You are on page 1of 10

Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larangan Akademik
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

DYNA C. COTONER
Subject Teacher
09663641199
Ano ang Nalalaman Mo
Panimulang Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito.
Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.
____1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis, disertasyon, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang
unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay
makikita o mababasa sa mga dyurnal , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba
pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
____8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o
ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon ____9.Ang
instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral
sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang
Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng
Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
____!0.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A. gamit B. layunin C. kahulugan D. Kalikasan
____11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong
layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
_____13.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at
unang nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____ 14. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa
akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita

1
Aralin Uri ng Paglalagom:
1 Abstrak

Baitang: 12 Markahan: Una

Panahong Igugugol: Ikaapat na Linggo

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:


1. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.CS_FAPU-
0d-f-93

Subukin

Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag ,Isulat ang TAMA kung
ito ay nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.
1.Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa paksang nilalaman sng sulatin o akda.

2.Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral ang natutuhan ang


pagtitimbangtimbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung
ano ang pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na
kaisipan.

3.Ito lamang ang tinataglay ng Abstrak na mahahalagang elemento tulad ng Rasyunali /


Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon.

4.Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat ito ay
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

5.Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa pananaliksik.

2
Balikan
Panuto: PAGKILALA SA PANGUNAHIN AT PANTULONG NA
KAISIPAN.
Tukuyin ang pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa teksto. Sa
puntong ito, isulat ang buong pangungusap sa bawat kaisipan. (Ang pangunahing
kaisipan ay ang punong ideya na makikita sa unahan, gitna at hulihan ng talata. Ang pantulong naman
na kaisipan ay ang sumusuporta sa Punong ideya)

Ang mga coronavirus ay iniisip na kumakalat sa hangin sa pagubo/pagbahing


at malapit na personal na pakikipag-ugnay o sa paghawak ng mga kontaminadong
bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o mata. Ang
Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng
sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle
East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome
(SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa
nakikilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa
mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga
tao. (https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx)

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pangunahing kaisipan

3
Tuklasin
Pagsulat ng Abstrak

Isa sa mga dapat matutunan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng


isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang
sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o nakikinig ang kabuuang
kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang
mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay
marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa
ng paglalagom. Una, natututunan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang
nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng
lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto.
Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. Natutukoy
niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin
ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante. Pangatlo,
nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular na ideya at ang
tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom,
mahalagang ito ay mailahad nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat, ito rin
ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa
pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng
tekstong binubuod.

Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay


nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil sa
mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali sa
mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng
maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang
babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at
pagtatrabaho, mahalagang matutunan mo ang paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na
madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo at sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya
naman, sa arling ito ay lubos mong matututunan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o
buod – ang abstrak, synopsis o buod at bionote.

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga


akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito
ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng
akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract(1997),
bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw
at delimitasyon, resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay
naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.
2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin,
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa
manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na
kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.

4
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan ng
pala-isipan kaugnay sa paksa.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


1.Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga
detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin,
hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pagaaral
o sulatin.
2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy
sa pagsulat nito.
4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat
ipaliwanag ang mga ito.
5.Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan
ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat
ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.Kaya
naman, nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na
maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak.

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak.


2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula
sa introduksyon ,kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng
sulatin.Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel .
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung sagyang
kinakailangan .
5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang kaisipang
dapat isama rito mabuti ang abstrak.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa, sagutin ang mga
katanungan ukol dito.
1. Ano ang kahulugan ng lagom?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
2. Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng
paglalagom?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?
_____________________________________________________________________
____________________________5_________________________________________
4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang Abstrak
?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan
sa pagsulat nito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagyamanin

Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin ang
elemento nito.

KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK


Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng
mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima
(35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral
at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

Narito ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay


Luntian: Rasyunal
Asul : Metodolohiya
Itim : Saklaw at Delimitasyon
Pula : Resulta ng Pananaliksik

Isaisip

Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN: Sumulat ng isang talatang may 5 o higit


pang pangungusap na magbubuod sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan
ang pangunahing kaisipan.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
6
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Isagawa
Panuto :PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang
elemento nito gamit ang matrix.

Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon


Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral
sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing
limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa
kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at
talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas
ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang
diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa
pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global
Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang
tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa
pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa
pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan
sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na
kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

7
1.Introduksyon/Rasyunal 2.Saklaw At Delimitasyon

Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Mag-


aaral sa Ikaapat na Taon

3.Metodolohiya 4.Resulta

Tayahin
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang
kahulugan, kalikasan , mga katan gian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Abstrak . Isulat
ito sa tsart.

Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin – Abstrak ayon sa:


a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90

Abstrak

Kahulugan

Kalikasan

8
Katangian

Layunin

Gamit

Anyo(porma)

Karagdagang Gawain
Panuto: PAGSULAT NG ABSTRAK: Sumulat ng abstrak sa isang
bondpaper mula sa iyong sariling pananaliksik noong ikalawang semestre sa
nagdaang taong-panuruan bilang tugon sa pangangailangan ng asignaturang
“Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”. Sundin ang mga panuntunan sa
pagbuo nito.

You might also like