You are on page 1of 4

KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PLILIPNO

KOMUNIKASYON – ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.

DALAWANG URI NG KOMUNIKASYON

1. Verbal – ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mensahe.


2. Di-Verbal – ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe.

IBA’T IBANG PAG-AARAL SA ANYO NG DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON

1. Kinesika (Kinesics) – Ito ay pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.


2. Ekspresyon ng mukha (Pictics) – Ito ay pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng
tagapahatid.
3. Galaw ng mata (Oculesics) – Ito ang pag-aaral ng galaw ng mata.
4. Vocalics – ito ay pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
5. Pandama o Paghawak (Haptics) – ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe.
6. Proksemika (Proxemics) – ito ay pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo na
antropologong si Edward T. Hall (1963).
7. Chronemics – ito ay ang pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon.

APAT NA KOMPONENT NG KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO


1. Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal – ang Komponent na ito ay nagbibigay kakayahan sa nagsasalita na makapag-
unawa at makapahayag ng mga literal na kahulugan ng mga salita.

- Ito ay abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at


makabuluhang pangungusap. Kasama rito ang mga pandiwa, pang-uri, pang-abay, panghalip at mga pang-ugnay.

Ayon kina Canale at Swain nag kakayahang gramatikal o lingguwistiko ay ang pag-unawa ng mga sumusunod:

>Ponema – pag-aaral ng mga tunog ng mga salita. Halimbawa (Patinig, Katinig, Salita, Dipthong)

>Morpema -- pag-aaral ng isang wika at pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita. Halimbawa (Pangalan,
Panghalip, Pandiwa, Pangatnig, Pang-ukol)

>Sintaks – kombinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga prase at ang pagsasama-sama ng mga prase upang ito ay
makabuo ng pangungusap. Halimbawa ( Bahagi ng pangugusap –simuno at paksa, Uri ng pangungusap ayon sa gamit –
Pasalaysay, Patanong, Pautos, at Padamdam)

2. Kakayahang Sosyolingwistik – ito ay pang-unawa batay sa pagtukoy sa sino, ano, paano, kailan, saan at bakit nangyari
ang sitwasyong komunikatibo.

Mga dapat isaalang-alang sa epektibong komunikasyon (HYMES)


Kahulugan Kaakibat na tanong
S Setting Saan nag-uusap?
P Participants Sino ang nag-uusap?
E Ends Layunin ng pag-uusap
A Act Sequence Paano ang takbo ng usapan
K Keys Pormal o Impormal (tono)
I Instrumentalities Midyum ng pag-uusap
N Norms Paksa ng pag-uusap
G Genre Anong diskurso ang ginagamit

3. Kakayahang Pragmatik – ito ay pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, ikinikilos ng taong kausap.

Speech Act – ang pakikipagusap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi
paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita.

3 Sangkap ng Speech Act


Sangkap Kahulugan Halimbawa
Illocutionary Force Sadya o intensyunal na papel Pakiusap, utos, pangako
Locution Anyong linggwistiko Patanong, pasalaysay
Perlocution Epekto ng tagapakinig Pagtugon sa hiling, pagbibigay atensyon
Ang Kagawiang Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Salitang may kaugnay na pahiwatig (Manggay 2002)

1. Mga salitang di-tuwirang pagtukoy o paglihis na pagpapatama o pagpupuntirya:

a. Pahaging – mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid

b. Padaplis – sadyang lihis sa layuning matamaan ng bahagya ang kinauukulan nito

2. Mga salitang ang pinatataman ng mensahe ay hindi lamang ang kausap kundi ang mga taong nasa paligid at
nakaririnig ng usapan.

a. Parinig – malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa harap na kausap kundi
sinomang nakikinig sa paligid

b. Pasaring – mga berbal at diberbal na pagpaparating ng puna, paratang at iba pang mensaheng nakasasakit sa
mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.

3. Mga salitang kumukuha ng atensyon sa pamamagitan ng pandama:

a. Paramdam – isang mensaheng pinaaabot ng tao o maging ng espiritu sa pamamagitan ng mga ekspresyong
nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan at iba pa.

b. Papansin – isang mensaheng may layuning humihingi ng atensyon na kadalasang naipapahayag sa


pamamagitan ng pagtatampo, sobrang pangungulit at iba pang kadalasang kumukuha ng pansin.

4. Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakarinig ay napatatamaan siya:

a. Sagasaan – pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karanniwang tinututulan ng nakarinig


bilang isang paalala na maaaring may masaktan. “Dahandahan at baka makasagasa ka.”

b. Paandaran – mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa na hing=di tuwirang
maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kkinaiinisan ng nakikinig sa
pagsasabing. “Huwag mo akong paandaran.”

4. Kakayahang Diskorsal – pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto/ sitwasyon ayon sa konteks.

Dalawang bagay ang isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal

 Ang COHESION – pagkakaisa


 Ang COHERENCE – pagkakaugnay-ugnay

Sina Canary at Cody ay nagbigay ng Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo

 Pakikibagay o Adaptability – ito ay may kakayahang magbago ang ugali at layunin upang maisakatuparan ang
pakikipag ugnayan
 Paglahok o Involvement – ito ay paggamit ng kakayahan at sariling kaalaman sa anumang paksa sa
pakikisalamuha sa iba
 Pagpukaw- Damdamin – ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao
 Pamamahala sap ag-uusap o Empathy – ito ay ang kakayahang pamahalaan ang pag-uusap
 Bisa o Effectiveness – tumutukoy sa dalawang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo
 Kaangkupan o Appropriateness – naiaangkop ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar o sa taong kausap.

PANANALIKSIK

Ito ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan


ng mga datos tungosa pagtukluas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng
tao.

Mga Uri ng Pananaliksik

BASIC RESEARCH – ang tawag sa agarang nagagagamit para sa layunin nito. Makakatulong din ang resulta nito para
makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon sa isang kakalamang umiiral na sa kasalukuyan.

ACTION RESEARCH – ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikasyong problema upang masagot ng
mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.

APPLIED RESEARCH – ito ay ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.


Quiz 1
1. Ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan ng mensahe.
2. Ito ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
3. Ginagamitan ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe.
4. Pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang mensahe ng tagapahatid.
5. Ito ay pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.
6. Ang pag-aaral ng galaw ng mata.
7. Ito ay ang pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay nakaaapekto sa komunikasyon.
8. Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo.
9. Ito ay pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe.
10. Ito ay pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
Quiz 2
1. Ang Komponent na ito ay nagbibigay kakayahan sa nagsasalita na makapag-unawa at makapahayag ng mga
literal na kahulugan ng mga salita.
2. Ito ay pang-unawa batay sa pagtukoy sa sino, ano, paano, kailan, saan at bakit nangyari ang sitwasyong
komunikatibo.
3. Ito ay pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, ikinikilos ng taong kausap.
4. Ang pakikipagusap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang maglarawan ng isang karanasan kundi
paggawa ng mga bagay gamit ang mga salita.
5. Pag-aaral ng mga tunog ng mga salita.
6. Pag-aaral ng isang wika at pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita.
7. Kombinasyon ng mga salita upang makabuo ng mga prase at ang pagsasama-sama ng mga prase upang ito ay
makabuo ng pangungusap
8. Sangkap ng Speech Act na nangangahulugang “Sadya o intensyunal na papel.”
9. Sangkap ng Speech Act na nangangahulugang “Epekto ng tagapakinig.”
10. Sangkap ng Speech Act na nangangahulugang “Anyong linggwistiko.”
Quiz 3
1. Mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa isang paksa na hingdi tuwirang maipahayag
subalit paulit-ulit na binabanggit tuwing may pagkakataon at kadalasang kkinaiinisan ng nakikinig sa
pagsasabing.
2. Pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na karanniwang tinututulan ng nakarinig bilang isang
paalala na maaaring may masaktan.
3. Isang mensaheng may layuning humihingi ng atensyon na kadalasang naipapahayag sa pamamagitan ng
pagtatampo, sobrang pangungulit at iba pang kadalasang kumukuha ng pansin.
4. Isang mensaheng pinaaabot ng tao o maging ng espiritu sa pamamagitan ng mga ekspresyong nararamdaman
gaya ng pagdadabog, pagbabagsak ng mga kasangkapan at iba pa.
5. Mga berbal at diberbal na pagpaparating ng puna, paratang at iba pang mensaheng nakasasakit sa mga
nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
6. Malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa harap na kausap kundi sinomang nakikinig
sa paligid.
7. Sadyang lihis sa layuning matamaan ng bahagya ang kinauukulan nito.
8. Mensaheng sinadyang magmintis at ipinaalingawngaw lamang sa paligid.
Quiz 4

1. Ito ay pagtiyak sa kahulugang ipinapahayag ng mga teksto/ sitwasyon ayon sa konteks.


2. Ito ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at
pagpapakahulugan ng mga datos tungosa pagtukluas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay
sa imbensyong nagawa ng tao.
3. Ito ay may kakayahang magbago ang ugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag ugnayan.
4. Uri ng pananaliksik na ginagamit o inilalapat sa majority ng populasyon.
5. Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao.
6. Tumutukoy sa dalawang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang pangkomunikatibo.
7. Naiaangkop ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar o sa taong kausap.
8. Uri ng pananaliksik ginagamit upang makahanap ng solusyon sa mga espesipikasyong problema upang masagot
ng mananaliksik na may kinalaman sa kanyang larangan.
9. Ito ay paggamit ng kakayahan at sariling kaalaman sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
10. Ito ay ang kakayahang pamahalaan ang pag-uusap.

You might also like