You are on page 1of 133

Paunang Salita

Pagsulat ang isa sa mga pangunahing kasanayang nililinang para sa kaganapan ng pagkatuto
ng isang mag-aaral. Taglay rin nito ang katuparan sa pagpoproseso ng impormasyon sa nasusulat at
nababasang porma. Samakatuwid, esensyal ang kasanayang ito – ang pagsulat – bilang isa sa mga
panulukang bato ng iba pang kasanayang mas mataas na kasanayang pampagkatuto.

Sa akademya, ang pagsulat ay itinuturing bilang manipestasyon ng anumang uri ng dunong


na natatamo. Samakatuwid, ang kasanayang ito ay paghahanda para sa mas malawak pang
talaytayan ng impormasyon.

Ito rin ang hamong nais ilatag ng Filipino sa Piling Larang. Tulay ang kursong ito sa
paggamit ng Filipino bilang midyum tungo sa pagtatahi nito sa iba't ibang larang. Binibigyang-
pansin ng layong kontekstwalisasyong itong maitampok, matalakay at magamit ang mga sulating
nakasulat sa Filipino sa isang espesipikong larang.

Tumutugon ang aklat na ito sa pangangailangan ng larangang akademik bilang paghahanda


sa mas mataas na edukasyon at konteksto. Ang pagtatahi ng mga gawaing nakalatag sa aklat ay ang
pihong tunguhing makintal ang kabisaan ng mga sulating ito ayon sa paggamit sa akademya at
trabaho.

Nakaestruktura ang mga bahagi ng aklat na ito para sa gradwal na pagpapalaya ng


responsibilidad (gradual release of responsibility) sa mga mag-aaral bilang mga manunulat ng
akademikong sulatin.

1. ILATAG NATIN
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga layunin sa bawat paksa sa loob ng aklat. Malinaw na
nakasaad ang mga ito para sa kapakinabangan ng mga guro at mag-aaral. Mas magiging maayos at
malinaw ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa bawat aralin pagkat nagagabayan ng bahaging ito ang
nais na tunguhin ng bawat paksa.

2. HAMÒN SA AKIN
Tampok sa bahaging ito ang iba’t ibang pambungad na gawaing makapagbubukas ng iskema
ng mga mag-aaral hinggil sa paksa.

3. PAG-USAPAN NATIN
Sa bahaging ito makikita ang batayang pangnilalamang masinsinang isinaayos upang
maipaunawa sa mga guro at mag-aaral ang daloy ng aralin.

4. GAWIN NATIN
Ang bahaging ito ay ang tumutulong sa mag-aaral na makasulat o makapagsuri ng sariling
gawang akademikong sulatin sa pamamagitan ng ginabayang pagsulat o ginabayang pagsusuri.
5. KAYA NATIN
Sa pamamagitan ng G.R.A.S.P.S. na isinangkap sa bawat performance task ng mga aralin,
magiging makabuluhan at makatotohanan ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ipinakikilala rin ng
bahaging ito ang mga gawaing nakatabi sa kanilang partikular na strand. Ang mga gawain ay
isinasagawa sa paraang papalihan.

6. KAYA KO
Ang bahaging ito
ng bawat isa kaugnay ng araling tinalakay na malaking tulong sa bubuoing akademikong sulatin.

Sa kabuoan, layon ng aklat na ito ang mapaigting pa ang paggamit ng Wikang Filipino bilang
midyum ng mga akademikong sulatin sa antas-iskolarling at mapalaganap ang kultura ng pagsulat
sa sistematiko at kolaboratibong paraan.

A. U. B.
M. G. L. D.
M. J. C. G.
G. I. P. S.
Talaan ng mga Nilalaman

Yunit I
Aralin 1 Ang Akademikong Pagsulat at ang mga Akademikong Sulatin
Aralin 2 Ang Proseso ng Pagsulat
Pagsusulit Pagsusulit para sa Yunit I

Yunit II
Aralin 3 Ang Buod at Sintesis
Aralin 4 Ang Abstrak
Aralin 5 Ang Bionote
Aralin 6 Ang Panukalang Papel/Proyekto
Aralin 7 Ang Talumpati
Aralin 8 Ang Adyenda
Aralin 9 Ang Katitikan ng Pulong
Aralin 10 Ang Posisyong Papel
Aralin 11 Ang Replektibong Sanaysay
Aralin 12 Ang Photo Essay
Aralin 13 Ang Lakbay-Sanaysay
Pagsusulit Pagsusulit para sa Yunit II

Awtput Ang Pinal na Gawain

Mga Reperensiya

ARALIN 1: ANG AKADEMIKONG PAGSULAT


ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 matalakay ang kahulugan ng
akademikong sulatin;
 maisa-isa ang mga katangian ng
akademikong sulatin;
 matukoy ang mga halimbawa ng
akademikong sulatin at mga katangian
replekto nito; at
 makapagsagawa ng pagsusuri ng isang
sulatin/teksto/artikulo.

Ang pagsulat ay itinuturing bilang


pinakakompleks na kasanayan sa komunikasyon. Ang makrong kasanayang ito ay nangangailangan
ng sapat na panahon at pagsasanay upang matamo ang aktuwal na paggamit.
Batay sa pag-aaral nina O’Grady, Dobrovotsky, at Aronoff, sa aklat nina Paz et. al (2003) na
Ang Pag-aaral ng Wika, ang pagsulat ay isang simbolikong representasyon ng wikang maaaring
iimbak. Ito ay patunay ang pagsulat ay isa sa mga esensyal na makrong kasanayang nagpapakita ng
proseso ng paggamit ng mga nasusulat na simbolo (titik, bantas, at espasyo) upang mailahad ang
mga kaisipan sa nababasang porma.
Kahanay ng makrong kasanayang pagsasalita ang makrong kasanayang pagsusulat, bilang
kasanayang produktibo, sa pagpoproseso ng mga datos na nanggaling sa mga reseptibong makrong
kasanayan, gaya ng pakikinig, panonood, at pagbasa, tungo sa pagpapasa ng impormasyon.
Isinasakongkreto at itinutulay ng kasanayang ito ang mga impormasyong nakalap at ipinakikilala
ang diskursong pasulat bilang lunsaran.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Magtala ng mga halimbawa ng sulating isinagawa noong ika-7 hanggang ika-10
baitang sa Filipino. (Hal. Talambuhay)
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10
Mga gabay na tanong:
1. Ano-ano ang iyong mga naging suliranin sa pagsulat ng mga ito?
2. Paano nalinang ng mga sulating ito ang iyong kasanayan sa pagsulat?
3. Sa kasalukuyan, ano-ano ang mga nakikita mong kalakasan at kahinaan mo sa pagsulat?
PAG-USAPAN NATIN
Ang Akademikong Pagsulat
Hamon sa akademikong pagsulat ang pagsasaakademiko ng mga sulatin o ang pag-aantas
nito bilang iskolarling. Nakaestruktura ang mga sulatin ayon sa pangangailangan at gampanin nito
sa akademya pagkat itinutulay nito ang proseso ng mga impormasyong ginagamit sa mas mataas na
antas ng pag-aaral, kabilang din dito ang trabaho.
Itinatakda ng akademikong pagsulat ang paglalahad ng kabuluhan sa mga sulating maaaring
makatulong sa mga iskolar. Inilalapit nito ang kahulugan nina Arrogante et al. (2007), sa aklat nina
Garcia at Marquez (2017), na nakadepende sa kritikal na pagbasa ng mga indibidwal ang pagbuo ng
isang akademikong sulatin. Lunsaran ito ng pag-aaral, kritik, impormasyon, hipotesis, at mga datos.
Nagtutungo ang mga ito sa desiminasyon sa iba’t iba pang porma. Samakatuwid, maituturing ito
bilang isang repinadong uri ng pagsulat.

Katangian ng Akademikong Pagsulat at Manunulat nito


Bilang ito ay gawaing intelektwal, may pagtatakda sa katangian ng isang akademikong
pagsulat.
1. Pormal
 Pangunahing tagatangkilik ng akademikong pagsulat ang akademya, samakatuwid,
inaasahan dito ang pormalidad mula sa pagpili ng salita hanggang sa
pagpapangungusap. Binibigyang-pansin dito ang restriksiyon sa antas ng wikang
gagamitin.
2. Obhetibo
 Bagaman ang katangiang ito ay nakabatay sa paksa at pangangailangan,
responsibilidad ng manunulat ng mga akademikong sulatin ang matalinong
pagtitimbang sa pagitan ng mga makatotohanang datos at opinyon.
3. Lohikal at Kritikal
 Makikita sa katangiang ito ang pangangailangan ng intelektwal na bahagi ng isang
akademikong sulatin. Pinalalaganap ng mga ito ang mataas na antas ng pagganap ng
akademikong sulatin sa rasyonal na pagsulat at paglikha ng mga sulating nagdaan sa
matalinong proseso. Kaugnay rito ang paglalahad ng mga patunay na datos/
impormasyon.
4. Marunong Kumilala ng Orihinalidad at Inobasyon
 Mahalaga ang citation sa isang akademikong pagsulat. Ito ay pagtugon sa layon ng
akademya hinggil sa pagkilala ng pag-aaring intelektwal ng isang iskolar. Ang
intensyonal na hindi paglalagay ng pinagsipian ay maituturing bilang plagiarism,
isang malaking pagbalikwas sa paghirang ng akademikong sulatin sa iskolarling na
pagsulat, maliban dito, ito ay may karampatang kaparusahan sa ilalim ng batas.

Ang mga Akademikong Sulatin

Ito ay isang uri ng lagom na ginagamit upang ipakilala ang nilalaman at


Abstrak
ipatangkilik ang isang saliksik/pag-aaral/tesis sa mga mambabasa.
Ito ay isang nasusulat na diskusyong nagmula sa isa o higit pang
Sintesis sanggunian. Ipinaliliwanag nito ang isang partikular na paksa gamit ang
mga pansuportang impormasyon.
Ito ay isang maikling talang ginagamit upang gawing pagpapakilala sa
Bionote isang tao sa mga propesyonal na paggagamitan gaya ng publikasyon, at
introduksiyon bilang tagapagsalita.
Ang Panukalang papel ay isang sulating nagtataglay ng detalyadong plano
Panukalang Papel
para sa pagbuo at pagsasagawa ng isang proyekto.
Ayon kina Mangahis, Nuncio, Javillo (2008) sa aklat nina Garcia at
Marquez (2017), ito ay ang sining ng pagsasalitang maaaring
Talumpati
nanghihikayat, nangangatwiran, o tumatalakay ng isang paksa para sa
mga tagapakinig.
Adyenda Ito ay tala ng mga paksang pag-uusapan sa isang pulong.
Organisadong idinudokumento ng papel na ito ang mga napag-usapan at
Katitikan ng Pulong
napagkasunduan ng mga naging bahagi ng isang pulong
Ito ay isang uri ng sanaysay na nagpapakilala ng isang tindig na nakabatay
sa pansariling pananaw ng manunulat na maaaring umangkla sa mga
Posisyong Papel
paksang pampolitika, panlipunan, pang-akademiya, at iba pang kaugnay
na larang na maaaring kuhanan ng paksa.
Replektibong Nakaangkla ang nilalaman ng sanaysay na ito sa karanasan ng manunulat
Sanaysay na nakabatay sa isang partikular na paksa.
Ang photo essay ay isang uri ng artikulong nagtataglay ng mga larawang
Photo Essay
nagsasalaysay ng pangyayari, damdamin, at konsepto. (Dickson, 2006)
Ito ay isang artikulong naglalahad ng mga karanasan at pangyayaring
Lakbay-Sanaysay naging bahagi ng paglalakbay ng isang indibidwal o pangkat sa isang
partikular na lugar.

GAWIN NATIN
Panuto: Bumuo ng isang graphic organizer na makapaglalatag ng mga katangian ng isang
akademikong sulatin.
Pamantayan Puntos Marka
Nilalaman 5 puntos
Organisasyon ng
3 puntos
Ideya
Gramatika at
2 puntos
Pagbabaybay
Kabuoan 10 puntos

KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang sitwasyon. Punan ang graphic organizer na makatutugon sa
pangangailangan ng sitwasyon.

Layon ng gawaing itong matugunan ang kahingian ng graphic organizer


Goal (Layon)
batay sa sitwasyon.
Role (Gampanin) Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang mga literary planner.
Tatayong awdyens sa isang pulong ang mga organizer, at editor ng isang
Audience (Awdyens)
publishing company.
Nagsagawa ang Akademik Publishing Company ng isang pulong para sa
Situation (Sitwasyon) pagpaplano ng isang aklat na magtatampok ng iba’t ibang isyung
panlipunan.
Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang outline hinggil sa
Product (Produkto)
kanilang paksang napili.
Pamantayan Puntos Marka
Nilalaman 8 na puntos
Organisasyon ng
4 na puntos
Standards (Pamantayan) Ideya
Gramatika at
3 na puntos
Pagbabaybay
Kabuoan 15 na puntos
1. Ano-ano ang iyong konsiderasyon sa pagpili ng 2. Paano mo ilalahad ang iyong layunin sa pagsulat
paksa? nito?
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________ _____________________________________

Ang aking paksa ay hinggil


sa
______________________
____

3. Paano mo ipoproseso ang pagsulat nito? 4. Sa paanong paraan mo maisasaalang-alang ang


____________________________________________ iyong awdyens?
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
____________________________________________ ____________________________________________
___________________________________ ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
________________________________
KAYA KO
Panuto: Manaliksik at magdikit ng isang artikulo/sulatin/teksto. Suriin ito batay sa mga
katangian ng isang akademikong sulatin.

Idikit sa bahaging ito ang teksto.


Kalakasan ng Teksto bilang isang Kahinaan ng Teksto bilang isang
Akademikong Sulatin Akademikong Sulatin

Pamantayan Puntos Marka


Nilalaman at Panunuri 8 na puntos
Organisasyon/Kaisahan
5 na puntos
ng Ideya
Pagpili ng Salita 4 na puntos
Gramatika at
3 na puntos
Pagbabaybay
Kabuoan 20 na puntos

ARALIN 2: ANG PROSESO NG PAGSULAT

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 matalakay ang proseso ng pagsulat;
 maisa-isa ang mga bahagi ng sulatin;
 makapagsuri ng isang sulatin; at
 makabuo ng isang sulatin.
Ang anumang uri ng sulatin ay may pinapadrong sistema, bilang ang pagsulat ay isang
sistematikong kasanayan. Ito ay inaasahang may sinusunod ding proseso. Ito man ay malikhain o
teknikal na pagsulat ay kapuwa nangangailangan nito. Kadalasan, nagkakaroon ng suliranin ang
isang baguhang manunulat dahil sa kawalan niya ng kamalayan sa proseso ng pagsulat. Bagaman
hindi naman nangangailangan ng matamang pagsunod dito, ang pagtugon sa paggabay na
idinudulot ng proseso ng pagsulat ay makatutulong upang maisakatuparan ang pagsulat at
kalaunan ay makatutulong din sa paglinang ng mismong kasanayan sa pagsulat.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Basahing maigi ang mga sitwasyon. Tugunan ang mga tanong sa bawat kahon.

1. Pinabubuo ka ng paksa hinggil sa 2. Ano-anong mga pansuportang


iyong sarili, anong espisipikong detalye ang ibabahagi mong may
paksa ang iyong tatalakayin? kaugnayan sa iyong sentral na
__________________________________________ paksa?
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
______________________________________ _______________________________________

4. Matapos mong buoin ang sulatin, 3. Ano-ano pang mga detalye ang
anong posibleng sunod mong gawin kinakailangan para mabuo ang
upang malinang pa ito? sulating ito?
__________________________________________ __________________________________________
__________________________________________ __________________________________________
_______________________________________ _______________________________________

5. Bakit kailangang basahin muli ang


Mga gabay na tanong: iyong ginawang sulatin?
1. Ano ang kahalagahan ng __________________________________________ pagkakaroon ng iba’t
ibang estratehiya sa pagbuo ng __________________________________________ sulatin??
2. Bakit kinakailangan ng _______________________________________ proseso sa pagsulat?
3. Bakit kailangang suriin ang nabuong sulatin?

PAG-USAPAN NATIN
Ang Proseso ng Pagsulat
1. Bago Sumulat
Pagpaplano ang isa sa mga nakapagdudulot ng isang mahusay na sulatin. Inaasahan sa
bahaging itong tiyak at malay ang manunulat sa kaniyang isusulat at layon ng pagsulat. Kadalasang
lumilitaw rin dito ang paksa, at posibleng daloy ng sulatin. Kung may katuwang na manunulat, sa
antas-pre-pagsulat din isinasagawa ang brainstorming.
Maaaring gamitin ang mga sumusunod na estratehiya para makabuo ng ideya:
 makibahagi sa mga malilit na talakayan;
 tukuyin ang mga konseptong alam na at mga nais pang malaman;
 bumuo ng graphic organizer;
 gumamit ng dyornal; at
 makipag-brainstorm, pag-usapan at ilapit ang mga hilig, nais, hindi nais, at iba
pang makatutulong na paksa.

2. Habang Nagsusulat
Sa yugtong ito, naisasamateryal ang mga ideyang inihanda sa unang bahagi. Dito rin
isinasagawa ang pagbuo ng burador o ang nagiging paunang sulat ng binubuong sulatin. Tiyaking
gagamitin ang binuong tala sa pre-writing upang hindi magkaroon ng kalituhan ngunit huwag
matatakot na baguhin ang proseso o ilang ideya kung ito naman ay makatutulong para sa pag-unlad
ng sinusulat.
Tandaang ang burador ay binubuo para sa manunulat at hindi pa para sa mambabasa.
Samakatuwid, ang pagkakamali at ang mga puna rito ay inaasahan para sa ikalilinang ng sulatin.

3. Pagkatapos Sumulat
Sa bahaging ito isinasagawa ang mga pagbabago sa papel. Kung ang burador ay para sa
manunulat, ang rebisyon ay para sa mga mambabasa. Nakapokus ang pagbabago sa pagbabaybay,
gramatika, pagpapangungusap, kapitalisasyon, pagbabantas, pagpili ng salita, citation, at pormat ng
dokumento.

Mga Bahagi ng Sulatin


Bilang ang pagsulat ay isang proseso, inaasahan ang pagbuo ng mga bahagi nito.

Panimula
Binibigyang-pansin ang bahaging ito dahil ito ang nagiging susi upang pukawin ang
atensyon ng mga mambabasa. Samakatuwid, makatutulong ang bahaging ito para mapanatili ang
kawilihan ng mambabasa.
Binanggit ni Jacobs (2015) na maaaring simulan ang panimulang bahagi ng isang teksto sa
pamamagitan ng mga sumusunod:
 paglalahad ng nakagugulat na impormasyon;
 paglalagay ng isang anekdota;
 paglilikha ng isang diyalago;
 paglalapat ng isang buod ng anumang impormasyon;
 pagbubukas gamit ang isang pahayag; at
 paglalatag ng mga nakapupukaw at makahulugang tanong para sa mga mambabasa.
Dagdag pa, inilahad ni Mortera (2011) ang estratehiyang maaaring gamitin upang
magganyak ang mga mambabasa:
 paglalahad sa kahalagahan ng paksa;
 pagsisimula sa isang malinis na biro;
 pagsasalaysay ng kaugnay na kuwento o balitang napapanahon;
 paggamit ng tanong-retorikal at ng tanong na nakagaganyak pag-isipang sagutin;
 pagbanggit ng sariling paniniwala, interes, damdamin, at sentimyento sa pag-
aakalang katulad din iyon ng nararanasan ng mga nakikinig o bumabasa;
 paggamit ng mga bahagi ng tula/awit, salawikain, kasabihan at kawikaan;
 paggagad sa mga popular na linya sa telebisyon, komersyal at pelikula (kailangang
ma kaugnayan sa paksa) o ng iba’t ibang personalidad;
 pagpansin sa paligid;
 pagpuri sa mga tagapakinig at mambabasa; at
 pagsasalaysay ng mga kaganapan sa sariling buhay.
Mula sa mga itinala makikitang kinokondisyon ng bahaging ito ang isip ng mga mambabasa
upang ihanda na rin sa pagpapalalim ng ideyang ilalatag sa susunod na yugto ng pagsulat.

Katawan
Tipikal nang nasa bahaging ito ang pagpapaliwanag at pagpapalawak ng anumang paksa o
tesis na inilatag sa panimula. Tinutugunan nito ang mga suliranin at kahingiang ipinakilala sa
pamamagitan ng paglalatag ng mga kaukulang impormasyong makahulugan para dito.
Layon din ng bahaging ito ang maipahayag ang anumang paliwanag na makatutulong sa
kabuoan ng teksto. Binibigyang-halaga sa pagbuo ang pagpili at organisasyon ng mga ideya, pagkat
tinututukan nito ang paglalaan ng mga impormasyong susuporta sa sulatin.
Sa bahaging ito, maaaring:
 ilahad ang tindig ng sinusulat;
 ipakita ang kalakasan at kahinaan ng paksang pinili;
 magpakita ng estadistika at pigurang makasusuporta sa tesis; at
 gradwal na paglalahad ng mga impormasyon.

Kongklusyon
Sa bahaging ito ng sulatin nilalagom ang kabuoan ng teksto, sinisikap ng manunulat na
maipakita ang bisa ng introduksiyon at katawan dito, kasama rito ang posible pang debelopment ng
sulatin at ang kaisipang mananatili sa mga mambabasa.
GAWIN NATIN
Panuto: Inaasahang taglay ng isang manunulat ang kasanayan sa pagbuo ng paraan ng
kaniyang pagsulat, bumuo ng sariling paraan sa pamamagitan ng paglalahad ng iba pang tips para
sa espesipikong yugto sa proseso ng pagsulat batay sa isang sitwasyon. Tiyakin ang wastong
pagsisipi ng mga impormasyong kukunin sa anumang sanggunian.

Ikaw ay inatasang bumuo ng isang


Sitwasyon impormatibong sanaysay hinggil sa
pagpapakilala ng iyong strand.
Gabay na Tanong: Tugon
 Paano ko ito sisimulan?
 Ano ang aking panimulang pahayag?
 Ano-ano ang mga makikita sa
panimulang bahagi nito?

 Ano-anong mga impormasyon ang


maaari kong ilagay upang
makapagpatibay sa aking panimula?

 Ano-ano ang mga detalyeng aking


ilalahad sa kongklusyong
makapagpapakita ng kaugnayan nito sa
panimulang bahagi?

KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Sumipi ng isang tekstong nakasulat sa Filipino, maaaring ito ay
artikulo, sulatin, balita, o akdang prosa. Suriin ito batay sa naging talakayan sa bahagi ng isang
sulatin at mga katangian nito. Maglakip ng kopya ng tekstong susuriin.

Goal (Layon) Layon ng palihang itong makapagsuri ng isang teksto.


Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang mag-aaral ng kursong Panunuring
Role (Gampanin)
Pampanitikan.
Tatayong awdyens sa isasagawang simulated na klase ang mga mag-
Audience (Awdyens)
aaral ng Kurso at guro nito.
Bilang mga nagmemedyor sa Panitikan, bahagi ng inyong kurso ang
panunuri ng iba’t ibang teksto. Inatasan kayo ng inyong guro sa kursong
Situation (Sitwasyon) Panunuring Pampanitikang magsuri ng anumang sisipiing teksto,
maaaring ito ay artikulo, sulatin, balita, o akdang prosa, batay sa
kalakasan at kahinaan ng mga bahagi nito.
Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang panunuri ng isang
Product (Produkto)
teksto.
Standards (Pamantayan) Pamantayan 3 2 1
Nilalaman Naipakita ang May isa May tatlong
lahat ng bahagi. hanggang bahaging hindi
dalawang naisagawa.
bahaging hindi
naisagawa.
May isa
May tatlo-
hanggang
pataas na
dalawang
Paraan ng Malinaw ang pangungusap
pangungusap
Pagtugon sa naging paraan ang hindi
na hindi
Panunuri ng panunuri. malinaw ang
malinaw ang
ideya ng
ideya ng
panunuri.
panunuri.
May isa May tatlo –
Ang lahat ng hanggang pataas na
Pagpili ng salitang dalawang bilang ng
Salita ginamit ay salitang hindi salitang hindi
iskolarling. nasa antas- nasa antas-
akademik. akademik.
Nagkaroon ng May isa May apat-
kasinupan sa hanggang pataas na
Pagbabantas organisasyon, tatlong pagkakamali sa
at teknikalidad, pagkakamali sa pagbabantas,
Teknikalidad mekaniks sa pagbabantas, pagbabaybay,
ng Pagsulat. pagsulat. pagbabaybay at at mekaniks sa
mekaniks sa pagsulat.
pagsulat.

Kabuoan

Teksto:

Kalakasan Kahinaan

Panimula
 Naging epektibo ba
para sa iyo ang ginamit
na estratehiya upang
pukawin ang iyong
atensyon?
 Nailahad ba ang tesis
ng teksto sa bahaging
ito?

Katawan
 Naipakita ba ang
wastong organisasyon
ng mga ideya?
 Nagkaroon ba ng
matalinong pagpili ng
mga salita upang
matugunan ang
inilahad na tesis?

Kongklusyon
 Naging epektibo ba ang
bahaging ito upang
ilagom ang kabuoan ng
teksto?
 Nakapag-iwan ba sa iyo
ng kakintalan ang
bahaging ito?

KAYA KO
Panuto: Basahin ang tanong na nakalahad. Bumuo ng isang sanaysay mula rito. Inaasahang
makikita rito ang mga bahagi ng isang sulatin at mga katangian nito. Tiyakin ang wastong pagsisipi
ng mga impormasyong kukunin sa anumang sanggunian.

Tanong:
Ano ang magiging tulong ng iyong napiling strand sa iyong nais na kurso sa kolehiyo?
Pamantayan 3 2 1
May isa hanggang May tatlo-pataas na
Napakita ang katatasan dalawang ideyang hindi ideyang hindi naging
Nilalaman
ng mga ideya. naging malinaw ang malinaw ang
paglalahad. paglalahad.
May isa hanggang May tatlo-pataas na
Malinaw ang
dalawang pangungusap pangungusap ang hindi
Pagpapangungusap pagkakabuo ng mga
na hindi maayos ang maayos ang
pangungusap.
pagkakabuo. pagkakabuo.
May isa hanggang May tatlo – pataas na
Ang lahat ng salitang
Pagpili ng Salita dalawang salitang hindi bilang ng salitang hindi
ginamit ay iskolarling.
nasa antas-akademik. nasa antas-akademik.
Nagkaroon ng May isa hanggang May apat-pataas na
Pagbabantas at kasinupan sa tatlong pagkakamali sa pagkakamali sa
Teknikalidad ng pagbabaybay, pagbabaybay, pagbabaybay,
Pagsulat. teknikalidad, mekaniks pagbabantas at pagbabantas at
sa pagsulat. mekaniks sa pagsulat. mekaniks sa pagsulat.

Kabuoan

PAGSUSULIT PARA SA UNANG YUNIT

Pangalan: Strand: Marka:


Pangalan ng Guro: Seksiyon: Petsa

Panuto: Basahing maigi ang mga tanong. Tatayahin ng pagsusulit na ito ang iyong mga natutuhang
kasanayan hinggil sa: (1) Kaligiran ng Pagsulat at Akademikong Pagsulat; (2) Mga Akademikong
Sulatin; at (3) Iba pang Preliminarya sa Pagsulat, at Proseso nito. Piliin ang tamang sagot at bilugan
ito.
1. Ito ay itinuturing bilang pinakakompleks na kasanayan sa komunikasyon.
a. Pagbasa c. Panonood
b. Pakikinig d. Pagsulat

2. Ang makrong kasanayang ito ay nagpapakita ng proseso ng paggamit ng mga nasusulat na


simbolo, maliban sa isa, alin ito?
a. Ideya c. Titik
b. Espasyo d. Bantas

3. Bakit nangangailangan ng feedbacking sa pagsulat?


a. Nang sa gayon ay ma-monitor nito ang mga pagbabagong dapat maiwasto
b. Nang mapuna ang mga pagkakamali
c. Nang masabi kung mali ang teksto
d. Nang makita kung may dapat pang baguhin batay sa kagustuhan

4. Paano magiging epektibo ang pagsusuri sa isang akademikong sulatin?


a. Kailangang maraming bura at pagwawasto ang sulatin.
b. Ginagamitan ito ng lohikal na pagbasa.
c. Dapat na tingnan lamang ang medyor na pagbabago.
d. Pagtuunan ng pansin ang mga bantas.

5. Batay sa depinisyon nina Arrogante et. al. (2007) ang akademikong pagsulat ay nakabatay sa
kasanayang ito ng isang indibwal ang pagbuo ng isang akademikong sulatin. Ano ito?
a. Kritikal na pag-iisip c. Pagwawasto
b. Kritikal na pagbasa d. Pagsisipi

6. Pinipiling maigi ni Andrew ang mga salitang kaniyang gagamitin at ang kaayusan ng kaniyang
pagpapangungusap at pagpoporma ng teksto. Anong katangian ng akademikong pagsulat ito?
a. Obhetibo c. Pormal
b. Lohikal at Kritikal d. Marunong kumilala ng orihinalidad

7. Bilang naniniwala si Lea sa wastong pagsipi ng mga impormasyong kaniyang ginagamit sa teksto,
minamabuti niya ang paglalagay ng citation sa mga ito. Anong katangian ng akademikong pagsulat
ito?
a. Obhetibo c. Pormal
b. Lohikal at Kritikal d. Marunong kumilala ng orihinalidad

8. Nais idukomento ni Jake ang mga nais pag-usapan at talakayin sa kanilang pulong. Makatutulong
sa kaniya ang sulating ito.
a. Panukalang Papel c. Adyenda
b. Talumpati d. Katitikan ng Pulong
9. Pinabubuo si Ingrid ng isang tekstong naglalahad ng kaniyang mga naging karanasan at
pangyayaring bahagi ng bakasyon sa Palawan. Anong teksto ito?
a. Photo Essay c. Replektibong Sanaysay
b. Lakbay-Sanaysay d. Posisyong Papel

10. Sa bahaging Bago Magsulat, isinasagawa ang mga sumusunod na estratehiya, maliban sa ito, alin
ito?
a. Pakikibahagi sa mga malilit na talakayan
b. Pagbuo ng graphic organizer
c. Pagbuo ng burador
d. Paggamit ng dyornal

11. Nais nina Angelo at Angela na maging lohikal at kritikal ang kanilang sulatin, paano nila ito
maisasakatuparan?
a. Gawing rasyonal at pagsulat at paglikha ng mga sulating nagdaan sa matalinong proseso
b. Kumilala sa pag-aaring intelektwal ng isang iskolar
c. Bigyang-pansin ang restriksiyon sa antas ng wikang gagamitin
d. Magkaroon ng matalinong pagtitimbang sa pagitan ng mga makatotohanang datos at
opinyon

12. Ang ____________________ ang bahaging nag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa nito.
a. Panimula c. Wakas
b. Katawan d. Bago Sumulat

13. Ayon sa panuto ng guro ni Eullah, kailangan nilang bumuo ng isang photo essay, alin sa mga
sumusunod ang maaaring makapagbigay ng kahulugan nito?
a. Ito ay tala ng mga paksang pag-uusapan sa isang pulong.
b. Ito ay isang nasusulat na diskusyong nagmula sa isa o higit pang sanggunian.
c. Ito ay isang sulating nagtataglay ng detalyadong plano para sa pagbuo at pagsasagawa ng
isang proyekto.
d. Ito ay isang artikulong di-gaanong gumagamit ng wika, sa halip ay nagtataglay ito ng mga
larawan upang magsalaysay.

14. Bilang ang pagsulat ay isang makrong kasanayang lumilikha, ito ay maituturing bilang
___________.
a. Produktibo c. Reseptibo
b. Tumatanggap d. Nagpoproseso

15. Sumipi si Maine ng mga impormasyon ng mga porsyento ng poverty rate ng bansa, anong
estratehiya ng pagbuo ng katawan ang kaniyang binuo?
a. Paglalahad ang tindig ng sinusulat
b. Pagpapakita ang kalakasan at kahinaan ng paksang pinili
c. Pagpapakita ng estadistika at pigurang makasusuporta sa tesis
d. Pagpapakita ng gradwal na paglalahad ng mga impormasyon
16. Bagaman may paninindigan ay hindi pa rin isinasantabi ni Anna ang kaisipan ng ibang tao.
Anong katangian ito?
a. Obhetibo c. Pormal
b. Lohikal at Kritikal d. Marunong kumilala ng orihinalidad

17. Madalas na maglagay si Gary ng mga patunay na makapagpapatibay sa kaniyang tindig. Anong
katangian ng akademikong pagsulat ito?
a. Obhetibo c. Pormal
b. Lohikal at Kritikal d. Marunong kumilala ng orihinalidad

18. Pagkatapos ng pulong ay napag-usapan na ang mga impormasyong kakailanganin para sa


bubuoing proyekto, anong sulatin ang maaaring gamitin upang ganap itong mailatag?
a. Panukalang Papel c. Adyenda
b. Talumpati d. Katitikan ng Pulong

19. Sumulat si Dina ng isang tekstong nagpapakita ng kaniyang pansariling pananaw na nakaangkla
sa mga paksang pampolitika. Sa anong uri ng sulatin ito maiuuri?
a. Photo Essay c. Replektibong Sanaysay
b. Lakbay-Sanaysay d. Posisyong Papel

20. Bakit krusyal ang bahaging Panimula sa isang sulatin?


a. Pagkat ito ang bahaging nagpapakagat sa mambabasa
b. Pagkat ito ang bahaging naglalahad ng mga pansuportang detalye
c. Pagkat ito ang bahaging naglalagom ng lahat ng konsepto
d. Pagkat ito ang bahaging naglalabas ng mga impormasyong makatutugon sa suliranin

21. Ayon kina O’Grady, Dobrovotsky, at Aronoff, sa aklat nina Paz et. al (2003) na Ang Pag-aaral ng
Wika, ang pagsulat ay isang simbolikong representasyon ng wikang maaaring _____________________.
a. Maisip c. Makita
b. Mabura d. Iimbak

22. Bumubuo si Kaye ng isang sulating nagpapaliwanag ng isang partikular na paksa gamit ang mga
pansuportang impormasyon. Aling sulatin ang higit na lutang ang katangiang ito?
a. Sintesis c. Panukalang Papel
b. Adyenda d. Katitikan ng Pulong

23. Bakit nangangailangan ng brainstorming sa pagsulat?


a. Nang sa gayon ay makita ang mga posibleng dulog sa pagsulat
b. Nang masabi kung mali ang teksto
c. Nang mapuna ang mga pagkakamali
d. Nang mapakita ang maaari pang idagdag na kategorya
24. Ang mga sumusunod ay ang mga katangiang inaasahan sa isang sangguniang akademiko,
maliban sa isa, alin ito?
a. Ito ay nagtataglay ng diskusyong pampananaliksik.
b. Ito ay nagmumungkahi ng isang listahan ng mga pinagkukunan.
c. Ito ay naglalahad ng mga inaral na estadistika.
d. Ito ay sumasaklaw sa isang partikular na larang.

25. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat isaalang-alang bilang katangian ng akademikong
sulatin?
a. Paggamit ng sapat na katibayan para sa mga argumento
b. May paggalang sa magkakaibang pananaw at sa mga kaisipang labas sa iyong kaisipan
c. Paniniwala sa isang panig at mahigpit na paniniwala rito
d. Pagpapakita ng mga magandang layunin para sa akademya

26. Malinaw kay Marco na hindi lamang dapat manatili sa kaniyang pansariling kaisipan ang mga
ideyang ilalahok niya sa kaniyang sulatin, kung kaya ay pinipili niya ito at sinisipi sa wastong
paraan upang bigyan ng pagkilala ang pinagmulan nito. Alin ang higit na nagpapakita ng katangian
ni Marco?
a. Obhetibo c. Pormal
b. Lohikal at Kritikal d. Marunong kumilala ng orihinalidad

27. Naimbitahan si Coco upang maging tagapagsalita ng Sangguniang Kabataan ng kanilang


baranggay na dumalo sa isang kumperensiya. Aling sulatin ang makatulong sa kaniyang
pagpapakilala?
a. Talumpati c. Bionote
b. Panukalang Papel d. Sintesis

28. Bumubuo si Kate ng isang akademikong sulating nagtatampok sa pagbubuod niya ng mga
impormasyon galing sa hindi bababa sa dalawang reperensiya hinggil sa isang paksa, ang binubuo
niyang sulatin ay __________________
a. Buod/ Lagom c. Abstrak
b. Sintesis d. Katitikan ng Pulong

29. Pinabubuo si Miggy ng isang tekstong naglalahad ng kaniyang mga naging karanasan noong siya
ay nasa ikawalong baitang. Anong teksto ito?
a. Photo Essay c. Replektibong Sanaysay
b. Lakbay-Sanaysay d. Posisyong Papel

30. Sa bahaging Pagkatapos Magsulat isinasagawa ang mga sumusunod na estratehiya, maliban sa,
alin ito?
a. Pagwawasto ng gramatika
b. Pagpapakilala sa paksa
c. Pagbasang muli
d. Pagtiyak sa mga bantas

ARALIN 3: ANG BUOD AT SINTESIS

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 matalakay ang buod at sintesis bilang
akademikong sulatin;
 maisa-isa ang hakbang sa pagsulat ng
buod at sintesis;
 makabuo ng lagom at sintesis; at
 makapagsuri ng sintesis.
Ang pagbubuod o paglalagom ay isa sa mga pangunahing kasanayan sa pagkatuto.
Sinasanay ito upang matugunan din ang iba pang kasanayang naipanganganak sa proseso ng
pagkatuto ng isang indibidwal. Bilang ito ay isang kapsula ng pangkalahatang pagtanaw sa isang
teksto, taglay nito ang paglalagay ng mga espesipikong makahulugang detalyeng makatutulong para
sa mga mambabasa.
Sa katunayan, ito ay kaugnay na kasanayang ginagamit din sa iskolarling na pagsulat gaya
ng abstrak, mga sanaysay at talumpati, katitikan, at iba pang akademikong sulatin. Samakatuwid,
ang kaugnayang ito ay makapagtatala na ang pagbubuod ay isang esensyal na proseso.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Sumulat ng sampung mahahalagang yugto o pangyayari sa iyong buhay mula sa
panahon ng iyong pagkasilang hanggang sa kasalukuyan, Ito ay dapat nakaayos sa paraang
kronolohikal.

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Mga gabay na tanong:


1. Ano-ano ang iyong mga isinaalang-alang sa pagpili ng mga pangyayaring iyan?
2. Bakit may mga alaala kang hindi mo na piniling isulat pa?
3. Paano nakatutulong ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon sa isang sulatin?

PAG-USAPAN NATIN
Kahulugan, Kahalagahan at Katangian ng Buod at Sintesis
Ang buod, ayon sa UP Diksiyonaryo (2010), ay isang maikling lagom o pangkalahatang
pagtingin sa isang bagay. Samakatuwid, ito man ay tekstong nasusulat, naririnig, nababasa, o
napapanood ay maaaring lagumin.
Kaiba sa lagom na galing lamang sa isang pinagmulan, ito ay nangangahulugang pagsasama-
sama ng mga ideyang may iba-ibang pinanggalingan (Villanueva at Bandril, 2017). Hindi ito
nalalayo sa Griyego nitong salitang syntithenai na may tumbas sa Ingles na pagsasama-sama
(Harper, 2016). Hindi rin nalalayo ang unibersal na kahulugan nitong mula Cambridge Dictionary
(2018), bilang isang akto ng pagsasama-sama ng iba’t ibang ideya upang makabuo ng isang bagong
naiibang bagay.
Kung pag-iisahin ang mga kahulugang ito, maaaring makita ang sintesis bilang pagbubuod
ng mga ideya at konseptong nagmula sa iba’t ibang sanggunian tungo sa pagtugon sa isang
espesipikong paksa o iba pang kaisipan.
Layon ng akademikong sulating itong makatipon ng mga ebidensyang makasasagot sa
tunguhin ng tekstong binubuo.

Ang Proseso ng Pagbubuod


1. Basahin ang kabuoan ng tekstong ibubuod.
2. Basahin itong muli at magtala ng mga mahahalagang detalye para sa aktuwal na
pagbubuod. Makatutulong ang paggamit ng highlighter upang higit na makita ang mga puntos na
kinakailangan para sa bubuoin.
3. Tingnan ang mga naitalang bahagi ng teksto at kaltasin ang mga hindi na kailangang
bahagi. Ang alinmang bahaging maaaring makapagpahaba sa buod ay maaari nang tanggalin.
4. Ilatag ang mga natipong bahagi at buoin ito sa paraang papangungusap o patalata.
Makatutulong ang ginawang tala para makita ang kronolohikal na ayos ng mga detalye sa binubuod
na teksto.
5. Basahing muli ang buod para sa pagwawasto ng baybay, pagpapangungusap at kaayusan
nito.

Ang Proseso ng Pagsisintesis


Bagaman hindi nalalayo ang proseso ng pagsasagawa ng sintesis sa pagbubuod ay may ilang
natatanging hakbang na isinasagawa rito (ang ilang bahagi ay mula kina Villanueva at Bandril,
2017).
1. Unawain ang paksa.
2. Lumikha kaagad ng tesis mula rito. Makatutulong ang pagbuo ng balangkas upang makita
ang mga posibleng kaugnay na paksa.
3. Kumuha ng mga kaugnay na pag-aaral, papel, saliksik, at iba pang batis na maaaring
makatulong para sa pagtugon sa paksa
4. Tiyaking ang mga makukuhang impormasyon sa mga batis ay makatutulong sa pag-unlad
ng paksa. Basahin ang mga ito at ibuod ang mga pangunahing ideya, maaari ding magsama ng ilang
pansuportang detalye. Gaya sa pagbubuod, makatutulong kung gagamit ng highlighter o anumang
pananda upang mabilis na makita ang mga puntos.
5. Maaaring isaalang-alang ang mga kaugnay na konsepto, estadistika, at iba pang
interpretasyon upang makatulong sa debelopment ng paksa.
6. Iestruktura ang mga nakuhang impormasyon mula sa mga sanggunian sa paraang
makikita ang kohesyon at organisasyon ng mga ideya.
7. Panatilihing nakatuon ang binubuong sulatin sa ideya ng paksa sa tulong ng mga
impormasyong nakalap sa mga sanggunian.
8. Tiyaking nakakonteksto sa reyalidad ang pagtugon sa suliranin upang mapanatili ang
katangian nitong akademik at upang hindi maging ligaw sa paksa.
9. Sa bahagi ng kongklusyon, ibuod ang pangunahing tesis at tingnan kung nasagot din ba ng
bahagi ng katawan ang iyong inilatag na paksa.
GAWIN NATIN
Panuto: Basahing maigi ang mga bahagi ng teksto. Bumuo ng isang buod, maaaring gamiting
padron ang mga sumusunod na tanong, Subalit, ipagpalagay na may P500 ang inyong pangkat
upang mabuod ang akdang ipakikita. Ang mga salitang may 3-pababang titik ay nagkakahalagang
P2, samantalang ang mga salitang may 4-paatas na titik at P3.

Teksto:
Mga gabay na
Buod
Maalala Mo Kaya, Baliktanaw: Isang tanong:
Pagmumuni-muni… (Tica, 2014)
Limampung taon na ang nakaraan.
Tandang-tanda pa ni Aling Nat yang mga
pangyayari nang siya’y maliit pa.
 Ano-ano ang mga
Pagkagising sa umaga, pabibilhin siya ng detalyeng esensyal
maaalmusal ng kaniyang Nanay. Dala niya para sa mga
ang singkwenta sentimos. Pag-uwi niya sa talatang ito?
bahay may dala na siyang 3 itlog, 10 pan
de sal, at isang maliit na lata ng gatas na
ebaporada. Kay sarap na ng almusal nila!
Ikapito ng umaga. Bihis na si Norma
papuntang paaralan, 7:30 ng umaga ang
kanilang klase. Naglalakad lamang siya
Malapit lamang kasi ang paaralan sa
kanilang bahay. Kapag maulan,
sumasakay siya sa isang kalse. Bayad
niya’y diyes sentimos lamang. Tuwang-
tuwa siya kapag nakasakay sa kalesa.
 Aling mga
Pagsapit ng recess ilalabas ni Norma ang bahagi ang
kaniyang baon – dalawang saging na saba maaaring
o dili kaya’y suman na binudburan ng makatulong
niyog at asukal, Busog na busog na siya para sa pag-
pagkainom ng isang baso ng kalamansi o unlad ng
tubig. buod?

Napakapayak ng buhay noon. Hindi tulad


ngayon. Magkano ang kailangang pera
upang makabili ng almusal? Magkano ang
isang sakay sa dyip? Magkano ang baon
ng mga bata sa paaralan?

O kay hirap na ng buhay! Paano pa kaya  Ano-anong


tayo makakaahon sa kahirapan? Siguro mga puntos
kailangan natin ng sariling pagsisikap. ang
Paano natin ito magagawa? magandang
isama sa
Sa suliranin sa pagkain, siguro kailangan buod?
nating magtipid o kaya maghanapbuhay
nang galing sa ating sariling pawis.
Huwag tayong umasa sa iba.

Sa ating kagamitan, siguro dapat maging


payak na lamang ang mga ito – yaong mga
simple lamang. Huwag na tayong maging
maluho, Gumastos lamang tayo sa abot ng
ating makakaya.

O kay sarap tanawin ng kahapon.


Malungkot mang isipin ngunit hindi na ito
babalik. Harapin na lamang natin ang
kasalukuyan nang buong tatag at sipag.
Sana maging masagana tayong muli –
sana!

Panuto: Isulat nang buo sa kahon sa ibaba ang nabuong buod gamit ang ginabayang pagsulat.

Maalala Mo Kaya, Balik-tanaw: Isang Pagmumuni-muni


Bilang ng salitang may
Halaga
3-pababang titik
Bilang ng salitang may
Halaga
4-pataas na titik
Kabuoan

Pamantayan 3 2 1
May isa hanggang
Malinaw na May tatlo-pataas na
dalawang bahaging
Nilalaman naipaliwanag ang bahaging hindi nakitaan
hindi nakitaan ng
paksang tinatalakay. ng kalinawan.
kalinawan.
May isa hanggang May tatlo-pataas na
Paraan ng Malinaw ang naging dalawang pangungusap bahagi ang hindi
Pagbubuod ng paraan ng pagbubuod na hindi malinaw ang malinaw ang
mga Bahagi ng mga ideya. pagbubuod ng mga pagbubuod ng mga
ideya. ideya.
Kaisahan ng mga Lohikal at epektibo ang Kinakailangan pa ng Hindi naging lohikal at
Ideya pagkakaayos ng mga paglinang upang maging epektibo ang
talata at mga lohikal at epektibo ang pagkakaayos ng mga
transisyong pagkakaayos ng mga talata at mga
talata at mga
transisyong
pangungusap. transisyong
pangungusap
pangungusap.
Nagkaroon ng May isa hanggang May apat-pataas na
kasinupan sa tatlong pagkakamali sa pagkakamali sa
Pagbabantas at
organisasyon, pagbabantas, pagbabantas,
Teknikalidad ng
pagbabaybay, pagbabaybay at pagbabaybay at
Pagsulat.
teknikalidad, mekaniks mekaniks sa pagsulat. mekaniks sa pagsulat.
sa pagsulat.

Kabuoan

KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Manaliksik ng mga impormasyon hinggil sa mapipiling paksa
at bumuo ng isang sintesis.
Layon ng palihang itong makabuo ng isang sintesis na nakaangkla sa
Goal (Layon)
pananaliksik ng mga impormasyon.
Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang manunulat sa isang kumbensiyon
Role (Gampanin)
ng United Nations.
Tatayong awdyens sa kumbensiyon ang mga kinatawan mula sa United
Audience (Awdyens)
Nations.
Inanyayahan ng United Nations ang inyong paaralan upang makilahok sa
isang timpalak ng mga manunulat hinggil sa kumbensiyon ng
Situation (Sitwasyon) Sustainable Development Goals. Ang naturang timpalak ay susukat sa
kasanayan ng mga kalahok sa pagbuo ng sintesis ng mga impormasyong
may kaugnayan sa isa sa labimpitong SDG.
Product (Produkto) Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang sintesis.
Standards (Pamantayan) Pamantayan 3 2 1
May isa
hanggang May tatlong
dalawang bahaging hindi
Naipakita ang
Nilalaman bahaging hindi nakita sa
lahat ng bahagi.
nakita sa ginawang
ginawang abstrak.
abstrak.
May isa
May tatlo-
Malinaw ang hanggang
pataas na
naging paraan dalawang
Paraan ng bahagi ang
ng pangungusap
Pagsisintesis hindi malinaw
pagsisintesis na hindi
ang
ng mga bahagi. malinaw ang
pagsisintesis.
pagsisintesis.
Pagpili ng Ang lahat ng May isa May tatlo –
Salita salitang hanggang pataas na
ginamit ay dalawang bilang ng
iskolarling. salitang hindi salitang hindi
nasa antas- nasa antas-
akademik. akademik.
Nagkaroon ng May isa May apat-
kasinupan sa hanggang pataas na
Pagbabantas
organisasyon, tatlong pagkakamali sa
at
teknikalidad, pagkakamali sa pagbabantas at
Teknikalidad
mekaniks sa pagbabantas at mekaniks sa
ng Pagsulat.
pagsulat. mekaniks sa pagsulat.
pagsulat.

Kabuoan

KAYA KO
Panuto: Makipagpalitan ng sinulat na sintesis sa bahaging Kaya Natin sa kaklase o kagrupo.
Suriin ito batay sa mga katangiang itatala sa ibaba.

KATANGIAN PUNA

1. Paano naipakita ang paglalatag ng


kahalagahan ng tesis sa teksto?

2. Naipakita ba ang maayos na pagpili ng mga


sanggunian? Paano?

3. Organisado ba ang pagpapangungusap ng mga


talata? Ipaliwanag.

4. Naipakita ba ang maayos na transisyon ng


mga ideya sa sintesis? Tukuyin.
ARALIN 4: ANG ABSTRAK

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 matalakay ang kahulugan, kahalagahan,
at katangian ng abstrak;
 maisa-isa ang hakbang sa pagbuo ng
abstrak; at
 makabuo ng isang abstrak.

Saliksik ang isa sa mga pangunahing


produkto ng akademya. Itinuturing ito bilang
patunay ng mga kasanayan at kaalamang
pangnilalamang natutuhan. Isa ang abstrak bilang isa sa mga katuwang ng pamagat ng saliksik
upang maging batayan ng mambabasa sa kagyat na pagkuha ng impormasyong hinggil sa kabuoan
ng saliksik.
Batay sa Merriam Webster (2018), ang etimolohiya nito ay nagmula sa salitang Middle
English na abstracten na ang ibig sabihin ay alisin (to draw away) na orihinal na hiniram mula sa
salitang Latin na abstractus.
Malaking tulong ang abstrak upang hikayatin ang mambabasa sa ganap na pagbasa ng
saliksik. Layon nitong ibenta ang saliksik upang gawing interesante sa mga babasa nito.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Magtala ng anumang salita o bagay na maaaring maiugnay sa salitang abstrak.
Malaya at walang itinatakdang bilang ng salita ang maaaring isulat sa kahon.

Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang iyong mga naging dahilan upang ilapit ang mga salitang iyan sa salitang
abstrak?

PAG-USAPAN NATIN
Kahulugan, Kahalagahan at Katangian ng Abstrak
Nilalagom ng abstrak ang mga medyor na aspekto ng isang saliksik o tesis sa sistematikong
ayos. Ayon sa depinisyon ng University of Southern California Library (2018), saklaw ng abstrak
ang kabuoang layon ng saliksik at ang mga suliranin nito; disenyo ng pag-aaral; mga medyor na
natuklasang nagmula sa panunuri; at isang payak na buod ng interpretasyon at kongklusyon.
Dagdag pa ng USC Library (2018), hinahayaan ng abstrak na maipaliwanag ang bawat
mahahalagang bahagi ng papel na makatutulong sa mga mambabasang makapagdesisyon kung nais
pa nilang ipagpatuloy ang pagbasa. Nilinaw rin nina Garcia at Marquez (2017), ang
pangangailangan ng kaingatan sa pagkuha ng esensyal na impormasyon sa teksto upang makabuo
ng buod na siyang magiging abstrak. Samakatuwid, ito ay paglilinaw na ang abstrak ay isang
pagbubuod at hindi rebyu o ebalwasyon ng isang saliksik.
Bilang pinipili lamang ang mga bahagi ng pag-aaral sa isinasama sa abstrak, maingat ding
isinusulat ang mga ito sa paraang madaling matutukoy ang mga sumusunod na elemento:
 ang katuturan ng pagsulat ng saliksik;
 suliranin;
 metodolohiya;
 resulta;
 implikasyon, kongklusyon at rekomendasyon.
Ang sulating ito ay limitado lamang sa 200 hanggang 500 salita. Susi ang matalinong pagpili
ng salita sa pagbuo ng mahusay na abstrak. Ito ay maaaring matamo kung maiiwasang magdagdag
ng mga impormasyong hindi bahagi ng orihinal na papel at paglalahad ng depinisyon.
Ginagamitan ng perpektibong aspekto ng pandiwa ang pagsulat nito pagkat naisakatuparan
na ang saliksik. Hanggang maaari ay iniiwasan sa pagsulat ng abstrak ang pagdadaglat ng salita,
paggamit ng jargon, at pagdaragdag ng iba pang impormasyong labas sa saliksik upang hindi
makapagdulot ng kalituhan sa mambabasa.
Sa dulong bahagi ng abstrak ay isinusulat ang mga susing salita. Nakatutulong ang mga ito
upang madaling maiuri ang saliksik batay sa hayag na katangian nito. Ito ay maaaring tatlo
hanggang limang salita. Kadalasan, binibigyang-pansin dito ang mga salitang higit na
makapagpapakilala sa saliksik.

Uri ng Abstrak
Dalawa ang panguhaning uri ng abstrak: ang deskriptibo at impormatibo. Bagaman may
mga may mga magkatulad na bahagi ang dalawa, may mga espesipikong katangiang nakapag-uuri
sa mga ito.
1. Deskriptibong Abstrak
Saklaw sa deskriptibong abstrak ang pangunahing punto ng saliksik. Taglay nito ang
deskripsyon sa tesis ngunit limitado lamang sa kaligiran, layunin, at paksa ng papel. Hindi nito
isinasama ang pamamaraan, resulta, at kongklusyon ng saliksik.
2. Impormatibong Abstrak
Kinikilala ang uring ito bilang ganap na abstrak dahil sa nilalaman nito. Sakop ng
pagsulat nito ang kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta, at kongklusyon. Tumatayo ito bilang
katuwang ng aktuwal na saliksik.

Proseso ng Pagsulat ng Abstrak


Bilang instrumento ang abstrak upang hikayatin ang mga mambabasa na ganap na basahin
ang saliksik, inaasahang magiging komprehensibo ang pagsulat nito at maisasakatuparan lamang
ito sa pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat nito.
1. Basahing maigi ang saliksik. Kinakailangan sa bahaging ito ang pagtatala. Tiyakin din ang
uri ng abstrak na bubuoin at isakonteksto batay sa paggagamitan at mga kahingian nito.
2. Piliin ang mga medyor na layunin/hipotesis at kaligiran ng pag-aaal mula sa
Introduksiyon.
3. Tukuyin ang mga pangunahing pangungusap parirala sa bahaging Metodolohiya.
4. Piliin ang mga mahahalagang detalye mula sa bahaging Resulta at Kongklusyon.
5. Ngayon, ayusin ang mga pangungusap at pariralang nakalap mula sa hakbang 2, 3, at 4 sa
isang talata.
6. Tiyaking ang talata ay hindi nagtataglay ng bagong impormasyong hindi makikita sa
aktuwal na papel, mga daglat na hindi nalapatan ng kahulugan, at mga labis na talakayan hinggil sa
metodong ginamit sa pag-aaral.
7. Basahing maigi ang ginawang burador at tiyaking may kaisahan sa pagitan ng mga
impormasyong inilagay.
8. Rebisahin ang mga mahihinang bahagi ng unang gawa. Tingnan ang organisasyon at
kohesyon ng mga salita at pangungusap, ang pagbabaybay, at mekaniks sa pagsulat.
9. Muling basahin para sa pinal na pagwawasto.

HALIMBAWA NG ISANG ABSTRAK


ABSTRAK
INTERNET SLANG BILANG INTELEKTWALISADONG WIKA
Jaymart T. Rosales, 2015

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa Intelektwalisasyon ng Internet Slang. Masusuing sinuri


ng mananaliksik ang mga nakalap na datos upang mapagtibay ang konsepto na maaaring maging
intelektwalisadong wika ang Internet Slang. Pinili ng mananaliksik ang paksang Interenet Slang
Bilang intelektwalisadong Wika sapagkat ito ay umaangkop sa kasalukayan panahon. Ang pokus ng
pag-aaral na ito ay mabigyang pansin ang Internet Slang na tanggapin sa pormal na
pakikipagtalastasan at matugunan ang pangangailangan ng tao ng bagong wikang gagamitin.
Inihanda ng mananaliksik ang kinalabasan ng isinagawang pagsusuri at upang
maisakatuparan ang layunin ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagtugon sa apat na suliranin. Una,
ano- ano ang mga baryasyon at pagpapakahulugan ng Internet Slang? Ikalawa, ano- ano ang ambag
at paano makatutulong ang Internet Slang sa pag-unlad ng iba’t ibang wika partikular sa wikang
Filipino? Ikatlo, ano- ano ang iba pang mga tiyak na paggagamitan ng Internet Slang? Ikaapat, ano-
ano ang kaugnayan at kahalagahan ng Internet Slang sa wika, mamamayan at ika-21 siglo?
Natuklasan sa pag-aaral na dahil sa pagpasok ng ika-21 siglo at nga mga teknolohiya ay
bitbit nito ang Internet Slang na lalong napaunlad sa pamamagitan ng baryasyon. Malawakang
ginagamit ang Internet Slang hindi lamang sa loob ng iba’t ibang social networking site kundi pati
na rin sa midya, telebisyon, radyo, paksa sa loob ng klase at pangkaraniwang usapan. Ang mga salik
tulad ng modernisasyon at pangangailangan ng wika ang nagtulak upang maghanap ng bagong mga
salita ang tao.
Narito ang ilang konklusyong nabuo batay sa natuklasan sa isinagawang pag-aaral. Ang
Internet Slang ay ginamit at pumasok sa kultura na naging bahagi ng pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan na naging paraan sa kalinangan ng wika, salita, paksa, konsepto at
konstruksyon ng pahayag. Tunay na mahalaga ang intelektwalisasyon upang maisakatuparan ang
layunin o hinihingi ng pag-aaral na isinasagawa ang prosesong nakapaloob dito.Magiging mabisa
ang paggamit ng Internet Slang kung ito ay nagawang intelektwalisado. Magagamit ang Internet
Slang sa iba’t ibang larang, panitikan at karaninwang usapan. Ang paggamit ng Internet Slang sa
loob at labas ng social media ay patunay lamang na buhay, dinamiko, umaankop at umuunlad ang
wika.
Narito ang ilang rekomendasyon kaugnay ng mga natuklasan at konklusyon na nabanggit
sa pag-aaral. Gamiting daan ang mga social networking site upang makabuo ng bagong mga salita na
ginagamitan ng baryasyon upang malinang hindi lamang ang mga salita kundi pati na rin ang
proseso(baryasyon). Bukod sa paggamit ng Internet Slang sa mga social networking site, gamitin din
ito sa talakayang akademiko, politiko at telebisyon. Mapapalawak nito ang bokabolaryong Filipino
sa paraang pagsasalin, panghihiram at pagsasanig ng iba pang wika. Higit na mapapayaman ang
wika kung Malaya itong gagamitin at tatanggapin, huwag ituring na isang sagabal ang Internet Slang
sa pag-unlad ng wika bagkus nagpapakita ito na ang wika ay arbitraryo at hudyat sa pagtupad sa
mga hakbang ng intelektwalisasyon.

GAWIN NATIN
Panuto: Mula sa naging produktong pananaliksik sa kursong Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kultura ay bumuo ng isang abstrak. Inaasahang tataglayin nito ang mga bahagi ng isang
impormatibong abstrak. Gamitin ang gabay sa pagsagot nito. Buoin ang pagsulat ng abstrak sa
kahon sa ibaba.

Mga Gabay na Tanong: Abstrak

 Ano ang kahalagahan ng pananaliksik na


ito?
 Bakit magiging interesado ang mga
mambabasa rito?

 Ano-anong mga suliranin ang nais


tugunan ng pag-aaral na ito?
 Ano-ano ang saklaw ng pag-aaral?
 Ano ang pangunahing argument/tesis ng
pag-aaral na ito?

 Anong metodolohiya ang ginamit para sa


katuparan ng pag-aaral?
 Paano ito ginamit sa saliksik?

 Ano-ano ang naging resulta ng pag-aaral


na ito?
 Ano-ano ang mga kongklusyon nito?
 Ano-ano ang mga maaaring mailatag na
rekomendasyon para sa saliksik?

 Ano-anong mga salita ang maaaring


magpakilala sa saliksik na ito? Magbigay
ng lima.

Panuto: Isulat nang buo sa kahon sa ibaba ang nabuong abstrak gamit ang ginabayang pagsulat.

ABSTRAK

Mga Susing salita:


KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Isakonteksto ang pagsulat batay sa hinihingi nito. Sumipi ng
anumang saliksik na may kaugnayan sa inyong strand at iyon ang gamiting sandigan para sa pagbuo
ng abstrak.
Layon ng palihang itong makabuo ng isang abstrak na nakabatay sa
Goal (Layon)
isang saliksik.
Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang kalahok sa isang kolokyum na
Role (Gampanin)
inorganisa ng Komisyon sa Wikang Filipino.
Tatayong awdyens sa kolokyum ang mga kinatawan mula sa KWF, at
Audience (Awdyens)
mga guro at mag-aaral ng wika at saliksik.
Nagpadala ang Komisyon ng isang imbitasyon sa inyong para sa kanilang
programa sa mga paaralan sa bansa, ang Ambagan. Inaasahan sa
programang itong makapagsasagawa ng isang kolokyum ang mga
Situation (Sitwasyon)
kalahok. Sangkot sa nasabing koloyum ang mga saliksik sa ilalim ng
inyong strand Ang Ambagan ay isasagawa sa paraang pag-eeksibit ng
mga abstrak.
Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang abstrak at
Product (Produkto)
maieeksibit ito.
Standards (Pamantayan) Pamantayan 3 2 1
May isa
hanggang May tatlong
dalawang bahaging hindi
Naipakita ang
Nilalaman bahaging hindi nakita sa
lahat ng bahagi.
nakita sa ginawang
ginawang abstrak.
abstrak.
May isa
May tatlo-
Malinaw ang hanggang
pataas na
Paraan ng naging paraan dalawang
bahagi ang
Pagbubuod ng ng pagbubuod pangungusap
hindi malinaw
mga Bahagi ng mga bahagi na hindi
ang
sa abstrak. malinaw ang
pagbubuod.
pagbubuod.
May isa May tatlo –
Ang lahat ng hanggang pataas na
Pagpili ng salitang dalawang bilang ng
Salita ginamit ay salitang hindi salitang hindi
iskolarling. nasa antas- nasa antas-
akademik. akademik.
Nagkaroon ng May isa May apat-
kasinupan sa hanggang pataas na
Pagbabantas
organisasyon, tatlong pagkakamali sa
at
teknikalidad, pagkakamali sa pagbabantas at
Teknikalidad
mekaniks sa pagbabantas at mekaniks sa
ng Pagsulat.
pagsulat. mekaniks sa pagsulat.
pagsulat.
Kabuoan

KAYA KO
Panuto: Basahing maigi ang mga impormasyon sa pagbuo ng akademikong sulatin. Bumuo
ng isang abstrak mula sa mga nakatalang impormasyon. (Halaw ang mga impormasyon sa saliksik
nina Bosque, et.al, 2016)

1. Layon
 Pag-alam sa epekto ng paggamit ng balbal sa mga diskursong pansilid ng mga mag-aaral ng
ikawalong baitang ng San Felipe Neri Parochial School taong-panuruan 2015 – 2016
2. Metodo
 Gumamit ang mga mananaliksik ng paraang deskriptibo sa tulong ng pagsasarbey,
obserbasyon, at pagsasagawa ng pananaliksik.
3. Resulta
Pinakitang nakakaapekto sa paggamit ng wika ang mga sumusunod:
 Limitadong kaalaman sa bokabolaryo
 Kaunting kaalaman sa wika
 Takot ng mga mag-aaral sa puna o feedback
 Kapaligiran
 Motibasyon
 Pag-iral ng pisikal, emosyonal, at sikolohikal na salik
 Kawalan ng kontrol sa diksiyon
 Guro bilang modelo

4. Kongklusyon
 Malaki ang gampanin ng wika upang matuto ang mga mag-aaral;
 Salik ang kapaligiran sa mga nakaiimpluwensiya sa mga mag-aaral sa paggamit ng wikang
balbal;
 Makatutulong ang reinforcement sa tulong ng modeling ng mga guro sa paggamit ng wika;
 Makababawas ang patuloy na pag-iimpok ng bokabolaryo at pansariling pag-eebalweyt
wastong estruktura ng mga pangungusap ng mga mag-aaral sa mga suliraning
panggramatika; at
 Magkakaungay ang mga kabuoang opinyon ng mga respondate sa mga salik na
nakakaapekto sa kanilang paggamit ng wikang balbal.

ABSTRAK
Mga Susing salita:

Pamantayan 3 2 1
May isa hanggang
May tatlong bahaging
Naipakita ang lahat ng dalawang bahaging
Nilalaman hindi nakita sa
bahagi. hindi nakita sa
ginawang abstrak.
ginawang abstrak.
Malinaw ang naging May isa hanggang May tatlo-pataas na
Paraan ng
paraan ng pagbubuod dalawang pangungusap bahagi ang hindi
Pagbubuod ng
ng mga bahagi sa na hindi malinaw ang malinaw ang
mga Bahagi
abstrak. pagbubuod. pagbubuod.
May isa hanggang May tatlo – pataas na
Ang lahat ng salitang
Pagpili ng Salita dalawang salitang hindi bilang ng salitang hindi
ginamit ay iskolarling.
nasa antas-akademik. nasa antas-akademik.
Nagkaroon ng May isa hanggang May apat-pataas na
Pagbabantas at kasinupan sa tatlong pagkakamali sa pagkakamali sa
Teknikalidad ng organisasyon, pagbabantas at pagbabantas at
Pagsulat. teknikalidad, mekaniks mekaniks sa pagsulat. mekaniks sa pagsulat.
sa pagsulat.
Kabuoan

ARALIN 5: ANG BIONOTE

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 matukoy ang kahulugan, katangian, at
kahalagahan ng bionote;
 makasuri ng halimbawa ng bionote; at
 makasulat ng sariling bionote alinsunod
sa estilo at teknikal na aspekto nito.

Bilang isang iskolar at kahabagi ng


akademya at propesyonal sa hinaharap,
naisasama at naililimbag ang mga saliksik,
sulatin, at iba mo pang likha sa mga publikasyon
at aklat, gayundin ang paglahok sa mga
kumperensiya at kumbensiyon, at isa sa mga
kahingian ng mga ganitong sitwasyon ay ang
pagpapakilala sa sarili sa propesyonal na antas.
HAMÒN SA AKIN
Panuto: Sumulat ng sampung pangungusap na tutugon sa tanong na: “Paano mo nais
makilala dalawampung taon mula ngayon?”

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Mga gabay na tanong:


1. Bakit nais mong makilala sa ganyang paraan?
2. Ano-ano ang mga posibleng bentahe mo kung makikilala ka sa ganitong paraan?

PAG-USAPAN NATIN
ANG BIONOTE
Ang bionote ay isang impormatibong talata ng propesyonal na pagpapakilala sa isang
indibidwal at sa kaniyang mga natamong nagpapatunay sa kaniyang ekspertis at awtoridad sa isang
partikular na larang.
Ito ay halaw sa dalawang salita: bio at note. Ang bio ay salitang Griyegong ang ibig sabihin ay
buhay, at ang note naman ay nangangahulugang talâ sa wikang Ingles. Kung pagsasamahin ang
dalawang salita – ito ay isang tala ng buhay. Sa propesyonal na antas, ito ay pagtatala ng mga
impormasyong gaya ng natamong edukasyon, karangalan, trabaho, mga nasulat na aklat at
anumang impormasyong magagamit sa partikular na konteksto ng isinusulat.
Ang tekstong ito ay nakasulat sa ikatlong panauhan, layon nitong mapanatili ang pagiging
obhetibo ng sulatin at maiwasan ang pagiging himig-mayabang at makaltas ang personal na bias.
Inilalakip ito sa mga nailathalang saliksik, magazine, antolohiya, at aklat, o isang pagpapakilala
bilang susing tagapagsalita o panelista sa isang kumperensiya, seminar, kolokyum o kumbensiyon.
Mahalagang malinaw ang/ang mga layunin sa pagsulat nito upang maisakonteksto ang pagsulat,
dagdag ding punto kung aalamin sino ang mga babasa nito.
May mga pagkakataong napaglilito ang bionote sa biodata, curriculum vitae at
awto/biyograpiya. Narito ang mga katangian ng mga nabanggit:
Curriculum
Katangian Bionote Biodata (Awto)biyograpiya
Vitae
Paraan ng Maaaring patalâ Maaaring patalâ
Patalata Patalata
pagsulat o in-bullet form o in-bullet form
Kalikasan ng Propesyonal na Propesyonal na Propesyonal na Propesyonal at
impormasyon
impormasyon impormasyon
ngunit minsan ay
ngunit may ilang ngunit may ilang
nilalahukan ng
personal na personal na personal na
impormasyon personal na
impormasyong impormasyong impormasyon
impormasyon
kailangang kailangang
kung hinihingi
sagutan sagutan
ng konteksto.
Pagpapakilala sa
isang Maaaring para sa
Dokumento para Dokumento para
publikasyon, aking antolohiya, o
Pinaggagamitan sa aplikasyon sa sa aplikasyon sa
aklat, dyornal, bilang isang
trabaho trabaho
kumperensiya, at tekstong susuriin.
kumbensiyon
Kung
awtobiyograpiya,
Nasa ikatlong
maaaring nasusulat
panauhan Walang Walang
sa unang panauhan.
Pagkakasulat bagaman, sarili tinatakdang tinatakdang
ang pinakikilala panauhan panauhan
Kung biyograpiya,
sa pagsulat
ito ay nasusulat sa
ikatlong panauhan.

Katangian ng mahusay na Bionote


1. Sikaping maging maikli lamang ang pagsulat ng bionote. Ilagay lamang ang mga
mahahalagang impormasyong may malaking ugnayan sa paksa/larang o paggagamitan
nito.
2. Isulat ito sa ikatlong panauhang pananaw. Sa ganitong paraan, naiiwasang maghimig-
mayabang at nakakaltas ang personal na bias sa pagsulat, pagkat ito ay maaaring
makaapekto sa mga babasa o makikinig.
3. Sa pagbuo nito, isaalang-alang ang mga mambabasa. May hinahanap na kredibilidad ang
mga mambabasa sa pagbasa niya ng isang bionote, pinapayong isakonteksto ang
pagsulat nito ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Iangkop ang ilalamang impormasyon sa
paggaggamitan nito. Halimbawa: Kung mga administrador ng paaralan ang babasa at
pamamahala ng paaralan ang paksa, ilagay ang mga kurso at pinag-aralang may
kaugnayan sa edukasyon at pamamahala sa paaralan at huwag nang isama ang iyong
sertipiko sa pananahi, maliban na lamang kung ito ay may kinalaman sa paggagamitan
ng bionote.
4. Gumagamit ng baliktad na tatsulok (inverted pyramid) bilang padron. Kapara ng
ginagamit sa pagsulat ng anumang obhetibong sulatin. Sa ganitong proseso, unahin ang
pinakamahalaga at pinakamakatutulong na impormasyon tungkol sa sarili hanggang sa
maliliit na naaayong detalye.
5. Maging matapat sa mga impormasyong nakalagay. Tandaan, sa pagsulat ng bionote,
iniiwasang maghimig-mayabang. Tiyakin lamang na tama at totoo ang lahat ng ilalagay
na mga natamo dahil nakasalalay rito ang kredibilidad ng manunulat.
Kalimitang laman ng isang bionote ang propesyonal na profile at academic career ng isang
indibidwal, samakatuwid, ito ay maaaring simulan sa buong pangalan na susundan ng kaligirang
pang-edukasyon (digri, karangalang natamo, kung mayroon man, at paaralang pinagtapusan). Saka
ilagay ang mga naging ambag sa larang na kinabibilangan. Malaking tulong din kung isasama ang
adbokasiya. Susi ang pagsasakonteksto ng sulatin upang maging ganap itong pagpapakilala.

Mga Halimbawang Bionote

Konteksto: Inanyayahan si Bea De Guzman upang magbahagi ng kaalaman hinggil sa kumakalat na


sakit sa utak.

Si Dra. Bea De Guzman ay nagtapos ng Bachelor of Science, major in Biology, Magna Cum
Laude, sa Unibersidad ng Pilipinas-Manila. Itinuloy na rin niya sa naturang Unibersidad ang
pagdodoktor at kaniyang espesyalisasyon sa Neuroscience. Siya ay tumayo bilang konsultant ng
Neuroscience Division ng Department of Health. Sa kasalukuyan, aktibong nakikipag-ugnayan si
Dra. De Guzman sa World Health Organization upang makatuklas ng mga lunas laban sa brain-
eating virus.

Konteksto: Sumulat si Nicko Paras ng isang aklat hinggil sa wastong pamumuno sa mga student
government sa mga paaralan.

Produkto ng pampublikong paaralan si Nicko Paras. Siya ay nagtapos ng Batsilyer ng Artes


sa Agham Pampolitika sa Rizal Technological University. Si Paras ay naglingkod din bilang
pinakabatang pangulo ng student council. Nagsilbi rin siyang kinatawan ng NCR para sa isang
pambansang posisyon sa isang alyansa ng mga mag-aaral bilang kalihim nito. Bilang dagdag pang
patunay ng kaniyang kahusayan, siya ay ginawaran ng karangalang Exemplary in Leadership ng
Opisina ng Pangulo nang magtapos. Sa ngayon, abala si Paras sa paghahatid ng leadership trainings
para sa mga council at student government sa mga pampubliko at pampribadong paaralan sa buong
bansa. Kasabay niyon ay ang publikasyon ng kaniyang mga artikulong pamumunong pangmag-aaral
sa isang tanyag na dyaryo.

Konteksto: Tatayo bilang trainor si Liza Jaime ng mga guro ng MAPeH sa Dibisyon ng Mandaluyong
sa Sports Coaching

Kilala si Coach Liza Jaime bilang aktibong nagsusulong ng pagpapalaganap at pagsuporta sa


sports coaching sa bansa. Nagtapos si Coach Jaime ng doktorado para sa Sports Science sa Stanford
University bilang Cum Laude. Siya ay bumalik sa bansa upang maging tagapagsanay ng pambansang
koponan ng Volleyball, Women’s Division. Ang gampaning ito ang nagtulak sa kaniya upang itatag
ang Sports Coaching Association sa bansang naglalayong matulungan ang mga tagapagsanay ng
mga isports sa mga pampublikong paaralan.

GAWIN NATIN
Panuto: Basahin ang mga bionote. Suriin ang mga ito batay sa mga katangian ng isang
epektibong bionote. Kung may hinihinging pagbabago sa kinalabasan ng pagsusuri ay isulat ito sa
bakanteng bahagi ng kahon.
Ano-ano ang mga nilabag nito sa pagsulat ng
bionote?

KONTEKSTO
Inanyayahan si Anne Patrice Noel para
magbahagi ng kaalaman hinggil sa campus
journalism.

BIONOTE
Ako si Anne Patrice Noel at ako ay nagtapos ng
elementarya sa Philippine Science High School,
bilang 3rd honorable mention. Sa kasalukuyan,
ako ay nasa ikalawang taon ng pagkuha ng
Psychology, kahit na hindi ko naman gusto ang
kursong ito ay itinuloy ko pa rin. Noong high
school ako ay naging kontribyutor ng Ang Sulo
bilang tagapagsulat ng balita.

KALAKASAN KAHINAAN MUNGKAHING REBISYON


KONTEKSTO Ano-ano ang mga nilabag nito sa pagsulat ng
Inimbitahan si Reyes bilang tagapagsalita sa bionote?
isang leadership training ng mga student leader
at ang kaniyang paksa ay pagbabalanse ng oras
sa pag-aaral at extra-curricular activities.

BIONOTE
Si Mike Reyes ay nakapagtapos ng Junior High
School sa Rizal National Science High School.
Kasalukuyan siyang nag-aaral ng ikalabing-
dalawang baitang sa nasabing paaralan, sa
Strand ng (STEM). Nakapagtapos siya ng
ikalawang karangalan noong siya ay nasa
mababang paaralan ng Pembo sa Makati kung
saan siya ay naging presidente ng Supreme Pupil
Council ng kanilang paaralan. Sa kasalukuyan,
tinutuon ni Reyes ang sarili sa pag-aaral dahil
bumagsak siya sa isang subject dahil sa
kaniyang sa klase.

KALAKASAN KAHINAAN MUNGKAHING REBISYON

KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Isakonteksto ang pagsulat batay sa hinihingi nito. Sumipi ng
anumang saliksik na may kaugnayan sa inyong strand at iyon ang gamiting sandigan para sa pagbuo
ng bionote.
Layon ng gawaing itong indibidwal na makabuo ang mga mag-aaral ng
Goal (Layon)
bionote.
Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang speaker ng strand orientation ng
Role (Gampanin)
pinagtapusang SHS.
Magmimistulang awdyens sa strand orientation ang mga mag-aaral na
Audience (Awdyens)
nagmula sa inyong strand.
Situation (Sitwasyon) Inimbitahan ka ng iyong alma mater upang magbahagi ng iyong kaalaman
at karanasan sa inyong strand. Kasabay nito ay hiningan ka ng
pagpapakilala sa iyong sarili. Bumuo ng isang epektibong bionote na
makapagpapakilala sa iyo sa antas-propesyonal.
Product (Produkto) Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang bionote.
Pamantayan 3 2 1
Nakitaan ng
kaganapan ng
bionote ngunit
Ganap ang mga may ilang Walang
Nilalaman nilalaman bilang bahaging hindi kaayusan ang
isang bionote. malinaw gaya nilalaman.
ng hindi ugnay
na
impormasyon.
Naisagawa ang
Naisagawa ang gawain subalit
gawaing taglay may ilang Hindi
ang bahaging naisagawa ang
Propesyonalism
propesyonalismo kailangan pang gawain sa
o ng Pagsulat
ng pagsulat ng linangin gaya paraang
akademikong ng panauhan at propesyonal.
sulatin. paglalagay ng
impormasyon.
Naisakatupara
n nang ganap
Standards na bionote,
(Pamantayan) ngunit may
Naisakatuparan
mga naisulat na Hindi
Kohesyon at nang ganap ang
bahaging hindi naisakatupara
Kaisahan sa mga kohesyon at
malinaw gaya n nang maayos
Nilalaman kaisahan sa
ng hindi ang bionote.
nilalaman.
pagtutugma ng
sitwasyon sa
nilalaman ng
bionote..
Nagkaroon ng May bahaging Hindi naging
kasinupan sa dapat linangin masinop sa
pagbabaybay, sa kasinupan pagbabaybay,
pagbabantas, ng pagbabantas,
Pagbabaybay,
mekaniks. pagbabaybay, mekaniks.
Pagbabantas at
Nakitaan ng 1-2 pagbabantas, Nakitaan ng 4
Mekaniks
na mali sa mekaniks. pataas na mali
pagsulat. Nakitaan ng 3- sa pagsulat.
4 na mali sa
pagsulat.

Kabuoan

KAYA KO
Panuto: Makipagpalitan ng gawang bionote. Basahin ang binuong bionote ng iyong kapalitan. Sa
pamamagitan ng kahon sa baba ay suriin ito ayon sa katangian ng isang mahusay na bionote.

Naging sapat lamang ba ang haba ng bionote


para iparating ang mga natatanging
impormasyon? Ipaliwanag.

Sa anong panauhan nasusulat ang bionote?


Konsistent ba ang paggamit ng panauhang ito?
Ipaliwanag.

Nakaayon ba sa sitwasyon ang mga nilalaman ng


bionote? Ano-ano ang mga dapat tanggaling
bahagi? Ano-abo ang mga dapat idagdag na
bahagi?

Nakasunod ba sa paraang baliktad na tatsulok


ang pagkakaayos ng mga impormasyon?
Ipaliwanag.

MUNGKAHING REBISYON NG BIONOTE


ARALIN 6: ANG PANUKALANG PAPEL

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 makilala ang panukalang
papel/proyekto ayon sa layunin at
katangian nito;
 maisa-isa ang mga bahagi ng isang
panukalang papel/proyekto;
 makasunod sa estilo at teknikal na
pangangailangan ng panukalang
papel/proyekto;
 makasuri ng panukalang
papel/proyekto at
 makabuo ng panukalang papel/proyekto.

Paghahanda ang isa sa mga kahingian upang maisakatuparan ang isang gawain. Tumutulay
ito sa kahusayan ng isang nagpaplano upang mapaghandaan ang mga posibleng suliraning
kakaharapin, bago, habang at matapos ang aktuwal na programa o gawain. Makatutulong ang
pagbuo ng balangkas upang makita ang layunin ng pagbuo ng programa, ang mga kakailanganin sa
pagsasagawa nito, ang mga taong kailangan sa mga espesipikong gampanin, at iba pang kaugnay na
bagay.
Taglay ng araling ito ang mga pangunahing kasanayang ginagamit sa pagbuo ng isang
panukalang proyekto/papel.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Isiping ikaw ang organizer ng mga sumusunod na programang nakatala sa ibaba,
ano-anong mga gamit, sino-sino ang mga taong kakailanganin mo upang mabuo ang programang
ito? Itala sa ibaba.

Field Trip Graduation Ball Seminar

Mga gabay na tanong:


1. Sa iyong palagay, sa tulong ng mga tinala sa ibaba ay makabubuo ka ng isang maayos na
programa? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang mga posibleng suliranin ang iyong kakaharapin sa pagbuo ng mga programang
iyan?

PAG-USAPAN NATIN
ANG PANUKALANG PAPEL
Pinakamithiin ng panukalang papel/proyekto ay ang mailahad ang nais matamo sa
hinaharap. Ito man ay pagsasakatuparan ng isang proyekto, programa, o anumang katulad. Ito ang
magsisilbing matibay na pundasyon at balangkas sa nais isagawang gawaing layon.
Ang panukalang papel/proyekto ay may malinaw at tumpak na layunin. Bukod dito, ito rin
ay naglalaman ng mga detalyadong paglalarawan ng isang serye ng mga gawain na naglalayong
mabigyan ng solusyon ang isang problema o layunin. Tinatalakay rin dito ang dahilan at
pangangailangan ng proyekto isasagawa.
Gabay ang mga sumusunod na tanong sa pagbuo ng isang panukalang papel:
 Ano ang nais mong buoing proyekto/programa?
 Ano-ano ang mga tiyak na layunin mo/ninyo sa pagbuo nito?
 Kailan at saan dapat ito isagawa?
 Paano mo ito isasagawa?
 Ano-ano ang mga kakailanganin sa pagbuo nito?
 Sino-sino ang mga kasamang bubuo nito?
 Ano-anong mga dokumento ang kailangan para sa pagsasakatuparan ng gawain?

ANG MGA BAHAGI NG ISANG PANUKALANG PAPEL


Ang mga sumusunod ang mga mungkahing bahagi ng isang panukalang papel:
Bahagi Halimbawa
Pamagat ng Proyekto
 Ang bahaging ito ang
pinakaulo ng papel,
Debate 2018 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa
mabilis nitong
maipakikilala ang
kabuoan ng proyekto.
Mga Proponent Marie Grace De Leon
 Itinatala sa bahaging ito Glory Solano
ang mga bumuo ng Aries Bosque
programa. Mhykel Gediela
Kategorya ng panukalang
proyekto
 Inuuri sa bahaging ito
kung ang proyekto ba ay
isang seminar, kolokyum,
Ang programang ito ay isang timpalak-bigkasan – debate.
palihan, pananaliksik,
timpalak, konsiyerto,
outreach program, at iba
pang espesyal na
programa.
Petsa
 Inilalahad sa bahaging ito
kabuoang panahong Agosto 2-8, 2018 (Panahon ng paghahanda)
gugugulin sa Agosto 9, 2018 (Panahon ng Aktuwal na Timpalak)
pagsasakatuparan ng
gawain.
Layon ng programang ito ang mga sumusunod:
Layunin  makapagsagawa ng isang timpalak-bigkasan – debate;
 Sinusulat sa bahaging ito  malinang ang kamalayan ng mga mag-aaral sa mga
ang mga layon ng isyung pangwika; at
programang ito.  maipalaganap ang diwa at tema ng Buwan ng Wikang
Pambansa.
Rasyonal at Deskripsyon Bilang isang organisasyong nagsusulong ng promosyon ng
wikang pambansa, nakikita ng Samahan ang Debate 2018 bilang
isang magandang lunsaran ng pagpapalawak sa kamalayan ng
mga mag-aaral hinggil sa mga isyung pangwika at mapaigting
 Ipinaliliwanag sa ang diwa at temang binabandila ng Buwan ng Wikang
bahaging ito ang Pambansa.
kaligiran ng programa.
Taglay ng gawaing ito ang kagustuhan ng Samahang
makapagsagawa ng isang matalinong diskusyong tatalakay sa
mga pangunahing usaping sa Filipino.
Badyet
 Nakatala sa bahaging ito Kagamitan/ Kabuoang Araw ng
Bilang Halaga
ang lahat ng mga Gastusin Halaga Pagbili
inaasahang gastusin Scented
2 P50 P100 8/3/18
upang makompleto ang Paper
proyekto. Hanggang Glue 3 P20 60 8/2/18
maaari ay iwasang Cartolina
magkamali sa bahaging 20 P5 P100 8/2/18
(assorted)
ito upang hindi Push-pin 3 P10 P30 8/2/18
magkaroon ng Name Plate
masamang impresyon. ng mga 10 P10 P1000 8/5/18
Susi rito ang paglalagay Kalahok
ng makatotohanang Pagkain at
estimasyon ng presyo ng Inumin ng 3 P100 P300 8/9/18
mga bibilhin o ng iba Hurado
pang gastusin. Honorarya
 Ilagay rito ang pangalan para sa mga 3 P1000 P3000 8/9/18
ng kagamitan, bilang ng Hurado
bibilhing gamit o Emergency
gastusin, ang halaga nito, P1000
Fund
ang kabuoang halagang Kabuoang Halaga ng Gastusin P5,590
gagastusin para sa gamit
na iyon, at ang
inaaasahan o aktuwal na
araw ng pagbili niyon.
Dibisyon ng Gawain at
Pagkokomite Araw ng Araw ng Mamumu
Kagamita
 Nakalahad dito ang Gawain Pagsisimu Pagtatapo no sa
n
gawain, mga komite at la s Komite
ang iba pang gampanin Prelimina
Marie
ng mga magtatrabaho ryang
8/2/18 8/3/18 Grace De
para sa gawain. Pagpupul
Leon
ong
Paghahan 8/2/18 8/5/18 Glory -tingnan
da ng mga Solano ang
Kagamita nakalakip
n (name para sa
plate, mga
powerpoi gamit-
nt at
disenyo)
Paghahan
da ng Aries
8/2/18 8/4/18
Daloy Bosque
Programa
Imbitasyo
Mhykel
n sa mga 8/3/18 8/5/18
Gediela
hurado
-tingnan
ang
Pagsasaga
Lahat ng nakalakip
wa ng 8/9/18 8/9/18
Komite para sa
Programa
mga
gamit-
Pagtataya
Lahat ng
sa naging 8/10/18 8/10/19
Komite
Programa
Apendise
 Nakalakip sa bahaging ito
ang mga liham at iba
pang dokumentong
kailangan para sa
programa (hal.: mga
liham-paanyaya, liham ng
pagpapaalam ng
paggamit ng awditoryum,
atbp.). Kadalasan,
nilalagyan ito ng laman
kasabay ang proseso ng
pagpaplano.
Inihanda ni(na):

(lgd.)
Pagpapatibay PANGALAN (Kapitalisado at naka-bold)
 Dito pumipirma ang mga Ginaganapang Posisyon
proponent at pinagtitibay
ng sinumang nakatataas Pinagtibay ni(na):
ang programa.
(lgd.)
PANGALAN (Kapitalisado at naka-bold)
Ginaganapang Posisyon

Isaisip na malaki ang epekto ng paraan ng pagsulat sa pag-apruba o hindi ng panukalang


papel/proyekto. Gamitan lamang ng mga simpleng salita at iwasang maging maligoy sa nais sabihin.
Limitahan ang paggamit ng teknikal na jargon. Palaging bigyan ng diin ang mga pakinabang na
maibibigay ng panukalang proyekto dahil mahihirapang tumanggi ang nilalaitang ahensya o opisina
kung kanilang makikita ang malaking maitutulong nito sa indibidwal o grupong target ng proyekto.
Kaya naman, alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi nilalapitang ahensya o opisina.
GAWIN NATIN
Panuto: Gamitin ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng panukalang papel/proyekto.

Gabay na tanong Panukalang Papel/Proyekto

 Anong paksa ang nais bigyan


ng pansin?
 Anong problema ang gustong
mabigyan ng solusyon?

 Bakit kailangang
maisakatuparan ang
proyektong ito?
 Ano ang problema ang pinag-
ugatan ng proyektong ito?

 Ano ang nilalayon ng


panukalang papel na ito sa
pangkalahatan? Sa
ispisipikong pananaw?

 Ano-anong mga
mahahalagang gamit ang
kailanganin sa pagbuo ng
proyekto?
 Sasapat ba paisa-isang
pagbili ng mga gamit?

 Kapag naisagawa na ang


proyekto, ano-ano ang
kapakinabangan nito?
 May makikinabang ba nito?
 Ilang araw ang itatagal ng
pag-aasikaso sa bawat
aspekto ng iyong proyekto?

Panuto: Isulat muli nang buo ayon sa mungkahing pormat ang binuong panukalang papel.
Maaaring gumamit ng separadong papel kung kinakailangan.

PANUKALANG PAPEL/PROYEKTO
KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Isakonteksto ang pagsulat batay sa hinihingi nito. Bumuo ng
isang panukalang papel at gamitin ang mungkahing pormat na tinalakay sa araling ito bilang
reperensiya.
Layon ng gawaing itong makabuo ang pangkat ng isang panukalang
Goal (Layon)
papel.
Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang organizer ng kanilang Batch Field
Role (Gampanin)
Trip.
Magmimistulang awdyens sa pagbuo ang mga administrador ng
Audience (Awdyens) paaralan, council, parent representative ng batch, at mga pangulo ng
bawat seksiyon.
Inatasan kayong bumuo ng isang panukalang papel hinggil sa inyong
batch field trip. Malayo kayong maglagay ng mga impormasyong
Situation (Sitwasyon)
makatutulong para sa katuparan ng gawaing ito. Tiyakin lamang ang
mga ito ay makatotohanan.
Product (Produkto) Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang bionote.
Pamantayan 3 2 1
Kompleto ang
May isa
mga bahagi ng May tatlo-
hanggang
panukalang pataas na
Nilalaman dalawang
papel batay sa bahagi ang
bahaging hindi
mungkahing hindi naisama.
naisama
pormat.
Nakasulat ang Nakasulat ang Hindi
mga mag-aaral mga mag-aaral nakasulat ang
ng tatlo-pataas ng dalawang mga mag-aaral
Pagbuo ng
na layuning layunin ng layuning
Layunin
nakaangkla sa nakaangkla sa nakaangkla sa
kabuoan ng kabuoan ng kabuoan ng
proyekto. proyekto. proyekto.
Nakitaan ng isa
Nakitaan ng
hanggang
Nakitaan ng tatlo-pataas na
dalawang
Kohesyon ng kohesyon sa pagkakamali sa
Standards (Pamantayan) pagkakamali sa
iba pang mga mga bahagi ng kohesyon ng
kohesyon ng
bahagi panukalang mga bahagi ng
mga bahagi ng
papel. panukalang
panukalang
papel.
papel.
Nagkaroon ng May bahaging Hindi naging
kasinupan sa dapat linangin masinop sa
pagbabaybay, sa kasinupan pagbabaybay,
pagbabantas, ng pagbabantas,
Pagbabaybay,
mekaniks. pagbabaybay, mekaniks.
Pagbabantas at
Nakitaan ng 1- pagbabantas, Nakitaan ng 4
Mekaniks
2 na mali sa mekaniks. pataas na mali
pagsulat. Nakitaan ng 3- sa pagsulat.
4 na mali sa
pagsulat.

Kabuoan

KAYA KO
Panuto: Humanap ng isang halimbawa ng isang panukalang papel/proyekto mula sa inyong
paaralan, sa ibang ahensya o organisasyon, o kaya naman sa inyong baranggay. Maaari ding
sumangguni sa internet. Sipiing wasto ang nakuhang teksto. Suriin ang mga ito batay sa gabay sa
ibaba.

Gabay sa Panunuri Panunuri

 Ano-ano ang mga bahaging makikita sa


panukalang papel na ito?

 Malinaw ba ang paglalahad ng layunin


ng gawain? Ipaliwanag.

 Nakitaan ba ng kohesyon ang iba pang


mga bahagi ng papel? Ipaliwanag.

 Ano-ano ang mga kalakasan ng


panukalang papel?

 Ano-ano ang mga kahinaan ng


panukalang papel?

ARALIN 7: ANG TALUMPATI

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 matalakay ang talumpati bilang akademikong sulatin;
 maisa-isa ang mga katangian at uri ng akademikong sulatin;
 mapagtibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng
pinakinggang halimbawa;
 makasulat ng wasto, angkop ang gamit ng wika, organisado, malikhain, at kapani-
paniwalang talumpati; at
 makabuo ng talumpating may batayang pananaliksik.
Ang pagtatalumpati ay isa sa mga pinakakilalang teksto, ito man ay nasa pasalita o pasulat
na diskurso. Ito ay isang sining ng pagsasalitang may layong magtalakay, manghikayat, mang-aliw,
at mangatwiran pagkat, may nagsisilbing pormula upang maisakatuparan ang nais nito, mula sa
pagpapalawak ng paksa, pagpili ng salita o diksiyon, pag-aayos ng mga pangungusap sa talata at
pagdaragdag ng anumang makatutulong upang mapukaw ang atensyon ng mambabasa o
tagapakinig.
Layon ng araling itong matalakay ang talumpati bilang isang akademikong sulatin, ang
retorika nito, at proseso ng pagsulat.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Pansinin ang mga larawan. Ibigay ang pagkakatulad ng dalawa.

Mula sa Clipart Artstation (2017) at ABS-CBN News (2016)


Mga gabay na tanong:
1. Paano nagkatulad ang pagtitinda sa pagbabalita?
2. Ano-ano ang mga kasanayang ginagamit sa pagtitinda upang hikayatin ang mga mamimili?
3. Ano-ano ang mga kasanayang ginagamit upang maging kapani-paniwala ang pagbabalita?

PAG-USAPAN NATIN
ANG TALUMPATI
Ang talumpati ay pagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa
harap ng madla. Ito ay naglalayong humikayat, magbahagi ng katotohanan, mangatuwiran, at
magbigay ng kaalaman sa isang tiyak na usapin o isyu. Maaaring ito ay pinaghandaan, sinulat man o
sinaulo, o biglaang talumpati. Ito ay isang uri ng panitikan.
Sapagkat ang pagtatalumpati ay pagsasalita sa harap ng maraming tagapakinig, ito ay
maaaring magdulot ng sigla, magbigay ng puri, o maghayag ng katuwiran. Ayon kay Dr. Rufino
Alejandro (w.p.), ang isang mabisang mananalumpati ay kailangang magtaglay ng tatlong
katangian:
1. Kaalaman – ang talumpati ay nagiging kawili-wili at makabuluhan kung maalam ang
gumawa o sumulat nito. Maaaring makakuha ng iba’t ibang kaalaman sa pamamagitan
ng simpleng pagmamasid, pagbabasa, at sadyang pag-aaral ng mga paksa;
2. Tiwala sa sarili – ang mananalumpati ay kapani-paniwala at makapanghihikayat kung
siya ay kalmado, tuwid ang tindig, matatag kung siya ay tumingin sa mga tagapakinig, at
kapansin-pansin ang aliwalas ng mukha; at
3. Kasanayan – magiging mahusay ang pagtatalumpati kung may angking kahusayan ang
nagsasalita sa harap ng madla. Maraming paraan upang sanayin ang sarili sa pagsasalita
nang malinaw at hindi nahihiya.

RETORIKA NG TALUMPATI
Tinukoy ni Aristotle (ca. 350 BCE), mula sa Department of Rhetoric and Writing Studies ng
San Diego State University (w. p.), ang retorika bilang isang moda at paraan ng panghihikayat.
Susog dito ang paliwanag ni Barthes (1964-1965), hango muli sa SDSU, na ito ay isang sining ng
panghihikayat at pangungumbinse sa mga tagapakinig tungkol sa isang diskurso.
Samakatuwid, tinutulungan ng retorika ang mananalumpating pukawin ang atensyon at
kalaunan ay mahikayat ang mga tagapakinig na pumanig sa kanilang argumento. Naisasakatuparan
ang panghihikayat na ito sa tulong ng mga sumusunod:
Ethos
o Tumutukoy ito sa kredibilidad ng mananalumpati. Ibig sabihin, nakakaapekto ang
kapasidad at awtoridad ng mananalumpati hinggil sa paksa. Kasama rin dito ang
kompetensiya ng mananalumpati sa pagbuo ng mga konseptong magagamit sa
talumpati. Samakatuwid, naniniwala ang mga awdyens sa mananalumpati dahil sa
kaniyang kredibilidad, maaaring sa kaniyang propesyon o trabaho, estado sa buhay,
at katayuan sa lipunan.
Pathos
o Tuon ang pathos sa impluwensiyang emosyonal sa awdyens. Bilang layon ng
talumpati, sa ilalim ng retorika, na mahikayat ang awdyens, samakatuwid,
inaasahang mailalapit nito ang mambabasa o tagapakinig sa akmang estado ng
emosyon. Maraming pagkakataon ang mananalumpating maitulay ang emosyon sa
awdyens subalit, iwasan ang paglalapat ng labis na emosyon at baka lumihis sa
pangunahing layon ng paksa. Maaaring gamitin dito ang okasyon o konteksto ng
talumpati, ang pagpapaigting o pagbubukas ng emosyon, at pagpapakita ng mga
sitwasyong magbibigay-daan para sa hinahanap na emosyon mula sa awdyens.
Logos
o Umaapela ang logos sa kaisipan at lohikal na pagrarason. Pinaiigting nito ang
nilalaman ng talumpati para ihanda sa anumang argumentasyon. Sa logos, ang mga
patunay ay nakalahad sa paraang nakatutulong para sa kabuoan ng talumpati.
Maaaring magpakita ng mga ebidensya gaya ng mga literatura, saliksik, estadistika,
at iba pang reperensiya.

URI NG TALUMPATI AYON SA LAYON


1. Impormatibong Talumpati
 Dinidisenyo ito para magturo o magbahagi sa awdyens ng isang espisipikong paksa.
 Binubuo ito para maglahad ng anumang kapaki-pakinabang, pagpapakilala sa isang ideya/
konsepto, o paglalahad ng anumang natuklasan.
 Higit na pinagagana rito ang ethos at logos.
 Hal.: Pagbabahagi ng natuklasan na imbensyon/ teorya.
2. Okasyonal na Talumpati
 Kadalasang kontekstwalisado ang talumpating ito ayon sa okasyon.
 Maingat na pinipili ang mga salita upang mapanatili ang konteksto nito.
 Higit na pinagagana rito pathos.
 Hal.: Talumpati sa lamay, talumpati sa kaarawan.
3. Nang-aaliw na Talumpati
 Binubuo ang ganitong uri ng talumpati upang mapukaw ang atensyon at mapamangha ang
mga awdyens.
 Kadalasang napaglilito ito sa okasyonal na talumpati. Pinaghihiwalay lamang ang mga ito sa
konteksto, o pagpili ng salita.
 Higit na pinagagana rito pathos.
 Hal.: Nakakatawang talumpati ng isang komedyante, intensyon na pagpapatawa sa isang
talumpati.
4. Nanghihikayat na Talumpati
 Sinusulat ito upang kumbinsihin ang awdyens sa kaniyang sinasabi anumang paksa ito.
 Dapat taglayin ng talumpating ito ang itinakdang layon mula sa ulo, bahagi, at pampinid.
 Marapat na pukawin nito ang awdyens at kunin ang kiliti nito.
 Higit na pinagagana rito ang ethos, pathos, at logos.
 Hal.: Talumpati para sa eleksiyon, talumpati para sa pagtitinda ng produkto.

URI NG TALUMPATI AYON SA KAHANDAAN


1. Talumpating may Manuskrito
 Binabasa ang ganitong uri ng talumpati salita-sa-salita, kadalasang may manuskrito ang
nagtatalumpati
 Hal.: Pambungad na Pananalita ng isang CEO ng kompanya, State of the Nation’s Address
2. Talumpating Kabisado
 Memoryado ng mananalumpati ang bawat bahagi ng talumpati. Ipinagbabawal ang pagbasa
sa anumang kopya.
 Hal.: Talumpati sa isang timpalak na may kriterya ng memorisasyon
3. Talumpating may Kaunting Paghahanda o Extemporaneous Speech
 Hindi nakasulat ang talumpating ito ngunit hindi ring inaasahang kabisado. Maaaring
gumamit ng outline ngunit malaya ang nagtatalumpating gumamit ng kaniyang sariling
salita. Maaari ding gumamit ng cue cards o powerpoint presentation ang mananalumpati.
 Hal.: Presentasyon sa isang board meeting
4. Talumpating walang Paghahanda o Impromptu Speech
 Ito ay kadalasang on-the-spot o kaya ay off-the-cuff. Tiyak na walang paghahanda sa
talumpating ito.
 Hal.: Ambush interview, Q&A sa isang pageant.

ANG MGA BAHAGI NG TALUMPATI


Bilang ang isang talumpati ay nakaporma bilang isang prosa sa anyong sanaysay, nahahati
rin ito sa tatlong medyor na bahagi:
Introduksiyon
Krusyal ang gampanin ng introduksiyon pagkat dito nagsisimula ang pagpukaw ng atensyon
ng mambabasa o tagapakinig. Dito rin nakasalalay kung itutuloy pa ng babasa ang pagbasa at ng
tagapakinig ang matamang pakikinig sa talumpati. Maaaring gulatin o panabikin ng mananalumpati
ang mga awdyens sa pamamagitan ng mga:
 di-inaasahan o di-pangkaraniwang pahayag,
 isang tanong, maaaring retorikal o hipotetikal;
 isang kaugnay na panitikan gaya ng anekdota, sipi mula sa maikling kuwento o
nobela, awit, at tula;
 siste o anumang nakatatawang panimulang tindig; o
 anumang estilong makatutulong para sa pagsasakonteksto ng talumpati, ayon sa
okasyon.
Maliban sa pagpapanabik, taglay rin ng panimulang bahagi ang paglalahad ng tesis o ang
sentral na ideya ng talumpati. Minumungkahing ilahad ito sa malinaw at kongkretong paraan upang
madali itong matukoy ng awdyens.

Katawan
Ang bahaging ito ang nagtataglay ng mga mahahalagahang kaisipang nais ihatid ng
mananalumpati sa awdyens. Sa pagbuo ng katawan, nakatutulong ang mga sumusunod upang
mabigyang ng diin ang paglalahad ng mga ideya at konseptong nais palawigin sa tulong ng:
 pagpapaliwanag;
 pagbibigay-depinisyon;
 pag-iisa-isa o enumerasyon;
 pagpapakita ng mga estadistika;
 mga argumento;
 pagpapakita ng sanhi at bunga, suliranin at solusyon; at
 pagtutulad at pagkokontrast.
May mga pagkakataon ding nilalahukan ng tayutay ang bahaging ito, subalit,
minumungkahing limitahan lamang ang paggamit nito pagkat naisasaalang-alang dito ang
pormalidad at paghihimig-kumbersasyonal ng talumpati.
Wakas
Gaya ng ibang sulatin, ang wakas ang naglalagom ng kabuoan ng teksto. Gampanin nitong
makapagtatag ng isang kongkretong sintesis ng kabuoang talumpati. Itinutulay nito ang itinalaga sa
introduksiyon at sa katawan ng talumpati. Dito rin naglalaan ng panghuling tindig para sa paksang
tinatalakay sa talumpati.

GAWIN NATIN
Panuto: Basahin ang mga siniping bahagi ng isang talumpati at suriin ang mga ito batay sa
mga sumusunod na tanong.

Talumpati
‘Wika: Ang Bayani ng Bansa’ nina R. Baliton at N. Gabay sa Panunuri
Belen
1. Ano ang pangunahing tindig ng talumpati?

“Mayroon akong tanong para sa lahat ng 2. Ano ang ginamit na pamukaw ng bahaging
nakikinig. Anong bagay ang ginagamit natin ito? Naging epektibo ba?
upang makapag-isip at mag-paisip, mgsalita at
magpatahimik, pumuri at kung minsa’y sumira,
gumawa at gumiba? Sa isang salita, ito ang wika.
Ayon kay Constantino, isang dalubwika, ang
wika ay nagsisilbing daan upang magpahayag ng
damdamin at katotohanan. Nilarawan niya ang
wika bilang. “kasangkapan ng ating pulitika at
ekonomiya”, at mabisa raw ito sa pagpapakilos
ng mga tao upang hubugin ang tama at mali.”
3. Ano ang tonong nais iparating ng talumpati?

Talumpati Gabay sa Panunuri


4. Paano pinakita ang ethos sa bahaging ito ng
talumpati?
“May 175 na dayalekto ang kinikilala sa
Pilipinas, ngunit 174 nalang ang ginagamit pa sa
ngayon. 3Ang ating mga ninunong
Austronesyano ay naglakbay tungo sa Pilipinas
noong 3000 BC, dala dala na ang mga wikang
Ilocano, Hiligaynon, Cebuano, Tagalog at iba pa.
4Sa pamumuhay ng mga ninuno nating ito,
nawala ang mga tulay na lupa at tuluyan nang
naging pulo-pulo ang bansa. Ang paghihiwa- 5. Paano pinakita ang pathos sa bahaging ito ng
hiwalay ng mga Austronesyano sa mga pulo ng talumpati?
Pilipinas ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng
iba’t-ibang pangkat etniko na siya namang
nagpayaman pa ng sistema ng mga dayalekto ng
Pilipinas.”

“Malayo na ang narating ng bansang Pilipinas


dahil sa wika mula sa mga nagawa ni Rizal. Ang
bawat aspeto ng ating bansa ay dumedepende sa
wika upang magkaroon ng pag-unlad. Imposible 6. Paano pinakita ang logos sa bahaging ito ng
ang pagkakaroon ng transaksyon, at talumpati?
pagpapatakbo ng ekonomiya kung walang wika.
Gayon din sa gobyerno. Binibigyang daan ng
wika ang pagkakaroon ng komunikasyon sa
pagitan ng bawat miyembro ng mamamayan ng
Pilipinas.”

Talumpati Gabay sa Panunuri


7. Naging epektibo ba ang pagbibigay-
“Sa mga sitwasyong ito, hindi maikakaila ang kongklusyon sa bahaging ito?
laki ng nagagawa ng wika para sa lipunan. Para
itong isang pangkalahatang pandikit na siyang
nagbubuklod buklod sa mga magkakababayan;
siya ring nagsisilbing pundasyon ng ating
ekonomiya, gobyerno, at edukasyon. Sa
madaling salita, hindi natin masisilayan ang
mundong ito na ngayon ay ating ginagalawan
kung hindi dahil sa wika.
8. Paano pinakita ang ugnayan ng simula at
katawan sa bahagi ng kongklusyon?

Ngayon naman, sa pagtatapos ko, may tanong


akong muli. Naitanim ba sa isip mo ang
kapangyarihan ng wika? Nakita mo na ba ang
kahalagahan ng wikang Filipino, o ibabalewala 9. Naging epektibo ba ang bahaging ito?
mo na lang ba ang mga ipinaglaban ng iyong Ipaliwanag.
mga ninuno?”

Panuto: Panoorin ang video sa link sa ibaba. Pagkatapos nito, suriin ang talumpating napakinggan
batay sa mga sumusunod na gabay. Mapapanood ang nasabing video sa
https://m.youtube.com/wacth?v=jTo4YE59rbo

1. Ano ang pangunahing tindig ng talumpati?

2. Ano ang ginamit na pamukaw ng bahaging


ito? Naging epektibo ba?

3. Ano ang tonong nais iparating ng talumpati?

4. Paano pinakita ang ethos sa kabuoan ng


talumpati?

5. Paano pinakita ang pathos sa kabuoan ng


talumpati?
6. Paano pinakita ang logos sa kabuoan ng
talumpati?

7. Naging epektibo ba ang pagbibigay-


kongklusyon sa bahaging ito?

8. Paano pinakita ang ugnayan ng simula at


katawan sa bahagi ng kongklusyon?

9. Ano ang naiwang kakintalan ng talumpating


ito sa iyo?

KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Sumulat ng isang talumpati batay sa paksang ibibigay.
Layon ng gawaing itong indibidwal na makabuo ang mga mag-aaral ng
Goal (Layon)
kanilang sariling elohiyo.
Role (Gampanin) Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang eulogist.
Audience (Awdyens) Tatayong awdyens ang mga kaanak, kaibigan at kakilala ng manunulat.
Inanyayahan ka ng isang organisasyon para lumahok sa pagbuo ng isang
antolohiya at sumulat ng isang personal na elohiyo. Layon ng
Situation (Sitwasyon) organisasyong ito ang mapalanagap ang kamalayan hinggil sa
pagpapakamatay. Samakatuwid, ang paksa ng sulating ito ay
pagpaparangal sa iyong sarili sa panahon ng iyong paglisan.
Product (Produkto) Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang elohiyo.
Standards (Pamantayan) Pamantayan 3 2 1
Nakitaan ng
lalim ng
nilalaman ng
Marapat na
Ganap ang talumpati
Nilalaman at linangin ang
lalim nilalaman ngunit may
Tema nais iparating
ng talumpati. ilang bahagi sa
ng nilalaman.
nilalamang
hindi naging
malinaw.
Pagpapakita ng Ganap na Naisagawa ang Hindi
Katangian ng naipakita ang pagpapakita ng naisagawa ang
katangian ng
uri ng
katangian ng pagpapakita ng
Uri ng talumpati
uri ng katangian ng
Talumpating subalit may
talumpating uri ng
isinulat ilang bahaging
isinulat. talumpati.
hindi nakitaan
ng kaganapan.
Naisakatupara
Naisakatuparan
n nang ganap
nang ganap ang Hindi
Kohesyon at na talumpati,
mga kohesyon naisakatuparan
Kaisahan sa ngunit may
at kaisahan sa nang maayos
Nilalaman mga naisulat na
nilalaman ng ang talumpati.
bahaging hindi
talumpati.
malinaw.
Nagkaroon ng May bahaging Hindi naging
kasinupan sa dapat linangin masinop sa
organisasyon, sa kasinupan organisasyon,
teknikalidad, ng pagbabaybay,
Organisasyon,
pagbabaybay, organisasyon, teknikalidad, at
Pagbabaybay,
mekaniks sa pagbabaybay, mekaniks.
Teknikalidad at
pagsulat. teknikalidad at Nakitaan ng 5
Mekaniks
Nakitaan ng 1- mekaniks. pataas na mali
2 na mali sa Nakitaan ng 3- sa pagsulat.
pagsulat. 4 na mali sa
pagsulat.
Naging ganap Naging maayos
ang kaayusan ang pagganap
Hindi naging
Kaayusan ng sa pagganap ng ng mga kasapi
maayos ang
pagganap sa gawain ang subalit may
pagganap sa
Gawain bawat kasapi at ilang
gawain.
sa wastong inaasahang
oras. hindi natamo.

Kabuoan

KAYA KO
Panuto: Bumuo ng isang talumpati batay sa sitwasyong ibibigay ayon sa iyong strand.
Inaasahang ikaw ay magsasagawa ng pananaliksik sa magiging nilalaman ng iyong talumpati.

Para sa:
 STEM – Bumuo ng talumpating magpapakilala sa isang imbensyon o inobasyon hinggil sa
agham, teknolohiya, inhenyeriya, o, matematika.
 ABM – Sumulat ng isang talumpating maglalahad ng maitutulong ng small scale businesses sa
pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
 HUMSS – Kumatha ng talumpating papaksa sa estado ng Gender Equality at Equity sa bansa.
 GAS – Bumuo ng talumpating magpapaliwanag ng kahalagahan ng edukasyon para sa
layong umunlad ng bansa.
 Sports – Sumulat ng isang talumpating maglalahad ng gampanin ng isports para sa
ikalilinang ng kultura ng bansa.
 Arts and Design – Kumatha ng talumpating papaksa sa relasyon ng sining at disenyo sa
kritikal na pag-iisip ng isang tao.
 TechVoc – Bumuo ng talumpating magpapaliwanag sa pagganap ng industriya ng paggawa
sa bansa at sa ibayong-dagat.
Pamantayan 3 2 1
Nakitaan ng lalim ng
Ganap ang lalim nilalaman ng talumpati Marapat na linangin
Nilalaman at Tema nilalaman ng ngunit may ilang ang nais iparating ng
talumpati. bahagi sa nilalamang nilalaman.
hindi naging malinaw.
Naisagawa ang
pagpapakita ng
Ganap na naipakita Hindi naisagawa ang
Pagpapakita ng katangian ng uri ng
ang katangian ng uri pagpapakita ng
Katangian ng Uri ng talumpati subalit may
ng talumpating katangian ng uri ng
Talumpating isinulat ilang bahaging hindi
isinulat. talumpati.
nakitaan ng
kaganapan.
Kohesyon at Kaisahan Naisakatuparan nang Naisakatuparan nang Hindi naisakatuparan
ganap ang mga ganap na talumpati,
kohesyon at kaisahan ngunit may mga nang maayos ang
sa Nilalaman
sa nilalaman ng naisulat na bahaging talumpati.
talumpati. hindi malinaw.
Nagkaroon ng May bahaging dapat Hindi naging masinop
kasinupan sa linangin sa kasinupan sa organisasyon,
Organisasyon, organisasyon, ng organisasyon, pagbabaybay,
Pagbabaybay, teknikalidad, pagbabaybay, teknikalidad, at
Teknikalidad at pagbabaybay, teknikalidad at mekaniks. Nakitaan ng
Mekaniks mekaniks sa pagsulat. mekaniks. Nakitaan ng 5 pataas na mali sa
Nakitaan ng 1-2 na 3-4 na mali sa pagsulat.
mali sa pagsulat. pagsulat.
Naging ganap ang Naging maayos ang
kaayusan sa pagganap pagganap ng mga Hindi naging maayos
Kaayusan ng pagganap
ng gawain ang bawat kasapi subalit may ang pagganap sa
sa Gawain
kasapi at sa wastong ilang inaasahang hindi gawain.
oras. natamo.

Kabuoan

ARALIN 8: ANG ADYENDA

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 mailahad ang kahulugan, layunin, at
kahalagahan ng pagsulat ng adyenda;
 matukoy ang proseso ng pagbuo ng
adyenda; at
 makabuo ng adyenda batay sa estilo at teknikal na pangangailangan.

Ang pagpupulong ay isang pagtitipon ng isang sa isang lugar sa isang natakdang oras upang
mag-usap tungkol sa mga espesipikong bagay, pagpaplano, o pasya para sa kinabibilangang lupon o
organisasyon. Nagkakaroon ng pagpupulong kung kailangang mangalap at mamahagi ng
impormasyon, hingin ang payo ng nakararami para sa isang desisyon.
Tuon ng araling itong matalakay ang pangunahing pangangailangan upang maisakatuparan
ang isang pulong – ang pagbuo ng adyenda.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Panoorin ang video sa link sa ibaba at tugunan ang mga sumusunod na tanong.
Mapapanood ang nasabing video sa https://www.youtube.com/watch?v=5PTYsuLyFA0.

Mga paunang tanong:


1. Ano-ano ang mga kailangan sa isang pulong?
2. Paano inaayos ang mga pinag-usapan sa pulong?

Mula sa https://www.youtube.com/watch?v=5PTYsuLyFA0.
Mga Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang mga kapansin-pansin sa video?
2. Paano ang naging takbo ng kanilang pagpupulong?
3. Bakit kinakailangang malaman ang iba’t ibang proseso sa pagpupulong?

PAG-USAPAN NATIN
ANG ADYENDA
Ang adyenda, ayon kay dela Cruz (2017), ay talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang
pormal na pagpupulong na nakaayos sa paraang kronolohikal. Mahalagang bahagi ito ng
pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong dahil nililinaw nito ang layunin, detalye ng mga paksang
tatalakayin, mga mangunguna sa pagtatalakay at haba ng bawat isa. Nakasaad din dito ang mga
aksyon o rekomendasyong inaasahang pag-usapan sa pulong. Ibinibigay ito sa mga kalahok ilang
araw bago ang pagpupulong para sa pagrerebyu nito. Ang kalihim ng pulong ang kalimitang
bumubuo ng sulating ito subalit, katuwang dapat niya ang nagpapatawag ng miting sa pagbuo nito
upang maidetalye ang mga pag-uusapan dito.

LAYUNIN NG ADYENDA
Bilang isang akademikong sulatin, layon ng adyendang:
 makapagbigay ng ideya sa mga kalahok hinggil sa mga paksang tatalakayin at sa mga
usaping nangangailangan ng atensyon;
 makapagsaaad ng aksyon o rekomendasyong inaasahang pag-uusapan sa pulong.
 makapaglahad ng kaunting kaligiran sa posibleng maging daloy ng usapan;
 makapagbigay ng pagkakataon sa mga dadalo ng pulong na marebyu ang daloy at
maihanda ang mga kakailanganing dokumento, kung mayroong hinihingi;
 makapaglaan ng maayos na direksiyon sa pulong;
 makapagpabilis sa proseso ng pulong; at
 magbigay-gabay sa bubuo ng katitikan ng pulong.
Ang pagbuo ng adyenda ay isang mainam na hakbang upang maiwasan ang pagkawala sa
pokus ng pulong na dulot ng pagsasanga-sanga ng mga paksa o pagbubukas ng mga dati nang
usapin sa gitna ng isang umiiral na usapan; pag-aaksaya ng oras sa pulong na bunga ng kawalan ng
direksyon sa pag-uusapan; at pag-unti ng mga dumadalo sa pulong.

ANG MGA BAHAGI NG ADYENDA


Bagaman ang dokumentong ito ay maikli lamang, may mga espesipikong bahagi itong
kinakailangan para sa desiminasyon ng impormasyon. Ito ang mga sumusunod:

Bahagi Halimbawa
Unang Bahagi
Rizal Technological University
Isinulat sa bahaging ito ang pangalan ng
Kagawaran ng Filipino
organisasyon, at kung ito ay may sub-bahaging
Taong Panuruan 2017-2018
na kagawaran ay mainam na ilagay rin. Maaari
ding ilagay ang saklaw na taon ng pulong na ito.
Ikalawang Bahagi PETSA: Ika-24 ng Hulyo, 2017, Lunes
PARA SA: MGA GURO NG KAGAWARAN NG
Nakasaad sa bahaging ito ang mga sumusunod: FILIPINO AT MGA OPISYAL NG SAMAHAN NG
 Petsa ng pamamahagi ng adyenda NAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO
 Ang mga inaasahang dadalo sa pulong at RE: PAGDIRIWANG NG BUWAN NG WIKANG
pinagmula ng adyenda PAMBANSA
 Petsa, oras, lugar, at layunin ng MULA KAY: DR. MELVIN O. MORTERA, Puno ng
pagpupulong (pangkalahatan) Kagawaran
 Mga update sa nagdaang pulong/ usapin Ipinapabatid ng dokumentong ito ang
 Mga paksa at usaping pag-uusapan imbitasyon ng pagdalo sa ikalawang pulong ng
(detalyado at espesipiko) Kagawaran at Samahan hinggil sa paglalatag ng
 Iba pang mga bagay mga gawain para sa pagdiriwang ng Buwan ng
 Mga Inaasahang dadalhing kagamitan o Wikang Pambansa. Ang pulong ay gaganapin sa
dokumento ika-27 ng Hulyo, Huwebes, mula sa ganap na
ika-4 ng hapon hanggang ika-6 ng gabi sa Silid
701 ng SENAG Hall ng Unibersidad.
Adyenda
1. Introduksiyon
2. Pagrerebyu at Pagsang-ayon sa Katitikan ng
Nakaraang Pulong
3. Pag-apruba sa Adyenda ng Kasalukuyang
Pulong
4. Paglalatag ng mga Gawain para sa Buwan ng
Wikang Pambansa
a. Pagpili at pag-iimbita ng susing
tagapagsalita para sa pagbubukas
b. Pagpili at pag-iimbita ng tagapagsalita
para sa Pandayan
c. Pag-apruba sa mga timpalak, mga
rasyonal at mekaniks nito
i. Pakitang-turo
ii. Pakitang-pluma
iii. Pakitang-larawan
iv. Pakitang-talino
d. Pagkokomite sa mga timpalak
e. Paglalahad ng programa para sa
pagbubukas
5. Paglalatag ng iba pang mga bagay/usapin at
petsa ng susunod na pulong
6. Dalhin ang mga sumusunod na dokumento:
a. Liham para sa Pag-apruba ng Pangulo
sa mga gawain
b. Sample ng Program para sa
pagbubukas
Ikatlong Bahagi Isinulat ni:

Nakasaad sa bahaging ito ang pangalan, (lgd.)


designasyon, at lagda ng kalihim ng pulong at DOM NICK ROQUE
nagpatawag ng pulong. Kalihim

(lgd.)
DR. MELVIN O. MORTERA
Puno, Kagawaran ng Filipino

GAWIN NATIN
PANUTO: Isakontekstong ikaw ay magpapatawag ng isang emergency meeting at ito ay
tungkol sa isang agarang eleksiyon ng mga bagong opisyal ng inyong organisasyon. Mula sa
kondisyong iyon ay bumuo ng isang adyenda. Gamitin ang gabay sa pagbuo nito.

GABAY SA PAGSULAT ADYENDA


1. Saan at kailan idaraos ang kanilang
pagpupulong?
2. Sino-sino ang mga kailangan sa pulong?

3. Bakit magsasagawa ng pulong?

4. Ano-ano ang mga paksa o usapin ang


kanilang tinalakay?

5. Sino ang mga lumahok sa nasabing


pagpupulong?

Panuto: Buoin ang adyenda sa kahon sa ibaba.

ADYENDA
Pamantayan 3 2 1
May isa hanggang
May tatlo-pataas na
Buo ang mga bahagi ng dalawang bahagi ng
Nilalaman bahagi ng adyendang
adyenda. adyendang hindi
hindi nailagay.
nailagay.
Naisagawa ang gawaing Naisagawa ang gawain
taglay ang subalit may ilang Hindi naisagawa ang
Propesyonalism
propesyonalismo ng bahaging kailangan pang gawain sa paraang
o ng Pagsulat
pagsulat ng linangin gaya ng propesyonal.
akademikong sulatin. paggamit ng wika.
Ang mga paksang
May isang paksa sa May dalawa-pataas na
tinalakay sa adyenda ay
Kaisahan sa adyendang ligaw sa paksa sa adyendang
tugma sa
Nilalaman pangkalahatang tema ng ligaw sa pangkalahatang
pangkalahatang tema ng
pulong. tema ng pulong.
pulong.
Nagkaroon ng kasinupan May bahaging dapat Hindi naging masinop sa
sa organisasyon, linangin sa kasinupan ng organisasyon,
Organisasyon
pagbabaybay, organisasyon, pagbabaybay,
Pagbabaybay,
teknikalidad, at pagbabaybay, teknikalidad, at
Teknikalidad at
mekaniks sa pagsulat. teknikalidad at mekaniks. Nakitaan ng 4
Mekaniks
Nakitaan ng 1-2 na mali mekaniks. Nakitaan ng 3- pataas na mali sa
sa pagsulat. 4 na mali sa pagsulat. pagsulat.
Kabuoan

KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Sumulat ng isang talumpati batay sa paksang ibibigay.
Nilalayon nito na makabuo ng agenda na nakabatay sa gagawing pagpupulong
Goal (Layon)
tungkol sa isasagawang retreat ng mga mag-aaral.
Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang mga administrador ng paaralan at mga
Role (Gampanin)
guro.
Audience
Tatayong awdyens ang mga gurong sangkot sa pagbuo ng plano para sa retreat.
(Awdyens)
Nalalapit na ang pagtatapos ng taong panuruan at isa sa mga kahingian bago ang
Situation
pagtatapos ng Grade 12 ay ang retreat. Bilang ikaw ang inatasang mamuno para
(Sitwasyon)
sa pulong, ikaw rin ang inaasahang bumuo ng adyenda para dito.
Product
Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang adyenda.
(Produkto)
Pamantayan 3 2 1
May isa hanggang May tatlo-pataas
Buo ang mga
dalawang bahagi na bahagi ng
Nilalaman bahagi ng
ng adyendang adyendang hindi
adyenda.
hindi nailagay. nailagay.
Naisagawa ang
Naisagawa ang
gawain subalit
gawaing taglay
may ilang Hindi naisagawa
ang
Propesyonalism bahaging ang gawain sa
propesyonalismo
o ng Pagsulat kailangan pang paraang
ng pagsulat ng
linangin gaya ng propesyonal.
akademikong
paggamit ng
sulatin.
wika.
Ang mga paksang May dalawa-
May isang paksa
Standards tinalakay sa pataas na paksa
sa adyendang
(Pamantayan) Kaisahan sa adyenda ay sa adyendang
ligaw sa
Nilalaman tugma sa ligaw sa
pangkalahatang
pangkalahatang pangkalahatang
tema ng pulong.
tema ng pulong. tema ng pulong.
Nagkaroon ng May bahaging Hindi naging
kasinupan sa dapat linangin sa masinop sa
organisasyon, kasinupan ng organisasyon,
Organisasyon pagbabaybay, organisasyon, pagbabaybay,
Pagbabaybay, teknikalidad, at pagbabaybay, teknikalidad, at
Teknikalidad at mekaniks sa teknikalidad at mekaniks.
Mekaniks pagsulat. mekaniks. Nakitaan ng 4
Nakitaan ng 1-2 Nakitaan ng 3-4 pataas na mali sa
na mali sa na mali sa pagsulat.
pagsulat. pagsulat.
Kabuoan

KAYA KO
Panuto: Bumuo ng isang adyenda batay sa sitwasyong ibibigay ayon sa iyong strand. Isiping
maigi ang mga detalyeng magiging paksa at iayon ito sa pangangailangan ng pulong.

Para sa:
 STEM – Pulong para sa isang kumbensiyon ng mga imbensyon
 ABM – Pulong para sa isang trade expo
 HUMSS – Pulong para sa isang debate
 GAS – Pulong para sa isang open forum
 Sports – Pulong para sa isang intramurals
 Arts and Design – Pulong para sa isang art exhibit
 TechVoc – Pulong para sa isang skills training

Pamantayan 3 2 1
May isa hanggang
May tatlo-pataas na
Buo ang mga bahagi ng dalawang bahagi ng
Nilalaman bahagi ng adyendang
adyenda. adyendang hindi
hindi nailagay.
nailagay.
Naisagawa ang gawaing Naisagawa ang gawain
taglay ang subalit may ilang Hindi naisagawa ang
Propesyonalism
propesyonalismo ng bahaging kailangan pang gawain sa paraang
o ng Pagsulat
pagsulat ng linangin gaya ng propesyonal.
akademikong sulatin. paggamit ng wika.
Ang mga paksang
May isang paksa sa May dalawa-pataas na
tinalakay sa adyenda ay
Kaisahan sa adyendang ligaw sa paksa sa adyendang
tugma sa
Nilalaman pangkalahatang tema ng ligaw sa pangkalahatang
pangkalahatang tema ng
pulong. tema ng pulong.
pulong.
Nagkaroon ng kasinupan May bahaging dapat Hindi naging masinop sa
sa organisasyon, linangin sa kasinupan ng organisasyon,
Organisasyon
pagbabaybay, organisasyon, pagbabaybay,
Pagbabaybay,
teknikalidad, at pagbabaybay, teknikalidad, at
Teknikalidad at
mekaniks sa pagsulat. teknikalidad at mekaniks. Nakitaan ng 4
Mekaniks
Nakitaan ng 1-2 na mali mekaniks. Nakitaan ng 3- pataas na mali sa
sa pagsulat. 4 na mali sa pagsulat. pagsulat.
Kabuoan

ARALIN 9: ANG KATITIKAN NG PULONG

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 makilala ang katitikan ng pulong ayon sa
layunin, gamit, katangian, at anyo nito;
 makasunod sa estilo at teknikal na
pangangailangan ng katitikan ng pulong;
 maipaliwanag ang anyo ng katitikan ng
pulong batay sa kahulugan, kalikasan,
katangian nito; at
 makapagsagawa ng katitikan ng pulong batay sa etika ng pagsulat nito.

Ang akademikong sulatin ay isang intelektwal na pagsulat. Makatutulong ito sa pagpapataas ng


kaalaman sa iba’t ibang larang. Ito ay para din sa makabuluhang pagsasalaysay na sumasalamin sa
kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ginagamit din ito upang
makapagpabatid ng mga impormasyon at saloobin.
Nababago ang mga panulat batay sa larang na kinabibilangan. Mula sa pagpaplano hanggang sa
paano matatapos. Ang katitikan ng pulong ay isang halimbawa ng intelektwal na pagsulat. Ito ay
importanteng dokumento na ginagamit sa isang pulong. Sinusulat dito ang mga tinalakay sa isang
pagpupulong. Makikita rin dito ang listahan ng mga dumalo at hindi dumalo, oras ng pagsisimula at
pagwawakas, at lugar ng pulong. Nagsisilbi itong tala ng organisasyon bilang maging basehan at
sanggunian ng mga bagay na tinatalakay (Ramirez, 2017).

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Bumuo ng isang maikling diyalogo ng isang pagpupulong. Gumamit ng apat na
karakter sa gagawing diyalogo. Malaya ang paksang pag-uusapan sa diyalogo.

Gabay na tanong:
1. Bakit kailangang pormal ang paraan ng pag-uusap sa isang pulong?

PAG-USAPAN NATIN
Kahulugan, Kahalagahan at Katangian ng Katitikan ng Pulong
Malinaw na ang layon ng isang katitikan ay ang pagtatala ng mga impormasyong pinag-
usapan sa isang pulong. Taglay nito ang pagdodokumento ng mga importanteng punto at desisyong
pinagkasunduan ng isang lupong bahagi ng pulong. Isinasaopisyal nito ang lahat ng mga detalyeng
maaaring maging sandigan sa mga susunod pang pulong, talakayan, o programa.
Pagkatapos ng pulong ay inaasahang ipamamahagi ito sa mga dumalo at di-dumalong
kasapi para sa pagbasa at bilang reperensiya.
Susog ito sa binanggit ni Heathfield (2018) na maituturing na historikal na dokumento ang
katitikan ng pulong dahil ito ay magiging kapaki-pakinabang para sa pagdodokumento ng mga
pangunahing ideya o mga punto ng diskusyong tumutulay sa isang desisyon ng lupon. Halimbawa
na lamang nito ay ang pagtatala ng iba pang alternatibong bagay na pinagpipilian ng pangkat sa
isang gawain at ang rason bakit napili ng pangkat ang isang partikular na desisyon.
Samakatuwid, nilalatag nito ang mga salik na isinaalang-alang sa pagpili ng desisyon.
Nagsisilbing tagamasid, bagaman kasapi, ang nagtatala ng katitikan.

Ang Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Ginagamit ang kasanayang ng pagtatala (note-taking skills) sa gawaing ito dahil inaasahan
dito ang kaayusan sa detalyadong pagsulat ng mga mahahalagang talang pinag-usapan sa isang
pulong.
Narito ang ilang gabay sa pagbuo ng katitikan ng pulong (ang ilang bahagi rito ay halaw sa
gabay na binuo ni dela Cruz (2016):
Bago ang Aktuwal na Pulong:
 Tiyaking hindi ang sarili ang pinakaimportanteng kalahok ng pulong. Bilang kalihim
ng pulong, nakaatas sa iyo ang pagtatala ng katitikan, ikaw ay magsisilbing
tagamasid, bagaman kasapi ka ng nagdedesisyong lupon;
 Magkaroon na ng paunang pagbasa ng adyenda ng pulong upang makita na ang
posibleng daloy ng miting;
 Maaari mo na ring tanungin ang mamumuno ng pulong kung may partikular silang
paksang nais pagtuunan ng pansin para sa katitikan;
 Lumikha ng isang template sa pagtatala upang mapadali ang pagsulat, at tiyaking
madali rin itong mauunawaan ng sinumang babasa nito; at
 Ihanda na rin ang mga kagamitang gagamitin sa pagganap bilang kalihim gaya lapis
o ballpen, papel. Mainam din ang paggamit ng mga elektronikong gamit gaya ng
laptop, cellphone at tape recorder.
Habang nangyayari ang Aktuwal na Pulong:
 Isiping hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong, maaaring piliin
lamang ang mga mahahalagang detalye at lagumin pa ito kung kinakailangan;
 Ituon ang pokus sa pulong, maaaring gamitin ang adyenda bilang gabay sa daloy
nito;
 Maglaan ng sapat na espasyo para din sa mga maliliit na detalye ng pulong na
makatutulong para sa pagbabalangkas pagkatapos ng pulong; at
 Maaari ding manghingi ng kopya ng presentasyon ng namuno sa miting, kung
mayroon, bilang gabay nito.
Pagkatapos ng Pulong:
 Balikan ang mga itinala sa burador;
 Tingnan ang adyenda at gawing gabay sa pagbuo ng katitikan;
 Repasuhin ang mga tinala at maaaring magdagdag ng mga impormasyon, ngunit
isaalang-alang ang balidasyon ng impormasyong ilalagay;
 Kung maaari ay isulat ang mga impormasyon sa pormang bulleted upang mas
madaling makita ang mga detalye;
 Muling basahin para sa pagwawasto ng pagpapangungusap, pagbaybay, at
pagbabantas;
 Kapag nakatapos na sa pagsulat ay i-encode na ito batay sa hinihinging pormat at
ipabasa at ipawasto sa namuno ng pulong kung may rebisyong kailangan sa mga
impormasyon;
 Muling basahin at magbigay ng kopya sa mga dumalo at di-dumalo.

Halimbawa ng isang Katitikan ng Pulong

KATITIKAN NG PULONG
Pulong ng mga Organizer ng Batch Field Trip 2018
Opisina ng Level Head ng Ikawalong Baitang
Martes, ika-9 ng Enero, 2018, ika-9 n.u. – ika-10 n.u.

Mga Dumalo:
 Academic Coordinators at Level Heads
 Mga Opisyal ng Supreme Student Government at Tagapayo nito
 Kinatawan ng Parents-Teachers Association
Iba Pang Dumalo:
 Kinatawan ng Akademik Travel and Tours
Di-nakadalo:
 Juan Dela Cruz (Ingat-yaman ng SSG)

Sinimulan ang pulong sa ganap na ika-9 ng umaga.

ADYENDA/ MGA PINAG-USAPAN MGA PINAGKASUNDUAN/ PINAGPASYAHAN


I. Pagpapatibay ng Adyenda

1. Matapos basahin ang adyenda ay 1. Pinagkasunduan ng lupon na tanggalin ang


minungkahing tanggalin ang pagbabago sa usapin hinggil sa pagbabawas sa ruta ng field
tema ng prom. trip.
II. Pagbasa at Pagpapatibay sa Katitikan ng
Pulong noong Ika-8 ng Enero, 2018

1. Matapos basahin ang dating katitikan ay 1. Walang naging pagbabago.


pinagtibay ito.
III. Mga Usapin

1. Resolusyon hinggil sa petsa 1. Napagkasunduang ituloy na ang orihinal na


araw ng field trip – ika-15 ng Pebrero, 2018

2. Resolusyon hinggil sa parents’ consent ng 2.Napagdesisyunang ipapasa sa mga


mga sasama sekretarya ng bawat seksiyon ang consent
bago o sa darating na ika-19 ng Enero, 2018

3. Resolusyon hinggil sa isusuot sa field trip. 3. Walang naging pinal na desisyon hinggil dito
ang lupon.
IV. Iba pang mga Bagay

1. Paghahanda ng sample ng ad para sa field 1. Itinalaga ang Kalihim ng SSG upang


trip. magdisenyo ng mga ad na ipakikita sa susunod
na pulong.

2. Inatasan ang Level Head upang kolektahin


2. Paghahanda ng aktuwal na bilang ng dadalo. ang aktuwal na bilang ng dadalo sa field trip.

Natapos ang pulong sa ganap na ika-9:45 ng umaga.

Itinala ni:

(Lgd.)
JUANA DELA CRUZ
Kalihim ng Pulong

Pinagtibay ni:

(Lgd.)
G. ANDRES RIZAL
Puno ng Pulong

GAWIN NATIN
Panuto: Isiping ikaw ay inatasan para sa pagtatala ng katitikan ng isang pulong sa inyong
baranggay. Punan ang mga hinihinging impormasyon dito at maaaring gamiting gabay ang mga
tanong at halimbawang nakatala. Limitahan lamang sa tatlong resolusyon ang papaksain ng pulong
na bubuoin.

Mga Bahagi Sariling Gawa


(Para sa Ulo)

KATITIKAN NG PULONG KATITIKAN NG PULONG


(Paksa ng Pulong) ________________________________________________________________
(Lugar ng Pulong) ________________________________________________________________
(Petsa at Oras ng Pulong) ________________________________________________________________

(Para sa Katawan)

Mga Dumalo (Sino-sino ang


mga Mga Dumalo
nakadalo?) 



Iba pang Dumalo (Pupunan ito kung Iba pang Dumalo
may iba pang dumalong hindi kasama sa 
orihinal na adyenda, kung mayroon 
man.) 
Di-Nakadalo (Pupunan ito kung may Di-Nakadalo
mga kasapi ng pulong na hindi nakadalo, 
kung mayroon man.) 

Sinimulan ang pulong sa ganap na
Sinimulan ang pulong sa ganap na ________________________.
(aktuwal na oras ng pagsisimula)
ADYENDA NAPAGKASUND ADYENDA NAPAGKASUNDUAN
UAN I. Pagpapatibay ng Adyenda
I. Pagpapatibay
ng Adyenda

(Itinatala rito ang (Itatala naman sa


pagmumungkahi bahaging ito ang
sa mga idaragdag napagkasunduan
o ibabawas na g desisyon ng
bahagi ng lupon hinggil sa
adyenda para sa mungkahing
pulong na iyon). itinala sa kaliwa.)

II. Pagbasa at Pagpapatibay


sa Katitikan ng Pulong
______________

II. Pagbasa at
Pagpapatibay sa
Katitikan ng
Pulong
______________
(Sa bahaging ito
(Isinasagawa ang ilalagay kung
bahaging ito kung sumasang-ayon
may naunang ang lupon sa
pulong bago ang laman ng
isasagawang katitikan o may
pulong na kailangang
ginagawan ng idagdag o kaltasin
katitikan.) sa naging ulat.)

III. Mga Usapin

(Nilalagay sa (Isusulat dito ang


bahaging ito ang napagkasunduan
mga pag- at
uusapang napagdesisyunan
nakatala sa ng lupon hinggil
adyenda.) sa resolusyong
tinatalakay sa
kaliwa.)

IV. Iba Pang mga Bagay

IV. Iba Pang mga


Bagay

(Nililista rito ang (Dito makikita


mga bagay na ang tugon ng
pinag-usapang lupon tungkol sa
labas sa mga bagay na
adyenda.) ito.)

Nagwakas ang pulong sa ganap na


Nagwakas ang pulong sa ganap na ________________________.
(aktuwal na oras ng pagwawakas)
Itinala ni: Itinala ni:

(Lagda)
BUONG PANGALAN (kapitalisado at
naka-bold)
Posisyon sa Organisasyon

Pinagtibay ni: Pinagtibay ni:

(Lagda)
BUONG PANGALAN (kapitalisado at
naka-bold)
Posisyon sa Organisasyon

KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Isakonteksto ang pagsulat batay sa pulong na isasagawa at
paksa nito. Layon ng gawaing itong (1) makapagsagawa ng isang aktuwal na pulong, at (2)
makabuo ng katitikan nito.
Layon ng palihang itong makapagsagawa ng isang aktuwal na pulong at
Goal (Layon)
makabuo ng katitikan nito.
Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang kalahok ng pulong at kalihim na
Role (Gampanin)
magtatala ng katitikan.
Audience Tatayong awdyens sa pulong ang mga sektor na may kinalaman sa antas ng
(Awdyens) edukasyon sa kasalukuyan.
Inatasan ang inyong pangkat na magkaroon ng isang porum na tatalakay sa
antas ng edukasyon sa bansa, ang paksa ay iikot sa positibo at negatibong
katangian ng alinman sa mga sumusunod:
Situation
 K to 12
(Sitwasyon)
 Free Tuition Fee sa state universities and colleges
 Alternative Learning System
 Out-of-school youth program
Inaasahang makapagsasagawa ng simulation ng isang pulong/porum ang
Product (Produkto)
mga mag-aaral at makabubuo ng katitikan ng pulong.
Pamantayan 3 2 1
Naging ganap
Ganap at buo ang nilalaman Marapat na
ang nilalaman ng ngunit may linangin ang
Nilalaman
isang ilang bahaging nais iparating
pagpupulong. hindi naging ng nilalaman.
malinaw.
Naisagawa ng
pangkat ang
Naisagawa ng
gawain subalit Hindi
Pagsasagawa ng pangkat ang
may ilang naisagawa ang
Gawain kabuoan ng
bahaging hindi gawain
gawain.
nakitaan ng
kaganapan.
Naisakatupara
Pagsasakatuparan Naisakatuparang Hindi
n ang pulong,
sa Pagganap ng ganap ang naisakatuparan
Standards ngunit may
mga karakter sa sinadulang nang maayos
(Pamantayan) mga bahaging
isang pulong pagpupulong. ang pulong.
hindi malinaw.
Nagkaroon ng May bahaging Hindi naging
kasinupan sa dapat linangin masinop sa
Organisasyon, organisasyon, sa kasinupan organisasyon,
Teknikalidad at teknikalidad, ng teknikalidad, at
Mekaniks mekaniks sa organisasyon, mekaniks.
pagsulat ng teknikalidad at
isang pulong. mekaniks.
Naging maayos
Naging ganap
ang pagganap
ang kaayusan sa Hindi naging
Kaayusan ng ng mga kasapi
pagganap ng maayos ang
pagganap sa subalit may
gawain ang pagganap sa
Gawain ilang
bawat kasapi at gawain.
inaasahang
sa wastong oras.
hindi natamo.
Kabuoan
KAYA KO
Panuto: Manaliksik ng tatlong halimbawa ng katitikan ng pulong. Inaasahan ang wastong
pagsipi at citation sa mga halimbawa. Suriin ang mga ito batay sa mga sumusunod na tanong:

Tanong Katitikan #1 Katitikan #2 Katitikan #3

1. Ano ang naging


katangi-tanging
katangian ng
katitikang ito?

2. Paano pinakita ng
katitikang ito ang
pagiging akademik?

3. Ano ang kalakasan


ng katitikang ito?

4. Ano ang kahinaan ng


katitikang ito?

5. Ano ang iyong


mungkahing
ikalilinang ng
katitikang ito?
ARALIN 10: ANG POSISYONG PAPEL

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 matukoy ang posisyong papel bilang
akademikong sulatin;
 maisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat
ng posisyong papel;
 makalikha ng isang organisado,
malikhain, at kapani-paniwalang
posisyong papel; at
 makapagsuri ng isang posisyong papel.

Ang posisyong papel ay isang sulating


nagpapayahag ng tiyak na paninindigan ng isang
indibidwal o grupo tungkol sa isang
makabuluhan at napapanahong isyu.
Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang paninindigan.
Ito rin ay naglalahad ng paninindigan hinggil sa isang problema o isyu. Inilalahad din nito
ang pagkilos o bias ng manunulat sa isang panig ukol sa isyu. Ipinapakita rito ang mga argumento
ng kabilang panig. isa-isang binabaklas ng posisyong papel ang mga argumentong ito nang may
batayan. Hindi neutral, bagkus may pinapanigan itong tindig na maaaring makatulong sa
pagkakaroon sa higit na linaw para sa mahalagang isyu.
Mahalagang pagtuunan ang dalawang salitang paulit-ulit na gagamitin sa araling ito:
katuwiran at paninindigan. Ang katuwiran ay mula sa salitang tuwid na nagpapahiwatig ng pagiging
tama, wasto, maayos, may direksyon o layon. Samantalang ang paninindigan ay mula sa salitang
tindig na nagpapahiwatig naman ng pagtayo, paglaan at pagtanggol.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Tingnan ang mga larawan at tukuyin kung ikaw ay sumusuporta o kumukontra sa
mga pinakikita ng mga larawan. Ipaliwanag ang iyong sagot sa kahon.
1. Pagsuporta o pagkontra sa programang K-to-12 sa bansa.
SUMUSUPORTA KUMUKONTRA

2. Pagsuporta o pagkontra sa karapatang pantao mula sa


pagkuha ng larawan. Larawang kuha ni Pasion (2015)

SUMUSUPORTA KUMUKONTRA

Ang larawan ay mula sa Google Images


Gabay na tanong:
1. Ano-anong mga salik mo upang pangatwiranan ang iyong napiling panig?

PAG-USAPAN NATIN
Ang Posisyong Papel
Binanggit ni Fleming (2018) na ang gampanin ng manunulat sa pagsulat ng isang posisyong
papel ay ang mamili ng isang panig na pangangatwiranan sa isang kontrobersiyal na paksa at bubuo
ng kaso para sa iyong opinyon o posisyon. Maaaring sumipi ng mga ebidensya gaya ng mga
katotohanan, opinyong mula sa mga kilalang awtoridad ng puntong pinapanigan, estadistika, at iba
pang porma ng ebidensyang makakapagkumbinsi ng iyong mambabasang ang iyong posisyon ang
pinakamahusay.
Tumutulay ito sa kasanayan ng manunulat na mahikayat ang kaniyang mambabasa sa
kaniyang punto.
Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel
1. Tiyakin at aralin ang paksa
 Kung malaya kang makapamimili, pumili ng paksang interesante para sa iyo.
Magiging kalibre mo na kung ang paksang iyong pipiliin ay mapupukaw rin ang
iyong pansariling interes. Kung hindi naman ay tiyaking mapaplanong maigi ang
paraan ng pagbuo ng papel.
2. Gumawa ng panimulang saliksik
 Matapos matiyak ang paksa, gumawa ng panimulang saliksik.
 Kung napapanahon ang isyu, maaaring magbasa-basa ng diyaryo o magtanong-
tanong ng opinyon sa mga taong may awtoridad sa paksa para mapalalim ang
pagkaunawa sa usapin.
 Sikaping maging bukas muna ang isip para makabuo ng matalino at makatuwirang
posisyon. Iwasan munang kumiling sa isang panig na maaaring humadlang para
makita ang iba’t ibang pananaw sa usapin.
3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katuwiran
 Mas makabubuting ilista sa papel ang mga katwiran sa dalawang hanayan upang
magkaroon ng biswal na representasyon ang mga ito. Gawin itong parang tseklist.
 Maaari ding simulan sa pagbuo ng isang payak na tala.
4. Gumawa ng mas malalim na saliksik
 Matapos matiyak ang sariling paninindigan sa isyu, maaaring magsagawa ng mas
malawakan at malalimang saliksik tungkol sa usapin. Sa yugtong ito, maaaring
pagtuunan na ang mga katuwiran pata sa panig na napiling paninindigan.
 Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal. Maaaring
makipanayam sa mga taong may awtoridad sa paksang pinagtatalunan. Mahalaga
ring gumamit ng mga ulat ng ahensiya ng pamahalaan.
 Makatutulong din ang paglalagay ng mga bago at kaugnay na estadistika hinggil sa
paksang iyong binubuo.
5. Bumuo ng balangkas
 Ito ay makatutulong upang tiyak ang direksyon ng pagsulat ng posisyong papel.
Maaaring gamiting gabay ang sumusunod na hulwaran:
a. Introduksiyon
 Ipakilala ang paksa. Ipaliwanag ang konteksto ng usapin. Maaari na
ring banggitin dito ang pangkalahatang usapin.
b. Mga katuwiran ng kabilang panig
 Isa-isahing ihanay rito ang mga katuwiran ng kabilang panig.
Ipaliwanag at banggitin ang mga sangguniang pinagkuhaan nito.
c. Mga sariling katuwiran
 Isa-isahing ihanay ang sariling katuwiran. Sikaping may katapatan
at katuwiran ang bawat isa sa kabilang panig.
6. Basahing muli at i-proofread
 Basahing muli ang binuong papel at tingnan ang pagpapangungusap, pagbabaybay,
mekaniks at ilan pang teknikal na aspekto ng papel. Mahalaga ring pagtuunan ng
pansin ang mga posibleng maging kahinaan ng papel sa nilalaman, hanggang
maaari ay magsagawa ng personal na pagtataya o pagsasagawa ng devil’s advocate
sa binuong papel.
 Maaaring ding ipabasa sa iba para sa peer evaluation, makatutulong ito upang
makita ang ilang salik na makapagpapahina o makapagpapalakas ng iyong sulatin.

Gabay sa Pagbuo ng Posisyong Papel


1. Introduksyon
 Ipakilala ang paksa at ipaliwanag ang konteksto ng usapin.
2. Mga katwiran ng kabilang panig
 Ihanay ang katwiran ng kabilang panig sa pamamagitan ng pag-iisa-isa at
ipaliwanag ang bawat katwiran. Tukuyin ang mga pinagkunan ng mga katwirang
ito.
3. Sariling katwiran
 Isa-isahing ihanay ang sariling katwiran. Bawat katwiran ng kabilang panig ay may
katapat na katwiran. Mas mainam kung mas lamang ang katwiran para maipakita
ang kalamangan at paninindigan.
4. Mga pansuporta sa sariling katwiran
 Ang pagbibigay ng karagdagang ebidensya ay mas lalong magpapatibay sa iyong
katwiran.
5. Huling paliwanag bakit ang napiling paninindigan ang dapat
 Ibuod ang katwiran, ipaliwanag kung bakit ang sariling paninindigan ang
pinakamabuti at pinakarapat-dapat.
6. Ipahayag ang paninindigan o mungkahing pagkilos
 Dapat na maitatak sa isipan ng mambabasa ang iyong paninindigan sa
pamamagitan ng maiksi, malinaw at madaling matandaan ang huling pahayag.

GAWIN NATIN
Panuto: Suriin ang posisyong papel sa ibaba. Sumangguni sa kahon sa ibaba ng teksto para
sa pagsusuri. (Ito ay pag-aari ni Segui, 2014)

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG


PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO, KABATAANG
PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO
Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


(PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng
Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng
Talino at Kagalingan
Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)
nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na may petsang
hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o
Filipino ang mga asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pagaagaw-
agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad, at
magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang
ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang Filipino dahil
halata namang nakakiling ang Purposive Communication sa Ingles.
Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito,
maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang mawawalan ng trabaho at mababawasan
ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na
ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang
Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum,
malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng
asignaturang Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: "General
education enables the Filipino to find and locate her/himself in the community and the world, take
pride in and hopefully assert her/his identity and sense of community and nationhood amid the
forces of globalization.
“As life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and
addressing social problems in the general education program increasingly become more pressing."
Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong
isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-
aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng
mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga
kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-
aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga
asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking
puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
(PUP) na tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo ng humigit kumulang 70,
000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga
organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang asignatura sa
Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.
Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon nito.
hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technical panel
ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na
konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay
pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A,
Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg University at University of Moscow sa
Russia.
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng
Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura,
pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiya
at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang
PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa
ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in the
Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa
internasyonalisasyon ang programang AB Filipinolohiya na inihahain nito.
Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa
Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at
dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit,
ang lakas at pagsisikap ng mga Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay
mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay
tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw
ang Wikang Filipino kung hindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong
punto, muli't muli naming igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na
nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.
Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at
pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo.
Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika,
Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa
Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino
sa Hamon ng Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto
28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na
kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino. Kikilos
at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mga mungkahing
asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga unibersidad at kolehiyo na
maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang
malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak
na gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa
pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo.
Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang
identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung
ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino,
tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang identidad
mo!

Tanong Pagsusuri

1. Ano ang paksa o usapin ng posisyong


papel?

2. Ano-ano ang ginamit na katuwiran para


suportahan ang paninindigan nito?

3. Ano-ano ang inilagay na pahayag para


mapanindigan ang posisyong papel?

4. Ano ang hinihiling na aksyon ng posisyong


papel mula sa publiko?
5. Nahikayat ka ba ng paninindigan na
nakalahad sa posisyong papel na ito?
Paano?

KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Humanap ng katambal para sa gawaing ito. Pumili ng isang
panig batay sa paksang mapipili at ang kabilang panig ay para sa katambal.
Layon ng palihang itong makabuo ng isang Posisyong papel na naglalaman ng mga
Goal (Layon)
ideyang panig sa napiling paksa.
Role
Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang iskolar at kritiko ng posisyong papel.
(Gampanin)
Audience Tatayong awdyens sa posisyong papel na may kinalaman sa antas ng ekonomiya ng
(Awdyens) Pilipinas.
Ikaw ay nasa isang timpalak ng mga iskolar, inatasan kayong pumili ng isang paksa
at panig na pangangatwiranan, pagkatapos nito ay magsasagawa kayo ng
pagkikritik ng katambal mo sa timpalak na ito. Ang mga paksa ay maaaring
pagsang-ayon o di-pagsang-ayon sa mga sumusunod:
Situation
 Nakakaapekto ba ang kawalan ng trabaho sa ekonomiya ng bansa?;
(Sitwasyon)
 Nakakaapekto ba ang pagdami ng out-of-school youth sa ekonomiya ng bansa?;
 Nakakaapekto ba ang migrasyon patungo sa lalawigan sa ekonomiya ng bansa?;
o
 Nakakaapekto ba ang pagtaas ng krimen sa ekonomiya ng bansa?
Product Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang detelyadong posisyong papel at
(Produkto) kritik.
Standards Pamantayan 3 2 1
(Pamantayan Ang panimula ay
) Ang panimula ay may malakas na
Ang panimula ay
may malakas na hatak o pampukaw
hindi interesante at
Introduksyon hatak o pamukaw ngunit may mahina
hindi naaayon para
na naayon para sa o hindi naaayon
sa paksa.
mambabasa. para sa
mambabasa.
Ang pahayag na
tesis ay malinaw na Ang pahayag na
pinakilala ang tesis ay nagpahayag Ang pahayag na
paksa at lamang ng iilang tesis ay hindi
Pokus o Tesis binabalangkas ang pangunahing nagpakilala ng
mga tatalakaying puntos at hindi anumang paksa at
puntos. Malinaw na nilinaw ang pokus punto.
itinala ng awtor ang na paksa.
kaniyang posisiyon.
Ang awtor ay
naglagay ng 5 o Ang awtor ay Ang awtor ay
higit pang naglagay ng 3 naglagay ng
naaayong hanggang 4 na dalawa-pababang
ebidensyang naaayong naaayong
Suporta para sumusuporta para ebidensya. Ito man ebidensya. Ito man
sa Position sa posisyon. Ito katotohanan, katotohanan,
man katotohanan, estadistika, estadistika,
estadistika, halimbawa, o halimbawa, o
halimbawa, o makatotohanang makatotohanang
makatotohanang karanasan. karanasan.
karanasan.
Malinaw na
Nakaayos sa
nakaayos sa
paraang lohikal ang
paraang lohikal ang Marami sa mga
mga argumento at
mga argumento at pansuportang
Kaayusan at pansuportang
pansuportang detalye ang wala sa
Kohesyon ng nakatulong sa mga
nakatulong sa mga lohikal na ayos at
mga Ideya mambabasang
mambabasang nakalito sa mga
maging interesante
maging interesante mambabasa.
at madaling sundan
at madaling sundan
ang ideya.
ang ideya.
Ang kongklusyon
ay lubhang
Ang kongklusyon
malinaw at nag-
ay nag-iiwan sa
iiwan sa
mambabasa ng
mambabasa ng Ang kongklusyon
pang-unawa sa
matibay na pang- ay hindi nag-iwan
posisyon ng awtor.
unawa sa posisyon ng anumang pang-
Nagkaroon din ito
ng awtor. unawa sa
Kongklusyon ng muling
Nagkaroon din ito mambabasa at
pagpapahayag ng
ng epektibong walang wastong
posisyon at
muling pagbubuod ng
dalawang
pagpapahayag ng kabuoan ng papel.
pangngusap ng
posisyon at
pagbubuod ng
epektibong
kabuoan ng papel.
pagbubuod ng
kabuoan ng papel.
Nagkaroon ng May bahaging
kasinupan sa dapat linangin sa Hindi naging
teknikalidad, kasinupan ng masinop sa
mekaniks at teknikalidad, teknikalidad,
Pagbabaybay,
pagbabaybay sa mekaniks at mekaniks at
Teknikalidad
pagsulat ng isang pagbabaybay. pagbabaybay.
at Mekaniks
posisyong papel. Nagkaroon ng Nagkaroon ng apat-
Nagkaroon lamang dalawa hanggang pataas na
ng isang tatlong pagkakamali.
pagkakamali. pagkakamali.
Pagkikritik Nagkaroon ng patas Nagkaroon ng patas Hindi nagkaroon ng
na pagkikritik na
labas sa bias ng na pagkikritik
sariling punto. ngunit nailapat pa patas na
Nagpahayag ang rin ang ilang bias pagkikritik.
kritik ng wasto at ng sariling punto.
malinaw na puna.
Kabuoan

KAYA KO
Panuto: Manaliksik ng isang napapanahong usaping maaaring nagmula sa telebisyon,
dyaryo, radyo, o social media. Tukuyin ang dalawang magkataliwas na panig. Maghanay ng
posibleng katuwiran para sa bawat panig. Sa huling bahagi gumawa ng sariling paninindigan
tungkol sa usapin. Maaaring gamitin ang sumusunod na hanayan para sa gawaing ito.

Usapin:

Mga Katwiran at Ebidenya ng Panig 1 Mga Katwiran at Ebidensya ng Panig 2

Paninindigan:

Pamantayan Katumbas na Puntos Marka


Paghahanay ng Katwiran at
6 na puntos
Ebidensya para sa Panig 1
Paghahanay ng Katwiran at
6 na puntos
Ebidensya para sa Panig 2
Pagbuo at pagpapaliwanag ng
8 na puntos
sariling panig
Kabuoan
ARALIN 11: ANG REPLEKTIBONG SANAYSAY

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 matukoy ang replektibong sanaysay
bilang isang akademikong sulatin;
 maisa-isa ang mga bahagi ng
replektibong sanaysay; at
 makalikha ng sariling replektibong
sanaysay.

Batay sa UP Diksiyonaryo (2010), ang


repleksiyon ay isang ideyang pinag-iisipan o
pinagninilayan. Samakatuwid, taglay ng
repleksiyon ang paglalapat ng anumang
kaisipang nagmula sa masinsinang pag-unawa sa isang partikular na bagay.
Makikita rin ang kahulugang ito bilang katangian ng isang replektibong sanaysay, pagkat ito
ay isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang
partikular na pangyayari. Dagdag pa, isa itong uri ng prosang nangangailangan ng sariling
perspektibo at replektibong pagtugon sa paksa. Mula roon, mahihinunang nangangailangan lamang
ng minimal na pananaliksik ang sulating ito pagkat introspek o panloob na pag-arok ang dulog na
ginagamit sa pagsulat nito.
Ito rin ay maituturing bilang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling
pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari. Iparating ang pansariling karanasan at
natuklasan sa pananaliksik. Naglalayon din itonf maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon
at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Pumili ng isa sa mga larawan sa ibaba at gawan ito ng maikling paliwanag na nag-uugnay
sa iyong karanasan sa nakaraan o kasalukuyan

Ang mga larawan ay mula sa lifestyle.mb.com.ph

Gabay na tanong:
1. Ano-ano ang mga naging salik mo upang iyan ang unang alaalang pumasok sa napiling larawan?
2. Mas madali bang makaalala ng alaala sa larawang pinili mo kumpara sa dalawang hindi mo pinili?

PAG-USAPAN NATIN
Ang Replektibong Sanaysay
Ayon kay Hampton (2010) ng Department of Curriculum and Quality Enhancement,
University of Portsmouth, ang replektibong pagsulat ay isang ebidensya ng replektibong pag-iisip at
sa kontekstong akademiko, kasangkot ng replektibong pag-iisip ang mga sumusunod:
 pagbabaliktanaw sa isang partikular na pangyayari, ideya, o bagay;
 pagsusuri sa isang pangyayari o ideya (malalim na pag-iisip na nagmula sa iba’t
ibang perspektibong nangangailangan ng paliwanag); at
 maingat na pag-iisip hinggil sa mga pangyayari o ideyang makahulugan para sa iyo o
isang pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan.
Kung ito ay itutulay sa pagsulat ng isang replektibong sanaysay, maiuuri ito bilang isang
produkto ng replektibong pag-iisip. Samakatuwid, ang pag-aarok na ginagamit sa pagsulat nito ay
pansarili at nakabatay sa karanasan ng manunulat.

Mga Konsiderasyon sa Pagsulat nito


Sa katuparan ng pagsulat ng replektibong sanaysay, minumungkahing isaalang-alang ang
mga sumusunod:
 tiyakin ang pag-unawa sa paksang ibibigay;
 talakayin ang iba’t ibang aspekto ng karanasang makahulugan sa sinusulat;
 ilahad nang maayos ang mga ideya nang makita ang puntong nais palutangin; at
 buoin ang repleksiyon sa paraang magaan itong babasahin ng mga mambabasa,
minumungkahi ang paggamit ng unang panauhan sa pagbuo nito.

Mga Bahagi ng isang Replektibong Sanaysay


Ang replektibong sanaysay, gaya ng ibang sanaysay, ay nagtataglay ng tatlong esensyal na
bahagi: ang introduksiyon, katawan, at kongklusyon. Narito ang gabay sa pagbuo at halimbawa nito.
Ang gabay ay halaw sa artikulo ni Meirow (2015).
Bahagi Gabay Halimbawa
 Gumamit ng pamukaw sa atensyon ng Finish Line
iyong mga mambabasa. Kung ikaw ay Melvin O. Mortera sa aklat ni Mortera
nagsasalaysay hinggil sa iyong (2010)
karanasan, magbigay ng pasilip sa Abril 2005 nang makapagtapos ako ng
nakakasabik na bahagi ng sulatin. kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa
 Sa isang replektibong sanaysay, ang Filipino. May titser na sina Aling Auring at
Introduksiyo
pokus na ideya ay kadalasang Mang Primo.
n
nagtataglay ng maikling pahayag ng Tandang-tanda ko pa ang butas ng
sanaysay tungkol sa espesipikong tao, karayom na aking pinasok sa pag-aaral.
lugar, o karanasang nakaimpluwensiya Labis man, sinuong ko ang bagyong signal
sa manunulat. Ito a palalawakin mo pa sa kuwatro.
bahaging katawan ng sanaysay.
Pakagatin lamang ang mambabasa.
Katawan  Kung ito man ay karanasan, maaaring sa Kung hihilain pabalik ang nakaraan,
paraang kronolohikal. Hindi naman ako’y karaniwang mag-aaral lamang noon
kailangang linyar ang pagsulat ngunit na nagsikap makapasa sa entrance exam sa
ang labis na pagtalon nito ay maaaring RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST.
makapagdulot ng kalituhan sa Isa rin ako sa mga kasamaang-palad na
mambabasa. hindi umabot sa quota course ng PUP.
 Isama sa bahaging ito ang mga nakapag- Banta ko sa unibersidad na iyon, babalik
iwan ng kakintalan at maaaring ako ngunit wala akong duduruging anuman
makapagpapagalaw sa kabuoan ng (may himig yata iyon ng pagka-GMA
teksto bilang replektibo. telebabad).

Nakapasa ako. Namuhay nga ako ng


apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako
sa mga propesor para sa ulat at grado.
Naghabol din ako sa pasahan ng proyekto .
Marami akong hinabol. Hinabol ko ang
pagbubukas at pagsasara ng cashier at
registrar. Maikli pa naman ang pila noon.
Humahabol ako sa mga kasamang kadete
sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation.
Hinabol ko ang aking mga kamag-aral.
Lahat sila ay aking hinabol at ako’y
nakipaghabulan. Pati guwardiya ay hinabol
na rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang
aking ID.

Sa dami nga niyon, hindi ako napagod


sa paghabol upang marating ang finish lin.
Hindi sa pagmamalaki ay nakapagkamit
ako ng karangalan – ang diploma ko.

Binalikan ko rin ang PUP para sa


programang master at doktorado. Doon ay
nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa
pang laban.
 Tinataglay ng bahaging ito ang maikling Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa
buod ng iyong mga medyor na punto o aking mga mag-aaral na
ang pangkalahatang kakintalang iniwan nakagpapakadalubhasa rin sa Filipino ang
sa iyo ng paksa. aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang
pawisan sa harap ng klase,” biro pa ng mga
mambobolang Filipino major.

“Parati tayong may hinahabol. Iyon ay


dahil sa may gusto tayong makamit. Ang
mahalaga, matapos ng paghahabol na iyon,
Kongklusyon
alam mo kung kailan at saan ka babalik.
Ako ay inyong guro pero babalik at babalik
ako sa pagiging mag-aaral ko. May mga
pagkakataong ako ang inyong mag-aaral.,
Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo.
Nakikita ko ang aking sarili,” dagdag-hirit
ko sa kanila.

“Ok, klase, inabot na natin ang finish line.


Magkikita tayo bukas.”

GAWIN NATIN
Panuto: Suriin ang teksto. Ibigay ang sariling pananaw mula sa replektibong sanaysay
tungkol sa isang natatanging karanasan bilang mag-aaral. Ilagay ang reakyon sa blankong bahagi ng
pahina.

“Ang Pag-ibig ng Edukasyon”


Sa panulat ni: Dian Joe Jurilla Mantiles
             Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang
paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-
makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat
ito ay permanenteng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Sa bawat
umaga ng ating buhay, tayo ay binabasbasan ng Poong Lumikha ng kalayaan upang makaanib at
makasabay sa kung ano mang kakatwa ang sumasaklaw sa ating lipunang kinabibilangan. Hindi
man lingid sa ating kamalayan subalit buhat nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ay batid na
natin ang espiritu ng ‘pagkatuto’. Maging sa kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama”
hanggang sa tayo ay unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng
edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa gulang tatlo na ay
maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa makatuwid, mahabang panahon ang
iginugugol ng isang tao para sa kanyang edukasyon.
Sa aking labindalawang taon na pananatili sa loob ng paaralan, masasabi kong ako ay
parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya ako, maraming
pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin na ang edukasyon ay patuloy na
umaangkla sa aking pagkatao at maging sa aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-
iiwan ng hindi mga matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan
kung bakit ganito ako katatag ngayon. Bukod sa mga karaniwang talakayin, prinsipyo at pang-
akademikong layunin na siyang ipinapabatid ng edukasyon, ito rin ang nagsilbing balangkas upang
mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Mula dito ay binigyan din ako ng pagkakataon
upang makakilala ng iba’t ibang deskripsyon ng aking kapwa tao at mga karanasang aking daldalhin
habambuhay. Ito ay ang aking karanasan noong ako ay nasa ika-4 na baitang. Ang karanasan na
marahil para sa akin ay mapanglaw at natatangi lamang.
Isa akong walang kwentang mag-aaral. Oo, tama ang nababasa mo. Wala akong ibang inisip
noon kundi ang makawala sa paaralan na kapara ng isang bartolina sa akin ay nagbibigay lamang
ng pasakit at matinding paghihirap. Ang tanging namumutawi na lamang sa aking isipan noon ay
ang pagpasok buhat sa kagustuhan ng aking mga magulang. Naaalala ko pa noon na sa tuwing
darating ang katapusan ng Marso ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay panoorin na lamang
ang aking mga kaklaseng maglakad sa harapan ng entablado kasama ng kanilang mga magulang
upang tanggapin ang kanilang mga parangal. Gustuhin ko mang itago ang aking nararamdaman,
subalit ito ay pilit na kumakawala at ako ay tila isang ibon na sa piitan ay nananahanan. Hindi man
hayag sa aking mga magulang ang kanilang pangingimbulo subalit nararamdaman ko ito. Pinipilit
ko itong labanan subalit wala akong magawa. Napakalakas ng enerhiyang ito at siya ring enerhiya
ang unti-unting sumisipsip sa aking pag-asang makapagbagong buhay. “Bakit kahit na anong gawin
ko ay wala pa ring nangyayari?” ito ang katanungan na patuloy na sumisilab sa aking mura at
gahasang isipan.
Sinusubukan ko ang lahat ng aking makakaya. Sinubukan kong magsipag at umayon sa kung
ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi naging madali sa akin. Sapagkat noo’y
wala pa akong kabatiran patungkol sa mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging
kinabukasan. Wala pa akong alam sa edukasyon maliban sa ito ay “mahirap at walang kwenta”.
Nagdaan ang maikling panahon at dito ay nakilala ko si Ginang Adora Madayag. Ang aming guro sa
asignaturang Filipino. Siya ay may edad na sa panahong iyon subalit napakalakas ng kanyang
impresyong iniwan sa akin. Hindi ko maipaliwanag subalit dahil sa kanyang mga pangaral ay tila
unti-unting nagbago ang pagtingin ko sa aking sarili na noo’y walang pakialam sa halaga ng
edukasyon. Sa kanya ko rin natutuhan na hindi lamang pala akademikong kaalaman ang batid na
ipamalita ng mga talakayin sa paaralan bagkus ay naglalayon din itong bigyan ang lahat ng
pagkakataong makabuo ng pagkakaibigan at pamilya sa lahat ng aspektong sinasaklawan nito.
Hindi lang dapat kaalaman ang ating panghawakan mula sa ating mga guro nararapat ding
maunawaan natin ang tunay na karunungan mula dito. Sa markang “90” ako nagsimulang
yumabong at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang ngayon sa
kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking mga pangarap sa buhay.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi lamang sa aking mga
markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang mga prinsipyo at impresyong hindi na
maiaalis sa aking puso’t isipan sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y
lubusan nating mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng edukasyon, ang
layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang karanasan ang magsisilbing proteksyon at
sandata natin sa pakikidigma sa ating mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa
ating panahon.
Pamantayan 3 2 1
Nagpakita lamang ng sapat
Nagpakita ang pagsulat ng
at pangkalahatang
malalim na repleksiyon sa Hindi nagpakita ng lalim
Repleksiyon repleksiyon ang pagsulat
napiling paksa, at ang repleksiyon.
na sa napiling paksa, at
pansuportang detalye.
pansuportang detalye.
Mga Kompleto ang mga bahagi May isang bahagi ang May dalawang bahagi ang
Komponent ng sanaysay. hindi nakita sa sanaysay. hindi nakita sa sanaysay.
Ang mga impormasyon ay Ang mga impormasyon ay Ang mga impormasyon ay
nagpakita ng malinaw na nagpakita ng ugnayang hindi nagpakita ng
Kalidad ng
ugnayang nakatulong nakatulong upang ugnayan sa kabuoan ng
Impormasyon
upang suportahan ang suportahan ang kabuoan teksto.
kabuoan ng teksto. ng teksto, subalit, kulang.
Nagkaroon ng kasinupan
May bahaging dapat
sa teknikalidad, mekaniks Hindi naging masinop sa
linangin sa kasinupan ng
Pagbabaybay, at pagbabaybay sa teknikalidad, mekaniks at
teknikalidad, mekaniks at
Teknikalidad pagsulat ng isang pagbabaybay. Nagkaroon
pagbabaybay. Nagkaroon
at Mekaniks posisyong papel. ng apat-pataas na
ng dalawa hanggang
Nagkaroon lamang ng pagkakamali.
tatlong pagkakamali.
isang pagkakamali.
Kabuoan

KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Bumuo ng isang replektibong sanaysay batay sa mapipiling paksa.
Layon ng palihang itong makabuo ang mga mag-aaral ng isang replektibong
Goal (Layon)
sanaysay batay sa isang partikular na paksa.
Role Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang mga manunulat ng isang kompilasyon ng
(Gampanin) mga repleksiyong magtatampok sa buhay-mag-aaral.
Audience Tatayong awdyens sa gawaing ito ay Kagawaran ng Edukasyon, mga guro, mag-
(Awdyens) aaral at mga out-of-school youth.
Inatasan ka na maging bahagi ng lupon ng mga manunulat na bubuo ng isang aklat
ng mgs repleksiyong magtatampok sa buhay-mag-aaral (gaya ito ng Chicken Soup
for the Soul). Maaaring pumili sa alinmang paksa:
Situation
 Pagkakaroon ng mataas na marka
(Sitwasyon)
 Magkaroon ng inspirasyon sa pag-aaral
 Pakikisalamuha sa iba pang kamag-aral
 Pagkakaroon ng kompyansa sa sarili upang maabot ang pangarap program
Product Inaasahang makabubuo ang mga mag-aaral ng isang replektibong sanaysay.
(Produkto)
Pamantayan 3 2 1
Nagpakita lamang
Nagpakita ang
ng sapat at
pagsulat ng
pangkalahatang
malalim na Hindi nagpakita ng
repleksiyon ang
Repleksiyon repleksiyon sa lalim ang
pagsulat na sa
napiling paksa, at repleksiyon.
napiling paksa, at
pansuportang
pansuportang
detalye.
detalye.
Kompleto ang mga May isang bahagi May dalawang
Mga
bahagi ng ang hindi nakita sa bahagi ang hindi
Komponent
sanaysay. sanaysay. nakita sa sanaysay.
Ang mga Ang mga Ang mga
impormasyon ay impormasyon ay impormasyon ay
nagpakita ng nagpakita ng hindi nagpakita ng
Standards Kalidad ng malinaw na ugnayang ugnayan sa
(Pamantayan) Impormasyon ugnayang nakatulong upang kabuoan ng teksto.
nakatulong upang suportahan ang
suportahan ang kabuoan ng teksto,
kabuoan ng teksto. subalit, kulang.
Nagkaroon ng May bahaging
kasinupan sa dapat linangin sa Hindi naging
teknikalidad, kasinupan ng masinop sa
mekaniks at teknikalidad, teknikalidad,
Pagbabaybay,
pagbabaybay sa mekaniks at mekaniks at
Teknikalidad
pagsulat ng isang pagbabaybay. pagbabaybay.
at Mekaniks
posisyong papel. Nagkaroon ng Nagkaroon ng
Nagkaroon lamang dalawa hanggang apat-pataas na
ng isang tatlong pagkakamali.
pagkakamali. pagkakamali.
Kabuoan
KAYA KO
Panuto: Bumuo ng isang replektibong sanaysay, malaya ang pagpili ng paksa para sa
gawaing ito. Isulat ito sa kahon sa ibaba.
Pamantayan 3 2 1
Nagpakita lamang
Nagpakita ang
ng sapat at
pagsulat ng
pangkalahatang
malalim na Hindi nagpakita
repleksiyon ang
Repleksiyon repleksiyon sa ng lalim ang
pagsulat na sa
napiling paksa, at repleksiyon.
napiling paksa, at
pansuportang
pansuportang
detalye.
detalye.
May dalawang
Kompleto ang May isang bahagi
Mga bahagi ang hindi
mga bahagi ng ang hindi nakita sa
Komponent nakita sa
sanaysay. sanaysay.
sanaysay.
Ang mga Ang mga impormasyon ay nagpakita Ang mga impormasyon
impormasyon ay ng ugnayang nakatulong upang ay hindi nagpakita ng
nagpakita ng suportahan ang kabuoan ng teksto, ugnayan sa kabuoan ng
malinaw na subalit, kulang. teksto.
Kalidad ng
ugnayang
Impormasyon
nakatulong upang
suportahan ang
kabuoan ng
teksto.
Nagkaroon ng
kasinupan sa
teknikalidad, Hindi naging masinop
mekaniks at May bahaging dapat linangin sa sa teknikalidad,
Pagbabaybay,
pagbabaybay sa kasinupan ng teknikalidad, mekaniks mekaniks at
Teknikalidad
pagsulat ng isang at pagbabaybay. Nagkaroon ng dalawa pagbabaybay.
at Mekaniks
posisyong papel. hanggang tatlong pagkakamali. Nagkaroon ng apat-
Nagkaroon pataas na pagkakamali.
lamang ng isang
pagkakamali.
Kabuoan
ARALIN 12: ANG LARAWANG SANAYSAY

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 makilala ang mga kahulugan at
katangian ng photo essay;
 matukoy ang proseso ng pagbuo ng
photo essay;
 makapagsuri ng mga halimbawang
photo essay; at
 makabuo ng sariling photo essay batay
sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng wika at maisaalang-alang
ang etika sa sinusulat na sanaysay.

Sa kasalukuyan, nauusong gawain ang


pagkuha ng selfie at groufie. Sa katunayan,
hinirang ang salitang selfie bilang Salita ng Taon
noong 2014 (Pineda, 2014). Patunay lamang ito ng patuloy na pag-unlad ng pagkuha ng mga
larawan bilang isang uri ng midya. Hindi na ring nakapagtatakang nagkakaroon ng
pagpapahalagang pampanitikan (literary appreciation) sa mga larawang nagtutulay sa iba pang uri
ng panitikan, sa konteksto nito, nabuo ang larawang sanaysay.
Kadalasan, binubuksan ito sa pamamagitan ng payak na paglalarawan hanggang sa matamo nito
ang mas komprehensibong diskursong nakapaglalahad ng layunin ng mga larawan,
pangangatuwirang nais ipabatid, tunggalian sa mga larawan, at paglalapat ng iba pang mensahe sa
tulong ng iba’t ibang konteksto.
Ang photo essay ay gumagamit ng mga teknik sa epektibong paglalahad ng mga ideya at
pagsasalaysay ng mga pangyayari, gamit ang mga larawan.
Isinaalang-alang dito ang tema, organisasyon ng kaisipan, tono, target na mambabasa at iba pa.
Ang kaibahan lamang ay ang paggamit nito ng mga larawan na siyang pangunahing pinagkukunan
ng kahulugan sa isang photo essay.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Suriin ang mga larawan at tugunan ang mga tanong..

Mula sa Google.com/images
Mga gabay na tanong:
1. Ano-ano ang mga nais ipakita ng larawan?
2. Ano-ano ang mga naging salik mo upang ibigay ang ganoong interpretasyon?
3. Magiging katulad din ba ang interpretasyon mo sa interpretasyon ng iba? Ipaliwanag.

PAG-USAPAN NATIN
ANG LARAWANG SANAYSAY
Ayon kay Espinas (2016), ang larawang sanaysay o photo essay ay isang sulating
gumagamit ng mga larawan sa paglalahad ng paksa. Batay rin kay Dela Masa (2016), ito rin ay
koleksiyon ng mga imaheng inilagay sa isang partikular na hanay upang ipahayag ang mga
pangyayari, mga damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
Ito ay maituturing bilang serye ng mga larawang may iba’t ibang interpretasyon kung
lalapatan ito ng samot-saring pananaw ng pagdiskurso.
Hindi gaya ng ibang sulatin, ang larawang sanaysay ay hindi gaanong nangangailangan ng
pasulat na paliwanag pagkat ang mismong mambabasa ang maglalapat ng interpretasyon sa teksto.
Binasaba ang photo essay sa paraang kronolohikal, mahihinuha rito ang pagkakasunod-sunod ng
ideyang nais iparating sa mga detalye ng larawan.

KALIKASAN NG LARAWANG SANAYSAY


Bagaman, minimal ang pangangailangan ng larawang sanaysay ng salita sa teksto, taglay pa
rin nito ang kalikasan bilang isang akademikong sulatin, ito ang mga sumusunod:
 nagpapaliwanag ng partikular na konsepto at nagpapahayag ng damdamin sa serye ng
larawan;
 ang mga larawan ang nagdadala ng kuwento, kung mayroon mang pasulat na paliwanag, ito
ay minimal lamang;
 walang itinatakdang limitasyon para sa paksa, maaaring tao, bagay, hayop, o pangyayari ang
magiging pokus ng mga larawan;
 gumagamit ng iba’t ibang anggulo upang makadagdag sa kuwento; at
 nagtataglay ng puwersang nagdudulot ng pag-iisip sa interpretasyon sa mambabasa.

MGA ILAN SA DAPAT TANDAAN SA PAGBUO NG PHOTO ESSAY


1. Maging pamilyar sa paksa
 Kung hindi tiyak at pamilyar sa paksang kukuhanan ng larawan ay minumungkahing
manaliksik muna hinggil dito. Sa tulong nito, maaaring maiiwasan ang paglabag sa ilang
usaping etikal ng pagkuha ng larawan at maaari ding makatulong sa paglinang ng
kuwentong bubuoin dito.
2. Kilalanin ang awdyens
 Susi rin ang pagkilala sa awdyens sa katuparan ng photo essay. Sa tulong nito,
nabibigyan ng pagkakataon ang mga manunulat (o bumubuo ng photo essay) upang
makabuo ng koneksyon sa mga tagatangkilik nito.
3. Gawing interesante ang pagbuo ng kuwento sa paksa
 Gawing nakapupukaw ang kuwentong mabubuo mula sa larawan. Ito ay magdudulot ng
interes sa mga awdyens upang basahin pa ang iyong bubuoing larawang sanaysay na
labas sa iyong pansariling interpretasyon. Maaari ding makatulong dito ang kaisahan ng
mga larawang nakaayos sa paraang madaling mauunawaan ng mambabasa.
4. Limitahan lamang ang nasusulat na wika
 Bilang pagtugon sa kahingian ng photo essay na larawan lamang ang ilalagay,
inaasahang limitado lamang ang nasusulat na wikang gagamitin para sa deskripsyon ng
mga larawan. Hayaang bumuo ng sariling interpretasyon ang mga tagatangkilik.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG PHOTO ESSAY
1. Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes. Subalit kung may itinatakdang paksa
para sa mga larawan, baliin ang paksa sa paraang magiging interesante para sa iyo at iyong
mambabasa. Lahukan ng ibang interpretasyon ang paksa nang sa gayon ay mapalawak pa
ang pagbasa rito.
2. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang photo essay. Makatutulong ang
pananaliksik hinggil sa paksa upang makaiwas sa ilang isyung etikal na maaaring lumabas
sa proseso ng pagkuha ng larawan. Kung hindi aaraling maigi ang paksa, maaaring magdulot
ito ng kalituhan sa mambabasa. Dito na rin isinasagawa ang konseptwalisasyon.
3. Hanapin ang tunay na kuwento. Matapos ang pananaliksik, maaari mo nang matukoy ang
anggulo na gusto mong dalhin ang iyong kuwento. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat
larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging kuwento.
Talupan ang larawan sa paraang mailalabas mo bilang isang manlilikha ng photo essay ang
kuwentong tago sa mga larawan.
4. Ilatag ang mga larawan. Matapos ang pagkuha ng mga larawan ay maaaring ilatag ang mga
ito sa paraang kronolohikal o anumang estilong makapagdudulot ng dating sa mambabasa.
5. Lagyan ng maikling caption. Kadalasan ang isang salita hanggang isang parirala ay
mainam na bilang caption ng mga larawan. Tandaan, sa pagbuo ng photo essay,
nililimitahan lamang ang paggamit ng wika. Hanggang maaari ay hayaang bumuo ng sariling
interpretasyon ang mga tagatangkilik sa pamamagitan lamang ng mga larawan.
GAWIN NATIN
Panuto: Basahin ang mga siniping sulating likha ni Isabelle Laureta (2014). Suriin ito batay
sa gabay na nasa kahon.

BATANG KARBON. Sa mahigit 215 milyong


kabataang biktima ng child labor sa buong mundo,
5.5 milyon ang mga batang Pilipino, ayon sa datos
ng International Labor Organization. Kabilang na
rito ang mga batang Aberlen, isang tribo ng mga
Aeta sa Sitio Tangan-tangan, San Jose, Tarlac. Dahil
sa kahirapan, napipilitan ang mga batang ito na
magluto ng uling upang makamit ang pangarap na
makapag-aral.

Naipasa na sa mga henerasyon ng tribong Aberlen


ang trabahong pag-uuling. Wala na rin kasing ibang
alam na trabaho ang mga residente rito dahil marami sa
kanila ang hindi nakapag-aral. Ito na rin ang dahilan
kung bakit hindi maipagbawal ng lokal na pamahalaan ang nangyayaring child labor sa tribo.

Hindi biro ang pagluluto ng uling. Bukod sa pagod, kailangan ding tiisin nina Alvin (8 anyos), Elias
(7 anyos), Ibrahim (6 anyos), at Chabelita (14 anyos) ang sakit sa ilong dulot ng usok at alikabok.

“Nahihirapan po akong pumulot ng uling kasi nasusunog po ‘yung kamay ko,” kuwento ni Elias sa
programang “Reel Time.” Inuubo rin daw ang mga bata ayon sa kanilang nanay. “Pinagtitiisan na
lang po kasi wala kaming pambili ng pagkain.”

Pagkatapos lutuin ang uling, tinatahak naman ng mga batang Aberlen ang matatarik at masusukal
na parte ng bundok. Buhat nila ang mga sakong kasing laki at kasing bigat na ng kanilang mga
katawan.

Matapos ang isang araw ng pagluluto at pagbubuhat ng uling, sapat lamang ang kanilang kinikitang
pera upang makabili ng dalawang kilong bigas.
Sa kabila ng maagang pagkamulat sa hirap ng buhay, hindi pa rin nito napipigilang mangarap ng
mga batang Aberlen. Pangarap daw nina Elias, Ibrahim, at Alvin na maging isang pulis o sundalo. Si
Chabelita naman, gustong maging isang guro.

Masipag mag-aral si Chabelita. Katunayan, nasa Top 2 siya ng kanilang klase. Ngunit dahil na rin sa
sitwasyong kinalalagyan, tila hindi magiging madali para sa kanya na makamit ang kanyang
pangarap. Ni minsan ay wala pa raw nakatutuntong ng high school sa mga Aberlen. “Wala naman po
akong magagawa kung hindi ako pagbibigyan ng kahirapan,” aniya.

Kung si Ibrahim naman ang papipiliin, mas gugustuhin daw niyang magluto ng uling kaysa mag-
aral. “Para po may pambili kami ng bigas.”
GABAY PANUNURI

1. Ano-anong mga katangian ng photo essay ang


makikita sa lathalain?

2. Paano pinakita ng mga larawan ang kuwento


ng mga batang karbon?

3. Naging epektibo ba ang paggamit ng mga


larawan sa photo essay? Ipaliwanag.

4. Kung lilinangin ang sanaysay, ano ang


maaaring imungkahing pagbabago?
KAYA NATIN
Panuto: Basahin ang gawain. Sumulat ng isang talumpati batay sa paksang ibibigay.
Goal (Layon) Layon ng gawaing itong makabuo ang mga mag-aaral ng isang photo essay.
Role (Gampanin) Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang mga photo journalist.
Audience (Awdyens) Tatayong awdyens ang mga kalahok photo journalism exhibit.
Nagpadala ang Cultural Center of the Philippines ng imbitasyon para sa sa
mga photo journalist para lumahok sa isang eksibit ng mga larawang
Situation (Sitwasyon)
sanaysay. Iikot ang paksa sa kulturang Pilipino. Limitado lamang hanggang
sa limang larawan ang photo essay.
Product (Produkto) Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang photo essay.
Standards Pamantayan 3 2 1
(Pamantayan) May tatlo-
Ang lahat ng May apat na
pababang
larawan ay larawang
larawang
nagpakita ng nagpakita ng
nagpakita ng
mataas na mataas na
mataas na
Kasiningang ugnayan sa ugnayan sa
ugnayan sa
Biswal paksa, at ng mga paksa, at ng mga
paksa, at ng mga
di- di-
di-
pangkaraniwan pangkaraniwang
pangkaraniwang
g perspektiba sa perspektiba sa
perspektiba sa
tema. tema.
tema.
Ang mga May isang May dalawa-
larawan ay larawang hindi pataas na
nagpakita ng nakatulong sa larawang hindi
Pagkukuwento
malinaw na ganap na nakatulong sa
pagsasalaysay pagsasalaysay pagsasalaysay
ng kuwento. ng kuwento. ng kuwento.
Nagpakita ang
Nagpakita ang
mga larawan ng
Ang mga mga larawan ng
katamtamang
larawan ay mababang antas
antas ng
maingat na ng organisasyon
Organisasyon organisasyon at
hinanay at at dalawa-
at Koneksyon tatlo hanggang
nakabuo ng pababang
sa Tema apat na larawan
mahusay na larawang ang
lamang ang
impresyon sa nagpakita ng
nagpakita ng
tema. impresyon sa
impresyon sa
tema.
tema.
Elemento ng Nagpakita ang Nagpakita ang Nagpakita ang
mga larawan ng
mga larawan ng
katamtamang mga larawan ng
kahusayan sa
kahusayan sa kahinaan sa mga
mga elemento
Larawan mga elemento elemento (gaya
(gaya ng ilaw,
(gaya ng ilaw, ng ilaw, anggulo,
anggulo, at
anggulo, at at kulay.)
kulay.)
kulay.)

Kabuoan

KAYA KO
Panuto: Bumuo ng isang photo essay na bumubuo ng tatlong larawang magpapakita ng mga
pangarap mo para sa bansang Pilipinas. Idikit ito sa kahon sa ibaba at bumuo ng maikling caption
para dito.

Pamantayan 3 2 1
Ang lahat ng larawan ay May dalawang larawang May isang larawang
nagpakita ng mataas na nagpakita ng mataas na nagpakita ng mataas na
Kasiningang
ugnayan sa paksa, at ng ugnayan sa paksa, at ng ugnayan sa paksa, at ng
Biswal
mga di-pangkaraniwang mga di-pangkaraniwang mga di-pangkaraniwang
perspektiba sa tema. perspektiba sa tema. perspektiba sa tema.
Ang mga larawan ay May isang larawang May dalawang larawang
nagpakita ng malinaw na hindi nakatulong sa hindi nakatulong sa
Pagkukuwento
pagsasalaysay ng ganap na pagsasalaysay pagsasalaysay ng
kuwento. ng kuwento. kuwento.
Organisasyon Ang mga larawan ay Nagpakita ang mga Nagpakita ang mga
at Koneksyon maingat na hinanay at larawan ng katamtamang larawan ng mababang
sa Tema nakabuo ng mahusay na antas ng organisasyon at antas ng organisasyon at
dalawang larawan isang larawang ang
impresyon sa tema. lamang ang nagpakita ng nagpakita ng impresyon
impresyon sa tema. sa tema.
Nagpakita ang mga
Nagpakita ang mga Nagpakita ang mga
larawan ng katamtamang
Elemento ng larawan ng kahusayan sa larawan ng kahinaan sa
kahusayan sa mga
Larawan mga elemento (gaya ng mga elemento (gaya ng
elemento (gaya ng ilaw,
ilaw, anggulo, at kulay.) ilaw, anggulo, at kulay.)
anggulo, at kulay.)

Kabuoan

ARALIN 13: ANG LAKBAY-SANAYSAY

ILATAG NATIN
Matapos ang araling ito, kaya kong…
 matalakay ang kahulugan ng lakbay-
sanaysay;
 makilala ang katangian, layunin at anyo
ng isang lakbay-sanaysay;
 matiyak ang mga elemento ng
paglalahad ng pinanood na episodyo ng
isang programang pampaglalakbay; at
 makabuo ng isang organisado at
malikhaing lakbay-sanaysay.
Kung tutuusin ang tao ay palaging
naglalakbay sa kaniyang kinalulugaran,
maraming natutuklasan at nalalaman tungkol
sa kultura at estadong kaniyang nilalakbayan. Upang malaman at matuklasan pa ng ibang tao sa
pamamagitan ng pagbabasa, kailangan munang isalin mula sa mga larawan at mga nararamdaman
ng manunulat tungo sa letra at diskurso. Dito papasok ang isang lakbay-sanaysay, ipinapadama,
ipinakikita, ipinaamoy, ipinalalasap ng manunulat ang paglalakbay sa pamamagitan ng isang
sulating nagtataglay ng mga karanasan at kuwento ng manlalakbay.

HAMÒN SA AKIN
Panuto: Tukuyin ang iba’t ibang tourist spots na ipakikita ng mga larawan at magsulat ng
maikling deskripsyon, o trivia na karanasan hinggil sa lugar na ito,

1. Pangalan ng Lugar

2. Deskripsyon

3. Pangalan ng Lugar

4. Deskripsyon

5. Pangalan ng Lugar

6. Deskripsyon

7. Pangalan ng Lugar

8. Deskripsyon
9. Pangalan ng Lugar

10. Deskripsyon

Mga gabay na tanong:


1. Nakapunta ka na ba alinman sa mga pook na iyan? Ano ang iyong naging karanasan?
2. Ano-ano pa ang iyong mga hindi malilimutang karanasan noong ikaw ay pumunta sa ibang lugar
maliban sa mga nasa larawan?

PAG-USAPAN NATIN
ANG LAKBAY-SANAYSAY
Ang lakbay-sanaysay ay isang sanaysay na hindi tungkol lamang sa isang lugar o
paglalakbay. Ito ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ayon sa Brainly (2016), ito rin ay
maaaring tungkol sa kung ano ang madidiskubre ng manunulat tungkol sa pamumuhay ng mga
namamalagi o naninirahan sa lugar na iyon
Tinawag din itong “sanaylakbay” ni Nonon Carandang (w.p). Binubuo ito ng tatlong
konsepto: Sanaysay, Sanay at Lakbay. Sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang
maitala ang mga naranasan sa paglalakbay.
Ang lakbay sanaysay ay tumatalakay sa mga natuklasan ng manunulat mula sa kaniyang
kinalulugaran, hindi lamang sa paglalarawan ng kaniyang paglalakbay. Ang layuning nito ay upang
maipahayag ang damdaming nabuo habang naglalakbay. Maaaring nasiyahan ang mananalaysay o
kaya’y nadismaya. Dahil ito ay isang hindi pormal na sanaysay, ang diwa nito ay subhetibo at
karaniwang ginagamitan ng panghalip na nasa unang panauhan tulad ng ako, kami, namin at iba pa
(Placer, 2016).
Ayon kay Dr.Lilia Antonio (w.p.), may apat na pangunahing dahilan ng pagsulat ng lakbay-
sanaysay.
1. Upang itaguyod ang isang lugar
2. Makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
3. Maaaring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espirituwalidad,
pagpapahilom o pagtuklas sa sarili
4. Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heyograpiya ng isang lugar sa
malikhaing pamamaraan

KATANGIAN NG ISANG LAKBAY-SANAYSAY


Bilang isang sulatin, nagtataglay ang lakbay-sanaysay ng iba’t ibang katangiang makapag-
aantas dito bilang nasa antas-akademik. Ito ang mga sumusunod, halaw ito sa pagtukoy nina
Villanueva at Bandril (2016):
 Tumutukoy ito sa detalyadong pagsasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa lugar na
pinuntahan.
 Isa-isang ibinabahagi ang mga karanasan, mabuti man o masama sa pook na pinuntahan
upang mamasyal, tumuklas ng mga bagay-bagay, maglibang at iba pa.
 Mayroong pagkakataon na matapos ang pagsasalaysay sa lokasyon, espasyo, tao, pook-
pasyalan, tradisyon, kultura at iba pang lugar ang panghihikayat o rekomendasyon sa iba na
maranasan din ang naranasan ng nagsulat ng lakbay-sanaysay.
 Kadalasang may kasamang mga larawan (selfie o groupie) bilang patunay ang paglalakbay
na makikita sa sanaysay.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ISANG LAKBAY-SANAYSAY


Tinukoy nina Placer (2016), Saldivar (2016), at Lanticse et. al. (2017) ang mga natatanging
bagay na dapat tandaan para sa katuparan ng pagbuo ng isang lakbay-sanaysay.
1. Manaliksik
Bago pumunta sa iyong destinasyon, magsaliksik muna tungkol sa pupuntahan mo.
Alamin mo ang kanilang kultura - kasuotan, paniniwala, wika, paraan ng pamumuhay, pati
na rin ang kanilang paraan ng pagpapakita ng pananampalataya at iba pang salik ng
lipunan. Dito mo matututuhan ang kanilang dahilan kung bakit sila namumuhay sa ganoong
paraan. Kailangan magsaliksik upang isangguni ang iyong mga nakita at mga palagay.
Kinukondisyon nito ang pag-iisip ng tao dahil bahagi ng pananaliksik ang pag-alam sa mga
pahayag ng iba pang mga tao mula sa kanilang pormal na pananaliksik at obserbasyon. Ito
ang iyong magiging katibayan sa iyong nakita.
2. Maging Malikhain/Kakaiba
Bilang isang manunulat, dapat mong maakit ang iyong mga mambabasa. Isaalang-
alang mo ang kiliti ng mga mambabasa. Huwag lamang ipahayag ang iyong mga pinuntahan
o nakita. Sabihin mo ang lahat ng iyong naramdaman noong ika’y lumalakbay. Gumamit ng
tayutay para maramdaman ng iyong mambabasa na sila’y kasama sa iyong paglalakbay.
Dahil, ito ang pagtakaw ng atensyon upang basahin ang iyong sanaysay. Mas mainam,
ibagay mo ang gagamiting wika sa wika ng lipunan. Palitawin mo ang mga nauusong salita
at espresyon upang humantong sa pagkakasundo ng manunulat at mambabasa.
3. Mag-isip na Parang Manunulat
Tandaan na ang manunulat ay sumusulat para magpahayag. Ipamalas ang galing sa
pagpapahayag sa pamamagitan ng pagsulat upang maramdaman ng mambabasa at makita
nila ang iyong karanasan. Bilang isang manunulat, ikaw ay may pakay na iparamdam sa mga
iyong mambabasa na kasali sila sa iyong paglalakbay dahil ang mambabasa ay nagbabasa
upang maramdaman ang binabasa. Kailangang nararamdaman at nakikita ng mga
mambabasa ang iyong karanasan sa paglalakbay dahil ito ang pinakalayunin mo bilang
manunulat.

GAWIN NATIN
Panuto: Panoorin ang episodyo ng programang Biyahe ni Drew ng GMA News TV na
pinamagatang “The Unexplored Beauty of Dinagat Islands”. Pagkatapos nito ay suriin ito batay sa
gabay. Mapapanood ang episodyong ito sa https://www.youtube.com/watch?v=6vr6PGT7AXI.
GABAY PAGSUSURI
1. Ano-ano ang kaniyang mga naranasan sa
paglalakbay?

2. Isa-isahin ang mga kulturang natuklasan


niya sa nasabing lugar?

3. Ito ba ay nakatulong upang makilala ang


nasabing lugar? Ipaliwanag.

4. Sa iyong panonood, naramdaman mo


bang ikaw ay kabilang sa kaniyang
paglalakbay? Patunayan.

KAYA NATIN
Panuto: Basahin at unawain ang gawain.

Goal (Layon) Nilalayon nito na makabuo ng vlog o video blog o informercial tungkol sa
paaralan.
Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang mga blogger na magsasagawa ng
Role (Gampanin)
video blog na gagawing advertisement ng paaralan.
Audience (Awdyens) Ang ibang mag-aaral ay tatayong audience ng isasagawang video blog.
Dahil nalalapit na ang pasukan, naghahanap ang pamunuan ng
Situation (Sitwasyon) advertisement na makakahikayat ng mga mag-aaral sa paaralan. Naisip nila
na magsagawa ang mga mag-aaral nito ng video blog tungkol sa paaralan.
Product (Produkto) Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng isang video blog
Pamantayan 3 2 1
Mahusay ang
Nagpakita ng
pinakitang lalim
katamtamang Naging mahina
sa nilalaman ng
Nilalaman kahusayan ang ang nilalaman
vlog. Ito ay
vlog sa ng vlog.
lubhang
nilalaman.
impormatibo.
Naisagawa ang
Naisagawa ang gawain subalit
gawaing taglay may ilang Hindi
ang bahaging naisagawa ang
Propesyonalism
propesyonalismo kailangan pang gawain sa
o ng Pagsulat
ng pagsulat ng linangin gaya paraang
akademikong ng panauhan at propesyonal.
sulatin. paglalagay ng
impormasyon.
Naisakatupara
n nang ganap
Standards
na vlog, ngunit
(Pamantayan) Naisakatuparan
may mga Hindi
Kohesyon at nang ganap ang
bahaging hindi naisakatupara
Kaisahan sa mga kohesyon at
malinaw gaya n nang maayos
Nilalaman kaisahan sa
ng hindi ang vlog.
nilalaman.
pagtutugma ng
sitwasyon sa
nilalaman nito.
Nagpakita ang
Nagpakita ang Nagpakita ang
vlog ng
vlog ng vlog ng
katamtamang
kahusayan sa kahinaan sa
Elemento ng kahusayan sa
mga elemento mga elemento
Video mga elemento
(gaya ng ilaw, (gaya ng ilaw,
(gaya ng ilaw,
anggulo, at anggulo, at
anggulo, at
kulay.) kulay.)
kulay.)

Kabuoan

KAYA KO
Panuto: Sa isinagawang vlog o video blog ng paaralan, sumulat ng isang organisado at malikhaing
lakbay-sanaysay ukol dito.

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Introduksiyon Nakapanghihi Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi Hindi nakita
kayat ang introduksyon introduksyon malinaw ang sa ginawang
introduksyon. ang ang introduksyon sanaysay.
Malinaw na pangunahing pangunahing at ang
nakalahad ang paksa paksa subalit pangunahing
pangunahing gayundin ang hindi sapat paksa. Hindi
paksa panlahat na ang rin nakalahad
gayundin ang pagtanaw pagpapaliwan ang panlahat
panlahat na ukol dito. ag ukol dito.
na
pagtanaw pagpapaliwan
ukol dito. ag ukol dito.
Talakayan Makabuluhan Bawat talata May Hindi Hindi nakita
ang bawat ay may sapat kakulangan sa nadebelop ang sa ginawang
talata dahil sa na detalye. detalye. mga sanaysay.
husay na pangunahing
pagpapaliwan ideya.
ag at
pagtalakay
tungkol sa
paksa.
Organisasyon Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang Hindi nakita
ng mga Ideya mahusay ang debelopment pagkakaayos patunay na sa ginawang
pagkakasunud ng mga talata ng mga talata organisado sanaysay.
-sunod ng subalit hindi subalit ang ang
mga ideya; makinis ang mga ideya ay pagkakalahad
gumamit din pagkakalahad hindi ganap ng sanaysay.
ng mga na nadebelop.
transisyonal
na pantulong
tungo sa
kalinawan ng
mga ideya.
Konklusyon Nakapanghah Naipakikita Hindi ganap May Hindi nakita
amon ang ang na naipakita kakulangan at sa ginawang
konklusyon at pangkalahata ang walang pokus sanaysay.
naipapakita ng palagay o pangkalahata ang
ang pasya tungkol ng palagay o konklusyon
pangkalahata sa paksa batay pasya tungkol
ng palagay o sa mga sa paksa batay
paksa batay sa katibayan at sa mga
katibayan at mga katibayan at
mga katwirang mga
katwirang inisa-isa sa katwirang
inisa-isa sa bahaging inisa-isa sa
bahaging gitna. bahaging
gitna. gitna.
Mekaniks Walang May 2-5 na May 6-8 na May 8-10 na
May 11-
pagkakamali pagkakamali pagkakamali pagkakamali
pataas na
sa mga bantas, sa mga bantas, sa mga bantas, sa mga bantas,
pagkakamali
kapitalisasyon kapitalisasyon kapitalisasyon kapitalisasyon
sa mga bantas,
at at at at kapitalisasyon
pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay.
at
pagbabaybay.
Pagpapangung Walang May 2 na May 3-5 na May 5-7 na May 8-pataas
usap pagkakamali pagkakamali pagkakamali pagkakamali na
sa estruktura sa estruktura sa estruktura sa estruktura pagkakamali
ng mga ng mga ng mga ng mga sa estruktura
pangungusap pangungusap pangungusap pangungusap ng mga
at gamit ng at gamit ng at gamit ng at gamit ng pangungusap
mga salita. mga salita. mga salita. mga salita. at gamit ng
mga salita.

PAGSUSULIT PARA SA IKALAWANG YUNIT

Pangalan: Strand: Marka:


Pangalan ng Guro: Seksiyon: Petsa

Panuto: Basahing maigi ang mga tanong. Tatayahin ng pagsusulit na ito ang iyong mga natutuhang
kasanayan hinggil sa: (1) Kaligiran, Katangian, at Kahulugan ng mga Akademikong Sulatin; (2) Mga
Akademikong Sulatin; at (3) ang mga Proseso sa Pagsulat nito. Piliin ang tamang sagot at bilugan
ito.

1. Sa pagsisintesis, ang pag-eestruktura ng mga nakuhang impormasyon mula sa mga sanggunian sa


paraang makikita ang kohesyon at organisasyon ng mga ideya ay maituturing bilang bahagi ng
proseso ng __________________________________.
a. Bago Sumulat c. Aktuwal na Pagsulat
b. Pagkatapos Sumulat d. Habang Nagwawasto
2. Ang salitang abstrak ay orihinal na nagmula sa salitang Latin na ______________________.
a. abstracten c. abstracti
b. abstractus d. abstractem

3. Sa isang kumbensiyon, batid ni Pedro na magagaling ang kaniyang mga makakasama kaya
minabuti niyang lagyan ng mga karangalang gawa-gawa lamang niya ang kaniyang bionote, ano ang
pinakaposibleng mangyari sa kaniya sa oras na matuklasan ito ng ibang tao?
a. Sa kaniyang ginawa, maaaring mamangha ang iba at imbitahan pa siya sa ibang speaking
engagement.
b. Magkakaroon ng impresyon sa kaniya ang ibang tao at maaaring bumaba ang kaniyang
kredibilidad.
c. Maaaring magkaroon ng inggit sa kaniya ang mga kasama niya.
d. Posibleng tanggapin ng kumbensiyon bilang balido ang kaniyang mga isinulat.

4. Nagkaroon ng problema si Nicolai nang madoble ang pagpi-print ng mga imbitasyon para sa
fashion show na kanilang gagawin dahil nauna na itong na-print ni Jose, alin sa mga sumusunod ang
posibleng nangyari?
a. Hindi naging malinaw ang hatian ng gawain.
b. Hindi naging malinaw ang badyet.
c. Hindi naging malinaw ang feedbacking.
d. Hindi naging malinaw ang mga liham sa apendise.

5. Nagpaunlak ang isang binatang aktor sa isang ambush interview upang ibulalas ang kaniyang
saloobin hinggil sa isang isyu. Anong uri ng talumpati ang posibleng ginawa ni aktor?
a. Nang-aaliw c. Extemporaneous
b. Impromptu d. Okasyonal

6. Ang mga sumusunod ang mga layunin ng isang adyenda, maliban sa isa, alin ito?
a. makapagsaaad ng aksyon o rekomendasyong inaasahang pag-uusapan sa pulong
b. magbigay-gabay sa bubuo ng katitikan ng pulong
c. makapaglahad ng saloobin habang nasa pulong
d. makapaglaan ng maayos na direksiyon sa pulong

7. Sa pagbuo ng isang katitikan, ang paghingi ba ng kopya ng presentasyon ng tagapagdaloy ay


makatutulong?
a. Oo, dahil ito ay magsisilbing gabay mo sa pagsulat nito.
b. Oo, dahil ito ay pantulong sa iyong kahinaan sa pagtatala ng mahahalagang impormasyon.
c. Hindi, dahil baka isipin ng tagapagdaloy ay hindi ka nagtala.
d. Hindi, dahil baka hanapin sa iyo ang iyong kopyang tinala.

8. Alin sa mga sumusunod na mga ebidensya ang hindi makatutulong debelopment ng iyong
posisyong papel?
a. Mga impormasyon mula sa aklat
b. Opinyong mula sa mga kilalang awtoridad ng puntong pinapanigan
c. Estadistika
d. Detalyeng taliwas sa iyong konsepto

9. Bakit itinuturing na replektibo ang isang replektibong sanaysay?


a. Dahil introspeksyon ang ginagamit dito
b. Dahil nangangailangan ito ng intensibong pananaliksik
c. Dahil inaasahang ang masusing paglalapat ng estadistika rito
d. Dahil naglalahad ito ng mga impormasyon balidong nagmula sa iba pang pananaliksik

10. Alin sa mga sumusunod na gabay ang maaaring makatulong upang maiwasan ang usaping etikal
sa pagkuha ng larawan sa isang larawang sanaysay?
a. Kilalanin ang awdyens c. Gawing interesante ang paksa
b. Maging pamilyar sa paksa d. Limitahan lamang ang nasusulat na wika

11. Ayon sa konseptong “sanaylakbay” ni Nonon Carandang (w.p.), ano-anong mga elemento ang
nakapalaboob sa isang lakbay-sanaysay?
a. Sanaysay, Hanay at Lakbay c. Sanaysay, Sanay at Lakbay
b. Sanaysay, Tatay at Lakbay d. Sanaysay, Tanay at Lakbay

12. Ang sintesis ay nagmula sa salitang Griyegong _____________________ na ang kahulugan ay


pagsasama-sama (Harper, 2016). Ano ito?
a. syntithenum c. syntithenae
b. syntithenas d. syntithenai

13. Bilang pangunahing punto lamang ang hinahanap sa isang deskriptibong abstrak, aling bahagi
ng saliksik ang hindi kasama sa hanay?
a. Metodolohiya c. Kaligiran
b. Layunin d. Paksa

14. Ang sulating ito ay nakasulat sa paraang patalata o in-bullet form, naglalahad ng propesyonal na
impormasyon ngunit may ilang personal na impormasyong kailangang sagutan. Ito rin ay
nagsisilbing dokumento para sa aplikasyon sa trabaho at hindi nagtatakda ng anumang panauhan.
Ito ay ________________________.
a. Bionote c. Biodata
b. Curriculum Vitae d. Awtobiyograpiya

15. Maaaring mapadali ang proseso ng pagbuo ng isang panukalang papel sa pamamagitan ng
pagsagot na lamang sa mga tanong, alin sa mga sumusunod na tanong ang magpapakita ng
bahaging apendise?
a. Paano mo ito isasagawa?
b. Ano-ano ang mga kakailanganin sa pagbuo nito?
c. Sino-sino ang mga kasamang bubuo nito?
d. Ano-anong mga dokumento ang kailangan para sa pagsasakatuparan ng gawain?

16. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na gamiting estratehiya sa saliksik kung
maghahanda para sa isang talumpati sa isang pangkat na kabilang sa isang espesipikong
organisasyon?
a. Isama ang saliksik mula sa pangkat na iyon.
b. Magbigay ng aktuwal at pisikal na saliksik sa pangkat na iyon.
c. Gumamit ng saliksik upang maging maganda sa demograpiko ng iyong awdyens.
d. Maglakip ng mga saliksik mula sa mga iba’t ibang pinagkukunan.

17. Madalas na gamitin ni Antonio ang kaniyang kredibilidad bilang isang abodago sa lahat ng
kaniyang talumpati, anong retorika ang ginagamit niya rito?
a. Ethos c. Pathos
b. Logos d. Thanos

18. Bakit kailangang ibigay ang isang adyenda ilang araw bago ang aktuwal na pulong?
a. Upang mailihim ang pulong
b. Upang makapaghanda ang mga dadalo sa pulong
c. Upang maipakita ang kabilisan ng sekretarya sa paggawa nito
d. Upang makapagbilin ng mga dapat pang bilhin

19. Ang katitikan ng pulong ay maituturing bilang isang intelektwal na sulatin, ang mga sumusunod
ang nagpapatunay nito, maliban sa isa. Alin iyon?
a. Ito ay importanteng dokumento na ginagamit sa isang pulong.
b. Makikita dito ang listahan ng mga dumalo at hindi dumalo, oras ng pagsisimula at
pagwawakas, at lugar ng pulong.
c. Ito ay mahalaga lamang sa tagapagdaloy at kalihim ng pulong at dapat lamang na manatili
sa kanila.
d. Tumatayo itong tala ng organisasyon bilang maging batayan at sanggunian ng mga bagay
na tinatalakay sa isang pulong.

20. Tinukoy ni Hampton (2010) ang mga sangkot ng replektibong pag-iisip sa pagbuo ng isang
replektibong sanaysay, alin ang hindi kabilang sa hanay?
I. pagbabaliktanaw sa isang partikular na pangyayari, ideya, o bagay
II. pagpapakita ng mga ebidensya
III. pagsusuri sa isang pangyayari sa nakaraan
IV. pagpokus sa isang sentral na opinyon

a. II at IV c. I at II
b. II at III d. III at IV
21. Ayon kay Dela Masa (2016), ang sulating ito ay koleksiyon ng mga imaheng inilagay sa isang
partikular na hanay upang ipahayag ang mga pangyayari, mga damdamin at mga konsepto sa
pinakapayak na paraan. Ano ang kaniyang tinutukoy?
a. Replektibong Sanaysay c. Talumpati
b. Posisyong Papel d. Larawang Sanaysay

22. Isang aral na kasanayan ang pagbuo ng isang lakbay sanaysay, alin sa mga sumusunod na gabay
ang dapat tandaan sa pagsulat nito kung kailangang maramdaman at makita ng mga mambabasa
ang iyong karanasan sa paglalakbay?
a. Mag-isip na Parang Manunulat c. Maging malikhain/ kakaiba
b. Manaliksik d. Magsulat

23. Ang paggamit ng isang saliksik mula sa isang rehistradong linggwista habang nagbibigay ng
talumpati sa Linguist Society of the Philippines ay isang halimbawa ng alin sa mga sumusunod?
a. Pagtatatag ng kredibilidad sa iyong awdyens gamit ang isang saliksik na kanilang kinilala.
b. Unethical bias
c. Pagtatarget ng isang saliksik na maaaring magamit kasama ang iba pang sources.
d. Pagpapalaganap ng konsepto ng saliksik

24. Ito ay isang sulating nasusulat sa paraang patalatang maaaring maglaman ng propesyonal at
personal na impormasyon, at maaaring maisulat sa una o ikatlong panauhan. Anong sulatin ito?
a. Bionote c. Biodata
b. Curriculum Vitae d. Awtobiyograpiya

25. Ang ________________________ ang nagpapanatili sa pagiging kawili-wili at makabuluhan ng


talumpati, higit kung ang mananalumpati ay maalam sa pagbuo nito. Anong katangian ang
tinutukoy rito ayon kay Dr. Alejandro?
a. Tiwala sa sarili c. Kaalaman
b. Kasanayan d. Ganda ng boses.

26. Gumagamit at sumisipi ng ebidensya si Jed para maipakitang lohikal at may wastong pagrarason
ang kaniyang mga talumpati, anong retorika ang tinutukoy nito?
a. Apela sa Damdamin c. Apela sa Kredibilidad
b. Apela sa Tagapakinig d. Apela sa Kaisipan

27. Ang uri ng talumpating ito ay kadalasang kontekstwalisado at higit na pinagagana ang pathos.
Anong uri ng talumpati ito ayon sa layon?
a. Impormatibong Talumpati c. Okasyonal na Talumpati
b. Impromptu d. Extemporaneous

28. Ang paglikha ng template sa pagtatala upang mapadali ang pagsulat ay isinasagawa sa anong
hakbang ng pagbuo ng katitikan ng pulong?
a. Bago Sumulat c. Aktuwal na Pagsulat
b. Pagkatapos Sumulat d. Habang Nagwawasto
29. Aling bahagi ng replektibong sanaysay ang nagpapakita ng pamukaw ng atensyon ng
mambabasa?
a. Panimula c. Katawan
b. Wakas d. Ebalwasyon

30. Ilan ang itinatakdang bilang ng salita sa isang abstrak?


a. 100-250 na salita c. 200-500 na salita
b. 50-200 na salita d. 500-1000 na salita

ARALIN: PINAL NA GAWAIN


Matapos gawaing ito, inaasahang sa aking/sa aming…
 makabuo ng portfolio ng mga nabuong sulatin.

Pamantayan sa Pagganap
 Nakabubuo ng malikhaing portfolio ng mga orihinal na sulating akademik na naaayon sa
pormat at teknik.

 Layon ng seminar na maitampok ang mga akademikong sulatin bilang


Goal (Layon)
ebidensya ng mga kasanayang natamo sa nagdaang semestre.
Role  Ang mga mag-aaral ay gaganap bilang mga organizer ng isang seminar/
(Gampanin) palihan.
Audience  Magmimistulang awdyens sa seminar/ palihan ang mga kinatawan mula sa
(Awdyens) Komisyon sa Wikang Filipino at mga guro at mag-aaral.
Situation  Magbubukas ng bagong sangay ang KWF na tutuon sa pananaliksik, at
(Sitwasyon) produksiyon ng mga akademikong sulatin at inatasan ang inyong pangkat
upang magsagawa ng isang seminar/palihan para sa pagbubukas ng sangay.
Maaaring magtampok ng mga paksang may kaugnayan sa suliraning
pampagsusulat at paano ito matutugunan.
Product  Inaasahang makalilikha ang mga mag-aaral ng bionote, talumpati, agenda,
(Produkto) katitikan ng pulong, at panukalang papel at isang aktuwal na seminar.
Standards Pamantayan 3 2 1
(Pamantayan Nakitaan ng
para sa kaganapan ng
Bionote) bionote ngunit
Ganap ang mga
may ilang Walang kaayusan
Nilalaman nilalaman bilang
bahaging hindi ang nilalaman.
isang bionote.
malinaw gaya ng
hindi ugnay na
impormasyon.
Naisagawa ang
Naisagawa ang gawain subalit
gawaing taglay may ilang
Hindi naisagawa
ang bahaging
Propesyonalismo ang gawain sa
propesyonalismo kailangan pang
ng Pagsulat paraang
ng pagsulat ng linangin gaya ng
propesyonal.
akademikong panauhan at
sulatin. paglalagay ng
impormasyon.
Naisakatuparan
nang ganap na
bionote, ngunit
Naisakatuparan may mga naisulat
Hindi
Kohesyon at nang ganap ang na bahaging
naisakatuparan
Kaisahan sa mga kohesyon at hindi malinaw
nang maayos ang
Nilalaman kaisahan sa gaya ng hindi
bionote.
nilalaman. pagtutugma ng
sitwasyon sa
nilalaman ng
bionote..
Nagkaroon ng May bahaging Hindi naging
kasinupan sa dapat linangin sa masinop sa
pagbabaybay, kasinupan ng pagbabaybay,
Pagbabaybay, pagbabantas, pagbabaybay, pagbabantas,
Pagbabantas at mekaniks. pagbabantas, mekaniks.
Mekaniks Nakitaan ng 1-2 mekaniks. Nakitaan ng 4
na mali sa Nakitaan ng 3-4 pataas na mali sa
pagsulat. na mali sa pagsulat.
pagsulat.

Kabuoan

Standards Pamantayan 3 2 1
(Pamantayan Nilalaman at Ganap ang lalim Nakitaan ng lalim Marapat na
para sa Tema nilalaman ng ng nilalaman ng linangin ang nais
Talumpati) talumpati. talumpati ngunit iparating ng
may ilang bahagi
sa nilalamang
nilalaman.
hindi naging
malinaw.
Naisagawa ang
pagpapakita ng
Ganap na
Pagpapakita ng katangian ng uri Hindi naisagawa
naipakita ang
Katangian ng Uri ng talumpati ang pagpapakita
katangian ng uri
ng Talumpating subalit may ilang ng katangian ng
ng talumpating
isinulat bahaging hindi uri ng talumpati.
isinulat.
nakitaan ng
kaganapan.
Naisakatuparan Naisakatuparan
nang ganap ang nang ganap na Hindi
Kohesyon at
mga kohesyon at talumpati, ngunit naisakatuparan
Kaisahan sa
kaisahan sa may mga naisulat nang maayos ang
Nilalaman
nilalaman ng na bahaging hindi talumpati.
talumpati. malinaw.
Nagkaroon ng May bahaging Hindi naging
kasinupan sa dapat linangin sa masinop sa
organisasyon, kasinupan ng organisasyon,
Organisasyon, teknikalidad, organisasyon, pagbabaybay,
Pagbabaybay, pagbabaybay, pagbabaybay, teknikalidad, at
Teknikalidad at mekaniks sa teknikalidad at mekaniks.
Mekaniks pagsulat. mekaniks. Nakitaan ng 5
Nakitaan ng 1-2 Nakitaan ng 3-4 pataas na mali sa
na mali sa na mali sa pagsulat.
pagsulat. pagsulat.
Naging ganap ang Naging maayos
kaayusan sa ang pagganap ng Hindi naging
Kaayusan ng
pagganap ng mga kasapi maayos ang
pagganap sa
gawain ang subalit may ilang pagganap sa
Gawain
bawat kasapi at inaasahang hindi gawain.
sa wastong oras. natamo.

Kabuoan

Standards Pamantayan 3 2 1
(Pamantayan Nakitaan ng
para sa kaganapan ang
Agenda at Ganap ang Marapat na
agenda at
Katitikan ng nilalaman ng linangin ang nais
Nilalaman katitikan ngunit
Pulong) agenda at iparating ng
may ilang salik
katitikan. nilalaman.
na hindi naging
malinaw.
Kaisahan ng Nasakatuparan Nasakatuparan Hindi naisagawa
Agenda at ang kaisahan ng ng pangkat ang ang gawain
Katitikan agenda at gawain subalit
katitikan. may ilang
bahaging hindi
nakitaan ng
kaganapan.
Naisagawa ang
Naisagawa ang
gawaing taglay
gawain subalit Hindi naisagawa
ang
Propesyonalismo may ilang ang gawain sa
propesyonalismo
ng Pagsulat bahaging paraang
ng pagsulat ng
kailangan pang propesyonal.
akademikong
linangin.
sulatin.
Nagkaroon ng May bahaging Hindi naging
kasinupan sa dapat linangin sa masinop sa
organisasyon, kasinupan ng organisasyon,
Organisasyon, teknikalidad, organisasyon, teknikalidad, at
Teknikalidad at mekaniks sa teknikalidad at mekaniks.
Mekaniks pagsulat. mekaniks. Nakitaan ng 4
Nakitaan ng 1-2 Nakitaan ng 3-4 pataas na mali sa
na mali sa na mali sa pagsulat.
pagsulat. pagsulat.
Kabuoan
Standards Pamantayan 3 2 1
(Pamantayan Kompleto ang
para sa mga bahagi ng May isa hanggang
Panukalang May tatlo-pataas
panukalang papel dalawang
Papel) Nilalaman na bahagi ang
batay sa bahaging hindi
hindi naisama.
mungkahing naisama
pormat.
Nakasulat ang
Nakasulat ang Hindi nakasulat
mga mag-aaral ng
mga mag-aaral ng ang mga mag-
tatlo-pataas na
Pagbuo ng dalawang layunin aaral ng layuning
layuning
Layunin nakaangkla sa nakaangkla sa
nakaangkla sa
kabuoan ng kabuoan ng
kabuoan ng
proyekto. proyekto.
proyekto.
Nakitaan ng isa
Nakitaan ng
hanggang
Nakitaan ng tatlo-pataas na
dalawang
kohesyon sa mga pagkakamali sa
Kohesyon ng iba pagkakamali sa
bahagi ng kohesyon ng mga
pang mga bahagi kohesyon ng mga
panukalang bahagi ng
bahagi ng
papel. panukalang
panukalang
papel.
papel.
Pagbabaybay, Nagkaroon ng May bahaging Hindi naging
Pagbabantas at kasinupan sa dapat linangin sa masinop sa
Mekaniks pagbabaybay, kasinupan ng pagbabaybay,
pagbabantas, pagbabaybay, pagbabantas,
mekaniks. pagbabantas, mekaniks.
Nakitaan ng 1-2 mekaniks. Nakitaan ng 4
na mali sa Nakitaan ng 3-4 pataas na mali sa
pagsulat. na mali sa pagsulat.
pagsulat.

Kabuoan

Mga Reperensiya

Aklat

Bandril, L. T. at Villanueva, V. M. 2016. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik at Sining).


Lungsod ng Quezon: Vibal Group Inc.
Garcia, F. C. at Marquez Jr. S. T. 2017. Filipino sa Piling Larang (Akademik). Lungsod ng Quezon:
Sibs Publishing House Inc.
Hampton, M. 2010. Reflective Writing: a Basic Introduction. Modyul: University of Portsmouth
Mortera, M. O. 2011. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Lungsod ng Quezon:
Trinitas Publishing House
Paz, C. J., Hernandez, V. V. at Peneyra I. U. 2003. Ang Pag-aaral ng Wika. Lungsod ng Quezon:
The University of the Philippines Press.
Unibersidad ng Pilipinas. 2010. UP Diksiyonaryo. Lungsod ng Quezon:
The University of the Philippines Press.

Saliksik
Bosque, A. U., Carpio, M. A., Catudio, M. L., Quilang, E. Q. 2016. Epekto ng Paggamit ng Balbal sa mga
Diskursong Pansilid ng mga Mag-aaral ng Ikawalong Baitang ng SFNPS ng T.P. 2015-2016.
Action Research: San Felipe Neri Parochial School.
Rosales, J. T. 2015. Internet Slang bilang Intelektwalisadong Wika. Tesis: RTU

Elektroniko

ABS-CBN News. 2016. TV Patrol Anchors. Nakuha sa https://abscbnpr.com/?attachment_id=2833


Noong Mayo 2018.
Cambridge Dictionary. 2018. Synthesis. Nakuha sa
https://dictionary.cambridge.org/us/amp/english/synthesis noong Hunyo 2018.
Carag, A. 2015. Ang Pagpupulong.
Nakuha sa sa www.slideshare.net/caraganalyn/ang-pagpupulong noong Agosto 2017
ClipArtstation. 2017. Vendor. Nakuha sa http://clipartstation.com/vendor.clipart-11/ noong Mayo
2018.
De Castro, R. 2017. Mga Uri ng Akademikong Sulatin. Nakuha sa
https://www.slideshare.net/GenerosoFil/ryan-pauls-kompilasyon-ng-mga-akademikong-
sulatin noong Pebrero 2018.
Dela Cruz, J. at Rollo, S. 2016. Photo Essay. Nakuha sa www.slideshare.net/SamFordKill/photo-
essay-69494372 noong Hunyo 2018.
Dela Fuente, M. 2017. Sanaysay. Nakuha sa www.slideshare.net/MarielDelaFuente/sanaysay-mariel
noong Enero 2018.
Dela Masa, L. 2016. Photo Essay/Sanaysay ng Larawan. Nakuha sa
www.slideshare.net/reign26/photo-essaysanaysay-ng-larawan noong Mayo 2018.
Department of Environment and Natural Resources. 2018. Mayon Volcano. Nakuha sa
http://www.denr.gov.ph/news-and-features/latest-news/285-mayon-volcano.html
noong Marso, 2018.
Dickson, C. 2006. 5 Photo Essay Tips. Nakuha sa
https://digitalphotography-school.com/5-photo-essay-tips noong Pebrero 2018.
Espinas, P. 2016. Paglikha ng Photo Essay. Nakuha sa
https://www.youtube.com/watch?v=e1Ljl9Cb9TA noong Pebrero 2018.
Fleming, G. 2018. How to Write a Position Paper. Nakuha sa
https://www.thoughtco.com/how-to-write-a-position-paper-1857251 noong Pebrero 2018
Harper, D. 2016. Synthesis. Nakuha sa
http://www.etymonline.com/index.php?term=synthesis&allowed_in_frame=0
noong Abril 2018.
Heathfield, S. M. 2018. What are Meeting Minutes and Who Records them at a Meeting? Nakuha sa
https://www.thebalancecareers.com/what-are-meeting-minutes-and-who-records-
them-19187336 noong Marso 2018.
Infantado, A. 2016. 27 Amazing Places To Visit In The Philippines In 2018. Nakuha sa
https://trekeffect.com/travel-blog/22-amazing-places-to-visit-in-the-philippines-in-2016
noong Enero 2018
Jacobs, K. 2015. Paper Writing – Introduction/Body/Conclusion. Nakuha sa
https://www.sophia.org/tutorials/paperwriting-introductionbodyconclusion
noong Hunyo 2018.
Lachica, T. 2016. Pagsulat ng Panukalang Proyekto, Katitikan ng Pulong at Agenda. Nakuha sa
www.slideshare.net/tinelachica04/pagsulat11agenda noong Enero, 2018
Lanticse, G. et.al. 2017. Lakbay Sanaysay. Nakuha sa
www.powtoon.com/online-presentation/dJGVMP70gnn/lakbay-sanaysay/?mode=movie
noong MArso 2018.
Laureta, I. 2014. Batang Karbon Story. Nakuha sa
http://www.gmanetwork.com/news/newstv/reeltime/343329/photo-essay-batang
karbon/story/ noong Marso 2018.
Limpag, M. 2015. 16 places you should visit in Baguio. Nakuha sa
https://myguide.ph/16-baguio-tourist-attractions/ noong Marso, 2018
Meirow, E. 2015. Use this Reflective Essay Outline to get your paper started. Nakuha sa
https://www.kibin.com/essay-writing-blog/reflective-essay-outline/
noong Disyembre 2017.
Merriam Webster. 2018. Abstract. Nakuha sa
https://www.merriam-webster.com/dictionary/abstract noong Hunyo 2018.
My Nomadic Habits. 2012. Hundred Islands: Travel Itinerary, Guide and Budget. Nakuha sa
http://www.mynomadichabits.com/2012/12/hundred-islands-guide-itinerary-
budget.html noong Enero 2018.
Pasion, P. 2015. Larawan ng Junk K-to-12 Program. Nakuha sa
http://pinoyweekly.org/new/2015/06/kung-bakit-hindi-mapapaunlad-ng-k-to-12-ang
edukasyon-sa-pilipinas/ noong Pebrero 2018.
Panpan, N. 2017. Filipino 12 – Isang Pagpupulong. Nakuha sa
https://www.youtube.com/watch?v=5PTYsuLyFA0 noong Pebrero 2018.
Pineda, H. 2014. Selfie ang salita ng taon. Nakuha sa
https://www.upd.edu.ph/~updinfo/jan15/articles/Selfie_ang_salita_ng_taon.html
noong Mayo 2018.
Placer, P. 2016. Pagsulat ng Lakbay Sanaysay. Nakuha sa
https://www.youtube.com/watch?v=U-m4ujMOk3E noong Pebrero 2018.
Quora. 2016. Picture of Chess Pieces. Nakuha sa https://www.quora.com/Could-anyone-share-
meaningful-picutres-on-life-images-drawing-quotes-Which-are-the-most-meaningful
quotes-or-picture noong Marso 2018.
Saldivar, J. 2017. Katitikan ng Pulong. Nakuha sa
https://prezi.com/9tj2dqvgez7n/katitikan-ng-pulong noong Enero 2018.
San Diego State University, Department of Rhetoric and Writing Studies. Walang petsa. Rhetorics.
Nakuha sa https://rhetoric.sdsu.edu/resources/what_is_rhetoric.htm noong Marso 2018
Saldivar, J. 2016. Lakbay Sanaysay. Nakuha https://prezi.com/c5r5d-cqig15/lakbay-sanaysay/
noong Enero 2018.
Segui, K. 2014. Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang
Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat,
at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan. Nakuha sa https://www.facebook.com/notes/kirt
john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaranng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa
pagtatanggal-ng/727134210658842/ noong Marso 2018.
Tan, T. 2017. Katitikan ng Pulong. Nakuha sa https://www.youtube.com/watch?v=GuVNCe8T-48
noong Hunyo 2018.
Timea S. 2018. Caricature. Nakuha sa http://goodstuff.hu/2018/04/02/25-brutalis-es-
oszinte-illusztracio-a-vilagrol-amihan-elunk/
University of South California Library. 2018. Organizing Your Social Sciences Research Paper.
Nakuha sa https://libguides.usc.edu/writingguide/abstract noong Marso 2018.
Ybañ ez, J. 2016. Agenda Pangkat 4.
Nakuha sa www.youtube.com/watch?v=v-6jMjmXOXU noong Mayo 2018.

MGA MAY-AKDA

Si ARIEL URSOLON BOSQUE ay nagtapos ng Batsilyer sa Pansekondaryang Edukasyon, Medyor sa


Filipino, Magna Cum Laude, sa Rizal Technological University. Siya rin ay naglingkod bilang Pangulo
(Taong Panuruan 2014-2015) ng Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino. Sa
kasalukuyan, si Bosque ay nagtuturo sa Senior High School ng Colegio San Agustin – Makati.

Si MARYGRACE LUMACTOD DE LEON o kilala bilang si Bb. Magayon ay kasalukuyang nag-aaral sa


Master ng Artes sa Filipino sa Paaralang Gradwado ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas.
Natapos siya ng Batsilyer ng Pansekondaryang Edukasyon, Medyor ng Filipino sa Rizal
Technological University – Boni Campus noong 2015. Dati ring miyembro ng SNF o Samahan ng
Nagpapakadalubhasa sa Filipino. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo sa Senior Highschool at
Kolehiyo ng Edukasyon sa Rizal Technological University – Boni Campus

Si MICHAEL JOHN CORPUZ GEDIELA ay ay kasalukuyang nag-aaral sa Master ng Artes sa Filipino


sa Paaralang Gradwado ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas at nagtuturo sa Senior High
School at Kolehiyo ng Edukasyon sa Rizal Technological University kung saan siya ay nagtapos ng
kursong Batsilyer ng Pansekondaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino taong 2015. Naging pangulo
siya ng Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (SNF) Taong 2013-2014.

Si GLORIE I PALOMATA SOLANO ay kasalukuyang nag-aaral ng Master ng Artes sa Filipino sa


Paaralang Gradwado ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos siya ng Batsilyer ng
Pansekondaryang Edukasyon, Medyor ng Filipino na may karangalang Cum Laude sa Rizal
Technological University - Boni Campus noong 2015. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo sa Senior
High School at Kolehiyo ng Edukasyon sa Rizal Technological University - Boni Campus.

ANG KOORDINEYTOR

MELVIN ORIO MORTERA, DEM

Bunga ng masikap na pananaliksik tungkol sa pagpapaunlad ng kalidad ng pamamahala sa


Batayang Edukasyon, natamo ni M.O.M. ang Doktorado sa programang Doctor in Educational
Management sa Paaralang Gradwado ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Polytechnic University of the
Philippines.
Patuloy ang gawaing pananaliksik niya sa wika at maka-Pilipinong pagtanaw sa ugnayan ng
ibang tao at di ibang tao at mga kaugnay na saliksik sa pagtuturo sa pinaglilingkurang Institusyon,
Rizal Technological University sa Kolehiyo ng Edukasyon – Laboratory High School at tumutupad sa
tungkuling puno ng Kagawaran ng Filipino.

You might also like