Professional Documents
Culture Documents
007
[MGA URI NG TEKSTO]
TEKSTONG EKSPOSITORI
LAYUNIN:
1. Nakikilala ang tekstong nasa anyong Ekspositori
2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit
sa teksto.
3. Nakasusulat ng halimbawang pangungusap na nagtataglay ng katangian
ng tekstong ekspositori
PANIMULA:
Kamusta ka? panibagong kaalaman na naman ang magpapayaman sa iyong isipan.
Sinasabing ang wika’y kasangkapan sa pakikipagtalastasan, tunay ngunit hindi kasangkapan pang
teknikal lamang, kadalas din natin itong ginagamit upang makapagpahayg ng ating mga saloopin o
pananaw, sa araling ito malalaman mo ang gamit sa tekstong ekspositori sa pakikipagtalastasan sa
mga mambabasa at ang paglalahad nito ng mga impormasyon kaugnay sa pinag-uusapang paksa.
TEKSTONG EKSPOSITORI
Naglalahad ng masusing pagpapaliwanag kung paano ang isang abstrak na konsepto na nasa isip ng
tao ay inuugnay sa isang tiyak na paksa
nililinaw nito ang mga katanungan sapagkat tinitugunan nito ang pangangailangan ng mga
mambabasa ng malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.
Ayon kay Rubin (1995) sinasaklaw ng pagpapahayag na ito ang malawak na bahagi ng sinulat at
binasa ng mga karaniwang tao.
nagpapaliwanag at sumasagot sa tanong na Ano ito? Ano ang ibubunga nito? Ano ang
pagkakatulad nito sa iba? at ano ang kahulugan nito?
Ayo ng Diskurso kung saan nagpapahayag ang maunulat ng mga ideya, kaisipan at mga
impormasyon na nasaakop ng kanyang kaalaman
Course Module
KATANGIAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI
3 Bahagi ng Depinisyon
1. Pagsasalaysay
2. Paglalarawan
3. Paglalahad
4. Pangangatuwiran
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
007
[MGA URI NG TEKSTO]
3. Pagsunod-sunod (Order) – Isinasaayos ng manunulat ang mga kaisipan at ang mga serye
ng pagkakasuod-sunod ng pangyayari na humahantong sa pagkakabuo ng isnag konklusyon,
( ginagamitan ito ng mga salitang: una, pangalawa, matapos, habang, sumunod, at susunod
na at iba pa.
Course Module
Halimbawa:
Noong Nakaraang 2010 NBA finals nagharap muli ang Los Angeles Lakers at Boston Celtics. Sila
ang may hawak sa pinaka maraming championships sa buong liga ng NBA. Ang Lakers ay may 17 panalo
sa Final. matapos ang laban ay nagwagi ang Lakers kontra sa Celtics, tinalo ng lakers ang Celtics sa 7
laro. Naging maganda ang laro ng lakers, mapa opensa man ito o depensa, di gaya noong 2008 NBA
finals na nagharap muli ang lakers at celstics, pero sa pagkakataon na ito tinalo ang lakers ng Celtics sa
loob lamang ng 6 na laro. mas pinakita ng Celtics na mas determinado sila kesa sa lakers.
Ang pagiging mortal na magkalaban ng lakers at Celtics ay nagsimula pa noong 1960’s, sa
panahon pa nila Wilt Chamberlain ng lakers at Bill Russel ng Celtics at sinundanito nila Ervin “ Magic”
Johnson ng Lakers at Larry Bird ng Celtics noong 1980’s naman at sa panahon natin ngayon pinapatuloy
pa rin ang mainit na harapan ng dalawang pinaka malakas na kupunan sa NBA. Sila Kobe Bryant, Ron
Artest at Pau Gasol para sa Lakers laban kina Paul Pierce, Ray allen at Kevin Garnett para naman sa
Celtics. Inaasahan sa susunod na season ng NBA na maghaharap muli ang dalawang kuponan sa Finals
ataasahan ang magandang laban na ibibigay nila
Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang maganda
sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat etnolingguwistikong
grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz ang nagsasabing “isa sa
pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas."
1935--
Taong 1935 sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3)
1936
Taong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili
sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na
magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging
tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng
“Wikang Pambansa."
1940--
Taong 1940, ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na
nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa.
Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.
1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg.12 na nagpapahayag na
ipagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon sang ayon
sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang araw ni Balagtas (Abril 12) ay kabilang sa
itinakdng Linggo ng Wika.
1955--
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamsyon Blg. 186 bilang pagsusog sa
Proklamasyon Blg.12 serye ng 1954 upang ilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa taun-taon mula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.
1974
Pinalabas ng Nanunungkulang Kalihim Tagapagpaganap Roberto V. Reyes ang pahintulot sa Surian ng
Wikang Pambansa na makapagdaos ng mga lingkurang pagsasanay, seminar, gawaing kapulungan at
iba pang kauring gawain tauhan ng lahat na tanggapang pampamahalaan, sa lahat ng guro, propesor,
pinuno'y tagapangasiwa ng mga paaralan.
Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino
muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."
Course Module
C. Prosejural – pagkakasuod-sunod ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas
Halimbawa: Paghahanda ng Creamy Fruit Salad
Mga kailangan
2 katamtamang laki ng saging, (diced)
2 katamtamang laki ng mansanas (diced)
1 pirasong Lemon
2 tasang Strawberries (sliced)
2 tasang ubas (sliced)
1 20. oz. pineapple chunk (nasala na)
¼ tasang pecan ( chopped_
1 Nestle Cream
Pamamaraan:
1. Paghaluin ang sa isang Mixing Bowl ang Sagging at Mansanas at lemon Juice
2. Haluin ng mabuti
3. Idagdag ang pineapple chunk, strawberries, ubas at pecans
4. ilagay ang nestle cream haluin
5. ilagay sa refregrattor para lumamig.
5. Sanhi at Bunga – Pagtalakay sa dahilan ng pangyayari at kung ano ang bunga o magiging
epekto, ang bawat pangyayari na nagbibigay – daan.
Ang sanhi ay isang bagay na nagiging dahilan ng pangyayari (something that makes
something else happen); at ang bunga o epekto ay ang resulta o kinalabasan ng pangyayari
(the thing that happens). Ang sanhi at bunga ay maaring ilarawan ang mga posibleng
epekto sa hinaharap.
c) Kawalan ng Pagkiling
- Katangian ng isang tekstong ekspositori ang pagiging obhetibo, kaya’t kailangan na taglay
nito ang bukas na isipan upang tanggapin ang iba’t ibang mahahalagang ideya maging ito
man ay taliwas sa sariling paniniwla ng manunulat.
Course Module
Uri ng Tekstong Ekspositori
1. Editoryal – isang uri ng ekspositori na naglalayong magpahayag ng isang pananaw kaugnay sa
mga pinag-uusapan isyu pambansa o pampulitikal, karaniwang mababasa sa mga pahayagan.
Halimbawa:
Ano ba ang kaugnayan ng wika sa kultura? Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang kultura
ay nalilinang dahil sa wika at ang wika ay ang kultura mismo. Maari natin itong ituring bilang
batayang gabay sa matibay na kaugnayan ng wika at kultura, at bilang mabisang kasangkapan sa
pagtataguyod ng pagkakakilalan nating mga Pilipino.
Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura. Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay hindi abstraktong
nilikha ng mga nakapag-aral o ng bumubuo ng diksyunaryo. Kundi ito ay isang bagay na nalikha
mula sa mga gawa, pangangailangan, kaligayahan, panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon ng
lahi at nagtataglay ito ng malawak na batayang kasama (Peňa et. Al. 2012). Malinaw na ang wika
ay nalilinang at nagpapatibay sapagkat ang kultura ang nagbibigay katuturan sa ipinapahayag na
kaisipan ng wika. Ginagamit ang wika dahil ito ay daluyan ng komunikasyon upang magpasimula
ng isang tiyak na pagkilos o paggawa. Ito rin ay pangangailangan ng tao sa pakikipag-ugnayan
sapagkat siya ay itinuturing na may pangangailangang sosyal. Ang wika ay nakapagpapahayag din
ng iba’t ibang damdamin at natutukoy din ditto ang pananaw sa iba’t ibang bagay na
nagpapasiyahan kung ano ang magiging kalugod-lugod sa atin, ang pagpapasiyang mayroong
impluwensya mula sa ating kapuwa at kabuuan ng lipunang kinabibilangan.
Gayunpaman, maari ring sabihin na ang kultura ay nalilinang at napagtitibay din ang wika.
Binibigyang-kahulugan ni Virgilio Almario ang wika bilang katutubong halagahan o value para sa
marangal na buhay n gating mga ninuno. Isang dakilang pamantayang nararapat sundin saanman
at kalianman tungo sa wastong pakikipagkapwa-tao, isang banal na tuntuning kailangan tupdin
upang hindi “ maligaw ng landas”. Hindi mapasusubalian na an gating sariling wika ang siyang
midyum na ginagamit ng ating mga ninuno sa pagpapahayag ng mga itinakdang batas at
pamanatayan sa lipunan, pasalita man o pasulat. Sa batas nina Maragtas at Kalantiaw, malinaw
na nakapaloob sa kaisipang ipinapahayag ng wikang ginamit ang pamantayang itinakda ng batas
na ito sa siya naming pinagbabatayan ng pamumuhay at pagkilos ng isang mamamayang Pilipino
sa lipunang kaniyang kinabibilangan. Matagumpay ding naipabatid at naipasa sa bawat
henerasyon ang mga paniniwala at pamamaraang Pilipino bunga ng sabi-sabi o word of mout h.
Samakatuwid, natutukoy ang mga pamantayan, gayon na rin ang kultura ng lipunang Pilipino.
Gamit ang wika sa diskursong pananalita at pasulat.
Ang wika ang kultura mismo kung pagbabatayan naman natin ang winika ng karakter sa si
simoun ng El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na ang wika ay paraan ng pag-iisip ng tao,
samakatuwid tinatanggap natin na ang wika ay ang kultura mismo. Dahil nga ang kultura ang
pamamaraan ng pagkilos at pamumuhay ng isang tao ay nakabatay sa kanyang pag-iisip, ito ang
pangunahing pinagmulan ng kaisipan ng kultura.
Paano nga ba magagamit ang wika upang malinang ang pambansang kultura
Bahagi ng Sanaysay
Wikang Filipino bilang kasangkapan
sa Paglinang ng pambansang kultura tungo sa pagkakalilanlan
Ni Mahari Marta Satuito,
p115 (Daloy ng wika, Komunikasyon at Pananaliksik
sa wika at Kulturang Pilipino
Course Module