You are on page 1of 9

Takdang-aralin

Name: Kate Valerie L. Cabriana Subject: Filipino 3


Grade&Strand: 12 ABM-5A
Panuto: magsaliksik at ibigay ang kahulugan,kalikasan, at katangian ng mga sumusunod na iba’t ibang
anyo ng sulating akademiko:

 TALA SA MAY AKDA/ BIONOTE


Isang maikling impormatibong sulatin na naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang indibidwal
at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal.
Ang tala sa may akda mahalagang malinaw ang layunin sa pasulat ito.
Mga katangian ng tala sa may akda
Maikli ang nilalaman, gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw, kinikilala ang
mambabasa, gumagamit ng baliktad na tatsulok, at binabanggit ang degree kung kailangan.

 ABSTRAKT
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mgaakademikong
papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay
kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ngpananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaralkaya ito tinawag
na intelektwal na pagsulat. ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis,term paper, lab report at iba pa.
 Mga katangian ng abstrakt
Binubuo ng 200-250 na salia, gumagamit ng mga simpleng pangungusap, walang
impormasyong hindi nabanggit sa papel, nauunawan ng target na mambabasa, pangungusap na
simple, nakatayo bilang isang yunit ng impormasyon at madalingintindihin,
at kumpleto ang mga bahagi.

 SINTENIS/BUOD
ito ay ang pinaikli o pinaiksing bersyon ng isang teksto. Ito ay maaaring pinanood,pinakinggan o
nakasulat. Sa pagbuod pinipili dito ang mga pinaka-mahahalagang ideya at mga sumusoportang
ideya o datos. Mga mahahalagang pangyayari o ang mga mahahalagang nangyari.
Ang buod ay maaring mabuo sa pamamagitan ng paggawa ng isa o higit pang talata na binubuo
ng mga pangungusap.  Ito ay naglalayong makatulong sa mga mambabasa o may-akda upang
lubos na maunawaan ang diwa o tema ng isang seleksyon o isang akda at maisulat ang
pangunahing kaisipan ng isang akda upang higit na mainitindihan.
Mga katangian ng sintenis/buod

May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto, hindi nagbibigay ng sariling ideya at


kritisisyon, hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye,o impormasyon wala sa orihinal na
teksto, gumanit ng mga susing salita, at gumamit ng sariling salita.

 ADYENDA
Ang adyenda ay tumutukoy sa listahan, talaan, plano o balangkas na patungkol sa mga bagay
na dapat pag usapan o pag desisyunan sa isang pag-uusap o pagpupulong. Ang nilalaman
ng adyenda ay kronolohikal na nakaayos batay sa halaga ng mga gagawin. Inuuna sa talaan o
binibigyang prayoridad ang mga plano na mahalaga at kinakailangan ng agarang aksyon.

Listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan,dedisyunan o gagawin sa isang pulong. Ito ay


nakasulat sa maikli ngunit tahasang paraan.

Mga katangian ng adyenda


Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
    Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.

  Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging flexible kung kinakailangan. Sundin ang itinakdang

oras sa pagtalakay ng paksa. Mag simula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng
adyenda. Maglagay ng palugit o sobrang oras.     Ihanda ang mga kakailanganing dokumento
kasama sa adyenda.

 KATITIKAN
Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord
o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong. So,
para mas ma-gets mo, sa wikang Ingles, tinatawag itong “minutes of meeting”. Hindi
kasi kilala sa mga Pilipino ang tawag na “katitikan ng pulong” dahil nasanay tayong
gamitin ang wikang dala ng dayuhan sa mga ganitong mga bagay-bagay.
 Ito ay mga dokumento kung saan nakasaad ang mga mahahalagang diskusyon at
desisyon.Tuwing may pagpupulong na formal o opisyal, ginagamit ang dokumentong ito
ubang upang itala ang mga pinag-uusapan.Ito ang nagsisilbeng paalam sa mga sankot at
mga nangyari sa isang pulong o pagtitipon. Sa Ingles, ito ay pwedeng ma ihambing sa
“minutes of the meeting“.
Katangian ng katitikan
ang kalikasan nito ay katulad din ng gamit nito na itala ang mga mahahalagang
napagusapan sa  pulong, dito nakasaad ang mga mahahalagang diskusyon at
desisyon.Tuwing may pagpupulong na formal o opisyal, ginagamit ang dokumentong ito
ubang upang itala ang mga pinag-uusapan.

 PANUKALANG PROYEKTO
Ang kahulugan ng panukalang proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin
ang isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang gawin upang malutas ang isang
partikular na problema sa negosyo o oportunidad. Inilalarawan nito nang malalim, kung paano
ang proyekto magsisimula.
Ang likas na katangian ng panukalang proyekto ay karaniwang ang lugar kung saan ang
proyekto ay pag-aari.
Mga katangian ng panukalang proyekto
Ito ay dati ng aktibidad na nauulit sa eksaktong pamamaraan at periodikong isinasagawa, ang
mga aktibidad na walang depinido at manilaw na layunin, ang mga aktibidad na maaring maulit
o mailipat kahit saan at sa ano mang oras, at ang mga regular na aktibidad ng organisasyon.

 TALUMPATI
Ang talumpati  ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng
isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa
na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugod,
mangatwiran at magbigay ng kabatiran o kaalaman.
Mga katangian ng talumpati
May interes sa kapaligiran, may angking kasanayan, may ganap na kaalaman sa paksa,
mapakiramdam at may pandamong palatawa, kombersasyunal na pagsasalita, mapamaraan,
mabikas ang tinig, malinis ang pananamit, at maginoo ang kilos, may diretsong tingin,
kontroladong boses, may makulay na tono, ay may makabuluhang kumpas.

 POSISYONG PAPEL
Ito ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang isyung napapanahon.
Bukod rito, ang sulat na ito ay maari ring mag dulot ng magkakaibang pananaw depende sa mga
pananaw ng tao. Ang layunin nito ay maipaglaban kung ano para sa tingin mo ang tama. Ito rin
ay naglalayong itakwil ang kamalian na hindi tanggap ng karamihan sa mga tao. Ang pagsulat
nito ay dapat nasa isang pormal na format. Sunod, dapat organisado rin ang pag lagay ng mga
ideya sa iyong papel. Ito rin ay dapat nagbibigay linaw sa panig na pinaboran. Ngunit, dapat
ipinapakita rin ang pagsisiyasat sa kabilang panig.

Kalikasan ng posisyong papel


Ang posisosisyong papel, kagaya ng debate, ay naglalayong maipakita ang katotohanan at
katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang
pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao.

 REPLEKTIBONG SANAYSAY

Ang terminong Repleksyon ay nangangahulugan ng pagbabalik tanaw. Ang Replektibong


Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa.
Ang Replektibong Sanaysay ay angangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik
sa paksa. Isa itong masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at
damdamin sa isang partikular na pangyayari.

 Isa itong uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o  proso. Ito ay
nangangailangan ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isang masining na
pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na
pangyayari. Iparating ang pansariling karanasan at natuklasan sa pananaliksik. Naglalayon din
ito na maipabatid ang mga nakalap na mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at
karanasan ukol dito at kung maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian

Mga katangian ng replektibong sanaysay

naglalahad ng interpretasyon, nagtatalakay ng iba't - ibang aspeto ng karanasan, sumasalamin


sa karanasang personal sa buhay o sa mga binasa at napanood, nangangailangan ng sariling
perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa, may kaugnayan sa pansariling pananaw at
damdamin sa isang  partikular na pangyayari, at tala ng mga kaalaman at kamalayan hinggil sa
isang bagay

 NAKALARAWANG SANAYSAY

Ang isang nakalarawang sanaysay ay isang hanay o serye ng mga litrato na ginawa upang
lumikha ng serye ng mga emosyon sa manonood. Ang isang sanaysay sa larawan ay madalas na
magpapakita ng mga larawan sa malalim na yugto ng emosyonal. Ang mga sanaysay ng larawan
ay mula sa mga panay na gawa sa potograpiya hanggang sa mga larawang may mga caption o
maliliit na komento hanggang sa buong sanaysay ng teksto na isinalarawan sa mga larawan.

Ang mensahe ng nakalarawang sanaysay ay pangunahing makikita sa serye ng mga larawan.


Ang mga larawan ang pangunahing nagkukuwento samantalang ang mga nakasulat ng teksto ay
suporta lamang sa mga larawan.
Mga katangian ng nakalarawang sanaysay

Malinaw na paksa, pokus, oriihinalidad, lohikal na estruktura, kawilihan, komposisyon, mahusay


na paggamit ng wika.

 LAKBAY-SANAYSAY

Kilala rin sa ingles bilang “Travel Essay”, ito ay isang sanaysay na kung saan ang ideyang ito ay
pinanggalingan mula sa pinuntahang or “nilakbayang” mga lugar. Kabilang rin ditto ang mga
kultura, tradisyon, pamumuhay, at uri ng mga tao, eksperyensya muta sa awtor at lahat ng
aspetong naalaman ng isang manlalakbay. Ito rin ay isang maikling bahagi ng pagsulat na kung
saan ito ay mula sa personal na paningin ng awtor at nagpapakita, pinagusapan, at
pinagaarakan ang isang topiko.

Ang lakbay sanaysay ay uri ng sulatin kung saan ang may akda ay nagbibigay ng paglalarawan ng
kaniyang mga naranasan at gabay.

Mga katangian ng lakbay-sanaysay

Makapagbuo ng konkretong ideya ng lugar na pinuntahan sa mambabasa, makapagbigay ng


tamang impormasyon ukol sa transportasyon o paraan upang makaabot sa lugar nang ligtas,
makapagpahiwatig ng mga espiritwal na karanasang nadama habang naglalakbay sa lugar na
tinutukoy, at makapagpakita ng ebidensya o magagandang litrato o bidyo ng lugar at maitala
nang tama ang kasaysayan at kultura ng lugar sa pamamagitan ng pagtanong sa mga local na
mamamayan ng lugar.

You might also like