You are on page 1of 10

Kagawaran ng Edukasyon

Filipino 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Kuwarter – Ikawalong Linggo

Mylyn M. Vallejo
Marjorie Ann Avila
Manunulat

John Albert B. Colle


Tagasuri

Nelia G. Abejar
Validasyon

Marissa S. Muldong
Tagapangulo, Katiyakan sa Kalidad

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

1
Sa araling ito, magkakaroon ka ng bagong pananaw tungkol sa mga
paksa sa pananaliksik at magkakaroon ka ng interes na gumawa ng sariling
pananaliksik upang makakalap ng bagong kaalaman para sa pagpapaunlad
ng sarili at makaambag ng kontribusyon sa lipunan. Inaasahang magagamit
mo ang kasanayang ito:

 Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga


penomenang kultural at panlipunan sa bansa F11EP – IIij – 35

 Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-


ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin. F11WG – IIh –89

Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag, kung mali,
SALUNGGUHITAN ANG SALITA o mga salitang nagpapamali rito, at isulat ang
tamang salita sa patlang.

_____ 1. Ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa


teorya, o paglutas ng isang suliranin.
_____ 2. Ayon kay Sanchez, ang pananaliksik ay puspusang pagtuklas at
paghahanap ng mga hindi pa nalalaman.
_____ 3. Nakatuon ang pananaliksik sa pagbibigay-problema sa isang
suliranin.
_____ 4. Tungkulin ng mga tagapagsalin ng kinabukasan ng
isang bansa ang isang pananaliksik.
_____ 5. Nagpapayaman ng kaisipan ang pananaliksik dahil sa
patuloy na pag-iisip at pagbibigay-interpretasyon ng resulta.

2
Alamin ang gamit ng pananaliksik sa lipunang Pilipino. Ilagay ang iyong
sagot sa loob ng bilog.

Gamit ng
pananaliksik
sa lipunang
Pilipino

Kahulugan ng Pananaliksik

Maraming kahulugan ang naibigay ng iba’t ibang awtor tungkol sa


pananaliksik. Ang sumusunod ay ang mga bagong pananaw at pakahulugan ng
pananaliksik na maaari mong suriin. Mula sa mga ito, maaari kang makagawa ng
sarili mong kahulugan.

Ayon kay Alejo, et. al. (2005), batay sa ensayklopedya, ang pananaliksik ay
isang aktibo, matigaya, at sistematikong proseso ng pagsisisyasat para

3
makatuklas, makapagbigay ng interpretasyon, o baguhin ang katotohanan,
pangyayari, asal, teorya, o makagawa ng praktikal na aplikasyon sa tulong ng
mga katotohanang pangyayari, batas o teorya. Ito rin ay tumutukoy sa
paglalaraan ng mga tinipong impormasyon tungkol sa isang partikular na
paksa.

Bukod dito, ito ay nangangahulugan din ng pagsisiyasat o eksperimentasyon


na may layuning makatuklas ng mga bagong teorya o batas gayundin ang
pagtuklas at interpretasyon ng katotohanan o pagbabago ng mga teorya at
batas na tinatanggap na. Bilang kongklusyon, ang pananaliksik ay isang
sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos,
pag-oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng
suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at pagpapatunay sa imbensiyong
nagawa ng tao.

Base sa aklat ni Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematiko,


kontrolado, empiriko, at kritikal na pag-imbestiga sa haypotetikal na pahayag
tungkol sa inaakalang relasyon o ugnayan ng mga natural na penomenon.

Ayon kay Semorlan (1999), mapanuri at kritikal na pag-aaral ukol sa isang


isyu, konsepto at problema - ganyan ang pananaliksik

Ayon kay Sauco (1998), ito ay isang pamamaraang sistematiko, pormal at


masaklaw na pagsasagawa ng pagsusuring lohiko at wasto sa pamamagitan
ng matigaya at hindi apurahang pagkuha ng mga datos sa mga pangunahing
maaaring pagkunan. Inaayos ang mga ito at pagkatapos ay sinusulat at
iniuulat.

Ayon kay Sanchez (1998), ito ay puspusang pagtuklas at paghahanap ng mga


hindi pa nalalaman.

Ayon kay Sevilla (1998), ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng


teorya, pagsubok sa teorya o paglutas ng isang suliranin.

Ayon kina Atienza, et. al. (1996), ang pananaliksik ay matiyaga, maingat,
sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa
isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at
lipunan.

Mga Hakbang at Prinsipyo sa Pagsulat ng Saliksik

4
Ang pagsusulat ay isang proseso at ang mabisang paraan upang matutong
sumulat ay ang pagsisimula nito. Mahalagang maging matiyaga at masigasig ang
sinumang nais sumulat ng pananaliksik. Ayon kay Neuman (2012), wala mang
perpekto at iisang paraan ng pagsulat, may mga hakbang na matutukoy sa mabisang
pagsasagawa nito. Ito ang sumusunod:

1. Pre-writing – tumutukoy ang yugtong ito sa lahat ng paghahanda bago ang


aktuwal na pagsulat. Kinapapalooban ito ng paglalatag ng mga tala mula sa
nakuhang datos, paghahain ng mga ideya, pagbabalangkas, pagtitiyak sa mga
sanggunian, at pagsasaayos ng mga nabuong komento at punto. Kadalasang
mahirap para sa nagsisimulang magsulat ang yugto ng pre-writing at may
pagkakataong nilalampasan pa ito. Ito ang nagdudulot ng hilaw na paglalatag
ng ideya o sa madaling sabi, mahinang kalidad ng pananaliksik. Mahalagang
isaisip na ang pre-writing ay esensiyal na panahon ng pag-iisip para sa paksa.
Natural na tumagal ito ng higit sa isang linggo isang katotohanang hindi
minamadali ang anumang pananaliksik.

2. Composing- Ito ang yugto ng aktuwal na pagsulat ng pananaliksik. Kadikit


nito ang pagsasaayos ng bibliograpiya at talababa, paghahanda para sa
presentasyon, at pagbubuo ng introduksiyon at kongklusyon. Mabisang
teknik sa yugtong ito ang free writing. Sa free writing, tuloy-tuloy na isinusulat
ng mananaliksik ang lahat ng ideyang pumasok sa kaniyang isipan. Sa
nasabing paraan, ang mananaliksik ay hindi tumitigil para basahin lamang
ang kaniyang naisulat at isaayos ang kaniyang gramatika, gamit ng salita, o
bantas. Hinahayaan din niyang dumaloy ang lahat ng kaniyang ideya sa papel
at saka na lamang rerepasuhin matapos. Sa pamamagitan ng free writing,
napatatatag ang ugnayan sa pagitan ng mabilis na dagsang ideya at ng
pagsulat.

3. Rewriting - Ito ang yugtong tinatasa at nirerepaso ng mananaliksik ang


sulatin sa pamamagitan ng pagtitiyak sa kaisahan ng mga ideya at pahayag,
pagwawasto sa mga maling gramatika, pagtitiyak na kinikilala ang mga
sinangguni, at pagrerebyu sa tono at paraan ng pagkakasulat. Ito ay sapagkat
hindi natatapos ang proseso sa aktuwal na pagsulat. Mahalagang balikan
muli ang nabuong saliksik upang pakinisin pa ang mga pahayag.
Nakatutulong ang yugtong ito sa mabisa at malinaw na daloy ng saliksik.

5
Natural sa mga saliksik, partikular ang nasa anyong draft o burador pa
lamang, na sumailalim sa rewriting. Sa katunayan, maging si Ernest
Hemingway ay sinasabing nagrepaso ng 39 na ulit ng katapusan ng nobelang
Farewell to Arms.

Para sa isang mananaliksik, karaniwang dumadaan sa tatlo hanggang apat


na rebisyon ang sulatin. Huwag panghinaan ng loob na isagawa ito dahil tiyak
na mapabubuti nito ang saliksik.

Makatutulong din bago simulan ang rebisyon ay palipasin muna ang ilang
araw na hindi binibisita ang sulatin. Sa ganitong paraan, nababakante ang
isip sa anumang pagkiling na maaaring nabuo sa panahon ng pagsulat ng
borador ng pananaliksik.

Iba’t Ibang Bahagi ng Saliksik

Sa pangkalahatan, ang isang saliksik ay binubuo ng introduksyon,


katawan, at kongklusyon.

A. Introduksiyon
B. Katawan
C. Kongklusyon

Gawain Blg. 1

Sumulat ng hindi lalampas sa sampung pangungusap, paghambingin


ang magkakagrupong konsepto. Isulat sa sagutang papel.

Rewriting
Composing
Pre-writing

Introduksiyon

Inaasahan
6 ng Mambabasa
Katawan

Itinakdang Kumbensiyon

Kongklusyon

Gawain Blg. 2 Dugtungan Mo!


P Pormal na pagsulat May sinusunod na hakbang o …………
…………………………………………………
A Akma sa panahon Umaayon sa kasalukuyang …………….
…………………………………………………
N Nagagamitan ng Tiyak na pagpapahayag ng …………….
haypotesis
………………………………………………..
A Angkop na metodo o Tamang desenyo, dulog, o ……………..
pamamaraan
………………………………………………..
N Napapalawak ang Mula sa kuyosidad ay nabuo ang …….
kaalaman
…………………………………………………
A Anti-plagiarism Kilalanin ang mga ………………………..
………………………………………………..
L Laging mangalap ng Mahalaga ang mga dating ……………..
mga bagong ideya
………………………………………………..
I Interpretasyon ay Dapat kunin ang mga datos na ………
obhetibo
……………………………………………….
K Kuwalitatibo o Ang resulta ay nasusukat ng …………
kuwantitatibo
……………………………………………….
S Solusyon sa Makakalap ng mga solusyon sa ………
suliranin
………………………………………………...
I Ideyal ang mga abot- Ang mga datos ay nagmula …………….
kamay na mga
…………………………………………………
impormasyon
3K (Kasanayan, Nililinang ang apat na
Kontrolado at
K makrong………………………………………..
Katapangan)

Bumuo ng panukalang pamagat ng pananaliksik na kailangang


ipaapbruba sa iyong guro. Matapos maaprubahan ang pamagat sumangguni

7
sa mga artikulo sa internet at lumikom ng hindi bababa sa sampung
sanggunian (Maaaring pagkasunduan ng guro at mag-aaral).

Matapos ang takdang panahon ng pagbabasa, sumulat ng isa hanggang


dalawang pahinang panukalang pag-aaral na kinapapalooban ng: (1)
pamagat; (2) kaligiran o background ng pag-aaral; (3) layunin; (4) panukalang
metodo at lapit sa pananaliksik; (5) inaasahang output; at (6) sanggunian.
Narito ang gabay na pormat sa iyong pagbuo ng panukalang pamagat.
Isaalang-alang ang rubriks sa ibaba.

Rubrik sa Padron ng Panukalang Pamagat sa Pananaliksik

Bahagi Puntos Marka

Pamagat 25

Kaligiran o background 15

Layunin 20

Panukalang Metodo o Lapit 40

Kabuuan 100

Sagutin at isagawa ang sumusunod:

1. Ano-ano ang mahahalagang bahaging matatagpuan sa panimula ng


pananaliksik?

2. Gumawa ng sariling graphic organizer na nagpapakita sa mga bahagi ng


panimula at kung ano ang dapat nilalaman ng mgfa tao.

8
Buuin ang mga letra sa bawat bilohaba upang mabuo ang salitang nagbibigay
ng katangian sa pananaliksik. Sundan ang pormat sa ibaba sa sagutang
papel.

g Katangian ng
Pananaliksik
tatlong salita

9
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT

Panuto: Punan ng mga letra ang mga patlang upang mabuo ang mga salitang
binibigyan ng kahulugan na matatagpuan sa proseso ng pananaliksik.

1. P__k__a bagay na pinag-uusapan.

2. P__n__ __ on oras na inilalaan sa pag-aaral.

3. __ala__ __kas banghay ng pag-aaral.

4. La__ __n __ __ anumang ninanais o adhikain na


makuhang mga kasagutan

5. Man__ __ l __ __ magtipon o mangolekta ng mga datos


para sa pananaliksik.

Mga Sanggunian

Lartec, Jane –Kibla et. al. (2011). Instruksiyong Modyular sa Pananaliksik


Anvil Publishing Inc.

Taylan, Dolores et. al. (2017). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. Manila: Rex Book Store, Inc.

4LAYUNIN, 5MANGALAP
Pangwakas na Pagsusulit: 1PAKSA, 2PANAHON, 3BALANGKAS,
SOLUSYON, 4TAGAPAGSALIN-TAGAPAGHUBOG, 5TAMA
Unang Pagsubok: 1TAMA, 2TAMA 3MALI-PROBLEMA-
Susi sa Pagwawasto:

10

You might also like