You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City

Kalinisan: 2
Pangalan: _____________________________________________________ Kompleto: 3
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Malikhain: 2
Petsa: ________________________________________________________ Nilalaman: 8
Guro: ________________________________________________________ Kabuuan 15

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa


Piling Larangan
Paksa: Memorandum Uri ng Gawain: Concept Notes
- Hakbang sa Pagsasagawa ng Memorandum Gawain Bilang: 8
Layunin:
- Nauunawaan ang kahulugan ng Memorandum
- Nababatid at nailalapat ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Memorandum
- Nakasusulat ng isang mabisang Memorandum

Panimula
Ang memorandum o memo ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o may mas nakatataas na
tungkulin sa mga nakabababang kasamahan sa trabaho. Ang layunin ng isang memorandum ay upang
paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na, kasalukuyan, o bagong usapin sa trabaho. Layunin din
nitong magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng mga patakaran na kinakailangang mabatid ng lahat. Kung
minsan, ang memo ay nagbibigay babala sa isang partikular na sector o departamento, o kaya ay sa isang
indibidwal na empleyado kung may nagawa silang pagkukulang o kamalian sa trabaho.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Memorandum


1. Karaniwang binubuo ng Ulo at ng Katawan ang isang Memo.
Ulo
Para sa/kay- pangalan ng padadalhan
Mula sa/kay – pangalan ng nagpadala
Petsa- kung kailan sinulat at ipinaskil ang memo
Paksa- pinag-uusapang impormasyon

Katawan -dito inilalagay ang panimula at ang buod ng pinakamensahe ng memo.

2. Sa pagtukoy sa padadalhan o tagatanggap ng memo, dapat laging ilagay ang kaniyang buong
pangalan.
3. Laging ikonsidera ang awdiyens o ang mga mambabasa ng memo. Mahalagang iakma ang tono, haba,
at antas ng pormalidad nito sa mga magbabasa.
4. Tandaan na pormal ang memorandum, kaya ang gamit ng wika dito ay magalang at gumagamit ng
pangatlong panauhan.

Katawan ng Memorandum
● Pagsulat ng Panimula
1. Ipakilala ang suliranin o isyu sa panimulang bahagi. Bigyan ang kinauukulan ng pahapyaw o pasilip sa
konteksto sa likod ng akisyong nais ipagawa sa kanila. Ito ang thesis statement ng memo, na siyang
nagtataglay ng paksa at naglalahad kung bakit ito mahalaga.
2. Ilagay lamang ang impormasyong kailangan.
3. Karaniwang ang haba ng panimula ay nasa ¼ ng kabuuang haba ng memorandum.

● Pagsulat ng Buod
Ang ibinubuod sa isang memorandum ay ang pangunahing aksiyong nais ipagawa ng nagpapadala sa
mambabasa. Nagtataglay ito ng ilang ebidensiya bilang pansuporta sa mga rekomendasyong ibinibigay ng
nagpapadala. Sa isang napakaikling memo, hindi na kinakailangan ang buod; isinasama na ito sa pagtalakay na
nasa gitnang bahagi nito.
Gawain Blg. 1
Sa pamamagitan ng Big Question Map, bumuo ng mga tanong ng patungkol at/o may kaugnayan sa
Memorandum. Ang mabubuong mga tanong ay isusulat sa mga kahon na nasa ibaba.

Sino? Ano? Bakit?

MEMORANDUM

Kailan? Paano?

Gawain Blg. 2
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na bahagi ng isang Memorandum at ipaliwanag ang bawat bahagi.

1.

2.
Mga bahagi ng Memorandum

1. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. ____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Gawain Blg. 3
Sumulat ng memorandum para sa isa sa mga paksang inihain sa ibaba. Bumuo muna ng borador o rough draft
bago ipasa ang pinal na papel.
1. Nakakita ng problema sa inyong opisina ang isa sa iyong mga empleyado at sumulat siya ng isang liham para
magmungkahi ng solusyon. Hindi ka naniniwalang mabisa ang inihain niyang solusyon sa sinasabing problema.
Sumulat ka ng memo bilang tugon sa kaniya.

2. Isang malaking proyekto para sa isang subject sa paaralan ang inyong isasagawa. Sumulat ka ng isang memo
para sa iyong mga kagrupo na nagtatalaga sa kanila ng kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa nasabing
proyekto.

Pamantayan sa paggagrado:

Pamantayan Puntos
1. May maayos na nilalaman at pagbanggit sa sitwasyon. 20
2. Malinaw ang mga punto. 20
3. Kompleto ang mga bahagi at tama ang pormat. 20
4. Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pananalita. 20
5. Malinis at presentable ang papel. 20
Kabuuan 100

Mga Gabay na Tanong:


1. Ano-ano ang layunin ng isang Memorandum?
2. Ano ang ugnayan ng Memorandum sa Adyenda? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalaga ang Memorandum sa isang kompanya o organisasyon?

You might also like