You are on page 1of 24

MAGANDANG

UMAGA!!
BALIK- ARAL
ARALIN
3
PAGSULAT NG
ADYENDA AT
KATITIKAN NG
PULONG
May tatlong mahahalagang
elementong kailangan upang maging
maayos, organisado, at epektibo ang
isang pulong. Ito ay ang
memorandum, adyenda, at katitikan
na pulong.
MEMORANDUM
Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014),
sa kanyang aklat na English for the Wordplace 3,
ang memorandum o memo ay isang kasulatang
nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong
o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain,tungkulin, o utos. Sa
memo nakasaad ang layunin o pakay ng
gagawing miting.
Sa pamamagitan nito, nagiging malinaw sa mga
dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa
kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa
memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang
mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o
organisasyon, magiging malinaw para sa lahat na
hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon
sapagakat pinal na ang nasabing desisyon o
proyekto.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang
sining. Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang
liham. Kadalasan ay maikli lamang na ang
pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa
isang tiyak na alituntuning dapat isakatuparan gaya
halimbawa ng pagdalo sa isang pulong,
pagsasagawa, o pagsunod sa bagong sistema ng
produksiyon o kompanya.
Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014) sa
kanyang aklat na Writing in the Discipline,
ang mga kilala at malalaking kompanya at
mga institusyon ay kalimitang gumagamit
ng mga colored stationery para sa kanilang
mga memo tulad ng sumusunod:
• Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan,
direktiba, o impormasyon
• Pink o rosas – ginagamit naman para sa request o
order na nanggagaling sa purchasing department
• Dilaw o luntian – ginagamit naman para sa mga
memo na nanggagaling sa marketing at accounting
department
Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo
(2014), may tatlong uri ng memorandum
ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c.Memorandum para sa pagtugon
DAPAT TANDAAN
SA PAGSASAGAWA
NG MEMORANDUM
1. Makikita sa letterhead ang logo at
pangalan ng kompanya, institusyon, o
organisasyon gayundin ang lugar kung
saan matatagpuan ito at minsan
maging ang bilang ng numero ng
telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para Kay/Kina’ ay naglalaman ng
pangalan ng tao o mga tao, o di kaya naman ay grupong pinag-
uukulan ng memo. Para sa isang impormal na memo ang Para
Kay: Aileen ay sapat na. Ngunit sa mga pormal na memo,
mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito.
Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento,
makakatulong kung ilalagay rin ang pangalan ng departamento.
Hindi narin kailangan lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban
na lamang na napakapormal ng memong ginagawa.
3. Ang bahagi namang ‘Mula Kay’ ay naglalaman ng pangalan ng
gumawa o nagpadala ng memo. Gaya rin ng bahaging ‘Para
sa/Para Kay/Kina’ maaaring gamitin na lamang ang unang
pangalan ng sumulat nito gaya halimbaw nito: Mula Kay: Nestor.
Ngunit kung ito ay pormal, isulat ang buong pangalan ng
nagpadala. Gayundin, mahalagang ilagay ang pangalan ng
departamento kung ang memo ay galing sa ibang seksiyon o
tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb., at iba
pa maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng
numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip, isulat
ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na
salita nito tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob.
kasama ang araw at taon upang maiwasan ang
pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang
payak, malinaw, at tuwiran upang agad maunawaan
ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasang ang ‘Mensahe’ ay maikli lamang ngunit kung ito
ay isang detalyadong memo kailangang ito ay magtaglay ng
sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng
pansin. Hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng
kinauukulan.
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa
pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’
ng nagpadala. Kadalasang inilalagay
ito sa ibabaw ng kanyang pangalan sa
bahaging Mula Kay…
MARAMING
SALAMAT!

You might also like