Professional Documents
Culture Documents
FIL Module 2
FIL Module 2
1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
CS_FAPU-0d-f-93
Paano Mo Matututunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
4
lOMoARcPSD|17406822
6
lOMoARcPSD|17406822
Alamin
Subukin
Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag ,Isulat ang TAMA
kung ito ay nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.
1. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa paksang nilalaman sng sulatin o akda.
Balikan
pantulong na kaisipan
pantulong na kaisipan
pantulong na kaisipan
pangunahing kaisipan
8
lOMoARcPSD|17406822
Tuklasin
Pagsulat ng Abstrak
Suriin
1
lOMoARcPSD|17406822
4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang
Abstrak ?
5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan
sa pagsulat nito?
Pagyamanin
Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin ang
elemento nito.
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng
mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima
(35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral
at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015
Isaisip
Isagawa
1
lOMoARcPSD|17406822
3.Metodolohiya 4.Resulta
Tayahin
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang
kahulugan, kalikasan , mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Abstrak . Isulat
ito sa tasrt.
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin – Abstrak ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90
Abstrak
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
lOMoARcPSD|17406822
Karagdagang Gawain
1
lOMoARcPSD|17406822
Alamin
Subukin
Panuto: PAGTUKOY SA PAKSA: Kilalanin ang tamang sagot sa mga
katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1.Maraming gawain dito ang nangangailangan ng masusing pagbasa.panunuod ,
pagsasalita, pakikinig at pagsusulat.
A. akademiya B.opisina C.kantina D.librai
2. Ito ay isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
A.Abstrak B.Bionote C.Sinopsis D.Hawig
3.Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa . Ito ay :
A. Gamit B. Katangian C.Kahulugan D.Anyo
4. Sa pagbubuod, basahin, panuorin o pakinggan muna ang buong teksto. Ito ay ;
A. Paraan B. Kalikasan C.Kahulugan D.Anyo
5. Ito ay panauhan ng panghalip na gamitin sa pagsulat ng sinopsis .
A. una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
6.Gamitin ito sa paghahabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na
kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
A.Pangngalan B.Pang-ugnay C.Pandiwa D.Pang-ukol
7. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
8.Ito ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di
tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuuan nito.
A.buod B.abstrak C. tesis D. pahayag ng tesis
9. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na
gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
10. Katangian ng gamiting salita sa pagbubuod o pagsulat ng sinopsis upang
makamtan ang layuning makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksyon o akda.
A. matalinghaga B.payak C.tayutay D.idyoma
lOMoARcPSD|17406822
Balikan
Introduksyon/Rasyunal
Metodolohiya
Saklaw at Delimitasyon
Resulta
Tuklasin
Pagsulat ng Sinopsis/Pagbubuod
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang
nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula,
video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buoin ng isang
talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng pahina lamang
ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa pagsulat nito,
mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang
pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa
sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang mga salitang
gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring
lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di-tuwirang nakalahad kaya
mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng
akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit?
Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat
ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito
kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat
at pinanggalingan ng akda .
1
lOMoARcPSD|17406822
1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang
isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa
pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan
ng karakter sa unang pagbanggit nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino
ang nagkukwento.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan
ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod.
Ikinabit ang liham sa isang ginawang saranggola at ipinailanlang ito sa kalawakan upang
tangayin ng hangin.
Sa ibayong dagat, nakita ng Hai Seng ang saranggola habang nangungulila itong
nakatanaw sa dalampasigan. Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may layag na
gawa ng mga kasamahan sa pulo.Laking tuwa niya nang matanaw ang tuktok ng bundok
at makita ang asawa at hipag. Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking alon
ang kanyang sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita ito ng maghipag. Agad silang
bumaba ng bundok at tinangka siyang sagipin ngunit pati sila’y nilamon ng mabagsik na
karagatan.Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito , nagtayo sila ng pagoda sa salansan
ng mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng Maghipag o Ko
So Thah.
Suriin
5. Bakit kailangang basahin o panoorin ang buong seleksyon ,akda o pelikula bago ka
sumulat ng buod ?
6..Kunin ang mga panghalip na panao na nasa ikatlong panauhan na maaaring( isahan
at maramihan) mula sa halimbawang sinopsis. “Ang Alamat ng Ko So Thah” hal. sila
1
lOMoARcPSD|17406822
7. Kunin din ang lahat ng pandiwang(verb) nasa pangkasalukuyang aspekto sa “Ang Alamat
ng Ko So Tah” hal. naninirahan -
Pagyamanin
Pamagat/
May-akda
Simula/
Tagpuan
Gitna
Wakas
Kinalabasan/Resolusyon
1
lOMoARcPSD|17406822
Isaisip
Isagawa
“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay patakbo
siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po ako sa
Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit tinawag
ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan
ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang pinatabang
guya at tayo'y kumain at magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit
2
lOMoARcPSD|17406822
siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y nagdiwang. 25 “Nasa bukid
noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, narinig niya ang
tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, ‘Bakit? Ano'ng
mayroon sa atin?’ 27 ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng alila. ‘Ipinapatay po ng
inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy at
walang sakit.’ 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya
ng kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya, ‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob
ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako
binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami ng aking mga
kaibigan. 30 Subalit nang dumating ng anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan
sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!’ 31 Sumagot ang
ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang
na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay;
nawala, ngunit muling natagpuan.’
Tayahin
Sinopsis
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
2
lOMoARcPSD|17406822
Karagdagang Gawain
SIMULA
WAKAS SAGLIT NA
KASIGLAHAN
KAKALASAN KASUKDULAN
2
lOMoARcPSD|17406822
Alamin
Subukin
Panuto : PAGKILALA SA PAKSA: Basahin at suriin ang mga katanungan at piliin ang
titik ng angkop na sagot. Isulat ito sa patlang.
1.Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao. Katu-
katulad ito sa talambuhay o kathambuhay ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.
A.Bionote B.Abstrak C.Tesis D. Sinopsis
2. Ito ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon na kalimitang ginagamit o
pinapahayag tungkol sa isang tao na panauhin, magtatanghal o sinumang ipakikilalala sa
isang kaganapan. Minsan ay maaaring makita rin ito sa likuran ng mga pabalat ng aklat at
kadalasan ay may katabi itong piktyur ng may-akda.
A. Sinopsis B.Abstrak C.Tesis D.Bionote
3. Ito ay karerang madalas na makikita o mababasa sa journal , aklat ,abstrak ng
mga sulating papel, web sites at iba pa.
A.Negosyo B. Medikal C.Akademiko D.Arkitektural
4.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
5. Ang Bionote ay maikli at siksik ang nilalaman. Ito ay
A.layunin B.anyo C.katuturan D.katangian
6.Ginagamit ang hugis na ito tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong
sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
7.Ang salitang ito ay gamitin upang madali maunawaan at makamit ang totoong
layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
lOMoARcPSD|17406822
8.Isulat gamit ang panauhan ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
A.una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
9.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala
at unang nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
10. Ang Bionote ay nabibilang sa pahayag na nagbibigay ng kaalaman sa mga
mababasa ukol sa kasanayan ng may-akda at mga parangal at nakamit nito.
A. naratibo B.impormatibo C.ekspresibo D.deskriptibo
Balikan
--- S
--- I
--- N
--- O
--- P
--- S
--- I
--- S
Tuklasin
PAGSULAT NG BIONOTE
2
lOMoARcPSD|17406822
https://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-yourself.html.
Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag
,koordineytor at may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”
Katangian ng Bionote
1. Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon,
2. Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging gumagamit ng
pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya
ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan .
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang ang
mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga
administrador ng paaralan , kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano
ang hinahanap nila.
4. Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa
bionote .
PINAKAMAHALAGANG IMPORMASYON
MAHALAGANG IMPORMASYON
DI-GAANONG
MAHALAGANG
IMPORMASYON
https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815
2
lOMoARcPSD|17406822
Suriin
2. Sinasabing ang Bionote ay kinikilalang isang marketing tool, ano sa palagay mo ang
dahilan?
Pagyamanin
Panuto : BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA: Buuin sa isang talata ayon sa pagkakasunod-
sunod ang bionote ng isang manunulat ng aklat na “Filipino sa Piling Larangan (Akademik).
Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at araling Filipino.
Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang pamatasan at
institusyong pangkultura.
Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines -
Diliman.
Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya
(1999) ,at nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at Ambagan : Mga
Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa Filipinas na kapwa proyekto ng Filipinas Institute of
Translation sa UP Press.
lOMoARcPSD|17406822
Isaisip
Isagawa
Tayahin
Bionote
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)
2
lOMoARcPSD|17406822
Karagdagang Gawain
Lagom
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
Panuto: Batay sa natutunan mo sa buong modyul , basahin at sagutin ang mga
katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1.Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
B. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
2.Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong
naratibo tulad ng kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
3.Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
4.Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis,disertasyon,papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
5.Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit
kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
6.Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas
ay makikita o mababasa sa mga 30akita30 , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites
at iba pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
7.Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang
sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
8. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o
ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
9.Ang 30akita30enting ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana”
na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. Ng Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
!0.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
11.Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang
totoong layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
12.Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong
sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
3
lOMoARcPSD|17406822
13.Unang isulat sa bionote upang 31akita agad ang katauhan ng taong ipinakilala
at unang nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
14Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
15.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari
sa akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita