You are on page 1of 26

TEKSTONG

DESKRIPTIBO
Mula sa epektibong paglalarawan ay
halos makikita, maaamoy, maririnig,
malalasahan, o mahahawakan na ng
mambabasa ang mga bagay na
inilalarawan kahit pa sa isipan lamang
niya nabubuo ang mga imaheng ito.
 Ang tekstong deskriptibo ay uri ng tekstong
naglalarawan.
 Naglalaman ito ng impormasyong ginagamitan
ng mga salitang pantukoy sa katangian ng isang
tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
 Mayaman sa mga salitang pang-uri o pang-abay
ang mga tekstong deskriptibo. 
2 uri ng
Paglalarawan
SUBHETIBO
Nakabatay lamang sa
kanyang mayamang
imahinasyon at hindi ito
nakabatay sa katotohanan.
OBHETIBO
Ang paglalarawan kung
ito’y may pinagbabatayang
katotohanan.
Paggamit ng Cohesive
Devices o kohesyong
gramatikal sa pagsulat ng
Tekstong Deskriptibo
1. Reperensyal (reference)
Ito ang paggamit ng mga
salitang maaaring tumukoy o
maging reperensiya ng paksang
pinaguusapan sa pangungusap.
1.1 ANAPORA
Mga panghalip na ating makikita at
nagagamit sa hulihan bilang panimula
sa pinalitang pangngalan sa unahan ng
pangungusap.
HALIMBAWA NG
ANAPORA
A. Sina Peter at Hector ay halimbawa ng
mga estudyante sa Paaralang ABC
Elementary. Sila ay mga honor student.
B. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng
pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na
kayamanan ng isang bansa.
1.2 KATAPORA
Mga panghalip na ating
ginagamit sa unahan bilang
tanda sa pinalitang pangalan sa
hulihan.
HALIMBAWA NG
KATAPORA
A. Ito ay isang dakilang lungsod. Ang
Maynila ay may makulay na
kasaysayan.
B. Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang
salamin. Tumatakbo si Marc sa loob ng
silid kanina.
2. Substitusyon (substitution)

Paggamit ng ibang salitang


ipapalit sa halip na muling
ulitin ang salita.
HALIMBAWA NG SUBSTITUSYON

Nawala ko ang aklat mo.


Ibibili na lang kita ng bago.
3. ELLIPSIS
May binabawas na bahagi ng
pangungusap subalit inaasahang
maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa
mambabasa ang pangungusap dahil
makakatulong ang unang pahayag para
matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang
salita.
HALIMBAWA NG ELLIPSIS

Bumili si Gina ng apat


na aklat at si Rina
nama’y tatlo.
4. PANG-UGNAY
Nagagamit ang mga salitang pang-ugnay
tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa
sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap
sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay
higit na nauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig ang relasyon sapagitan ng mga
pinag-ugnay.
HALIMBAWA NG PANG-UGNAY
Ang mabuting magulang ay
nagsasakripisyo para sa mga anak
at ang mga anak naman ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa
kanilang mga magulang.
5. KOHESYONG LEKSIKAL
Mabibisang salitang ginagamit sa
teksto upang magkaroon ito ng
kohesyon. Maaari itong mauri sa
dalawa: reiterasyon at ang
kolokasyon.
5.1 REITERASYON
Kung ang ginagawa o sinasabi ay
nauulit nang ilang beses. Maaari
itong mauuri sa tatlo: pag-uulit o
repetisyon, pag-iisa-isa, at
pagbibigay-kahulugan.
5.1.1 PAG-UULIT O
REPETISYON
Maraming bata ang hindi
nakapapasok sa paaralan. Ang mga
batang ito ay nagtratrabaho na sa
murang gulang pa lamang.
5.1.2 PAG-IISA-ISA

Nagtanim sila ng mga gulay sa


bakuran. Ang mga gulay na ito
ay tatlong, sitaw, kalabasa, at
ampalaya
5.1.3 PAGBIBIGAY KAHULUGAN

Marami sa mga batang manggagawa ay


nagmula sa mga pamilyang dukha.
Mahirap sila kaya ang pag aaral ay
naiisantabi kapalit ng ilang baryang
naiaakyat nila para sa hapag-kainan.
6. KOLOKASYON
Mga salitang karaniwang nagagamit
nang magkapareha may kaugnayan sa
isa’t isa kaya’t kapag nabanggit ang isa
ay naiisip din ang isa. Maaaring
magkapareha o maaari ding
magkasalungat.
HALIMBAWA NG
KOLOKASYON
Nanay-tatay
guro-mag-aaral
hilga-timog
doktor-pasyente
puti-itim

You might also like