You are on page 1of 2

PANGALAN: Bulanhagui, Karyle Joyce B.

PETSA: 8/9/22
ANTAS AT SEKSYON: 11 - Agape B

GAWAIN: PAGSULAT NG REBYU

Panuto: Pumili ng isang Akda ni Jose Corazon De Jesus na iyong susuriin sa ibaba at gawan
ito ng isang rebyu ukol sa mga hinihingi sa ibaba.
 Isang Punongkahoy
 Ang Pamana
 Bayan Ko
 Kalupi ng Puso
 Manggagawa
 Sa Pamilihan ng Puso
 Mga Tugtuging Hindi ko Malimot

A. Pamagat ng Akda na Sinuri: Sa Pamilihan ng Puso

B. Anyo ng Pampanitikan o Literary Genre: Tula

C. May-akda: Jose Corazon De Jesus

D.
KALAKASAN NG AKDA/MAY-AKDA KAHINAAN NG AKDA/MAY-AKDA
1. Maayos ang pagkaorganisa ng layunin sa 1. Hindi pantay ang sukat ng mga saknong.
tula.
2. Gumamit ng mga matatalinhagang salita 2. Kakulangan ng konsistensi pagdating sa
tugma.
3. Makikita ang paggamit ng emosyon ang 3. kakulangan ng kulay.
pagsulat
4. Nakakapukaw ng damdamin ang 4. May mga malabo ng implikasyon.
talisataang ginamit.
5. Mahusay ang pag lagay ng mga tayutay. 5. Malalim ang salitang ginamit.

E. Magsaliksik ng mga sipi o quotation at ng iba pang datos o impormasyong iyong


nagamit sa Pagsulat ng Rebyu.
 “ Kapag ikaw ay pumasok sa isang relasyon dapat mong isa alang-alang ang damdamin o
nararamdaman ng bawat isa. At kung ikaw’y iibig doon ka sa taong mahal mo at mahal ka
upang lumigaya.”
 Saknong ikatlo :

Huwag kang iibig sa dangal ng irog


kung ano ang tayog
siya ring kalabog
walang taong hindi sa hukay nahulog.

F. Isulat ang burador ng iyong rebyu.

Si Jose Corazon De Jesus ay isang prominenteng obra maestra pagdating sa


larangan ng pagsulat ng mga tula. Siya ay unang sumulat ng mga tula noong 1926
upang ipahayag ang kanyang saloobin sa pagsakop ng mga amerikano sa pilipinsas
Marami siyang tulang kilala na nailimbag, dahil sa mga ito siya ay hinahangaan ng
kanyang marami at mga kapwa niyang manunulat dahil sa kanyang akibat na galing
sa pagpukaw ng damdamin ng mga tao gamit ang mga salitang punong-puno ng
detalye at interpretasyon. Isa sa kanyang obra ay ang “Sa Pamilihan ng Puso” isang
tula na umakit ng mga damdamin ng marami sapagkat italakay dito ang katotohanan
sa pag-ibig. 

           Ang Sa pamilihan ng Puso ay isang tula na inilimbag ni Jose Corazon De Jesus


noong Enero 30, 1929. Sa mga panahon na ito ay pumukaw na ng atensyon ang mga
tula ni Jose dahil sa kaakibat na emosyon na nilalaman ng mga ito. Sa tulang Sa
Pamilihan ng Puso ay ipinahayag niya ang katotohanan na kailangan harapin ng
nakararami pagdating sa pagmamahal, Nakatala sa una at ikalawang saknong nito na
huwag tayong umibig ng dahilan lamang sa mga materyal na anyo, bagay at
kayamanan na kayang ibigay sa atin ng pagmamahal, dahil ang tunay na pagmamahal
ay hindi nasusukat sa mga materyales na bagay sapagkat ito ay naglalaho at ang
tanging mananaig lamang sa huli ay ang ating mga nararamdaman. 

           Sa ikatlo at ikaapat na saknong nakatala na ang pag-ibig ay hindi lamang puno
ng saya at kilig, Ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa oras na inyong
maliligayang araw kung hindi sa oras ng hinagpis at lumbay. Kaya dapat kung tayo ay
iibig dapat sa taong tayo ay sigurado at ganoon rin ang iyong minamahal sayo. Ang
sabi sa tula kung gaano tayo nagmamahal ay ganun rin ang sakit na ating
mararamdaman kung sakaling tayo ay nasawi at nabigo. Sa ikalima at ika anim na
saknong nagsasabing ang pag iibigan ay walang limitasyon, at gagawin natin ang
lahat para sa ating minamahal. Ngunit ang pagmamahal ay hindi na ipipilit kung tayo
ay nasawi, tayo na lamang ay pwedeng magdasal na swertehin tayo sa susunod na
pagkakataon na tayo’y iibig pang muli. 

            Subalit ang obra na ito ay mga kahinaan rin sa ibang aspeto. Tulad na lamang
ng kakulangan sa tugma at konsistensi sa sukat sa mga linya. Kung ikaw ay baguhan
palang sa pagbabasa ng mga panitikang tagalog ikaw ay pwede malabuan sapagkat
may kalaliman ang mga talasalitaan. Ang mga tulang nailambag ni Jose  Corazon De
Jesus ay hindi mapagkakailang ay isang mahalagang  parte ng kasaysayan ng
pampanitikang Filipino. Ang kanyang mga tula ay nagbabahagi parin ng maraming
aral sa mga mamamayang pilipino. 

          

You might also like