You are on page 1of 21

MEMORANDUM

PANIMULANG GAWAIN:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan . Gagawin ito sa word at ipapasa sa ating
LMS ASSIGNMENT BOX.
1. Ano ang MEMORANDUM?
2. Anu-ano ang mga bahagi ng MEMORANDUM? Ibigay ang bawat isa at kahulugan
nito.
3. Ilahad ang mga bagay o hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng isang memo.
4. Ilahad ang kahalagahan at imposmasyong isang memorandum?

Ipapasa ito ngayong araw sa ating ASINGKRONIKO 2:00-3:00 PM sa ating LMS


LAYUNIN NG MEMORANDUM

Magbigay ng patakaran
Maghatid ng mabilis na impormasyon sa gaganaping pulong o pangyayari
Mag-ulat ng mga kaganapan sa isang kompanya
Magpaalala ng mga dapat gawin
Mapabilis ang pakikipagtalastasan sa paraang opisyal upang mabigyang pansin,
aksyon, katugunan
Suportahan ang desisyon-paggawa sa pamamagitan ng documenting isang
sanggunian para sa magamit sa hinaharap
Pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alintuntuning dapat isakatuparan
KAHALAGAN

Nangangahulugang liham o sulat ng isa.


Maaring liham sa usaping negosyo o
diplomasya.
Maaari din itong mangahulugan ng isang tala o
talaan, nota, listahan, kasunduan, panandaan, at
pagunita.
URI NG MEMORANDUM

Memorandum para sa pagtugon


Memorandum para sa kompirmasyon
Memorandum para sa kahilingan
Memorandum para sa kabatiran
Panapanohong Memorandum
Di pormal na Memorandum
NILALAMAN NG ISANG MEMORANDUM

• 1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng


kompanya, institusyon o organisasyon gayundin ang
lugar kung saan matatagpuan ito.
N I L A L A M A N N G I S A N G M E M O R A N D U M

• 2. Heading
• 2.1 Ang “Para sa/ Para kay/ Kina” ay naglalaman ng
pangalan ng tao o mga tao, o kaya naman ay grupong
pinag-uukulan ng memo. Hindi na rin kailangang lagyan
ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang kung
napaka pormal ng memong ginawa.
• 2.2 Ang bahagi namang “Mula Kay” ay naglalaman ng
pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.
• 2.3 Sa bahaging “Petsa”, iwasan ang paggamit ng numero
gaya ng 11/25/17.
NILALAMAN NG ISANG MEMORANDUM

• 3. Ang bahaging “Paksa” ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw, at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito.
• 4. Kadasalang ang mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo
kailangang ito ay magtaglay ng sumusunod:
Sitwasyon – panimula o layunin ng memo
Problema – suliraning dapat pagtuonan ng pansin
Solusyon – inaasahang gawin ng kinauukulan
Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat
NILALAMAN NG ISANG MEMORANDUM

• 5. Konklusyon – ito ang pagsasaad ng


mahahalagang detalye
• 6. Ang huling bahagi ay ang “Lagda” ng
nagpadala.
GAWAIN ASINGKRONIKO: PAGSULAT
NG MEMORANDUM

Sitwasyon:
Ikaw ay kasulukuyang pangulo ng inyong klase/section sa ikalabing
dalawang baitang.Sumulat ka ng isang organisado, malikhain at kapani-
paniwalng memorandum para sa klase ng magkaroon kayo ng pagpupulong
upang pag-usapan ang mga pataran na susundin sa klasrum sa kalagayan ng
NEW NORMAL / bunga ng Covid-19 pandemya.
PAMANTAYAN SA MEMO

10 puntos – Wasto at angkop ang mga impormasyong sinulat sa bahagi ng


memorandum.
8 puntos- kumpketo ang mga impormasyon isinulat sa bahagi ng memorandum
bagaman may ilan maling detalye.

6 puntos- taglay ang ilang wastong impormasyon sa mga isinulat sa bahagi ng


memorandum.

5 puntos- Hindi nasunod ang impormasyon hinhingi sa bahagi ng memorandum

You might also like