You are on page 1of 11

Yunit 4: Pagsulat ng Sintesis

Aralin 2: Mga Uri ng Sintesis

Nilalaman
Pansinin 1
Panimula 1
Mga Layunin 2

Tuklasin 2

Alamin 4
Mga Uri ng Sintesis 5

Palawakin 11
Gawain 1 11
Gawain 2 12

Suriin 13

Paglalahat 16

Bibliyograpiya 17
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

Pansinin

Panimula

Lar. 1. Ang sintesis ay maikli ngunit malinaw, detalyado, at may kongkretong


konsepto.

Ang sintesis ay mula sa pinagsamang salitang Griyego na -syn na nangangahulugang


kasama at -tithenai na ang kahulugan ay ilagay. Sa akademikong usapin, ito ay tumutukoy sa
mga impormasyong pinagsama-sama sa paraang maikli ngunit detalyado at may buong
konsepto. Ang mga pinagsamang impormasyon ay maingat na pinili mula sa iba’t iba ngunit
magkakaugnay na paksa ng mga tekstong pinag-aralan.

Ang pagsulat ng sintesis ay pinaglalaanan ng panahon dahil hindi ito madaling gawain. Sa
katunayan, pinag-aaralan ng manunulat kung paano ang magiging presentasyon ng
kaniyang sintesis na isusulat nang sa gayon ay maiangkop ito sa nilalaman ng uri ng
akademikong sulatin na kaniyang binubuo.

1
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang
● natatalakay ang mga uri ng sintesis;
● naipaliliwanag ang pagkakaiba ng bawat uri ng sintesis; at
● nakasusulat ng sintesis ng isang paksang pinag-aaralan.

Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd


nakikilala ang iba't ibang uri ng akademikong sulatin, gaya ng sintesis ayon sa: (a) Layunin (b)
Gamit (c) Katangian (d) Anyo (CS_FA11/12PU-0d-f-93)

Tuklasin

5 minuto

Basahin ang maikling halimbawa ng sintesis. Matapos ang inilaang sandali sa pagbasa ay
subukang sagutin ang mga gabay na tanong.

Catcalling
Isinulat ni Ossi Figini F. Basallo

Ang catcalling ay itinuturing na ring sexual harassment o seksuwal na panliligalig. Ang sexual
harassment ay kilos na pambabastos. Naghahatid ito sa biktima ng pagkadama ng takot. Ito
ay kilos na labag sa batas. Malaking isyu ang sexual harassment. Ngunit ito ay tinatayang
pangkaraniwang isyung panlipunan na nagaganap sa lahat ng bansa. Ang catcalling ang
karaniwang porma ng sexual harassment.

Ang catcalling ay tumutukoy sa paninipol at hindi katanggap-tanggap na mga pahayag para


sa isang tao. Ang pagpaparusa sa sinumang magsasagawa ng catcalling ay isinama na sa
batas. Ito ang Republic Act 11313 o mas kilala sa tawag na Safe Spaces Act. Ito ay nilagdaan
ni Pangulong Rodrigo Duterte at pinasimulan noong Hulyo 23, 2018.

2
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

May mga pagtatalong nagaganap kung kailan masasabing sexual harassment ang catcalling.
Madalas na ang nagiging pagtanggap, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon, hindi kasalanan
ng biktima kung bakit siya ay nakararanas ng catcalling. Marami ng pag-aaral ang naisagawa
tungkol sa isyung ito, kasama na ang mga social experiment. Madalas na ang subject ay
dalawang babae na may magkaibang bihis. Sa mga social experiment, mas nakatatawag ng
pansin at nakararanas ng catcalling ang babaeng may maikli at hapit ang suot. Sinasabi, ang
mga babae raw ang nagbibigay ng dahilan kung bakit natatawag ang pansin ng kalalakihan,
dahilan kung bakit may mga babaeng nakararanas ng sexual harassment (Goetz et al., 2012),
Chiou, W.B., Wu, W.H., at Cheng, W. (2017), gaya ng catcalling.

Marahil, sa isang banda ay isa lamang sa maraming salik o dahilan kung bakit nakararanas
ng catcalling ay kung paano dalhin ng isang tao ang kaniyang sarili, sakop nito ang paraan ng
kaniyang pagbibihis, pagkilos, at pananalita. Maraming posibleng maging dahilan kung bakit
nangyayari ang bagay na ito. Ngunit para sa lahat, mahalagang higit na maging maingat sa
sarili. Mahalaga rin na maging alerto at mulat sa mga nangyayari sa paligid.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang pangunahin at mga pantulong na ideya sa binasang sintesis?

2. Paano naipakita ng sumulat ang ugnayan o relasyon ng bawat talata sa isa’t isa?

3. Anong mga pamamaraan ng presentasyon ng impormasyon ang ginamit ng sumulat?

3
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

4. Paano napanghawakan ng pangunahing ideya at pamamaraan ng presentasyon ang


mahahalagang ideya na inilatag sa sintesis?

5. Paano masasabing may malinaw at may buong konsepto ang binasang sintesis batay sa
mga ginawang pagsagot sa mga naunang tanong?

Maaaring ibahagi sa buong klase ang mga sagot upang makapagpalitan ng ideya tungkol sa
paraan ng pagsulat ng sintesis na binasa.

Alamin

Ang pagsulat ng sintesis ay nangangailangan ng isang malawak na pananaliksik tungkol sa


paksa ng akademikong pagsulat na ginagawa. Ang lahat ng mga pinag-aralang impormasyon
na nalikom ay binubuo bilang isang panibagong nilalaman na maghahatid ng buo ngunit
maikling impormasyon para sa mga mambabasa. Gaya ng nabanggit sa pagsisimula ng
araling ito, kailangang pag-aralan ng manunulat ang paraan ng presentasyon ng sintesis na
isusulat. Mahalagang angkop sa paksa ng akademikong pagsulat ang sintesis na gagawin.

4
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

Alalahanin
● Ang sintesis ay isang tekstong naratibo na nagbubuod sa mga
magkakaugnay na impormasyon.
● Ito ay maikli ngunit mababakas ang pinupunto ng paksang
tinatalakay.

Mga Uri ng Sintesis


Karaniwang gawain ng mga mag-aaral ang pagsulat ng sintesis, lalo pa sa mga mag-aaral na
kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Pananaliksik. Bahagi ng gagawin sa pananaliksik
ang mangalap ng tinatawag sa Ingles na Review of Related Literature o ang Mga Kaugnay na
Pag-aaral at Literatura kung sa Filipino naman.

Hindi madaling gawin ang pangangalap ng mga kaugnay na literatura, sapagkat kailangang
basahin ang lahat ng mga nakitang kaugnay na babasahin, at magsagawa ng paglalarawan,
pagtatala, pagbubuod, pagsusuri, at pagtukoy sa mahahalagang konseptong tinatalakay ng
bawat literatura na nakalap.

Sa pagbuo ng sintesis, mahalagang batid ng manunulat kung anong pamamaraan ng


presentasyon ang kaniyang gagawin at hindi nagtatapos sa pamamaraan ng presentasyon
ng mahahalagang detalye ng mga impormasyon ang pagsulat ng sintesis. Kailangang alam
din ng manunulat kung anong uri o anyo ng sintesis ang kaniyang isusulat. Mayroon itong
dalawang uri, ang sintesis na argumentative at explanatory.

Sintesis na Argumentative
Ang sintesis na argumentative ay naglalahad ng argumentong pinaninindigan ng manunulat
sa paksa ng kaniyang akademikong pagsulat na ginagawa. Sa pagbuo ng sintesis,
kinakailangan na maraming tekstong pinagbatayan ang manunulat upang maging matibay
ang posisyong kaniyang paninindigan.

5
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

Ang posisyon ay tumutukoy sa argumentong bibigyang-suporta ng sumulat sa kabuuang


nilalaman ng sintesis. Mahalagang bumuo ng thesis statement kung mayroon nang posisyon
o argumentong nabuo. Kailangang mahusay na tinahi ang thesis statement sapagkat ito ang
pagbabatayan ng argumentong paninindigan ng manunulat.

Sa pagbuo ng sintesis na argumentative ay mahalagang may mataas na antas ng kritikal na


pag-iisip ang manunulat nang sa gayon ay masuri nang mahusay ang lahat ng tekstong
kaniyang nakalap. Ito rin ang susi upang makabuo nang malinaw na koneksiyon o ugnayan
ng lahat ng tekstong nakalap para sa paksa.

Paano makasusulat ng isang mahusay na sintesis


na argumentative?

May mga dapat tandaan na paraan upang makasulat ng isang mahusay na sintesis na
argumentative. Mayroon itong estrukturang dapat sundin upang maging mas madali ang
pagbuo nito. Kailangang taglayin ng bawat bahagi (panimula, katawan, at kongklusyon) ng
sulatin ang sumusunod:

Talahanayan 1: Estruktura ng sintesis na argumentative

Panimula

● Thesis statement
● Unang mahalagang ideya
● Pangalawang mahalagang ideya
● Pangatlong mahalagang ideya

Katawan

● Unang mahalagang ideya


○ Patunay mula sa mahalagang ideya
○ Pagsusuri sa mga patunay na inilahad
● Pangalawang mahalagang ideya
○ Patunay mula sa mahalagang ideya

6
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

○ Pagsusuri sa mga patunay na inilahad


● Pangatlong mahalagang ideya
○ Patunay mula sa mahalagang ideya
○ Pagsusuri sa mga patunay na inilahad

Kongklusyon

Tandaan na ito ang huling pahayag na iiwan sa mambabasa para sa sintesis


na isinulat. Kailangang mahikayat at mapasang-ayon ang mambabasa sa
argumentong inilahad kung kaya mahalagang maging mahusay at
kababakasan ng matalinong pag-iisip ang pagkakabuo nito.

Sa pagbuo ng kongklusyon ng sintesis na argumentative ay mahalagang balikan ang thesis


statement. Balikan din ang mga inilahad na paliwanag at patunay. Ang lahat ng ito ay
mahalagang gawin upang higit pang mabigyang-diin ang mga isinulat. Ang huli, bumuo ng
isang panghihikayat—ito ang hihimok sa mga mambabasa upang gumawa ng isang tugon
sa binasang sintesis.

Tandaan
Ang pagpili ng paksa sa pagbuo ng sintesis na argumentative ay hindi
madaling gawain. Maaaring pumili ng paksa na maaaring
mapagtalunan subalit mayroon nang kaalaman ang magsusulat.

Sintesis na Explanatory
Malaki ang pagkakaiba ng sintesis na explanatory sa argumentative. Ang explanatory na
sintesis ay nakatuon sa paglalahad ng mga impormasyong nakalap para sa paksa. Hindi nito
layunin na maglahad ng argumento. Ang tanging layunin ng manunulat ay maunawaan ng
mga mambabasa ang mga impormasyong nakapaloob sa sintesis sa malinaw at
organisadong paraan ng pagsulat. Ang mga impormasyong ito ay kailangang maipaliwanag
nang mahusay sa paraang madaling maintindihan.

7
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

Ang uring ito ng sintesis ay nangangailangan ng maraming paliwanag at mga suportang


detalye nang sa gayon ay magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa tinatalakay na paksa ang
mga mambabasa. Mahalagang mailarawan ng manunulat ang bawat detalye ng
mahahalagang impormasyon, gaya ng impormasyon tungkol sa tao, bagay, lugar, at
pangyayari. Maaari ding isama ng manunulat ang kaniyang personal na karanasan gaya ng
pakikipanayam o kaya ay pagsama sa mga seminar o kumperensiya na may kaugnayan sa
paksang isinusulat. Siguraduhin lamang na hindi malilihis sa katangian ng akademikong
pagsulat ang binubuong sulatin.

Importante pa rin na banggitin ang mga pinaghanguang mapagkakatiwalaang batis o


reperensiya sa mga paliwanag na ilalahad. Tandaan na ang mga ito ang magpapatibay sa
lahat ng mga impormasyon at paliwanag na isinama sa sintesis.

Paano magiging komprehensibo ang sintesis na


explanatory kung ang katangian ng sintesis ay
maikli lamang?

Batid ng lahat na ang sintesis ay nararapat na maikli lamang, ngunit detalyado at may buong
konsepto kung kaya masasabing komprehensibo pa rin ang nilalaman nito. Upang
masigurong mahusay ang pagkakabuo ng nasabing sintesis ay mahalagang pagtuunan din
ng pansin kung paano ito buuin gaya ng sintesis na argumentative. Mahalagang hatiin ng
manunulat ang paksa sa mga mas maliliit pang paksa at isa-isang talakayin ito. May
sinusunod itong mga tiyak na bahagi sa pagsulat. Narito ang sumusunod:

Panimula
Sa bahaging ito ipinakikilala ang paksa. Dapat na maging malinaw sa simula pa lang kung
ano ang paksang isusulat. Tandaan na ang sintesis na explanatory ay nangangailangan ng
malinaw na pagpapaliwanag at mga mapananaligang pansuportang detalye upang ang
mga mambabasa ay magkaroon ng malinaw na pag-unawa sa paksa. Samantala,
isinasagawa ang mga pagpapalawig at pagpapaliwanag na ito sa katawan ng sulatin.

8
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

Katawan
Sa katawan naman ng sintesis, inilalahad ang iyong mga paliwanag tungkol sa paksa gamit
ang mga pinagkuhanan ng impormasyon. Gagamitin ang mga sangguniang ito sa paglalahad
ng impormasyon sa mga mambabasa upang mahusay na mailahad ang mga impormasyon.
Gayundin, tandaan na kapag naglalahad ng impormasyon, mahalagang mailahad ito nang
malinaw, maayos, at walang halong opinyon o pananaw mula sa manunulat.

Kongklusyon
Sa kongklusyon, dapat maipaliwanag nang malinaw sa mga mambabasa ang
pangkalahatang pinupunto o nais bigyang-pansin ng sintesis. Hindi dapat ito lumikha ng
mga kontrobersiya o pagtatalo tungkol sa paksa. Tandaan, ang layunin ng sintesis na
explanatory ay maipaliwanag o higit na maipaunawa sa mga mambabasa ang paksa. Tingnan
ang talahanayan sa ibaba para higit na madaling unawain kung paano ito bubuuin.

Talahanayan 2: Estruktura ng sintesis na explanatory

Panimula

● Ilatag ang paksa ng sulatin


● Siguraduhing malinaw sa mga mambabasa ang paksa

Katawan

● Unang mahalagang ideya


○ Mahusay na paglalarawan
○ Mahusay na paliwanag
○ Suportang detalye batay sa pinaghanguang batis

● Pangalawang mahalagang ideya


○ Mahusay na paglalarawan
○ Mahusay na paliwanag
○ Suportang detalye batay sa pinaghanguang batis

● Pangatlong mahalagang ideya

9
Yunit 4.2: Mga Uri ng Sintesis

○ Mahusay na paglalarawan
○ Mahusay na paliwanag
○ Suportang detalye batay sa pinaghanguang batis

Kongklusyon

Sa bahaging ito, kailangang naliwanagan sa kabuuan ng paksa ang mga


mambabasa. Iwasang mag-iwan ng anumang kontrobersiya o kalituhan,
sapagkat ang layunin ng sinulat ay magbigay ng unawa sa paksa.

Ang sintesis, sa kabila ng pagiging maikli kung ihahambing sa iba pang uri ng akademikong
sulatin, ay masasabing puno ng impormasyon. Ang isang mahusay na manunulat ay kayang
makapagbigay ng komprehensibong sulatin sa mga mambabasa; may impormasyon,
detalye, paglalarawan, at paliwanag na pinatitibay ng mga literaturang nakalap.

Mga Tip
● Mahalagang alamin ang mga uri ng sanaysay at ayos nito upang
maging mas madaling bumuo ng sintesis.
● Ang sintesis ay isang sanaysay ngunit may pagkakaiba sa bilang ng
mga talata at pagkakaayos ng mismong katawan ng bawat talata.
● Ang kasanayan sa paghihinuha ay mahalagang taglayin ng
manunulat sa pagbuo ng sintesis.

Palawakin

10

You might also like