuning pampagkatuto
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang

• natutukoy ang kahulugan at katangian ng sintesis bilang isang


akademikong sulatin;
• nailalahad ang mga layunin at gamit ng sintesis bilang isang
akademikong sulatin; at
• nasusuri ang isang sulatin ayon sa anyo ng sintesis.
Anong kailangan gawin para maipag-ugnay
ang iba’t ibang ideya?
Kahulugan at Katangian ng Sintesis

• Nagmula ang sintesis sa salitang Griyego na


“syntithenai” na binubuo ng -syn na ang ibig
sabihin ay kasama o magkasama, at -tithenai na
nangangahulugang ilagay.
• Ang sintesis ay nangangahulugang  sama-
samang ilagay.
• Ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng
impormasyon sa pinaikling paraan upang
ang mapagsama-sama at mapag-isa ang 
mga magkakaugnay na datos mula sa iba’t
ibang sanggunian.
Paano nakabubuo ng isang sistesis?
• Ang sintesis ay isang uri ng sulatin na
naglalahad ng orihinal na teksto sa mas
maikli ngunit kumpleto at detalyadong
paraan. Pagsasama-sama rin ito ng
iba't ibang sanggunian upang makabuo
ng isang akda.
Layunin at Gamit ng Sintesis

• Paglalahad ng wasto o angkop na


impormasyon mula sa mga sanggunian
• Organisadong mailahad ang kabuuang
nilalaman ng akda ayon sa maayos na
pagkasunod-sunod
Halimbawa ng Sintesis na Eksplanatori

1. Panimula

2. Katawan ng sulatin

3. Wakas o kongklusyon ng sulatin


Halimbawa ng Sintesis na Argumentativ
• Tatlong Hakbang sa Pagsulat

1. Suriin ang mga sanggunian.

2. Gumawa o pumili ng isang mahusay na paksa para sa iyong


isusulat na sintesis.

3. Gawing matibay at malinaw ang iyong posisyon o punto sa


iyong sulatin.
Paano Pumili ng Paksa na Isusulat?
• Magbasa ng iba’t ibang pananaliksik.
• Suriin ang mga ideya upang mahusay na mapili ang
paksa.
• Humanap ng mga artikulo na may kaugnayan sa
paksang ninanais.
• Isulat ang paunang kaalaman sa paksang napili.
• Gumawa ng balangkas ng mga kaalamang nakalap.
TIP

Ang pagbasa ay ang pinakamainam


na gawin upang makapangalap ng
mga angkop o wastong
impormasyon tungkol sa mga
paksang ating isinusulat.
• Mahalaga ang pagsulat ng sintesis sa pagpapaunlad
ng kakayahan ng isang indibidwal sa pagbasa at
pagsulat.

• Maituturing ang pagsulat ng sintesis na isang


mabisang paraan upang mabigyan ng ebalwasyon o
overview ang isang akda o teksto.

• Ang dalawang anyo ng sintesis ay nagpapakita ng


dalawang kakayahan ng isang manunulat at ito ay
ang magpaliwanag at matalinong pakikipagtalo.
TIP

Ang pagbasa ay ang pinakamainam


na gawin upang makapangalap ng
mga angkop o wastong
impormasyon tungkol sa mga
paksang ating isinusulat.
Unit 4: Pagsulat ng Sintesis
Aralin 2

Mga Uri ng Sintesis


Paano makabubuo ng isang malinaw,
detalyado, at may kongkretong konsepto
na sintesis? 
Layuning Pampagkatuto

• natatalakay ang mga uri ng sintesis;

• naipaliliwanag ang pagkakaiba ng bawat uri


ng sintesis; at 

• nakasusulat ng sintesis ng isang paksang


pinag-aaralan.
Sinasabing maikli lamang ang sintesis,
ngunit bakit kailangang paglaanan ng
panahon ang pagsulat nito?
Sintesis
Binibigyan ng manunulat ng sapat na
panahon ang pagsulat ng sintesis dahil:

• mahalagang pag-aralan ang presentasyon


ng isusulat na sintesis, at 

• maiangkop ang nilalaman nito sa uri ng


sulating binubuo.
Mga Uri ng Sintesis

• Sa pagbuo ng sintesis ay may dalawang uri


ito na dapat munang bigyang-pansin
upang maging mas madali sa manunulat
ang pagsulat ng sintesis. Ito ang sintesis
na argumentative at explanatory.
Paano makatutulong sa
pagpapaunlad ng kasanayan sa
pagsulat ang pagsulat ng sintesis
na argumentative at explanatory?
Sintesis na Argumentative

Ang sintesis na argumentative ay naglalahad


ng argumentong pinaninindigan ng
manunulat sa paksa ng kaniyang
akademikong pagsulat na ginagawa. Sa
pagbuo ng sintesis, kinakailangan na
maraming tekstong pinagbatayan ang
manunulat upang maging matibay ang
posisyong kaniyang paninindigan.
Mayroong estrukturang dapat sundin
upang maging mas madali ang pagbuo
ng sintesis na argumentative.
Kailangang taglayin ng bawat bahagi
ang panimula, katawan, at
kongklusyon. 
Nilalaman ng Panimula

•Thesis statement
•Unang mahalagang ideya
•Pangalawang mahalagang
ideya
•Pangatlong mahalagang ideya
Nilalaman ng Katawan

• Unang mahalagang ideya


• Pangalawang mahalagang ideya
• Pangatlong mahalagang ideya
Nilalaman ng Kongklusyon

• Huling pahayag na iiwan sa mambabasa


para sa sintesis na isinulat

• Panghihikayat at pagpapasang-ayon sa
mga mambabasa sa argumentong
inilahad
Mahalagang alamin ang mga uri ng sanaysay
at ayos nito upang maging mas madaling
bumuo ng sintesis sa kahit alinmang uri nito.
SINTESIS

Argumentative Explanatory

Naglalahad ng mga
Naglalahad ng argumento
impormasyon at mga
at mga patunoy
paliwanag
Gawin Natin!

• Pumili ng isang paksang may


kaugnayan sa strand na
kinabibilangan. Maghanap ng tatlong
kaugnay na teksto para sa paksang
napili. Bumuo ng sintesis na
argumentative.
Yunit 4: Pagsulat ng Sintesis
Aralin 3

Mga Hakbang sa Pagsulat ng


Sintesis
Paano makabubuo ng isang malinaw, detalyado, at
may kongkretong konsepto na sintesis?
Layuning Pmpagkatuto
• naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng
sintesis bilang isang akademikong sulatin;
• nasusunod ang mga pagsasaalang-alang sa
pagsulat ng sintesis bilang isang akademikong
sulatin; at
• nakasusulat ng isang akademikong sulatin sa
anyo ng sintesis.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

• Bago Sumulat ng Sintesis. Ito ang mga


paghahandang kailangang tugunan ng
manunulat sa gagawing pagsulat ng sintesis.

• Aktuwal na Pagsulat ng Sintesis. Ito ang


mismong pagsulat ng sintesis na nakabatay sa
kayarian ng mga bahaging bumubuo sa isang
sintesis.
Bago Sumulat ng Sintesis

1.Pumili lamang ng magiging tuon ng


talakayan hinggil sa paksa.
2.Linawin ang layunin ng gagawing pagsulat.
3.Magsaliksik ng mga sangguniang teksto.
4.Tukuyin ang magkakaugnay na kaisipan
mula sa mga nakalap na teksto.
Bago Sumulat ng Sintesis

5.Bumuo ng pangkalahatang pananaw


(thesis) ng susulating sintesis.
6.Pagpasyahan kung paano nais
gamitin ang mga nakalap na
sanggunian.
7.Sinsinin ang koleksiyon ng mga
sanggunian.
Aktuwal na Pagsulat ng Sintesis

Pamagat. Kinakatawan nito ang


pagkakakilanlan ng sintesis.

Panimula. Ito ang maglalaman ng


pangkalahatang pananaw na katumbas ng
saklaw ng talakayan ng kabuuan ng teksto.
Katawan

Ito ang maglalaman ng mga pangunahing ideya,


kasama ang mga susog na paliwanag at mga
kalakip na patunay, na nagsisilbing suportang
impormasyon at paglalahad upang mapagtibay
ang kawastuhan ng pangkalahatang pananaw.
Pangwakas.

Nilalaman nito ang kahalagahan at kaugnayan


ng paksang tinalakay sa kasalukuyang panahon,
kalagayang panlipunan, at/o buhay ng
mambabasa.
Mga Uri ng
Paglalahad ng Detalye
Sikwensiyal

Ito ang paggamit ng mga panandang


hudyat ng pagkasusunod-sunod tulad ng
una, pangalawa, panghuli, o iba pa depende
sa dami ng iniisa-isang detalye.
Kronolohikal

Ito ang pagsusunod-sunod ng mga


impormasyon o detalyeng ayon sa
kaganapan ng mga pangyayari.
Prosidyural

• Ito ang paglalahad ng sunod-sunod na


proseso ng paggawa ng isang tiyak na
gawain.
Tandaan!
• Ang aktuwal na pagsulat ng sintesis ay
ang pagtugon ng manunulat sa pagbubuo
ng mga pahayag at talakayang tutugon sa
kahingian ng bawat bahagi ng sulatin—
pamagat, panimula, katawan, at
pangwakas.
Ang mahusay na sintesis ay bunga ng malalim
na pagkaunawa at pagsusuri ng manunulat sa
kaniyang paksang tinatalakay. Habang ang
mabisang sintesis ay gumagamit at naglalahok
ng mga impormasyon at kaisipang hango
lamang sa mga mapagkakatiwalaang
sanggunian.
1. Sa sariling pananalita at batay sa sariling
pagkaunawa, ano ang sintesis?

2. Ano-ano ang bahagi ng sintesis na katumbas ng


hakbang-hakbang na proseso ng mabisang pagsulat
nito?
Bakit nakasalalay sa kakayahang umunawa at
magsuri ng manunulat ang kabisaan ng isang
sintesis?

You might also like