You are on page 1of 5

FILIPINO REVIEWER

PAGSULAT
 Ang pagsulat ay alinmang sistema ng komunikasyong nakabatay sa kumbensiyonal, (mala) permanente, at
nakikitang simbolo.
 Ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng mga grapikong pahayag (Rogers, 2005).
 Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat. Napagkasunduan na tumbasan ng mga titik, ang sistema ng pagsulat.
Ang kabuluhan ng pagpapahayag.
 Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord at pagrereserba ng wika.
 Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat (Fischer, 2001).
 Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
 Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon (Goody, 1987).

AKADEMIKONG PAGSULAT

 Tinatawag itong intelektuwal na pagsulat.


 Isang uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip.
 Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko at propesyonal, ito ay isang pangangailangan.

Mga halimbawa ng akademikong sulatin:

 Abstrak  Katitikan ng pulong


 Bionote  Agenda
 Panukalang proyekto  Posisyong papel
 Talumpati  Photo essay
 Sintesis  Lakbay-sanaysay
 Repleksibong sanaysay

Mga Katangian ng akademikong sulatin:

Personal na Pagsulat Akademikong Pagsulat

o impormal ang wika o pormal


o magaan ang tono o obhektibo
o maligoy ang paglalahad o may kalinawan
o may pananagutan
o may paninindigan

Mga Pamantayan:
 Nakadepende sa sitwasyon o kahingian
 Mahalagang alamin ang potensiyal ng magbabasa
Mga Layunin sa Akademikong pagsulat:

Magpabatid Manghikayat
Nagbibigay ng kaalaman at paliwanag. Layuning kumbinsihin at
Mang-aliw
Akademikong akda na naisusulat sa
parang malikhain.

Mga gamit sa akademikong pagsulat:


 Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.
 Enumerasyon – pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri.
 Order – pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso.
 Paghahambing o Pagtatambis – pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng tao, lugar, kosepto, at iba
pa.
 Sanhi at Bunga– paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto.
 Problema at Solusyon– suliranin at mga posibleng lunas sa mga ito,
 Kalakasan at Kahinaan– positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon.

Anyo ng Akademikong Sulatin:

 Pamumuna  Anotasyon ng bibliography


 Manwal  Artikulo sa journal
 Ulat  Rebyu ng mga mag-aaral
 Sanaysay  Metaanalysis
 Balita  White paper
 Editoryal  Liham
 Encyclopedia  Korespondensiya opisyal
 Rebyu ng aklat, pelikula, o sining-biswal  Autobiography
 Tesis  Memoir
 Disertasyon  Plano ng pananaliksik
 Papel- pananaliksik  Konseptong papel
 Pagsasalin  Mungkahing saliksik

ABSTRAK
 mula sa Latin na abstracum
 maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon
 maituturing na mukha ng akademikong papel
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak

• Inilalarawan nito sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng papel • Ipinahahayag nito sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.
• Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel o artikulo • Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta, at
• Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na isinasama ang pamamaraang kongklusyon ng papel.
ginamit, kinalabasan ng pag-aaral at kongklusyon. • Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata
• Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa humanidades at agham lamang.
panlipunan, at sa mga sanaysay sa sikolohiya. • Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham at inhinyeriya o sa
ulat ng mga pag-aaral sa sikolohiya.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak

1. Basahing muli ang papel. Hanapin ang mga bahaging ito: Layunin, pamamaraan, sakop, resulta, kongklusyon at
rekomendasyon.
2. Isulat ang unang draft ng papel.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan.
4. I-proofread ang pinal na kopya.

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak


1. Binubuo ng 200-250 salita
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng impormasyon
3. Kompleto ang mga bahagi
4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel
5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa

BIONOTE
 Impormatibong talata na nagpapaalam sa mga
mambabasa kung sino ka o ano-ano na ang mga
nagawa mo bilang propesyonal.
 Maituturing na isang marketing tool. Ginagamit ito upang itanghal ang mga pagkilala at mga natamo ng
indibidwal.

Mga Katangian ng mahusay na bionote:

 Maikli ang nilalaman


Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang impormasyon. Iwasan ang
pagyayabang.
 Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw
Tandaang laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa
ay tungkol sa iyong sarili.
 Kinikilala ang mambabasa
Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay
administrador ng paaralan, kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
 Gumagamit ng baligtad na tatsulok
Kinakailangang ilagay sa unang bahagi ang mga mabibigat at pinakaimportanteng impormasyon ng
isang indibidwal.
 Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote.
 Binabanggit ang degree kung kailangan
Kung may master’s degree o PhD sa linggwistika, halimbawa, ikaw ay nagsusulat ng artikulo tungkol
sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
 Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
Siguruhin na tama at totoo ang impormasyon.

REPLEKSIBONG SANAYSAY

 Pagsusuri at pag-unawa sa sariling pag-iisip, damdamin, o kilos.


 Isang gawaing humahamon sa mapanuring pag-iisip.
 Proseso ng pagtuklas.

Mga Katangian ng Repleksibong Sanaysay:

o Personal at subhetibo ang sanaysay.


o Sumusunod sa mga kumbensiyon ng
akademikong pagsulat.

Pagsulat ng Repleksibong Sanaysay

1. Magtanong ng magtanong- tanungin ang sarili ng mga personal na tanong .

2. Ibuod ang mga sagot- ilista ang mga sagot sa mga tanong.

3. Ibuod ang tesis ng sanaysay- mag-iwan ng mga tanong o hamunin ang mga mambabasa.

4. Balikan ang mga unang taong- para masiguro ang katapatan.

POSISYONG PAPEL

 Sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o usapin


 Kailangang pumosisyon sa isang panig
 Layunin nito ay kumbinsihin ang mga mambabasa na may saysay at bisa ang mga argumentong inihain
 Nasa simpleng anyo ng liham sa editor, sanaysay, akademikong posisyong papel o opisyal na pahayagan

Mga katangian ng Posisyong Papel:

o Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipaliwanag ang basehan sa likod nito
o Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari)
o Hindi gumagamit ng personal na atake
o Gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad
o Sinusuri ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon maging ang sa kabilang panig
o Gumagamit ng akademikong lengguwahe
Pagsulat ng Posisyong Papel:

1. Tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon ng papel


2. Magpasiya kung ano ang magiging posisyon
3. Sa introduksiyon, talakayin ang kaligiran at kahalagahan ng paksa at ilahad ang iyong posisyon
4. Sa katawan, ibuod ang mga argumento ng kabilang panig at pahinain ang mga argumentong ito

5. Iisa-isahin ang mga argumento, opinyon, at suportang detalye.

A. ILATAG ANG UNANG ARGUMENTO


1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
B. ILATAG ANG PANGALAWANG ARGUMENTO
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
C. ILATAG ANG PANGATLONG ARGUMENTO
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya

6. Sa konklusyon, muling ilahad ang mga pangunahing argumento at patatagin ang introduksiyon at katawan ng
papel.

You might also like