You are on page 1of 3

Organisasyon ng Teksto

1. Titulo o Pamagat (Title) – Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan


ng sumulat, petsang pagsuslat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaring
tukuyin ng guro.
2. Introduksyon o Panimula – Isinasaad dito ang paksa. At ipinapaliwanag dito ang
tungkol sa pamagat.
3. Katawan (body) – Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtatalakay sa paksa.
4. Kongklusyon – Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel. Isinasaad
din dito ang mga bahagi na napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at
pgsusuri ng mga impormasyon.

Halimbawa:
1. Pamagat
"Ano ang kahalagahan ng Wika?"
2. Introduksyon
Ang wika ay isang lengwahe, idyoma, salita at diyalekto na ginagamit ng mga tao para
magkaintindihan.
3. Katawan
Napakahalaga ng wikang dahil ito ang paraan para, magkakaintindihan ang bawat isa.
Kahit ano pa man ang ginagamit o nakasanayang wika ng bawat indibidwal, ito ay
mahalaga dahil kung wala ito, tayong lahat ay hindi magkakaintindihan.
4. Kongklusyon
Dapat nating pahalagahan ito dahil ito ang yaman nating mga Pilipino. Ito ang
ginagamit natin sa pakikipag komunikasyon sa isa't isa.

Anyo ng Akademikong Pagsulat


1. Pamumuna – Ito ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t-ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-
unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.
2. Manwal – Naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa, maaaring
tumatalakay sa mga tuntunin ng isang kompanya or organisasyon at gayundin ng
mga paraan o proseso na may kinalaman sa paggawa, pagsasaayos o pagpapagana
ng isang bagay o produkto.
3. Ulat – Isang uri ng paglalahad tungkol sa mga bagay na namasid, nabasa, sinaliksik,
napakinggan, o nagawa.
4. Sanaysay – Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na
kadalasan ay naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong paraan,
naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa.
5. Balita – Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa
labas at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga
mamamayan.
6. Editoryal – O pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang
pahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan ng
pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon.
7. Ensiklopedya – Isang gawang pansanggunian o kompendyum na nagbibigay ng
mga buod ng mga impormasyon, mula sa lahat ng sangay ng kaalaman man o sa
isang partikular na disiplina.
8. Rebyu ng Aklat, Pelikula o Sining-biswal – Sinusulat hindi upang magbigay ng
papuri o manira bagkus ay upang timbangin ang kahinaan at kagalingan at
pagkatapos ay magbigay ng angkop na pagpapahalaga at pagpapasiya sa isang aklat,
pelikula, akdang pampanitikan at iba pa.
9. Papel-pananaliksik – Isang proseso ng paghahanap ng mga makatotohanang
impormasyon na kinakailangan upang mapatunayan ang isang phenomenon.
Isinasagawa ito ito sa pamamagitan ng pagpapatunay (o di pagpapatunay) sa mga
teorya o panukala, o mga pamamaraan o sistema na nais pag-aralan.
10. Tesis – Nagpapahayag ng mga testamento o teorya na siyang iyong nararapat na
mapatunayan o mapasinungalingan gamit ang iyong ginagawang pag-aaral o
pananaliksik.
11. Disertasyon – Isang mahabang ulat tungkol sa isang pag-aaral na batay sa isang
akademikong larangan ng estudyante. Sinusunod nito ang isang mahigpit na gabay
upang masubukan ang disiplinang tagapagpananaliksik sa paglikha ng isang pag-
aaral na maaaring maging kapaki-pakinabang sa lipunan.
12. Pagsasalin – Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe
sa malapit na katumbas na diwa gamit ang ibang wika.
13. Anotasyon ng Bibliograpi – Isang listahan ng mga pagsipi sa mga aklat, artikulo,
at mga dokumento. Ang bawat pagsipi ay sinusundan ng isang maikling paglalarawan
na talata, ang anotasyon. Ang layunin ng anotasyon ay upang ipaalam sa
mambabasa ang kaugnayan, katumpakan, at kalidad ng mgapinagkukunan na
binanggit.
14. Artikulo sa journal – Ang artikulo sa journal ay isang seksiyon nag naglalaman ng
mga impormasyon na isang paraan upang matuklasan ang mga sagot sa iyong mga
katanungan at upang ipahayag ang iyong sarili sa malikhaing paraan.
15. Rebyu ng mga Pag-aaral – Ito ay isang pormal na pangangalap ng propesyunal
na literatura na may kaugnayan sa isang partikular na suliraning pananaliksik. Sa
pamamaraang ito matutuklasan ng tiyak ang mga natutunan ng ibang nanaliksik na
may kaugnayan saiyong paksa.
16. Meta-analysis – Isang statistical analysis na pinagsasama ang mga resulta ng
maraming pag-aaral sa agham.
17. White paper – Ito ay isang makapangyarihan na ulat o gabay na nagpapahayag sa
mga mambabasa nang maikli sulatin tungkol sa isang kumplikadong isyu at
nagpapakita ng pilosopiya ng nagbigay ng katawan sa bagay na ito.
18. Liham – Isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao
patungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
19. Korespondensiya Opisyal – Ito ay ang palitan ng mga liham na nasa opisina o
ibang lugar sa pagtatrabaho.
20. Autobiograpi – O sariling talambuhay ay ang talambuhay ng isang tao na siya rin
ang mismong paksa at/o sumulat; o ang pagsulat ng sariling kabuhayan o naging
kabuhayan.
21. Memoir – Isang koleksyon ng mga alaala na isinulat ng isang indibidwal tungkol sa
mga sandali o mga pangyayari, parehong pampubliko o pribado, na naganap sa
buhay ng paksa / ng tao.
22. Plano ng Pananaliksik – Ito ay isang pamantayan ginagawa o sinusunod bago ang
proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa
kaalaman.
23. Konseptong Papel – Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.
Isang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksang
bubuuin.
24. Mungkahing Pananaliksik – O rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para
sa mga suliraning tinutukoy o natuklasan sa pananaliksik.

Halimbawa ng Akademikong Pagsulat


 Abstrak – Karaniwang gamit sa pagsulat ng akademikong papel na kalimitan ding
inilalagay sa mga tesis, pananaliksik, mga pormal na papel siyentipiko, at mga teknikal
na papel, mga lektyur, at pati sa mga report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng
buod ang mga akademikong papel.

 Bionote – Ginagamit naman ito para sa personal na profile ng isang tao. Maaaring
nakalagay rito ang mga academic career ng isang tao o kaya naman iba pang
impormasyon ukol sa kanya. Dapat ay hindi katha at may makatotohanang paglalahad
sa isang tao.

 Panukalang Proyekto – Proposal sa proyektong nais ipatupad na naglalayong


mabigyan ng resolba ang mga suliranin.

 Talumpati – Akademikong sulating na nagpapaliwanag ng isang paksang


naglalayong manghikayat, tumugod, mangatwiran at / o magbigay ng mga kabatiran
o kaalaman. Maaaring pormal at nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw
ang ayos ng ideya.

 Sintesis – Kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Ito ay para mabigyan ng


buod an mga maiklling kwento o kaya naman iba pang tuluyan o prosa.

 Replektibong Sanaysay – Isang uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang
akda at siya ay nagninilay. Nangangailangan ito ng reaksyon at ng mga opinion.

 Katitikan ng Pulong – Tala o rekord na siyang pagdodokumento ng mga


mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.

 Posisyong Papel – Naglalayong maipaglaban kung ano ang alam na


katotohanan.Dapat ay nagtatakwil ng kamalian o mga kasinungalingang
impormasyon. Ito ay nararapat lamang na isulat sa pormal at organisadong
pagkakasunod-sunod ng mga ideya.

 Photo Essay (Sanaysay ng Larawan) – Isang koleksiyon ng mga imahe na inilagay


sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga pangyayari,
mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

You might also like