You are on page 1of 5

Memorandum

Ipinasa ni:
Tribiana, Nelanie F.
Grade 12 - STEM AMETHYST

Ipinasa kay:
Binibining Michelle Layson
Kahulugan

Ayon kay Propesor Ma. Rovilla Sudaprasert sa kanyang aklat na English


for the Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang
nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong. Ito rin ay ginagamit bilang
paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.

Katangian

Dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing pulong. Sa pamamagitan


nito, nagiging malinaw na sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan
mula sa kanila. Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining. Dagdag
pa rito, dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham.

Layunin

Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin


ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya ng
pagdalo sa isang pulong at pagsagawa o pagsunod sa bagong sistema ng
produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon
tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline
(2014), ang mga kilala at malalaking kompanya o institusyon ay kalimitang
gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang memo tulad ng mga
sumusunod:
● Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o
impormasyon.
● Rosas - ginagamit naman para sa hiling o utos na nanggaling sa
purchasing department.
● Dilaw o Luntian - ginagamit naman para sa mga memo na nanggaling sa
marketing at accounting department.
Uri ng memorandum ayon sa layunin:
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon

Ayon pa rin kay Sudaprasert, mahalagang tandaan na ang isang maayos


at malinaw na memo ay dapat magtaglay ng mga sumusunod na impormasyon:

1. Letterhead - Dito makikita ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon,


o organisasyong kinabibilangan ng nagpadala ng memo. Gayundin,
makikita rito ang lugar kung saan sila matatagpuan at maging ang numero
ng kanilang telepono.
2. “Para sa/Para kay/kina” - Ang bahaging ito ay naglalaman ng buong
pangalan ng tao o grupong pinag-uukulan ng memo. Makatutulong din
kung ilalagay ang pangalan ng departamentong kanilang pinagmulan lalo
na kung ang tatanggap ay galing sa ibang seksyon.
3. “Mula kay” - Ito ay naglalaman ng buong pangalan ng gumawa o
nagpadala ng memo. Mahalaga ring ilagay ang pangalan ng departamento
kung ang memo ay galing sa ibang seksyon at tanggapan.
4. Lagda - Kadalasang makikita sa ibabaw ng pangalan ng nagpadala.
5. Paksa - Ang parteng ito ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at
tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabatid.
6. Petsa - Sa bahaging ito, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng
11/30/22 o 30/11/22. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang
pinaikling bersyon nito kasama ang araw at taon upang maiwasan ang
pagkalito.
7. Mensahe - Ito ay maikli ngunit detalyado. Ang mensahe ay kailangang
magtaglay ng mga sumusunod:
a. Sitwasyon - Dito makikita ang panimula o layunin ng memo.
b. Problema - Nakasaad ang suliraning dapat bigyang pansin.
Tandaan din na hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
c. Solusyon - Nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.
d. Paggalang o Pasasalamat - Wakasan ang memo sa pamamagitan
ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.
Narito ang halimbawa ng memorandum para sa kabatiran:
Sanggunian

Cano, G. (n.d.). School memo macnhs- LAC. Scribd.

https://www.scribd.com/document/494256917/School-Memo-MacNHS-LA

Cupdated-now

Mendoza, A. (n.d.). Memorandum-Filipino Sa piling Larang. Scribd.

https://www.scribd.com/presentation/425632569/Memorandum-Filipino-sa

-Piling-Larang

Piling Larang Akademik 12 Q1 Mod4 Pagsulat Ng Memorandum, Adyenda at

Katitikan ng Pulong. (2020). Studocu.

https://www.studocu.com/en-us/document/asbury-university/biology/piling-

larang-akademik-12-q1-mod4-pagsulat-ng-memorandum-adyenda-at-katit

ikan-ng-pulong-ver3/12191048

You might also like