You are on page 1of 5

Pagsulat ng Abstrak

Ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis,
papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
Naglalaman ng pinakabuod ng buong akdang akademiko o ulat.Ayon kay.

Pagsulat ng Bionote

Impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano-ano ang mga nagawa mo
bilang propesyunal. Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa’yo na may kaugnayan sa
paksang tinalakay sa papel. Isang maikling impormatibong sulatin (karaniwang isang talata lamang) na
naglalahad ng mga kwalipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyunal.
Iba ang bionote sa talambuhay at autobiography. Ito ay maikli at siksik, samantalang mas detalyado at
mas mahaba ang talambuhay at autobiography.

Pagsulat ng Talumpati

Ang talumpati ay handa nang sulatin kapag naihanda na ang balangkas. Ang talumpati ay tulad rin ng
anupamang komposisyon na may simula, pinakakatawan at wakas. Ang isang magandang simula ay
yaong nakaaakit ng pansin ng madla. Ang pag-akit sa nakikinig sa pamamagitan ng mapang-akit na
simula ay maisasagawa sa iba’t ibang kaparaanan. Maaaring simulan ang talumpati sa pamamagitan ng
isang di-pangkaraniwang pahayag, isang pagtatanong, isang naaangkop na anekdota o isang
pagpapatungkol sa okasyon.

Pagsulat ng Repleksibong Sanaysay

Ang repleksibong papel o mapagmuning sanaysay ay isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay.Sa


pamamagitan nito, natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin, o opinyon tungkol sa isang paksa,
pangyayari, o tao, at kung paano naaapektuhan ng mga ito. Bukod dito, ang pagsulat ng repleksibong
sanaysay ay isang gawaing humahamon sa mapanuring pag-iisip.

Pagsulat ng Posisyong Papel

Isang paraan upang ipahayag ang paninindigan. Ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa
partikular na paksa o usapin. Dito, kailangang pumosisyon sa isang panig. Anuman ang posisyon,
kailangang magbigay ng malinaw at matatag na argumento at mga makatuwirang ebidensiyang susuporta
sa mga ito sa kabuuan ng papel.

Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkasunod-sunod na pangyayari.


Nagpapaliwanag ng partikular na konsepto at nagpapayahag ng damdamin. Hindi limitado ang paksa.
Maaaring serye ng imahen. Maaring patungkol sa isang tao o mga kakaibang pangyayari.

Pagsulat ng photo essay

Koleksiyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkasunod-sunod ng pangyayari.

Pagsulat ng Korespondensiya Opisyal

Ang palitan ng mga liham na nasa opisina o ibang lugar sa pagtatrabaho.


Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.Ibinabatay sa adyendang unang


inihanda ng Tagapangulo ng lupon - maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte - maaaring
maikli at tuwiran o detalyado.

Pagsulat ng Agenda

Ito ang mga punto sa pagsulat ng agenda para sa isang pulong:

Ipasok ang oras ng pagsisimula at pagtatapos para sa bawat paksa ,Tiyaking magtabi at magpasok ng oras
para sa mga break, Magkaroon ng mga kasamahan o ibang mga kalahok na suriin ang iyong agenda,
Siguraduhing isama ang gawaing paghahanda, Tandaan na ipamahagi ang agenda sa mga kalahok bago
ang pulong.

Pagsulat ng Panukalang Proyekto

Makikita ang mga bagay na gusting makamit o pinaka-adhikain ng panukala. Isulat ito batay sa mga
inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi batay sa kung paano makakamit ang mga resultang
ito. Ang layunin ay kailangan simple.

Rebyu ng Aklat At Pelikula

Ayun kay Ricky Lee (Trip to Quiapo), upang ganap na masuri ang pelikula, mahalagang malaman ang
mga katangian nito bilang isang midyum: Mga sapat isaalang-alang: Tumutukoy di lamang sa kakulangan
kundi sa mabubuting bagay na isinasaalang-alang. Sinusulat hindi upang magbigay ng papuri o manira
bagkus ay upangtimbangin ang kahinaan at kagalingan at pagkatapos ay magbigay ng angkop na
pagpapahalaga at pagpapasiya sa isang aklat, pelikula, akdang pampanitikan at iba pa.

Pagsulat ng Balita at Editoryal

Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang


magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa. Isang komentaryong nagpapayo,
nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng isang pangyayari.

Pagsulat ng Encyclopedia

Ang mga ensiklopedya ay maaaring naglalaman ng malawak na kaalaman sa iba't ibang larangan o
maaring naglalaman lamang patungkol sa isang partikular na larangan. Mayroon din mga ensiklopedya na
naglalaman ng paksa tungkol sa isang partikular na kultura o pangbansang panannaw.

Pagsulat ng Papel Pananaliksik

Mga Hakbang at Kasanayan sa Paggawa ng Sulating Pananaliksik: Pangangalap ng datos, Pagbuo ng


tentatibong balangkas, Pagpapahalaga, paggamit, at pagsasaayos ng mga datos, Pagbuo ng faynal na
balangkas, Paghahanda ng bibliograpi, Pagbuo ng Konseptong Papel, Paggamit ng iba't ibang sistema ng
dokumentasyon, Pagsulat ng burador at pagrebisa nito

Pagsulat ng Pagsasalin

Saking-angkat- Tahasang panghihiram:tumutukoy sa mga ideya at salitang hiram mula sa ibang wika at
kultura na ginagamit ayon sa orihinal na kahulugan at anyong pasulat nito. Ang mga ingles ay tahasang
hinihiram at hindi binabago; hindi rin binabago ang pakahulugan dito. Ipinilagay na may
pagkabillinggwal ang mga estudyante, at higit sa dalawa ang alam na wika. Ito ay isang pag-aangkat
sapangkat hindi maikakaila ang banyagang pinagmula nito. sikolohiya ng iba't ibang pagsasalin.
Pagsulat ng Meta-Analysis

Ang isang meta-analysis ay isang statistical analysis na pinagsasama ang mga resulta ng maramihang pag-
aaral sa agham. Ang pangunahing prinsipyo sa likod ng meta-analysis ay na mayroong isang karaniwang
katotohanan sa likod ng lahat ng konsepto katulad na pang-agham pag-aaral, ngunit kung saan ay
sinusukat sa isang tiyak na error sa loob ng mga indibidwal na pag-aaral.

Pagsulat ng White Paper

Ang isang puting papel ay isang ulat o gabay na nagpapahayag ng mga mambabasa nang maikli tungkol
sa isang kumplikadong isyu at nagpapakita ng pilosopiya ng nagbigay ng katawan sa bagay na ito. Ito ay
sinadya upang matulungan ang mga mambabasa na maunawaan ang isang isyu, malutas ang isang
problema, o gumawa ng isang desisyon.

Pagsulat ng Plano ng Pananaliksik at Mungkahing Saliksik

Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa


kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.
Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o
mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o
obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-
kinikilingan (obhetibo).

Pagsulat ng ulat at rebyu ng mag-aaral

Ang pag-uulat ay karaniwang nasusulat sapagkat ito ay palagiang tala at napagkukunan ng madaliang
impormasyon. Ito ay bunga ng isinasagawang pagsasaliksik, pagsusuri, pag-aaral, pagbabasa,
pagmamasid, pakikinig at pagsubok. Upang makatotohanan ang isang report o ulat, kailangan dito ang
masusing pag-aaral, mabisang pagtataya at pagkilala sa mga nakuhang tala at paggamit ng mga angkop na
salita.

Pagsulat ng Liham at Manwal

Kalimitang Bahagi Ng Isang Liham- pangnegosyo 1. Ulong-sulat-matatagpuan dito ang pangalan,


lokasyon at impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham; kalimitan itong nagtataglay
ng logo ng nasabing kompanya o institusyon 2. Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang liham 3.
Patunguhan- inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng taong ibig pagbigyan ng liham; kung sino ang
pangunahing ibig patunguhan nito.

Pagsulat ng autobiography at memoir

Ang autobiograpiya o sariling talambuhay ay ang talambuhay ng isang tao na siya rin ang mismong paksa
at sumulat; o ang pagsulat ng sariling kabuhayan o naging kabuhayan. Ang isang talaarawan o memoir ay
isang koleksyon ng mga alaala na ang isang indibidwal na nagsusulat tungkol sa mga sandali o mga
kaganapan, parehong pampubliko o pribado, na naganap sa buhay ng paksa.

Pagsulat ng Pamumuna

Ang pamumuna ay isang evaluative o corrective exercise na maaaring mangyari sa anumang lugar ng
buhay ng tao. Ang anyo ng pagpuna ay maaaring maging mataas na dalubhasa at teknikal; ito ay madalas
na nangangailangan ng propesyonal na kaalaman upang maunawaan ang mga pintas.

Pagsulat ng Tesis at Desirtasyon

Ang tesis o disertasyon ay isang dokumentong ipinasa bilang suporta sa kandidatura para sa isang
akademikong antas o propesiyonal na kwalipikasyon na nagpapakita ng nasaliksik at natuklasan ng
manunulat. Sa ibang mga konteksto, ang salitang “tesis” ay ginagamit na parte ng kursong Batsilyer at
Masterado, habang ang “disertasyon” ay karaniwang ginagamit sa titulong doktor, habang sa ibang mga
konteksto ang kabaligtaran ay totoo.

You might also like