You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
CARMEN 3 DISTRICT
PEDRO S. BUDIONGAN HIGH SCHOOL
Montesuerte, Carmen, Bohol
INSTRUCTIONAL PLAN
CHERABEL T. GOMEZ ARALING PANLIPUNAN 9
Guro Asignatura
Petsa Oras Seksyon Mga Tala
Ika-26 ng Mayo 2022 8:50-9-40 Room 5-B N/A

iPlan No. 2 Baitang 9


Nabibigyang halaga at natutukoy ang mga gampanin
Mga Kasanayan ng sektor ng industriya at mga patakarang pang- Code No. No Code (MELC)
ekonomiyang nakatutulong dito.

Susi ng Pag-unawa Ang sektor ng Industriya ay may layunin na maiproseso ang mga hilaw na material o
sangkap na material upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao.
Kaalaman Nasusuri ang bahaging ginagampanan sa sektor ng Industriya tungo sa isang masiglang ekonomiya
Nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-
Kasanayan ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Mga Layunin

Nabibigyang halaga ang mga gampanin ng sektor ng industriya at mga patakarang pang-ekonomiyang
Kaasalan
nakatutulong dito.
Maka-Dios
Maka-Tao
Kahalagahan Makabansa Mapahalagahan ang papel ng sektor ng indusriya at ang kaugnayan nito sa ating buhay
bilang Pilipino
Makakalikasan
Kagamitan
Mga

Telebisyon at Laptop

Pamamaraan

Panimulang Gawain Pagbabalik-aral :


 Ano ba ang ating tinalakay natin sa nakaraang Linggo?
Elements of the Plan

 Sino ang makapagbibigay-buod sa bahagi ng akdang ating tinalakay sa


nakaraang linggo?

Ipapakita ang mga sumusunod na mga larawan. Tinatawag itong PRIMARYA-


SEKONDARYA KONEK!

1.
2.

3.

Pangmotibasyunal na tanong:

 Mula sa larawan, ano ang iyong mabubuong hinuha?


 Paano nabuo ang mga produktong papel, sardinas at furniture o muwebles?
 Anong sekondaryang sektor ng ekonomiya nakapaloob ang transpormasyon
ng mga produkto?
Presentasyon Pagkatapos ng pangmotibasyonal na tanong tungkol sa sektor ng Industriya,
Mga magpapakita ng isang videoclip tungkol Sektor ng Industriya
Gawain/Estratehiya
(May mga katanungan ang guro batay sa kanilang pagsusuri sa video clip)

 Ano ang sektor ng Industriya? Ano ang binigyang pokus sa sector na ito?
Pagsusuri  Ano ang mga subsector na bumubuo sa sector ng Insustriya?
 Bakit itinuturing itong pinakadinamikong sector ng ekonimya?

Pagkakaroon ng isang talakayan tungkol sa Sektor ng Industriya


Pagtatalakay
Paghawan ng Balakid (Unlocking of Difficult Words):

Sektor ng Industriya- Ito ay paglikha ng mga bagong produkto na mapapakinabangan


ng mga tao mula sa hilaw na produktong agricultural.

Ang sektor ng Industriya ay binubuo sa apat na subsector:

1. Pagmimina – Ito ay tumutukoy sa pagkuha sa mga metal, di-metal na kalimitang


matatagpuan sa ilalim ng lupa.

2. Pagmamanupaktura –Ito ay tumutukoy sa proseso ng paggawa ng panibagong


produkto mula sa mga hilaw na materyales.

3. Konstruksiyon – Ito ay tumutukoy sa pagpapatayo ng mga pampubliko o pribadong


imprastraktura.

4. Palingkurang Bayan o Utilities – Ito ay tumutukoy sa mga pangunahing serbisyo


na kinakailangan sa produksyon at tahanan tulad na lamang ng kuryente, tubig atbp.

Kahalagahan ng Sektor:

1. Lumilikha ng yaring produkto


2. Naglalaan ng Makabagong Teknolohiya
3. Kumikita ng Dolyar ang Ekonomiya
4. Nagkakaloob ng hanapbuhay sa mga Tao

MGA PATAKARAN AT PROGRAMA ng Pamahalaan upang mapaunlad ang sector


ng Industriya

1. WTO o World Trade Organization- Ito ang nagbigay ng kakayahan sa


Pilipinas na makipagkalakan sa ibang bansa
2. R.A NO. 9501 (MAGNA CARTA FOR SMALL & MEDIUM ENTERPRISES)
– Palaguin ang maliliit at may katamtamang lakiing industriya lalo na sa
pook rural at sekto ng agrikultura
3. R.A 8762 (RETAIL TRADE LIBERALIZATION ACT – binuksan sa mga
dayuhang namumuhunan at mga korporasyong ang kalakalang pandaigdig
4. SCIENCE & TECHNOLOGY AGENDA FOR NATIONAL DEV’T (STAND)-
pagtuklas ng mga bagong kaalaman sa teknolohiya at produksiyon sa
Pilipinas

Bilang mag-aaral, Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng sektor ng industriya tungo


Paglalapat sa pagkamit ng kaunlaran ng bansa?

Obserbasyon
Pakikipag-usap sa
mag-aaral/Kompere
nsiya
Pagsusuri sa mga
mag-aaral/Produkt
o
Basahin ng maayos ang katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at Isulat
ang titik sa inyong sagutang papel.

1.Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyal


upang ito ay maging isang produkto?
A. Agrikultura B.impormal na sektor C.industriya D.paglilingkod
2. Anong sekundaryang sektor ng industriya na ang mga metal, di-metal,at enerhiyang
mineral ay kinukuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto (halimbawa
ay hikaw na gawa sa ginto) o kabahagi ng isang yaring kalakal (halimbawa ay tornilyo para sa
kotse)?
A.Konstruksiyon B. Pagmamanupaktura C. Pagmimina D. Utilities
3.Tumutukoy ito sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga
makina;
A.Konstruksiyon B. Pagmamanupaktura C. Pagmimina D. Utilities
4. Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang
land improvements halimbawa ay tulay, kalsada, at iba pa bilang bahagi ng serbisyo publiko
ng pamahalaan sa mga mamamayan;
A.Konstruksiyon B. Pagmamanupaktura C. Pagmimina D. Utilities
5.Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, kuryente, at gas.
Pagtataya A.Konstruksiyon B. Pagmamanupaktura C. Pagmimina D. UtilitieS
6. Ang sektor ng industriya ay isang mahalagang bahagi upang matamo ang kaunlaran. Alin
sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng industriya?
A. konstruksiyon B. paghahayupan C. pagmamanupaktura D. pagmimina
7. Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaun- laran ng isang
Pasulit bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng
pagbabago mula sa pagiging agrikultural patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ring
limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo
rito?
A. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming
produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao
B. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto
sa availability ng hanapbuhay para sa mga manggagawa
C. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na
industriyalisasyon
D. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na
pambansang kita
8.Sa mga sekundaryang sektor ng industriya, alin ang itinuturing na nangu- nguna lalo na sa
pagpoproseso ng mga hilaw na produkto?
A.Konstruksiyon B.pagmamanupaktura C.pagmimina D. Utilities
9.. Batay sa Talahanayan 1, (Kabuuang Empleo Ayon sa Industriya at Kabuuang Lakas
Paggawa), pang-ilan ang industriya sa nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan?
A. Ikaapat B. Ikalawa C.Ikatlo D. Una
10. Ang mataas na kita ng ekonomiya ay higit na mararamdaman kung;
A. Ang halos lahat ng mga mamamayan ay mayroong pinagkakakitaan.
B. Maraming pabrika ang naipatayo sa bansa.
C. Mataas ang kita ng turismo.
D. Marami ang propesyonal

Takdang-
Aralin Reinforcing

Enriching

Enhancing
PAG-ARALAN ANG KASUNOD NA SEKTOR. SEKTOR NG PAGLILINGKOD
Preparing
Malalim ang ugnayan ng mga sector ng agrikultura at industriya. Kinakailangan ang dalawa upang higit na
Paglalagom mapabuti ang katatagan bilang sandigan ng ekonimya.

Mga Tala
Academic Track
Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain sa remediation
Nakatutulong ba ang remedial? Bilang ng mga nakaunawa sa aralin.
Pagninilay Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang lubos na nakakatulong ? Paano ito nakakatulong?
Anong suliranin na aking naranasan nasolusyunan ng aking punong guro o tagamasid?
Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na maaari kong ibahagi sa aking kapwa guro?

You might also like