You are on page 1of 2

Cabulohan-Paradise National High School

Cabulohan, Cabanglasan, Bukidnon


Unang Markahang Pagsusulit
November 2, 2022

Pangalan:__________________________________________Taon at Pangkat:__________________________ Score: ________

Pangkalahatang Panuto: Basahing mabuti at unawain. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Test I. PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN: Kilalanin ang mga halimbawa ng Akademikong Sulatin. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
A. Panunuring Pampanitikan B.Bibliyogarapiya C.Tesis D.Artikulo E.Konseptong papel
F.Pamanahong papel G.Disertasyon H.Pagsasaling-wika I.Aklat J.Abstrak
___1. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring
nakaranas na ring makagawa ng ganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
___2. Panimulang pag-aaral o proposal, ito ay kabuuan ng ideyang nabuo mula sa isang balangkas o framework.
___3.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat. Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang
pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer
at Masterado.
___4.Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa para sa titulong doktor.
___5. Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng manunulat.
___6. Mga pahayag, ideya, o ilang uri ng panitikang na sa isang wika ay ihahayag sa ibang anyo ng wika.
___7.Kalipunan ng mga kaalaman para sa kapaki-pakinabang paghahatid ng karunungan.
___8. Ito ay sulating naghahatid ng iba’t ibang impormasyon na may kinalaman sa iba’t ibang paksa gaya ng mga nangyayari sa ating
lipunan, kalusugan, isports, negosyo, at iba pa.
___9.Ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin o pablikasyon. Kasama rin ang posisyong papel, sintesis,
bionote, panukalang proyekto, talumpati, katitikan ng pulong, replektibong sanaysay,pictorial essay,at lakbaysanaysay.
___10.Uri ng paglalagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis at papel na siyentipiko.
Para sa bilang 11 – 20, tukuyin kung ang layunin ng pagsagawa ng pagsulat ay Personal o Panlipunan.
__________11. Sanaysay ____________12. Maikling Kuwento ____________13. Tula _________14. Dula _________15. Awit
__________16. liham ____________17. Balita ____________18. pananaliksik _________19. Tesis ____________20. Disertasyon

Test II. Pagpipili. Para sa bilang 21 – 50, itiman ang titik ng tamang sagot.
A B C D
O O O O 21.Alin sa mga makrong kasanayan ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito
ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. A.Pakikinig B.Pagbabasa, C.Panonood D.Pagsulat
O O O O 22. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang
tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipagugnayan sa tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa
ang hindi kapangkat/kasama ng transakyonal? A.kwento B.pananaliksik C.sulating panteknikal D.balita
O O O O 23.Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal
sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang
ginawang pananaliksik. A.Malikhain B.Teknikal C.Akademiko D.Reperensyal
O O O O 24.Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling
propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum,
para sa doctor o nars paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.
A.Malikhain B. Propesyonal C.Dyornalistik D. Teknikal
O O O O 25. Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikut ang
buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging makabuluhan, at wasto
ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
A.Paksa B. Wika C.Layunin D.Pamamaraan ng Pagsulat
O O O O 26.Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon
na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang
pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad. A.Paksa B.Wika C.Layunin D.Kasanayang Pampag-iisip
O O O O 27.Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
A.Naratibo B.Ekspresibo C.Impormatibo D.Argumentatibo
O O O O 28.Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa
mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo at subhetibo.
A.Argumentatibo B.Naratibo C.Ekspresibo D.Deskriptibo
O O O O 29.Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadulubhasaan .
Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig, pagsasalita ,panonood ,at pagsulat ang napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa
larangan. Analisis ,panunuring kritikal , pananaliksik , at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
A.opisina B.akademiya C.librari D.entablado
O O O O 30.Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na batay sa aking
pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
A.Obhetibo B.Pormal C.Maliwanag at Organisado D.May Paninindigan
O O O O 31.Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong
midyum ng paghahatid ng mensahe ,ang wika. A.Pakikinig B.Pagbabasa C.Pagsasalita D.Pagsusulat
O O O O 32..Ayon sa kanya sa kanyang aklat na “Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino ”(2012) ,Ang
Pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais
niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
A.Cecilia Austera et.al. B.Royo C.Dr.Eriberto Astorga Jr. D.Edwin Mabilin et al.
O O O O 33.Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May ilang nasa sekondaryang antas ang
maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
A.Pamanahong papel B.Tesis C.Konseptong papel D. Artikulo
O O O O 34.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat. Ginagawa ito ng isang indibidwal
bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng
kursong Batsilyer at Masterado. A.Posisyong Papel B.Tesis C.Konseptong papel D. Artikulo
A B C D

O O O O 35. Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit
ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa
totoong buhay. A.Obhetibo B.Estruktura C.Subhetibo D.Anyo
O O O O 36. Ito ay ang pinasimple o pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
A. Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
O O O O 37. Isang uri ng paglalagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng
kwento,salaysay ,nobela,dula,parabula at iba pa.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
O O O O 38. Uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
O O O O 39. Uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, disertasyon,
papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur at mga report.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
O O O O 40. Ito ay bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat ngunit kadalasang unang binabasa
ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
O O O O 41. Isang tala sa buhay ng tao na naglalaman ng kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga dyurnal , aklat , abstrak ng mga sulating papel websites at iba pa .
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
O O O O 42. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita.
A.Abstrak B.Sinopsis C.Bionote D.Lagom
O O O O 43. Elemento ito ng Abstrak na naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
A.Metodolohiya B.Delimitasyon C. Panimula D. kongklusyon
O O O O 44. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat
na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na
ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. (bahagi ito ng hal. ng Abstrak)
A.Saklaw at Delimitasyon B.Metodolohiya C.Introduksyon D.Resulta
O O O O 45. Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na impormasyon tungkol sa
sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
O O O O 46. Ang salitang ito ay gamitin upang madaling maunawaan at makamit ang totoong layunin nito na
maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
O O O O 47. Gumagamit ito ng hugis tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang
pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado
O O O O 48. Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong ipinakilala at unang nakarehistro sa
kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
O O O O 49. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
O O O O 50.Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot
dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita

Inihanda ni: ANEROSE M. DASION


SST-I

Pangalan at Lagda ng Magulang:___________________________________

Petsa ng Paglagda:______________________________________________

You might also like