You are on page 1of 3

Ang talumpati ay pagpapahayag ng mga kaisipan, pananaw, at saloobin ng isang tao sa harap ng madla.

Ito ay maaaring magdulot ng sigla o lugod, magbigay-papuri, o magbigay ng katwiran. Nauuri ang
talumpati ayon sa pagkakataon, okasyon, o pagdiriwang (Villanueva at Bandril, 2016

Ayon kay Nakpil (1997), ito ay isang sangay ng panitikang nagpapahayag ng kaisipan upang basahin o
bigkasin sa harap ng mga taong handang makinig. Ito ay maaaring may layong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman, at maglahad ng isang paniniwala.

Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan sa paraang pasulat at pasalita.

● Impromptu o Dagliang Talumpati - ito ay biglaang talumpati kung saan ibinibigay ang paksa sa
oras na mismo kung kailan magsasalita.

● Extempore o Extemporaneous Speech - Ang talumpating ito ay binibigyan naman ng kahandaan


ang mananalumpati subalit limitado lamang sa pagitan ng pagkuha ng paksa at mismong
paligsahan.

● Isinaulong Talumpati o Talumpating Handa - sa ganitong uri, ang mananalumpati o


tagapagsalita ay binibigyan ng panahon sa pagsulat o paggawa ng kaniyang talumpati.

● Binabasa ang manuskrito o pagbasa ng papel sa panayam o kumperensiya - makikita sa


talumpating ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensiya

Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

● Talumpating Nagbibigay-Impormasyon

● Talumpating Nanghihikayat

● Talumpating Okasyunal o Nang-aaliw

● Talumpating Nagpapaliwanag

Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

● Talumpating Nagpapakilala

● Talumpati sa Pagkakaloob ng Gantimpala

● Talumpati ng Pamamaalam

● Talumpati ng Eulohiya

Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin

● Talumpating Nagbibigay-Impormasyon

● Talumpating Nanghihikayat

● Talumpating Okasyunal o Nang-aaliw

● Talumpating Nagpapaliwanag
Mas mainam ang maikling bionote dahil mas maraming tao ang magbabasa. Kung maikli, mas madaling
maaalala ang impormasyon tungkol sa paksa.

Sa pagsulat ng bionote, panatilihing maikli lamang ang paraan ng paglalahad at tiyakin ang
mahahalagang impormasyon (kasanayan o katangian) ng awtor na may kaugnayan o naaangkop lamang
sa paksa ang tuon nito.

Ang bionote at biography ay parehong naglalahad ng impormasyon tungkol sa indibidwal. Higit lamang
na mas mahaba at detalyado ang nilalaman ng biography kaysa bionote. Ang bionote ay maikli ngunit
siksik naman sa impormasyon.

Ang biography o talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang
tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon. Tulad ng bionote, ito ay naglalahad ng
buhay ng isang indibidwal.

Dahil ang bionote ay may layuning magbigay-pagkilala sa mga natatanging katangian, kasanayan,
natamo, o parangal ng isang indibidwal o manunulat, tiyaking ang paraan ng pagkakalahad nito sa
kabuuan ay hindi waring nagyayabang.

Ang bionote ay isang anyo ng sulatin na nagpapakilala ng isang tao. Makikita ito sa likod ng mga aklat na
nagpapakilala ng isang manunulat, gayundin sa huling bahagi ng isang pag-aaral o papel-pananaliksik.

Ibinubunga ang sintesis ng pagsisikap ng manunulat na makabuo ng isang malamang talakayan hinggil sa
napiling paksa nang hindi nangangailangang isa-isahin ang bawat nakalap na impormasyon at mga
sanggunian nito.

● Bago Sumulat ng Sintesis. Ito ang mga paghahandang kailangang tugunan ng manunulat sa
gagawing pagsulat ng sintesis.

● Aktuwal na Pagsulat ng Sintesis. Ito ang mismong pagsulat ng sintesis na nakabatay sa kayarian
ng mga bahaging bumubuo sa isang sintesis.

● Pamagat. Kinakatawan nito ang pagkakakilanlan ng sintesis.

● Panimula. Ito ang maglalaman ng pangkalahatang pananaw na katumbas ng saklaw ng talakayan


ng kabuuan ng teksto.

● Katawan. Ito ang maglalaman ng mga pangunahing ideya, kasama ang mga susog na paliwanag
at mga kalakip na patunay, na nagsisilbing suportang impormasyon at paglalahad upang
mapagtibay ang kawastuhan ng pangkalahatang pananaw.

● Pangwakas. Nilalaman nito ang kahalagahan at kaugnayan ng paksang tinalakay sa kasalukuyang


panahon, kalagayang panlipunan, at/o buhay ng mambabasa.

● Sikwensiyal – Ito ang paggamit ng mga panandang hudyat ng pagkasusunod-sunod tulad ng una,
pangalawa, panghuli, o iba pa depende sa dami ng iniisa-isang detalye.

● Kronolohikal – Ito ang pagsusunod-sunod ng mga impormasyon o detalyeng ayon sa kaganapan


ng mga pangyayari.
● Prosidyural – Ito ang paglalahad ng sunod-sunod na proseso ng paggawa ng isang tiyak na
gawain.

● Ang aktuwal na pagsulat ng sintesis ay ang pagtugon ng manunulat sa pagbubuo ng mga


pahayag at talakayang tutugon sa kahingian ng bawat bahagi ng sulatin—pamagat, panimula,
katawan, at pangwakas.

● Ang mahusay na sintesis ay bunga ng malalim na pagkaunawa at pagsusuri ng manunulat sa


kaniyang paksang tinatalakay. Habang ang mabisang sintesis ay gumagamit at naglalahok ng
mga impormasyon at kaisipang hango lamang sa mga mapagkakatiwalaang sanggunian

Ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng impormasyon sa pinaikling paraan upang ang
mapagsama-sama at mapag-isa ang mga magkakaugnay na datos mula sa iba’t ibang sanggunian.

Ang sintesis ay isang uri ng sulatin na naglalahad ng orihinal na teksto sa mas maikli ngunit kumpleto
at detalyadong paraan. Pagsasama-sama rin ito ng iba't ibang sanggunian upang makabuo ng isang
akda.

● Eksplanatori. Naglalayon itong tulungan ang mambabasa na maunawaan ang paksa.

● Argumentativ. Naglalayon itong maglahad ng pananaw ng sumulat.

• Bionote - inilalahad ang kredibilidad bilang manunulat.

• Biodata - hinihingi ang personal na impormasyon katulad ng sa resume

• Curriculum vitae - mga detalye tungkolsa natamong eduykasyon, nakaraang trabaho at


kasanayang may kaugnayan sa trabahong pinapasukan.

You might also like