You are on page 1of 81

YUNIT 8-ARALIN 1 IKA-11

BAITANG

Kaisipan ng Tekstong Kaugnay


sa Sarili,Pamilya,Komunidad,
Bansa at Daigdig

FILIPINO 11
PAG-ARALAN NATIN!

 Hindi lamang mata ang ginagamit sa pagbabasa


ng isang teksto, kaalinsabay nito ang pag-iisip
upang mabigyan nang mas malalim na pang-
unawa ang binabasa.
 Madalas inilalagay ng mambabasa ang kaniyang
sarili sa karakter ng akdang binabasa, sa ganitong
paraan mas nararamdaman niya ang emosyon na
mayroon sa binabasa at naiuugnay niya ang mga
pangyayari sa kanyang sarili maging sa komunidad
na kanyang kinabibilangan.
 Mas nakabubuo nang malalim na
kongklusyon, kaisipan, at realisasyon ang
mambabasa at nagiging epektibo ang
layunin ng manunulat na maisabuhay ang
mensahe na nais niyang ipabatid sa
mambabasa.
PAKIKI-UGNAY SA TEKSTO
 Nakagagawa tayo ng mga koneksiyon sa
pagitan ng teksto at sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig kapag
ginagamit natin ang ating iskema.
 Matatandaan mula sa unang yunit na ang
iskema ay kolektibong kaalaman o
karanasang nakaimbak sa ating isipan.
PAKIKI-UGNAY SA TEKSTO
 Sa tuwing ina-activate natin ang ating iskema ay
gumagawa tayo ng ugnayan sa ating binabasang akda.
 Hindi na ito pawang salita para sa atin, kundi nagiging
makabuluhan itong kaalaman. Napasasabi tayong:

 "Ang tulang ito ay nakatulong sa aking pag-move-on."


 "Ah! Ito pala ang saysay ng math at estadistika para sa
negosyo ni Tatay!"
 "Mahalagang malaman ng mga tao ang mga terminong
ginagamit ng mga meteorologist upang maiwasan ulit ang
hindi magagandang epekto ng Ondoy at Yolanda."
 May mga tekstong madaling kakitaan ng
kaugnayan sa ating buhay, ngunit mayroon din
namang mahirap hanapan ng koneksiyon.
 Sa tuwing kailangan nating hanapan ng
kaugnayan ang isang akda, tandaan natin ang
sumusunod na hakbang:
Itala ang mahahalaga at interesanteng detalye ng
1. tekstong binasa.

Hanapan ang mga ito ng koneksiyon sa sariling


2. karanasan.
3. Sagutin ang mga gabay na tanong.

Isaayos ang lahat ng detalye upang bumuo ng


4. malinaw na lagom at kongklusyon ng tekstong
binasa.
Balikan natin ang binasang sipi ng pananaliksik at ilapat ang mga
hakbang:

 Ito ay isang tekstong


impormatibo.
 Ang paksa nito ay
tungkol sa epekto at
responsabilidad ng
pagbabalita sa radyo.
Sinasabi sa talata na
ang pagbabalita sa
radyo ay may
pinakamaraming
tagapakinig sa lahat ng
mga uri ng mass media.
 Kaagad din dumadating ang
balita nito at maaari pang sa
oras na mismong nangyayari
ang isang kabali-balitang
eksena.
 Ito ay isang midyum na
kailangan ng pag-andar ng
imahinasyon ng mga consumer
dahil puro tunog at salita lang
ang lumalabas dito. Dahil sa
mga salik na ito, tungkulin ng
midyum ng radyo ang magbigay
ng tamang representasyon ng
balita, mga identidad, at
ugnayang panlipunan sa
kaniyang mga tagapakinig.
May radyo rin kayo sa bahay diba? O kahit sa iyong cellphone
meron din kahit na hindi mo ito ginagamit. Naririnig mo rin
naman ito kahit saan ka pumunta.

Kung hanggang dito na


lamang ang nagawa
nating kaugnayan sa
teksto, maaari nating i-
activate nang todo ang
ating iskema.
Kaugnayan ng Teksto sa Sarili, Pamilya,
Komunidad, Bansa, at Daigdig

 Siguradong may kaalaman pa tayo tungkol sa kung


paanong binabago ng radyo ang pagbabalita. Nasa
pagsagot ng sumusunod ang pagtuklas sa iskema natin:
1. Ano-ano ang pagkakaiba ng teksto sa karanasan mo, sa
karanasan ng iyong pamilya, sa karanasan ng iyong
komunidad, sa bansa, at sa buong daigdig?
2. Ano-ano ang ipinaaalala ng teksto sa iyong sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig?
3. Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa
karanasan mo, sa karanasan ng iyong
pamilya, sa karanasan ng iyong komunidad,
sa bansa, at sa buong daigdig?
Upang gawing makabuluhan ang sanaysay, maaring
ganito ang ating sagot sa unang patnubay na tanong:

 Lahat ay mayroong access sa radyo, pero dahil may


telebisyon at Internet sa aking cellphone, mas pipiliin
kong alamin ang balita gamit ang mga uri ng midya
na ito. Marahil, ganito rin ang kaso para sa aking
pamilya na kahit na binubuksan ang radyo sa umaga,
at pinakikinggan ito habang bumibiyahe patrabaho ay
mas pipiliing panoorin ang balita sa telebisyon at
basahin ito habang nagba-browse sa internet.
Ano-ano ang pinapaalala ng teksto sa aking sarili at
daigdig?
 Pamilyar ako sa kung paanong kailangang
paandarin ang imahinasyon kapag nakikinig sa
kuwentuhan o pagbabalita ng mga kaibigan.
Kailangan tuloy maging maingat ang tagakuwento
dahil pwedeng bukas sa interpretasyon ang
kanilang sinasabi at maaaring hindi ito
maunawaan nang tama. Ganoon din sa
pagbabalita. Dapat talaga maging responsable sa
pamamahayag. Ito ang dahilan at malaki ang
tungkulin ng mga broadcaster sa radyo.
Ang broadcasting sa buong mundo ay buhay
na buhay. Radyo na siguro, kumpara sa
cellphone, computer, at telebisyon, ang
pinakamurang elektronikong commodity na
pagkukuhanan ng balita. Totoo ang suri sa
sanaysay na marami ang tumatangkilik nito. At
dahil dito masasabi talagang mabigat ang
responsabilidad ng mga broadcaster na
gawing tama ang kanilang pagbabalita sa
lahat ng panahon.
Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa
karanasan ng aking komunidad at sa bansa?
 Nakatutuwa kung paanong may mga
community radio shows. Matatagpuan ang
mga ito sa loob ng campus. Marahil, mayroon
din sa inyong eskuwelahan. Ang mga ito ay
training ground hindi lang para mapabuti ang
confidence ng mga baguhan na
mamamahayag at magkaroon sila ng
karanasan. Ito rin ay bilang pagsasanay para
sa responsableng pamamahayag.
 Pagdating sa Pilipinas, tinitingala ang mga broadcaster
ng radyo. Maririnig sila sa mga jeep, taxi, at mga lugar
na ating pinupuntahan araw-araw. Siguro, kung walang
telebisyon ay mabubuhay ang mga Pilipino basta’t
makaririnig ng balita mula sa radyo. Nangyari pa ngang
noong panahon ng batas militar, sa sobrang importante
nito ay nagbo-broadcast nang patago ang ilan, at
nagpatuloy pa rin nga ang mga katulad ng Radyo
Veritas upang magpahayag ng saloobin ng oposisyon.
Sa tulong ng broadcasting, napaalab ang mitsa ng
People Power. Ganoong makapangyarihan ang
pagbabalita sa midyum ng radyo.
● Bilang panghuling hakbang, susubukan nating
ilagom at bigyan ng kongklusyon ang ating mga
sagot:

Communal ang karanasan ng pakikinig ng balita. Pwedeng


mag-isa ka habang nakikinig nito pero pag-uusapan mo ito
kasama ng iyong mga kapamilya at kakomunidad. Ganoon
din kalakas ang kapangyarihan ng pamamahayag sa radyo
na mapagbuklod ang mga tao. Ang radyo para sa buong
mundo ay ang pangunahing pinagkukunan ng balita. Dahil
dito, maraming pangyayari ang nagdulot ng pagbabago sa
kasaysayan tulad ng People Power sa Pilipinas.
● Mahalaga ang pagiging wasto ng pagbabalita,
pero mas mahalaga pa rin ang tamang
pagproseso ng mga balita. Gamit ang tama at
totoong impormasyon, nasa sa ating masusing
imbestigasyon at pagpapasya ang pagbabago
ng kasaysayan.
• Matapos nating malaman kung ano ang papel ng
iskema sa pag-uugnay ng teksto sa ating sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig, ating babalikan
ang mahahalagang punto nito.
 Gumagawa tayo ng mga ugnayan sa kahit
anong uri ng teksto upang maging
makabuluhan ang mensahe nito sa ating
buhay. Magiging mabisa ang paggawa
natin ng mga ugnayan kung ia-activate o
gagamitin natin ang ating iskema.
Maaari nating itala ang
mahahalagang detalye ng
isang akda at gawan ito ng
kaugnayan sa ating buhay.
Pero kung naubusan na
tayo ng koneksiyon,
maaaring tanungin natin
kung paanong naiiba,
pamilyar, at maitutulad ang
teksto sa ating sarili, sa
ating pamilya, sa ating
komunidad, sa ating bansa,
at sa buong daigdig.
● Ngayon, tayo ay hinahamong
magbasa ng kahit anong uri ng
teksto mula sa iba’t ibang
larangan at makita na buhay
ang mensahe nito para
kaninoman.
SAGUTIN NATIN!

1. Ano ang iskema?


2. Ano ang nangyayari kapag ginagamit ang
iskema habang nagbabasa?
3. Ano ang huling hakbang sa pag-uugnay ng
tekstong nabasa sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at daigdig?
YUNIT 8-ARALIN 2 IKA-11
BAITANG

Tekstong
Pansiyentipiko
FILIPINO 11
PAG-ARALAN NATIN!

 Naalala mo ba na sa bawat baitang ng iyong pag-


aaral ay mayroong science project?
-Masayang gawin ang mga ito lalo na kung ikaw ang
pumipili ng eksperimento. Tapos ay ipakikita ito sa
harap ng klase at sa huli, bago bumalik sa upuan ay
ipapasa ang report o ulat na ginawa.
 Ang bawat ulat na iyong ipinasa ay walang pinagkaiba sa
naililimbag na mga artikulo sa mga tanyag na science
magazine.
 Pagdating sa layunin, pareho ang mga ito na
dokumentasyon ng mga isinagawang proseso at paglalahad
ng kinalabasan ng eksperimentasyon o paggawa ng
imbensiyon. Ang mga ito ay teksong pansiyentipiko.
TEKSTONG PANSIYENTIPIKO
 ay akdang naglalaman ng pag-aaral o pananaliksik na
nakatuon sa mga disiplinang nasa larangan ng siyensiya at
teknolohiya.
 Sa paghahanda ng mga tekstong ito, mabuting isaisip ang
layunin ng siyensiya at maging ang teknolohiya.
 Ang layunin ng siyensiya ay mangalap at magpatibay ng mga
datos upang makabuo ng teorya tungkol sa materyal na
mundo.
 Ang teknolohiya naman ay ang paggamit ng mga datos at
teoryang nanggaling sa siyensiya upang makalikha ng mga
imbensiyon.
PAKSA, KATANGIAN, AT HALIMBAWA NG TEKSTONG
PANSIYENTIPIKO

 May iba’t ibang disiplina sa larangan ng siyensiya at


teknolohiya. Kung gayon, maraming maipapaksa ang
teksong pansiyentipiko tulad ng medisina, Information
Technology, estadistika, at iba pa
 Mababasa sa teksong pansiyentipiko hindi lang ang mga
balita tungkol sa mga sangay ng siyensiya, teknolohiya, at
matematika.
 Malalaman din dito ang developments o mga bagong tuklas
na kaalaman at pag-aaral tungkol sa mga bagay, hayop, o
elemento, at mga ulat na naglalahad ng proseso at
kinalalabasan ng mga imbensiyon at eksperimento.
 Pormal ang mga salitang ginagamit
sa isang tekstong pansiyentipko.
Obhetibo ang wika at pananaw na
ginagamit dito. Makababasa rin tayo ng
mga jargon o mga salita at ekspresyong
mula sa disiplinang pinapaksa nito kaya
may pagkakataon na kailangang
kumonsulta sa diksiyonaryo.
 Mababasa ang mga tekstong
pansiyentipiko sa mga science magazine,
textbook, o babasahin sa komperensiya.
Ito ang mga teknikal na pag-uulat,
laboratory report, at pananaliksik.
 Ngayong alam na natin ang mga katangian, paksa, at
halimbawa ng tekstong pansiyentipiko, ating subukang
bigyang kabuluhan ito sa pamamagitan ng paggawa ng mga
ugnayan ng teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigidig

Basahin natin ang sipi ng isa pang pananalliksik:

Ang sakit na dala ng Zika virus ay naisasalin sa pagkagat ng


lamok na Aedes aegypti. Madalas ang mga itong nangangagat
tuwing umaga, at pagabi na. Ang lamok na ito ang siya ring
nagsasalin ng sakit na dengue, chikungunya, at yellow fever.
Posible ding masalin ang virus na ito sa pamamagitan
ng pakikipagtalik. Ang pangunahing sintomas ng sakit
na dulot ng Zika virus ay lagnat, rashes sa balat,
conjunctivitis o sore eyes, at pananakit ng katawan at
ulo. Malalaman kung may Zika virus ang isang pasyente
kung siya ay naglakbay o nanggaling sa mga lugar kung
saan aktibo ang transmisyon nito. Wala pang gamot at
bakuna laban sa sakit na dala ng Zika virus. Inaasahan
na ang pasyente ay gagaling sa loob ng dalawa
hanggang pitong araw na pagpapahinga, pag-inom ng
maraming tubig, at pag-inom ng gamot laban sa
pananakit ng katawan at sa lagnat.
• Isa itong halimbawa ng tekstong pansiyentipiko dahil
pumapaksa ito sa transmisyon, mga sintomas, at paggamot
ng sakit na dala ng Zika virus. Nakapaloob ang mga
impormasyong ito sa larangan ng medisina. Ang wika ng
talatang ito ay pormal, direkta sa punto, at naglalaman ng
mga patunay o facts. Isa itong halimbawa ng pananaliksik.
• Maaaring mang hindi pa tayo nakaranas ng mga sakit na
dala ng Zika virus ngunit ang tekstong pansiyentipikong ito
ay makabuluhan para sa ating lahat. Sa pagbasa at
pagsusuri ng tekstong ito, lalong magiging makabuluhan
ang mensahe nito kung gagawan natin ito ng mga ugnayan
gamit ang ating iskema o dating kaalaman.
Kaugnayan ng Teksto sa Sarili, Pamilya, Komunidad, Bansa,
at Daigdig

 Sa tulong ng mga gabay na tanong sa kung


paanong naiiba, paanong pamilyar, at paanong
maitutulad ang teksto sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa, at sa buong daigdig,
mahahanapan natin ng kabuluhan ang talata
tungkol sa sakit na dala ng Zika Virus.
 Ano-ano ang kaibahang ipinahihiwatig ng
nilalaman ng tekstong pansiyentipikong
binasa sa aking sarili at sa aking pamilya?
 Masasabi kong hindi pa ako nagkakasakit ng dahil sa
Zika virus.
 Nagpapasalamat din ako at hindi pa nakararanas nito
ang aking pamilya.
 Ano-ano ang pinapaalala ng pananaliksik
sa aking sarili at sa daigdig?

 Alam ko kung gaano kahirap magkaroon ng sakit. Hindi


man parehong-pareho ang sintomas nito sa dengue,
katulad nito ay wala pang gamot dito at hindi pa rin
naman abot ng karamihan ang bakuna nito. Marami-
rami na rin akong kilalang nagkasakit ng dengue. Ang
mga sakit na katulad na dala ng Zika virus ay
nakakaalarma at nangangailangan ng matinding
pagtutok at pag-alaga.
 Pamilyar ako sa nakaaalarmang kaso ng Zika
virus sa Latin America. Nakakita ako ng mga
litrato ng mga sanggol na sinilang na may
microcephaly dahil may Zika virus ang kanilang
ina. Nakakaawa ang mga kasong ito lalo na’t
hindi lang sa isang komunidad ito nangyari,
ngunit maging sa maraming bansa sa iba’t ibang
panig ng daigdig.
 Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa
karanasan ng aking komunidad, at sa bansa?
 Hindi pa man nagkasakit ng Zika virus ang sinuman sa
aming komunidad, ngunit nag-alala rin ang mga tao sa
amin na baka ito dumating sa aming lugar. Nang dahi sa
balitang mga sintomas nito, at dahil wala pang gamot para
rito, mauunawaan mong nagpa-panic ang ilang mga tao.
Ibang klase rin talagang tumugon o mag-react ang tao
pagdating sa sakit. Naroon ang pagkabahala lamang,
ngunit mayroon ding natatakot. At habang wala pang
gamot at bakuna para rito, lahat ng paraan upang
maiwasan ito ay makatutulong para sa komunidad tulad ng
sa amin.
 Hindi na bago para sa mga Pilipino ang mga sakit
na dala ng kagat ng lamok. Nariyan ang dengue,
typhoid, at yellow fever. Bilang isang tropikal na
bansang katulad ng mga nasa Latin America,
mabilis dumami ang mga lamok na nagdadala ng
sakit sa maraming lugar sa bansa. Nakalulungkot
na bulnerable tayo sa sakit na dala ng Zika virus,
pero dahil marami na tayong karanasan sa mga
sakit na dala ng kagat ng lamok, maalam din tayo
sa kung paano iwasan ito.
 Matapos nating malaman kung ano ang
pansiyentipikong teksto, ang mga
katangian, paksa, halimbawa, at mga
hakbang upang mabisang maiugnay ito sa
ating buhay, balikan natin ang
mahahalagang punto nito.
 Hindi lang kapupulutan ng kabuluhan ang
mga teorya at imbensyon ng siyensiya at
teknolohiya.
 Mayroon ding ambag na tekstong
pansiyentipiko ang mga larangang ito na
siyang nagbibigay ng mga pormal at
obhetibong ulat, balita, at pag-aaral. At
ang mga ito ang magsisilbing lunsaran
para sa marami pang pagtuklas,
eksperimento, at imbensiyon na
nakapagpapaunlad ng ating pang araw-
araw na buhay.
SAGUTIN NATIN!
1.Ano ang tekstong pansiyentipiko?
2.Ano ang katangian ng mga salitang
ginagamit sa mga tekstong
pansiyentipiko?
3.Ano ang mga ambag ng mga tekstong
pansiyentipiko sa buhay ng tao?
YUNIT 8-ARALIN 3 IKA-11
BAITANG

Tekstong
Panghumanidades
FILIPINO 11
PAG-ARALAN NATIN!

 Ang humanidades ay larangan ng pag-aaral


na nakatuon sa kung paanong ipinoproseso ng
tao ang kaniyang karanasan sa mundo, sa iba't
ibang anyo at midyum. Naglalaman din ito ng
emosyon, damdamin, at relasyon sa sining.
 Likas sa tao ang pagkakaroon ng iba’t ibang
talentong kapag pinaunlad, ginamit sa mabuti at
tama ay nagdadala sa kaniya ng tagumpay at
katanyagan.
 Kinakailangan ang malalim na pag-unawa at
pagsusuri sa pagbasa ng mga tekstong
panghumanidades sapagkat madalas na ang
kahulugan ng mga ito ay hindi lantad.
 Pinagagana nito ang isip ng mambabasa sa
pagbibigay ng sariling interpretasyon sa nais
sabihin ng manunulat.
KAHULUGAN NG TEKSTONG PANGHUMANIDADES
TEKSTONG PANGHUMANIDADES

 ay mga akdang naglalaman ng repleksyon at


interpretasyon ng buhay ng tao gamit ang iba't ibang
sining at pagpapahayag. Makababasa ka ng tekstong
panghumanidades mula sa mga disiplina ng malikhaing
pagsulat, relihiyon, pelikula, musika, pagpipinta, at iba
pa.
TEKSTONG PANGHUMANIDADES

 Maaaring subhetibo ang wika nito o hindi pormal


dahil malayang magpahayag ng kaisipan ang
manunulat ng tekstong panghumanidades.
 Maaari ding gumamit ng matatalinghagang pananalita
sa larangan ng humanidades lalo na sa disiplina ng
sining at panitikan. Maliban na lamang kung naisaad,
ang mga teksto sa larangan ng humanidades ay
bukas sa interpretasyon.
MGA URI NG TEKSTONG PANGHUMANIDADES

May tatlong uri ng tekstong panghumanidades. Maaaring ito ay


impormasyonal, imahinatibo, at pangungumbinse.

IMPORMASYONAL

 Impormasyonl ang tekstong panghumanidades kung


tumatalakay ito ng facts o mga patunay o katotohanan.
Halimbawa nito ay talambuhay, textbook tungkol sa mga
konsepto ng pilosopiya, at polyeto na nagsasalaysay sa
kasaysayan ng isang likhang sining.
IMAHINATIBO

 ang tawag sa mga malikhaing akda at maging kritisismo


nito. Halimbawa nito ay ang liriko ng awit, iskrip ng pelikula
at dula, at maikling kuwento.

PANGUNGUMBINSI
 Ito ang uri ng pagpapahayag na nagpapaniwalang
suportahan o hindi ang isang akdang pansining o
kaisipang pampilosopiya. Halimbawa nito ay ang mga
kritisismong pampanitikan, diskusyon tungkol sa
relihiyon, at rebyung pampelikula.
Ngayong alam na natin ang mga katangian, uri, at
halimbawa ng tekstong panghumanidades, subukan nating
bigyang-kabuluhan ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.
Basahin ang bahagi ng halimbawang teksto:
Masasabi nating ito ay isang impormasyonal na uri ng
tekstong panghumanidades. Tumatalakay at ipinaliliwanag ng
papel ang mga kasangkot sa proseso ng paglikha ng sining
na nagbubunga ng aesthetic pleasure. Hindi man nito
kinailangan ng matatalinghagang salita, tunog personal at
may pagka-impormal pa rin ito lalo na sa malayang paggamit
nito ng mga salitang Ingles kahit pa may salin ang mga ito sa
Filipino.
Tayo ay maaring naging spectator na ng isang likhang sining tulad ng
pelikula, konsiyerto, at dula. Maaaring tayo mismo ay nagsulat, at
nagtanghal na ng mga ito. Subalit, paano magiging makabuluhan ang
tekstong ito para sa atin namang hindi? Magkakaroon at lalong magiging
makabuluhan ang mensahe nito kung gagawan natin ito ng mga ugnayan
gamit ang ating iskema o dating kaalaman.
Kaugnayan ng Teksto sa sarili, Pamilya, Komunidad,
Bansa, at Daigdig

Sa tulong ng mga gabay na tanong sa kung paanong naiiba,


pamilyarisasyon, at kung paano maitutulad ang teksto sa
sarili, sa ating pamilya, sa ating komunidad, sa bansa, at sa
buong daigdig, mahahanapan natin ng kabuluhan ang ating
nabasang talata.
Ano-ano ang pagkakaiba nitong teksto sa aking sarili, at, sa
aking pamilya?
Maaaring maging sagot:

Masasabi kong hindi pa ako nagiging manunulat or


artista ng isang dula, konsiyerto, o pelikula. Para sa
koneksiyon ng tekstong ito sa aking pamilya, wala
rin sa kanila ang nakaranas ng mga ito.
Ano-ano ang ipinapaalala ng teksto sa aking sarili, at sa
daigdig?
Maaaring maging sagot:

Nakanonood ako ng mga pagtatanghal sa teatro, at nakikita ko


sa mga artista kung gaano sila kasaya habang at pagkatapos
ng isang pagtatanghal. Mukhang totoo nga ang sinasabi ng
talata na mayroong aesthetic pleasure sa proseso ng paglikha
ng sining. Ganoon din ang aking nararamdaman sa pagiging
kabahagi ng mga pagtatanghal na ito bilang spectator, may
kung anong kasiyahang dala ang panonood ng isang masining
na pagtatanghal.
At kung tutuusin, hindi lamang ito totoo para sa
aking napanood, kundi para sa lahat ng mga
nagtatanghal sa buong mundo. May mga nabasa
na akong pananaliksik na ang mga artista, at
manunulat ay sunod-sunod kung magtanghal, o
sunod-sunod kung maglabas ng mga iskrip o aklat.
Ito ay dahil ganadong-ganado sila sa pagtatanghal
at pagsulat dala ng aesthetic pleasure na hatid ng
sining.
Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa karanasan ng
aking komunidad, at sa bansa?
Maaaring maging sagot:

 Marami na tayong karanasan bilang komunidad ng mga


spectator. Kapag nakapanood tayo ng isang magandang
pelikula, konsiyerto, o dula ay hindi tayo tumitigil sa
kuwentuhan tungkol dito. Minsan ay nanghihikayat pa
talaga tayo na sama-samang manood ulit. Dahil ito sa
gustong-gusto nating maibahagi ang ating karanasan at
maiparanas kahit papaano ang aesthetic pleasure ng
sining sa iba pang tao, sa iba pang komunidad.
Maiuugnay ang mensahe ng talata sa pangkalahatang
karanasan ng mga Pilipino. Likas kasi tayong mga
performer. Kahit sa mga simpleng handaan ay hindi
nawawalan ng musika. Lalo pang makikita ito sa
propesyonal na eksena sa dami ng mga artistang
nagpasikat sa ating bansa tulad ni Lea Salonga at iba
pang mga mang-aawit at musikero sa Broadway. Marami
ring mga OFW na ang trabaho ay ang magtanghal.
Sigurado akong hindi nila ginagawa ito dahil lamang sa
kita. Sila ay naging mga artista dahil sa aesthetic pleasure
na dala ng kanilang sining.
Ngayong natuklasan nating makabuluhan ang tekstong
panghumanidades sa ating buhay, mainam na bumuo tayo ng lagom
at kongklusyon para rito:
May aesthetic pleasure sa karanasan ng pagiging artist, performer, at
spectator. Hindi ko man, ni ang aking pamilya, naranasang magsulat o
mag-perform ay kitang-kita kung gaano kabuhay ang kalakaran ng
sining sa loob ng mga komunidad sa lahat ng panig ng mundo. Totoo ito
para sa Pilipinas dahil sa patuloy na pag-usbong ng mga Pilipinong
performer sa loob at labas ng bansa. Bilang indibiduwal namang
spectator, naranasan ko ang tuwa habang at pagkatapos manood.
Napag-isipan ko tuloy kung gaanong nakasalalay ang ating kaligayahan
sa kasapi ng industriya ng entertainment katulad ng mga manunulat at
tagapagtanghal. Marahil, ang paglikha nila ng sining ay isa sa
malalaking dahilan kung bakit tayo natutong magpahalaga sa ating mga
emosyon, at sa kagandahan ng buhay.
Matapos nating malaman kung ano ang tekstong
panghumanidades, ang mga uri, halimbawa, katangian, at
ang mga hakbang upang magawan ito ng kaugnayan sa
ating buhay, balikan natin ang mahahalagang punto nito.

Ang tekstong panghumanidades ay ang maaaring maging


impormasyonal, imahinatibo, at nangungumbinseng tulad ng
mga polyeto, akdang piksyon, at rebyu na naglalahad ng
repleksyon at interpretasyon ng buhay. Maaari itong magmula
sa personal at matalinghagang punto-de-bista ng mga
manunulat, pilosopo, at artista. Ang mga ito ay akdang bukas
sa interpretasyon at dala ng aesthetic pleasure ay yumayabong
nang yumayabong ang kalakaran nito.
SAGUTIN NATIN!

1.Ano ang tekstong panghumanidades?


2.Ano ang impormasyonal na tekstong
panghumanidades?
3.Paano mailalarawan ang wika at
pananalitang gamit sa mga tekstong
panghumanidades.
YUNIT 8-ARALIN 4 IKA-11
BAITANG

Tekstong Pang-
Agham Panlipunan
FILIPINO 11
PAG-ARALAN NATIN!

 Malawak ang sakop ng agham panlipunan.


Madalas ipinaliliwanag at ipinauunawa ng mga
babasahin at teksto ang tungkol sa kilos ng tao
at ang ugnayan nito sa lipunang kaniyang
ginagalawan.
 Iba’t ibang pananaliksik at mga pag-aaral ang
isinasagawa sa mga isyung kinakaharap ng tao
at lipunan upang ugatin ang pinagmumulan ng
mga suliranin at kung paano ito sosolusyonan.
Ang Tekstong Pang-agham Panlipunan

 Ang agham panlipunan ay larangan na nakatuon sa


pag-aasal ng mga pangkat ng tao o sibilisasyon.

TEKSTONG PANG-AGHAM PANLIPUNAN

 ay mga akdang ginamitan ng approach ng siyensiya na


obhetibo habang pumapaksa tungkol sa kalikasan at
ugnayan ng tao na larangan naman ng humanidades.
 Makababasa ka ng tekstong pang-agham panlipunan
mula sa mga disiplina ng kasaysayan, arkeolohiya,
ekonomiks, at iba pa.
TEKSTONG PANG-AGHAM PANLIPUNAN

 Hindi lang sa larangan ng ekonomiya, kasaysayan, at


politika, maririnig ang mga usapin ng agham panlipunan.
Pumapasok ang sikolohiya sa tuwing nais nating
malaman kung ano ang pinakaepektibong study habit.
 Teritoryo naman ng heograpiya ang pagmapa ng mga
isla sa Pilipinas na gustong-gusto nating puntahan.
 Sa larangan naman ng sosyolohiya inaaral ang mga isyu
ng iba't ibang klase ng pamilya - pamilyang OFW,
pamilyang may single parent, at iba pa.
KATANGIAN NG TEKSTONG PANG-AGHAM PANLIPUNAN

 Tiyak at direkta sa punto ang mga detalye ng tekstong


pang-agham panlipunan.
 Naglilista rito ng mga obserbasyon na pinapatibay ng
mga ebidensiya.
 Mayroong tatlong uri ng tekstong pang-agham
panlipunan. Maaaring ito ay impormasyonal,
argumentatibo, at nanghihikayat.
 Impormasyonal ang mga akdang naglilinaw
tungkol sa isang tiyak na paksa. Halimbawa nito
ay ang pananaliksik.
 Editoryal ang isa pang halimbawa ng
argumentatibong papel na iniimbestigahan
ang bawat panig ng isang isyu.
 Maaaring sa anyong sanaysay, testimonyal, at
talumpati naman ang mga tekstong
nanghihikayat na pinaniniwala ang pagiging
tama ng sa isang panig lamang ng
pinagdedebatehang paksa.
Kaugnayan ng Teksto sa Sarili, Pamilya, Komunidad,
Bansa, at Daigdig

Ngayong alam na natin ang mga katangian, uri, at halimbawa


ng tekstong pang-agham panlipunan, ating subukang
bigyang-kabuluhan ito sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.
Basahin ang halimbawang tekstong pang-agham
panlipunan:
“Ang Pampasaherong Dyipni at ang Ugaling Pinoy”
ni Florentino T. Timbreza

Subalit sa totoong buhay o sa tunay na takbo ng


mga pangyayari, sa gawa at sa layunin, ang Pinoy
ay puspusang praktikal. Siya’y hindi lamang realistic
kundi materialistic pa. Ang kaugaliang ito ay siyang
nilalaman ng kaniyang mga kasabihang, “Di baleng
byuda, basta may pera; Di baleng pangit, basta
may atik,” at “Barya lang po sa umaga.”
Bukod pa rito ang Pinoy ay segurista, “Huwag kang
barat, hustuhin mo ang bayad,” at “Kalimutan ang lahat,
huwag lang po ang bayad.” Kaya batay sa mga ito
maaaring sabihin sa larangan ng pangangaral, ang Pinoy
ay spiritualistic, ngunit sa pagnanasa at sa gawa, siya’y
materialistic. Ito ang isang halimbawa ng tinatawag nilang
“split-level Christianity” ng mga Pilipino.
Ito ay isang sipi mula sa isang impormasyonal na
tekstong pang-agham panlipunan. Tiyak at direkta sa
punto ang manunulat sa pagbanggit agad ng mga
linyang makapagpapatunay sa kaniyang mga
asersyon. Mababasang sinusubukan nitong alamin ang
sikolohiyang Pilipino sa pag-aral sa wika ng mga dyipni
drayber. Nais sabihin ng may-akda na may
kontradiksyon sa pag-uugali ng mga Pilipino, na
habang malaki ang paniniwala niya sa simbahan at
mga pangaral nito, ay praktikal at materyoso naman
tayo.
Paano magiging makabuluhan ang tekstong ito
para sa atin?
Magkakaroon at lalong magiging makabuluhan
ang mensahe nito kung gagawan natin ito ng
mga ugnayan gamit ang ating iskema o dating
kaalaman. Sa tulong ng mga gabay na tanong
sa kung paanong naiiba, paanong pamilyar, at
paanong maitutulad ang teksto sa sarili, sa
ating pamilya, sa ating komunidad, sa bansa,
at sa buong daigdig, mahahanapan natin ng
kabuluhan ang ating nabasang sipi.
Ano-ano ang pagkakaiba nitong teksto sa
aking sarili, at sa aking pamilya?
Maaaring maging kasagutan:

Hindi ako drayber ng dyipni at wala rin sa aming


pamilya ang nagmamaneho nito. Hindi ako
ganoong kapamilyar kung saan galing ang
kanilang mga motto o kasabihan na inaral ng
may-akda.
Ano-ano ang ipinapaalala ng teksto sa aking sarili, at sa
daigdig?
Maaaring maging kasagutan:

 Pamilyar ako sa mga motto o kasabihan na inaral ng may-


akda. Nakikita ko ang ilan sa mga ito habang sumasakay sa
dyip. Napapaisip din ako sa kung ano ang ibig sabihin ng
mga ito. Pagdating sa ugnayan ng teksto sa daigdig, hindi
lang sa Pilipinas, kung hindi sa iba ring bansa makikita ang
sikolohiya ng isang nasyon sa kanilang mga kasabihan.
Ano-ano ang pagkakatulad ng teksto sa karanasan ng aking
komunidad at sa bansa?
Maaaring maging kasagutan:
Pilipino ako at bahagi ako ng komunidad ng mga Kristiyano. Tulad ng
nakararami, naiintindihan namin kung gaano kahirap na 100
porsiyentong sumunod sa pangaral ng relihiyon, kaya’t mayroong
mga tulad nitong kontradiksyon sa pag-uugali.

Sa Pilipinas, isang halimbawa ng kontradiksyong ito ang pagdiriwang


ng mga piyesta. Dahil sa tuwing tayo ay naghahanda, hindi tayo
nagtitipid sa pagkain, sa programa, at sa palamuti. Materyalistiko
tayo sa ganitong paraan, maaaring minsan sumosobra sa punto na
nakaliligtaan na natin ang tunay na dahilan ng pagdiriwang, ang
benerasyon para sa isang santo o patron.
Ngayong natuklasan nating makabuluhan ang teksto sa ating buhay,
mainam na bumuo tayo lagom at kongklusyon para rito:

Tinalakay ng may-akda na si Florentino Timbreza ang


pagkakaroon ng kontradiksyon sa pagiging Katoliko ng
mga Pilipino. Gamit ang ebidensiya ng mga motto o
kasabihan mula sa mga drayber ng dyipni,
naobserbahan niyang maaaring materyoso ang Pinoy
bagaman hinihingi sa kaniyang maging espirituwal.
Ang karanasan ng pagiging dyipni drayber ay
natatangi sa iilan. May sarili silang wika at ang wikang
ito ay nauugat sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay.
Subalit, nagagawa pa ring maging unibersal ng
gamit ng mga kasabihang ito hindi lamang para
maging repleksyon nilang drayber, kung hindi
repleksyon para maging repleksyon ng komunidad
ng mga Kristiyano. Malaki pala ang potensiyal ng
perspektibo ng mga dyipni drayber upang
matuklasan ang mentalidad ng mga Pilipino.
Lehitimong repleksyon pala ang kanilang wika para
makilala pang lalo kung sino tayo bilang nasyon.
Matapos nating matuklasan kung ano ang tekstong pang-agham
panlipunan, ang mga katangian, uri, halimbawa, at ang mga
hakbang upang magawan ito ng ugnayan sa ating buhay, balikan
natin ang mahahalagang punto nito.

Ang tekstong pang-agham panlipunan ay


direktang naglalahad ng mga tiyak na
obserbasyon at ebidensiya sa anyo ng
pananaliksik, sanaysay, at editoryal. Maaari itong
magbigay-impormasyon, maglahad ng argumento,
at mangumbinse sa ating maniwala sa isang panig
ng napapanahong isyu tungkol sa asal at ugnayan
ng tao.
Malaki ang tulong ng tekstong pang-
agham panlipunan sa pang-araw-
araw nating pamumuhay.
Layunin nitong maturuan tayo ng
tamang pag-aasal upang makapag-
ambag sa pag-usad ng lipunang ating
kinabibilangan.
SAGUTIN NATIN!

1.Ano ang tekstong pang-agham


panlipunan?
2.Paano mailalarawan ang mga
katangian ng tekstong pang-agham
panlipunan?
3.Ano-ano ang uri ng tekstong pang-
agham panlipunan?

You might also like