You are on page 1of 15

PAGLALARAWAN

SA TAGPUAN
Sa paglalarawan ng tagpuan ay mahalagang
mailarawan nang tama ang lugar o panahon
kung kailan at saan naganap ang akda sa
paraang makagaganyak sa mga mambabasa. Sa
pamamagitan nang mahusay na pagkakalarawan sa
tagpuan madarama ng mambabasa ang diwa ng
akda.
Maaaring ilarawan ang tagpuan sa pamamagitan ng
pagkilos ng tauhan sa kapaligirang ito.

Kung ang tagpuan halimbawa ay isang munting


barungbarong sa tambakan maaaring itanong ang
sumusunod para sa isang mabisang paglalarawan:
Ano ang itsura ng barong-barong at kapaligiran
nito?

Marumi, luma, kinakalawang, gumigiray, nakaririmarim


na basura, naglipanang langaw, mga mangangalkal ng
basurang nakasuot ng tagpi-tagping halos basahan,
nakapanlulumong kahirapan at kapangitan.
Ano-anong tunog ang maririnig sa paligid?

Sigaw ng mga inang hindi magkamayaw sa mga gawain,


iyakan ng mga batang gutom at di pa nakapag-almusal, ingay
ng mga trak na nagdadala ng basura, hugos ng basurang
ibinabagsak sa tambakan, busina ng mga sasakyan sa di
kalayuang kalsada, tawanan ng mga mirong nag-iinuman sa
kalapit na tindahan.
Anong amoy ang namamayani?

Masangsang na amoy ng nabubulok na basura, amoy ng


usok na nagmumula sa bunton ng mga basura, amoy
pawis ng mga basurerong bilad sa araw, maasim na amoy
ng mga batang hindi pa napapaliguan ng ilang araw,
amoy ng tuyong inihaw sa kalan.
Ano ang pakiramdam sa lugar na ito?

Maiinit o maalinsangan, gutom, nakapanlalagkit na


pawis at alikabok, hindi komportable, nakaririmarim o
nakadidiring bagay sa paligid, kawalan ng pag-asa.
Ano ang lasa ng mga pagkain dito?

Pagpag na manok na nagsisimula nang mapanis kaya't


maasim na, masebo at matabang na karne mula sa
karinderyang nilalangaw
Mula sa sagot sa mga tanong na ito ay maaari
nang bumuo ang manunulat ng paglalarawan sa
tagpuang makapagdadala sa mga mambabasa sa
lugar, sitwasyon o kalagayang ginagalawan ng
mga tauhan para sa ganap na pang-unawa
pagpapahalaga sa akda.
PAGLALARAWAN
SA ISANG
MAHALAGANG
BAGAY
Sa maraming pagkakataon, sa isang
mahalagang bagay umiikot ang mga
pangyayari sa akda at ito rin ang
nagbibigay nang mas malalim na
kahulugan dito.
Hindi sapat na maglagay lamang ng
larawan ng nasabing bagay sa pahina ng
akda upang mabigyang diin ang
kahalagahan nito. Dapat mailahad kung
saan nagmula ang bagay na ito.
Kailangan ding mailarawan itong mabuti
upang halos madama na ng mambabasa
ang itsura, amoy, bigat, lasa, tunog, at iba
pang katangian nito.
Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang
kapaskuhan ay parang laging may kulang, pilit kong
dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-basta palamuti,
yung mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumunod
na taon ay magagandang bulaklak naman ang binili ko. Maraming
pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri. "Ang ganda!" Ang
may pagkamanghang sabi ng bawat nakakikita. Malalaki at
makikintab na pulang bola, malalaki at magagandang pulang
poinsettia... ah! pero bakit ba tila may kulang pa rin?
Mula sa "Ang Aking Krismas Tri" ni Mary Grace Del Rosario
MARAMING
THANKYOU!
LOVE KO KAYO <3

You might also like