You are on page 1of 32

Akademikong

Pagsulat
Amoranto, Sandrine Bernadine A.
Pascua, Reiko Mari V.
Akademikong Pagsulat
Ito ay masinop at sistematikong pagsulat
ukol sa isang karanasang panglipunan na
maaring maging batayan ng maraming pang
pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng
lipunan.
01
ABSTRA
K
Abstrak
Ito ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat
ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko
at teknikal, lektyur, at mga report.
Ang abstrak ay tumutukoy sa isang talatang nagbubuod ng
kabuuan ng isang natapos nang pag-aaral. Ito ay kabuuang
nilalaman ng papel, nandirito ang pangunahing kaisipan ng
bawat kabanata sa pananaliksik.
Dalawang Uri ng Abstrak
1. Deskriptibong Abstrak
Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng
isang daan o kulang isang daan na mga salita. Inilalarawan ng
deskriptibong abstrak ang mga pangunahing puntos ng
proyekto sa mambabasa.

Kabilang ang mga background, layunin at pokus ng papel,


ngunit hindi na kabilang ang metodolohiya, resulta at
konklusyon.
Dalawang Uri ng Abstrak
2. Impormatibong Abstrak
Detalyado at malinaw ang mga impormasyon na makikita sa
babasahing ito. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang
daan at limampong salita o higit pa. Binibigyang kaalaman nito
ang mambabasa sa lahat ng mga mahahalagang punto ng
papel.

Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya,


resulta, at kongklusyon ng papel.
Mga nilalaman ng isang Abstrak:
sa Ingles:

● Rationale ● Rationale of the


Saklaw at Problem
Delimitasyon ● Scope and
Resulta at Limitations
Konklusyon ● Results and
Conclusions
02
BIONOTE
Bionote
Ang bionote ay isang maikli at impormatibong talata na
naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa taong
magtatanghal. Inilalahad rin sa isang bionote ang kredibilidad
ng isang tao bilang propesyunal.
Dahil sa bionote, nabibigyan ang mga mambabasa o nakikinig
ng kaalaman ukol sa paksa ng bionote.
Dalawang Katangian ng Bionote
1. Maikli ang nilalaman
Karaniwan ay hindi binabasa ng mga mambabasa ang bionote
kung ito ay mahaba. Sikapin na paiikliin lamang ang pagsulat
ng Bionote para basahin ito at siguraduhin na ang nilalaman
nito ay ang mga importanteng impormasyon lamang.
Dalawang Katangian ng Bionote
2. Gumamit ng pangatlong panauhang pananaw
Laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa
pagsulat ng Bionote kahit na ito ay tungkol sa iyong sarili.
Mga dapat lamanin ng isang Bionote:

● Personal na
impormasyon ● Kaligirang
katulad ng pang-
pinagmulan, edukasyon
edad, buhay (paaralan,
kabataan- digri, at
kasulukuyan karangalan)
03
SINTESIS
Sintesis
Ang synthesis o sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga
impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari-saring
datos mula sa iba’t ibang pinanggalingan (tao, libro,
pananaliksik) ay mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang
malinaw na kabuuan o identidad.

Ito ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Ito ay


para mabigyan ng buod ang mga maikling kwento, mahabang
sulatin, at iba pang tuluyan o prosa.
Proseso
1. Alamin ang layunin
2. Pumili ng sanggunian
3. Buuin ang tesis sulatin
4. Buuin ang plano ng
organisasyon sa sulatin
5. Isulat ang unang burador
6. Ilista ang mga sanggunian
7. Rebisahin ang sintesis
8. Isulat ang pinal na tesis
Tatlong klase
nito:
● Background Synthesis
● Thesis-Driven Synthesis
● Synthesis for the Literature
04
TALUMPAT
I
Talumpati
Tinatawag na talumpati ang anumang buod ng kaisipan at
binibigkas sa mga manonood. Naglalayon itong makahikayat o
mangatuwiran sa mga napapanahong isyu o isang partikular na
paksa.
Layunin din ng mga talumpati na sumang-ayon, tumugon, o
magbigay ng impormasyon sa mga tagapakinig. Karaniwang
ang talumpati ay binibigkas ng tagapagsalita sa isang entablado
at mga paunahing pandangal.
URI NG
TALUMPATI
Uri ng Talumpati

01 02
Talumpating Talamputing
pampalibang nagpapakilala

03 04
Talumpating Talumpating
pangkabatiran
í
nagbibigay-galang
05
Talumpating
nagpaparangal
1. Talumpating Pampalibang
Kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-
salo. Nagpapatawa ang nagtatalumpati sa
pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.
2. Talumpating Nagpapakilala
Tinatawag din itong panimulang talumpati.
Karaniwan itong maikli lalo na kung ang
ipinakikilala ay kilala na o may pangalan na.
Layunin nito ay ihanda ang tagapakinig at pukawin
ang kanilang atensyon sa kahusayan ng
tagapagsalita.
3. Talumpating Pangkabatiran
Ginagamiit sa mga kumbensyon, panayam, at
pagtitipong Pansyentipiko, diplomatiko, at iba
pang samahan ng mga dalubhasa.

Kalimitang makikita sa mga tulumpating ito ang


mga kagamitang pangtulong upang maliwanagan
at ganap na maunawaan ang paksang tinatalakay.
4. Talumpating Nagbibigay-galang
Matatawag din itong talumpati ng pagbati,
pagtugon, o pagtanggap. Ito ay ginagamit sa
pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa isang
panauhin, pagtanggap sa isang bagong kasapi ng
samahan o kasamahang mawawalay.
5. Talumpating Nagpaparangal
Ito ay inihahanda upang bigyang parangal ang
isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga
kabutihang nagawa.
05
REPLEKTIBON
G SANAYSAY
Replektibong Sanaysay
Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga
pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. Ito ay
nangangailangan ng sariling opinyon o perspektibo tungkol sa
isang paksa.

May kalayaan ang pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito


na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o
pangyayaring kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte
1997).
Halimbawa:
● proposal
● konseptong papel
● editoryal
● sanaysay
● talumpati
Mga Bahagi ng
Replektibong Sanaysay

1. Panimula 2. Katawan 3.Kongklusyon


shabu less
Ang panimula ay Ang katawan ng Dito na mailalabas ng
sinisimulan sa replektibong sanaysay ay manunulat ang punto at
pagpapakilala o naglalaman ng malaking kahalagahan ng
pagpapaliwanag ng paksa bahagi ng salaysay, isinasalaysay niyang
o gawain. Maaaring obserbasyon, realisasyon, pangyayari o isyu at mga
ipahayag nang tuwiran o at natutuhan. pananaw niya rito.
di tuwiran ang
pangunahing paksa.
Sanggunian:
- Abstrak. (n.d.). TakdangAralin.Ph. Retrieved September 10, 2021, from https://takdangaralin.ph/abstrak/
- K. (2020a, January 22). Abstrak - Ang Kahulugan Ng Abstrak At Mga Dapat Gawin Dito. Philippine
News. https://philnews.ph/2020/01/22/abstrak-ang-kahulugan-ng-abstrak-at-mga-dapat-gawin-dito/
- Simplesite. (n.d.). Sulating Academicus ~ Sintesis. Sulating Academicus. Retrieved September 10, 2021,
from http://novaloiz.simplesite.com/440444748
- K. (2020, May 7). Ano Ang Synthesis? - Kahulugan At Mga Halimbawa. Philippine News.
https://philnews.ph/2020/05/07/ano-ang-synthesis-kahulugan-at-mga-halimbawa/
- K. (2020c, November 9). Replektibong Sanaysay Halimbawa At Kahulugan Nito. Philippine News.
https://philnews.ph/2020/11/09/replektibong-sanaysay-halimbawa-at-kahulugan-nito/
- Deleon, J. (2016, June 30). Replektibong Sanaysay. Prezi.Com.
https://prezi.com/xjhtdrucf5iu/replektibong-sanaysay/
Sanggunian:
- Elcomblus (n.d.). Elcomblus.Com. Retrieved September 10, 2021, from
https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/
- Alcazar, R. (2017). Bionote. SlideShare. Retrieved September 10, 2021, from
https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815
- Ortiz, A. (2014). Talumpati. SlideShare. Retrieved September 10, 2021, from
https://www.slideshare.net/allanortiz/talumpati-ho

You might also like