You are on page 1of 13

Yunit 4: Pagsulat ng Sintesis

Aralin 3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng


Sintesis
Nilalaman
Pansinin 1
Panimula 1
Mga Layunin 2

Tuklasin 3

Alamin 6
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis 6
Tatlong Uri ng Pagkasunod-sunod ng mga Detalye 11

Palawakin 13
Gawain 1 13
Gawain 2 14

Suriin 15

Paglalahat 19

Bibliyograpiya 20
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Pansinin

Panimula

Lar. 1. Pagbuo ng sariling pagpapakatuturan sa isang paksa mula sa iba’t ibang sanggunian
ng ideya at impormasyon

Tugon ng pagsisintesis, o iyong pagbuo, paggawa, at pagsulat ng sintesis ang isang akto ng
paghahanap ng makatuturan at makabuluhang ugnayan ng mga ideya at impormasyon sa
pagitan ng mga sangguniang nakalap para sa layuning makapaglahad ng isang bagong
pagpapakahulugan o talakayan hinggil sa isang paksa, o puwede rin namang konsepto. Dito
napag-iiba ang sintesis mula sa pagbubuod ng isang sulatin o kaya ay pagsusuring-basa ng
balangkas ng isang kuwento. Bilang manunulat ng sintesis, paghihimayin ka nito ng iba’t

1
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

ibang karunungang bunga ng saliksik. Sa gayon, buo na ba ang loob mong gumawa ng
panibagong karunungang ikaw mismo ang magtatahi? Sa mga oras na ito, nananabik sa
kasanayang ito o nag-aalinlangan ka pa ba kung magagawa mo ito nang wasto? Halina at
sundin ang mga ibinahaging gabay para sa araling ito.

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
● naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng sintesis bilang isang akademikong sulatin;
● nasusunod ang mga pagsasaalang-alang sa pagsulat ng sintesis bilang isang
akademikong sulatin; at
● nakasusulat ng isang akademikong sulatin sa anyo ng sintesis.

Mga Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd


● nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-93), at
● naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-92).

2
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Tuklasin

5 minuto

Bilang pagsubok, bigyang-kahulugan ang bawat konsepto gamit ang tigtatatlong


pagpapakahulugang nakaugnay rito.

Konsepto Mga kaugnay na kahulugan Sariling pagbubuod ng


mga kahulugan

Malikhaing Ito ay akto na pagsulat ng pampanitikan ayon


pagsulat kay Rene O. Villanueva.

Isang natatanging uri ng pagsulat na


nagtataglay ng mahusay na diwa at paksa. Ito
ay ang pagbubuo ng imahen o hugis na
kakaiba sa karaniwan. Nangangailangan din
ito ng kakayahang mag-isip, magdanas,
magmasid, at matuto (Castillo et al., 2008).

Ito ay paggamit ng mayamang imahinasyon


sa pagpapahayag ng iba’t ibang ekspresyon
ng damdamin, ideya, mensahe, at mga aral
na ibig ikintal sa mambabasa (Castro et al.,
2008).

Pananaliksik Ito ay sistematiko at siyentipikong


pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri,
paglilinaw, pag-aayos, pagpapaliwanag, at
pagbibigay-kahulugan ng isang datos o
impormasyong nangangailangan ng

3
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

kalutasan sa problema (Calderon at


Gonzales, 1993, mula sa Philippine News).

Isa itong sistematiko, kontrolado, at


panigurado sa obserbasyon at panunuri ng
mga panukalang haypotetikal ukol sa
inaakalang relasyon ng mga likas na
pangyayari (Kerlinger, 1973, mula sa
Philippine News).

Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong


pagtatanong ng impormasyon sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraang ayon sa
kalikasan at kalagayan ng suliraning
binibigyang-kalutasan (Good, 1963, mula sa
Philippine News).

Peryodismo “Bukod sa pagbibigay ng lalim at konteksto sa


araw-araw na balita, isa itong makabuluhang
paraan ng pagtatala ng kasaysayan” (Araullo,
2016).

Ito ay “pag-aaral ng epektibong pag-uulat sa


wikang naiintindihan ng ordinaryong
mamamayan, sa loob o labas man ng bansa”
(Arao, 2019).

Ito ay isang anyo ng panulatang naghahayag


ng mga pangyayari ukol sa isang kaganapang
sariwa pa lamang at hindi pa batid ng
marami (Niles).

Kung tapos na, makipagpalitan ng papel sa inyong katabi sa kanan para sa pagbabahagi ng
naisulat.

4
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Mga Gabay na Tanong

1. Ano o ano-ano ang isinaalang-alang mo sa pagbubuod ng mga kahulugan sa bawat


konsepto?

2. Ano-anong paraan ang ginamit o sinunod mo upang mabigyang-kahulugan ang bawat


konsepto batay na rin sa mga kaugnay na katuturan?

3. Batay sa naging pagtugon sa gawain, sa aling bahagi ng proseso ng pagbubuod ka


pinakanahirapan at pinakanadalian? Palawigin ang sagot.

4. Sa palagay mo, paano naiiba sa karaniwang pagbubuod ang isinagawang gawain?

5
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Alamin

Itinuturing ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa, pagsulat, at panonood bilang mga makrong
kasanayan sa ilalim ng pangkalahatang asignaturang Filipino. Batid nating
magkakasinghalaga ang bawat isa at may kakanyahang mag-ambag sa pagpapayaman ng
sariling kabisaan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at pakikialam sa kapaligiran.

Kaugnay ng kasanayan sa pagsulat ng sintesis, mahalaga ang pagbabasa at masinsing


pagtitipon ng mga impormasyon at pagkuha ng mga pangunahing ideya. Naghihinuha ang
manunulat sang-ayon sa pagprosesong isinagawa hinggil sa isang tiyak na paksa. Habang sa
kurso ng paghihimay at pag-aanalisa, nakabubuo ng kapasiyahang (conclusion)
bibigyang-linaw batay sa mga tiyak na halimbawa, paliwanag, at obserbasyon.

Alalahanin
Ang sintesis ay isang anyo ng pagsulat na nagsasama-sama ng mga
ideyang mula sa iba’t ibang pinagkunang impormasyon upang
makabuo ng sariling pagpapahayag ukol sa isang paksa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Ibinubunga ang sintesis ng pagsisikap ng manunulat na makabuo ng isang malamang


talakayan hinggil sa napiling paksa nang hindi nangangailangang isa-isahin pa ang bawat
nakalap na impormasyon, gayundin ang mga sanggunian nito. Isinusulat ito sa ilang paraan
ng pagsasalaysay—paglalahad, paglalarawan, pangungumbinsi, o pagsasalaysay—sa maikli,
payak, at magaang anyo nang hindi nawawala sa orihinal ang saysay ng mga pinagkunang
akda.

6
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Anong mahahalagang sangkap sa pagsulat ng


sintesis ang maihahalintulad din sa iba pang
akademikong sulatin?

Bago Sumulat ng Sintesis

Bago makasulat ng sintesis, may mga paghahandang kailangang tugunan ang manunulat.
Kaya naman, mahalagang batid niya ang sumusunod at maisagawa bilang mga paunang
hakbang sa unang bahagi ng pagsulat.

1. Pumili lamang ng magiging tuon ng talakay hinggil sa paksa. Dahil imposibleng


matalakay sa isang maigsing sanaysay ang lahat ng usaping may kinalaman sa paksa,
pumili lamang ng mainam na pokus na iyong tatalakayin. Halimbawang tungkol sa
sistema ng transportasyon ang paksa, maaaring ituon ang talakayan tungkol lamang
sa epekto ng lalo pang lumalalang pagbagal ng trapiko sa EDSA sa kita ng mga
pampublikong sasakyang nagruruta rito.

2. Linawin ang layunin ng gagawing pagsulat. Maaaring dito pumasok ang pagpili o
pagtukoy kung anong anyo at uri ng sintesis ang gagawin.

3. Magsaliksik ng mga sangguniang teksto. Mangalap ng mga sangguniang tekstong


may kinalaman sa iyong pinapaksa. Sikaping mabasa nang mabuti ang lahat ng
makakalap na teksto, at magkaroon ng perspektibo sa mga binabasa.

4. Tukuyin ang magkakaugnay na kaisipan mula sa mga nakalap na teksto.


Mainam na panimulang pagsasanay kung isusulat ang kabuuan ng sintesis sa
pamamagitan ng pagbubuod ng mga pansuportang ideyang tumutugon sa mga
nabuong pangkalahatang kaisipan batay sa mga nakalap na teksto.

5. Bumuo ng pangkalahatang pananaw (tesis) ng susulating sintesis. Dapat nitong


lamanin ang paksa at malinaw na tukuyin ang pangkalahatang kaisipang nais
bigyang-paglalahad sa sulatin.

7
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

6. Pagpasyahan kung paano nais gamitin ang mga nakalap na sanggunian. Ang
layon ng pagsulat ng sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga nakalap na
impormasyon at ideya upang magawan ng isang bagong pagpapakatuturan sa maiksi
pero malamang paglalahad. Mahalaga ritong mapagpangkat-pangkat na ang mga
kaisipang nauna nang mabuo, na sususugan naman ng mga pansuportang katwiran,
halimbawa, at paliwanag mula sa mga nasaliksik.

7. Sinsinin ang koleksiyon ng mga sanggunian. Pagsunod-sunurin ang mga batayang


impormasyon at gagamiting ebidensiya sa susulating sintesis. Iayon ang
organisasyon sa kung paano nais talakayin ang mga katwiran at ideyang susuporta
sa pangkalahatang kaisipan ng sulatin; maaari itong gawin sa pamamagitan ng
balangkas.

Alalahanin
Ang isang mabisang sintesis ay nagtataglay at nagtatampok ng:
● masinsing latag ng mga impormasyong bunga ng pinagsama-samang
saliksik;
● katuturan ng impormasyon sa pamamagitan ng pagbibigay-lalim at
linaw ng kaakibat na paliwanag;
● mahusay na pangkalahatang pananaw sa pamamagitan ng
pagpapabatid sa pinagkakaisahang punto ng lahat ng sangguniang
ginamit upang mabuo ang pinakamahigpit na ugnayan ng mga ideya
at katwirang tumutugon sa paksa ng sintesis; at
● matibay at pokus na pagkakalahad ng manunulat ng kaniyang
pangkalahatang pananaw ukol sa paksa.

8
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Sa iyong sariling pagsusuri, paano nakatutulong


ang pagkakaroon ng estruktura sa pagsulat ng
mabisang sintesis?

Aktuwal na Pagsulat ng Sintesis

Sa pagsulat ng sintesis, isaalang-alang ang mga bahagi ng teksto. Buksan ang isip at
damdamin o pandama upang magkaroon ng ugnayan sa pagsulat ng lalamanin ng mga
bahagi ng sulatin.

1. Pamagat. Nakasalalay na agad rito ang pagkuha ng atensiyon ng mambabasa sa


sulatin sapagkat kinakatawan nito ang pagkakakilanlan ng sintesis. Maaari itong
hanguin sa pangkalahatang pananaw na binuo sa unang bahagi pa lamang ng
pagsulat.

2. Panimula. Maaari itong simulan sa isang makatawag-pansing pangungusap na


puwedeng hanguin mula o batay sa sumusunod:

● siping pahayag ng anekdota, nobela, maikling kuwento, sanaysay, o iba pang


akdang pampanitikan;

● bahagi ng diyalogo sa isang pelikula, dula, dramang pantelebisyon, o iba pang


multimedia platform;

● matandang kasabihan;

● makapukaw-isipang tanong;

● scenario-building; at

● estadistika at pag-aaral.

9
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Pagkatapos makuha ang atensiyon ng mambabasa, kailangang mailahad na agad ang


pangkalahatang kaisipan o pananaw ng sintesis. Susundan ito ng mga paglalahad
kung:

● paano nabuo ng manunulat ang gayong pangkalahatang pananaw o kaisipan;

● paano sininsin ng manunulat ang mga sangguniang teksto para sa higit na


pagpapayaman ng talakayang nakapaloob sa mga pansuportang kaisipan at
lakip na ebidensiya; o

● gaano at bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang pangkalahatang


pananaw na nabuo sa ilalim ng pangkalahatang paksa.

3. Katawan. Inaasahang lalamanin ng unang pangungusap ang pangunahing ideyang


tatalakayin sa buong talata, sa ilalim ng bahaging katawan ng sulatin. Kalakip ng mga
susog na paliwanag ang mga patunay (ebidensiya) at pansuportang impormasyon
mula sa mga sangguniang teksto. Magiging mayabong ang sulatin kung masinsing
mailalahad ang pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng iba’t ibang sangguniang
ginamit. Mahalagang kilalanin ang bawat sangguniang ginamit sa pagpapalawig ng
talakayan.

4. Pangwakas. Muling pagtibayin ang pangkalahatang pananaw o kaisipang


pinusisyunan ng sintesis. Tukuyin ang halaga at kaugnayan ng paksang tinalakay sa
kasalukuyang panahon, kalagayang panlipunan, o buhay ng mambabasa. Tulad rin
ng makatawag-pansing pangungusap sa simula ng sintesis, maaaring maglagay ng
makapukaw-isipang pahayag na wawakas sa sulatin. Tiyaking napag-uugnay nito ang
paksang tinalakay at ang sariling buhay ng mambabasa upang magkintal sa diwa.

10
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Tandaan
Sa pagsulat ng sintesis, tiyaking tamang impormasyon lamang ang
ilalahad, kaya napakahalagang mga mapagkakatiwalaang sanggunian
lamang ang gagamitin. Mayroong pangunahin at pangalawang
sangguniang tinatawag. Kabilang sa mga pangunahing sangguniang
maaaring gamitin ang transcript ng isang panayam, estadistikang
datos, at mga likhang sining gaya ng awit, musika, panitikan, pati na
artifacts. Samantala, kabilang sa mga pangalawang sanggunian ang
lathalaing journal, pagsusuri, at aklat o manuskritong pang-akademya.

Tatlong Uri ng Pagkasunod-sunod ng mga Detalye

Marami nang natalakay sa mga naunang bahagi ng aralin ang makatutulong para sa maayos
na pagsulat ng mabisang sintesis. Bukod sa mga hakbang, may mahalagang dapat
isaalang-alang ang manunulat sa pagsulat ng sintesis; ito ang tatlong uri ng
pagkakasunod-sunod ng mga detalye (Garcia, 2016).

1. Sikwensiyal. Ito ang paggamit ng mga panandang hudyat ng pagkakasunod-sunod


tulad ng “una,” “pangalawa,” “panghuli,” o iba pa, depende sa dami ng iniisa-isang
detalye.

2. Kronolohikal. Ito ang pagsusunod-sunod ng mga impormasyon o detalyeng ayon sa


kaganapan ng mga pangyayari.

3. Prosidyural. Ito ang paglalahad ng sunod-sunod na proseso ng paggawa ng isang


tiyak na gawain.

11
Yunit 4.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sintesis

Mga Tip
Tulungan ang sariling mahasa ang kakayahan sa pagsulat ng sintesis.
Gawin lamang palagi ang sumusunod:
1. Magbasa ng iba’t ibang uri at anyo ng sulatin.
2. Sanayin ang sariling mag-isa-isa ng mga kaisipang napulot sa
binasang akda.
3. Magkaroon ng sariling pananaw at disposisyon hinggil sa
paksa ng binasa.
4. Isangguni pa sa dalawa o higit pang teksto ang pinaksa ng
binasang akda.

12

You might also like