You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu City
SIRAO INTEGRATED SCHOOL
Tawagan, Sirao, Cebu City

NAME:____________________________________________DATE : ____________________GRADE & SECTION: _______________________

FILIPINO SA PILING LARANGAN


Panuto: Suriin ang mga talata batay sa uri ng pagsulat. Piliin ang mga kasagutan sa ibaba (A-F). Isulat ang iyong
kasagutan sa isang buong papel. Sulatan ng pangalan baitang/seksyon at bilang ng modyul.

A. Malikhaing Pagsulat D. Dyornalistik na Pagsulat


B. Teknikal na Pagsulat E. Reperensyal na Pagsulat
C. Propesyonal na Pagsulat F. Akademikong Pagsulat

___________1. Ito ay uri ng pagsulat na para sa tiyak na larangan sa akademya.


___________2. Ito ay uri ng pagsulat na ginawa upang bigyang kalinawan o lutasin ang isang problema o suliranin.
___________3. Ang pagsulat na ito ay ginawa upang magbigay ng aliw, pumukaw ng damdamin, makaantig ng
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa.
___________4. Ang uri na ito ng pagsulat ay tinutukoy na isang intelektuwal na pagsulat kung saan kinakailangan ang
isang masusing pagsisiyasat at pananaliksik.
___________5. Ang pagsulat na ito ay may kaugnayan sa pamamahayag kung saan ang isang mamamahayag ay
kinakailangan pinapahalagahan ang totoo, obhetibo, at makabuluhang balita.
___________6. Sa oras na 11:50 ng gabi ng Setyembre 14, 2014. Iniulat at humingi ng police assistance ang tanod ng
Bano, Legazpi City sa hinihinalaang naganap na behikular na aksidente sa Vinzon St., Albay District, Legazpi City.
___________7. Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas(PUP),
Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga BatangEdukador ng Wikang Filipino at mga
Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa MalikhaingPagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan
___________8. Ang kaibigan, para sa akin, ay maaaring bagay o hayop. Pero ayon sa iba, ito ay kadalasang tao. Ang
kaibigan ay isang taong mapagkakatiwalaan, matapat, maaasahan o masasandalan sa oras ng pangangailangan.
___________9. Dito sa Pilipinas, nananatili pa ring tatlo ang nagpositibo at pawang Chinese ang mga biktima na
nakauwi na sa kanilang bansa. Isa naman ang naiulat na namatay. Wala pang Pinoy na direktang nahawahan ng
sakit. Ibig sabihin, naipatutupad ng pamahalaan ang mga pag-iingat at sinisigurong walang makakapasok na may
taglay na virus.
___________10. Sa kasalukuyang siglo, ang edukasyon ay karaniwang dinadala ng mga paaralan at iba pang
organisasyon. Hindi rin kaila na ang makabuluhang mga bagay na nasa komunidad ay naaapektuhan ng malaki sa
pamamagitan ng media (Dushkin/ McGraw-Hill, 2000).
______11. Magsisilbi itong gabay sa isang manunulat sa kanyang pagsulat kaya mahalagang matiyak ito sa pagsulat.
Magiging matagumpay ang pagsulat kung matutugunan ng mga mambabasa ang mga ito na itinakda sa sulatin.
A. Layunin B. Pamamaraan ng Pagsulat C. Paksa D. Wika
______12. Ito ay mahalaga sa isang akda na isusulat dahil ito ang iikutan ng mga ideyang dapat nakapaloob sa akda.
A. Layunin B. Pamamaraan ng Pagsulat C. Paksa D. Wika
______13. Ang layunin sa pagsulat nito ay manghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa.
A. Pamamaraang Argumentatibo C. Pamamaraang Impormatibo
B. Pamamaraang Ekspresibo D. Pamamaraang Naratibo
______14. Magiging epektibo ang isang sulatin kung ang paghahabi o pagdugtong-dugtong ng mga ideya nito ay mula
sa simula hanggang sa wakas ay maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan.
A. Pamamaraan ng Pagsulat B. Kasanayang Pampag-iisip
C. Kasanayan sa Paghabi ng Bagong Sulatin D. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan sa Pagsulat
______15. Mahalagang isaalang – alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika lalo na sa wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang
pangungusap, pagbuo ng talata, at higit sa lahat ang masining at obhetibong pagdugtong-dugtong ng mga kaisipan
upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
A. Pamamaraan ng Pagsulat B. Kasanayang Pampag-iisip
C. Kasanayan sa Paghabi ng Bagong Sulatin D. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan sa Pagsulat
______16. Ito ay katangian na dapat taglayin ng akademikong pagsulat na nagsasabing dapat iwasan ang paggamit
ng mga di-pormal na salita sa akademikong pagsulat.
A. obhetibo B. maliwanag at organisado C. pormal D. may paninindigan
______17. Ang pagiging ________________ay katangian ng akademikong pagsulat na kung saan dapat may kaisahan ang
mga parirala at mga pangungusap sa pangunahing paksa.
A. obhetibo B. maliwanag at organisado C. pormal D. may paninindigan
______18. Ang isang manunulat ay kailangan maging matiyaga sa pananaliksik at pagsisiyasat sa paksang kanyang
napili at hindi siya pabago-bago ng paksa. Anong katangian ito ng akademikong pagsulat.
A. obhetibo B. maliwanag at organisado C. may pananagutan D. may paninindigan
______19. Isa sa mga katangian ng akademikong pagsulat ay kinakailangan ang pawang katotohanan lamang ang
isusulat ng manunulat na batay sa kanyang mga nakalap na datos sa pananaliksik. Anong katangian ito ng
akademikong pagsulat?
A. obhetibo B. maliwanag at organisado C. may pananagutan D. may paninindigan
______20. Ang isang mananaliksik ay kailangang maging responsible sa kanyang mga ginamit na impormasyon at
kinakailangan niyang kilalanin ang pinagkunan niya ng impormasyon sa kanyang pagsulat. Anong katangian ito ng
akademikong pagsulat?
A. obhetibo B. maliwanag at organisado C. may pananagutan D. may paninindigan
21. Ito ay isang uri ng buod o lagom na karaniwang napaloloob sa pagsulat ng mga akademikong sulatin
tulad ng tesis, dyornal, disertasyon, siyentipiko at teknikal na papel.
A. abstrak B. buod C. bionote D.
sintesis
22. Kung ang abstrak ay naglalaman lamang ng paglalarawan sa kaligiran, layunin, at paksa ng papel ito ay
nasa___.
A. Deskriptibong Abstrak C. Naratibong Abstrak
B. Impormatibong Abstrak D. Prosidyural na Abstrak
23. Kung ang ginawang abstrak ay mula sa pag-aaral na may pamamaraan, resulta at kongklusyon ito ay
nasa_____.
A. Deskriptibong Abstrak C. Naratibong Abstrak
B. Impormatibong Abstrak D. Prosidyural na Abstrak
24. Ang mahusay na katangian ng abstrak ay binubuo ng _______________.
A. 150- 200 na salita B. 250-350 na salita C. 200-250 na salita D. 350-500 na
salita
25. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagsulat ng abstrak maliban sa;
A. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
B. Buoin gamit ang mg talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng sulatin. Isulat ito
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel.
C. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksiyon, kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at kongklusyon.
D. Maglagay ng mga ilustrayon, graph, table, at iba pa maliban na lamang kung sadyang kinakailangan.

A. Abstrak G. Kaisipan o datos


B. Abstractus H. Obhetibo
C. Deskriptibong Abstrak I. Pananaliksik
D. Harper J. Payak, malinaw at direkta
E. Ilustrasyon, graph at talahanayan K. Susing salita
F. Impormatibong Abstrak L. Talata
_____26. Ito ay isang masusing pagsisiyasat, pagsusuri at pag – aaaral ng phenomena.
_____27. Binibigyang-pansin ng abstrak na ito ang kaligiran, layunin at paksa ng pag – aaral.
_____28. Siya ang nagsabi na ang kahulugan ng salitang abtrak ay drawn away o extract form.
_____29. Ang isang abstrak ay naglalaman ng mga hudyat na salitang nagiging gabay sa mga mambabasa nito.
_____30. Isang uri ito ng abstrak na inilalarawan ang pangunahing ideya ng isang pag – aaral o pananaliksik.
_____31. Ito ay isang buod ng isang pananaliksik, tesis, disertasyon, o dyornal na naglalaman ng kabuoang nilalaman
ng isang pag – aaral.
_____32. Ito ang pinakadapat iwasang makita sa isang abstrak na maaaring maging dahilan sa paghaba ng ganitong
uri ng akademikong sulatin.
_____33. Nararapat lamang na ilahad ng mananaliksik sa abstrak ang mga pangunahing kaisipan na hindi na
nangangailangan ng paliwanag.
_____34. Isa sa mga mahalagang dapat tandaan sa pagbuo ng abstrak ay paggamit ng mga pangungusap na madaling
maunawaan ng mga mambabasa at hind maging maligoy ang nilalaman nito.
_____35. Inilalahad ng uri na ito ng abstrak ang mga pangunahing konsepto o ideya na nagsisilbing buod sa
kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta at kongklusyon sa isang pananaliksik.

A. Garcia G. Obhetibo
B. Griyego H. Paghabi ng mga Pangyayari
C. Harper I. Prosidyural
D. Katangian ng Sintesis J. Sekwensiyal
E. Kronolohikal K. Sinopsis
F. Layunin ng Sintesis L. Tono
____36. Ang sinopsis ay naglalahad ng pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.
____37Ito ay isang uri ng pagbubuod na kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo.
____38. Sa pagsulat ng sinopsis mahalagang tandan na ito ay dapat hawig sa orihinal na sipi nito.
____39. Ang pagbubuod ay dapat gumagamit ng angkop ng pang-ugnay upang maging maayos ito.
____40. Ito ay pagkasunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa pangyayari.
____41. Ang wikang ito ay pinagmulan ng salitang syntithenai na nangangahulugang combine sa wikang Ingles.
____42. Ang nilalaman sa isang artikulo, teksto o akda ay siyang pagbabatayan sa haba at bilang ng pangungusap at
talata sa pagsulat nito.
____43. Ang uri ng pagkasunod-sunod na ito ay ginagamitan ng mga pananadang naghuhudyat gaya ng una,
pangalawa, pangatlo, susunod at iba pa.
____44. Naglalayong maisulat sa isang sintesis ang pangunahing kaisipang taglay ng orihinal na akda sa
pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito.
____45. Siya ang nagbigay ng pagpapakahulugan sa sintesis na pagsama-sama ng mga ideya, impormasyon at
mahahalagang punto upang mabuod ang napakahabang teksto.

You might also like