You are on page 1of 4

Department of Education

SCHOOL OF SAINT MATTHIAS, INC.


District IV, Tumauini, Isabela
Philippines

FILIPINO GRADE-12
Filipino Sa Piling Larang (Akademik)

Self - Learning Package –


Quarter 1 - Week 4

DANREB G. CONSUL
SUBJECT TEACHER
SCHOOL OF SAINT MATTHIAS, INC.
Baranggay 4,Tumauini, Isabela
S.Y. 2020-2021

Subject Title: Filipino sa Piling Larang (Akademik)


Semestre: Una
Subject Teacher: Mr. Danreb G. Consul
Grade: 12
I. Learning Competencies
Paksa:  Sintesis

Pamantayang  Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating


Pangnilalaman: akademiko
Pamantayan sa  Nakasusulat ng 3 – 5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay
Pagganap: sa pananaliksik
Most Essential  Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin
Learning  Nakakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
Competencies: akademikong sulatin
 Nasusuri ang nilalaman ng isang pag-aaral mula sa Sintesis nito.
Pamamahagi ng araw: Week 4

PANALANGIN
(Paggising sa umaga, purihin at pasalamatan ang Diyos para sa buhay at bagong pag-asa na
ipinagkaloob niya sa atin; at ialay sa kanya ang ating buong araw.) 

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak,


at ng Espiritu Santo. Amen. 
Diyos ko, iniibig kita at sinasamba nang buong puso ko at kaluluwa.Nagpapasalamat ako sa mga
biyayang ibinigay mo sa akin lalung-lalo na ang paglalang mo sa akin, ang biyayang ipanganak ako na
isang Kristiyano at ang pagbibigay mo sa akin ng bagong buhay sa araw na ito.
Paglilingkuran kita ngayon at itulot mong tuparin ko ang lahat kong Gawain ayon sa iyong kalooban.
Punuin mo ako ng iyong mga biyaya sampu ng aking mga mahal sa buhay. Amen.
Isang mapagpalang-araw! Bago natin talakayin ang ating magiging paksa sagutin muna ang
nakalaang mga gawain na nasa ibaba.

III. Development of the lesson


Ang ating tatalakayin ngayon sa araw na ito ay patungkol sa Sintesis.

SINTESIS
 Ang sintesis ay isang pagsusulat na kung saan binubuo ito sapamamagitan nag pagsasama
nag dalawa o higit pang buod. Ito ay may iba’t ibang uri at kadalasang nabubuo nag
maayos ayun as mga paraan o teknik nag pagdedebelop nag sintesis.
 Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil nanggagaling ang mga ito sa
iba’t ibang batis ng impormsyon.

Ang sumusunod ay ang karaniwang pamaraan kung paano sumulat ng sintesis


1. Bumuo ng Plano sa organisayon ng sulatin
- Ito ay ang paghahanda ng balangkas na naaayon sa mga teknik sa pagbuo ng sintesis upang
maaaring gabay sa pagsulat.
2. Pagbubuod
- ito ay paglalahad ng ideya na unang isaayos sa pamaraang lohikal.
3. Pagbibigay halimbawa o paggamit ng ilustrasyon
- ito na ang isa sa pagtalakay sa mga nalahad a ideya sa buod na kung saan mas malalim ang
pagsulat dahil ito ay nagbibigay ng halimbawa.
4. Pagdadahilan
- ito ay ag hakbang na kung saan iniisa- isa ang mga ideyang napahayag kung bakit ito mahalaga.
5. Strawman
- Ito ay ang teknik na kung saan tinatalakay ang mga kontradiksyun sa mga sa napahayag na
ideya ngunit sa huli ay ipinapahayag din ang mga kahinaan sa nasabing argumento.
6.Konsesyon
- Ito ay ang paraan na kung saan tinatanggap ang mga salungat na pananaw sa nasbing ideyang
inilahad.
7. Komparison at kontrast
- Ito ay ang pamaraan kung saan inihimay-himay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga akda
o sanggunian.
8. Rebisahin ang sintesis
- Pag naayos na lahat na pwede mailahad sa sintesis, ito na ang parte kng saan babasahin muli
ang buon sulatin upang tukuyin ang mga kahinaan o kamalian ang mga detalye, at isulat muli para
mailagay ang mga punto na dapat baguhin.
9.Isulat ang pinal sa sintesis
- Ito na ang pagsulat sa pinal na sintesis kung saan natapos na ang pagtugis at pagrebisa sa
naturang sulatin.

Dalawang Anyo
Explanatory
Argumentative

Mga Uri ng Sintesis

1. Background Synthesis – ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang


mga sanligang impormasiyon ukol sa isang paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at
hindi ayon sa sanggunian.
2. Thesis-driven Synthesis – halos katulad lamang ito sa ng background synthesis ngunit nag
kakaiba lamang sila sa pagtutuon, sapagkat sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng
pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng
mga punto sa tesis ng sulatin.
3. Synthesis for the Literature – ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik. Kadalasang kahingian
ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa mga naisulat nang literature
ukol sa paksa. Karaniwang isinasaayos ang sulatin batay sa mga sanggunian ngunit maaari rin
namang ayusin ito batay sa paksa.

Bigyang Pansin ang mga Sumusunod:

 Tamang impormasiyon mula sa pinaghanguan/sangguagnian


 Organisasiyon ng teksto
 Napagtitibay ang nilalaman at napapaillalim pag-uunawng nagbabasa
 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Linawin ang layunin


1. Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito.
2. Buuin ang tesis na sulatin
3. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatain
4. Isulat ang unang burador
5. Ilista ang mga sanggunian
6. Rebisahin ang sintesis
7. Isulat ang pinal na tesis
Sanggunian:
Aklat : Pinagyamang Pluma 12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Mga Awtor: Ailene Baisa-Juian
Nestor S. Lontoc
Alma M. Dayag
Aklat: Pinagyamang Pluma 12 Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Mga Awtor: Florante C. Garcia, PhD

You might also like