You are on page 1of 19

Filipino sa Piling Larang -

Akademik
(Memorandum/ memo)

Mary Joy D. Cortado


Ayon kay Prof. Ma Rovilla
Sudaprasert, sa kanyang aklat na
English for the Workplace 3 (2014), ang
memorandum o memo ay isang
kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol
sa gagawing pulong o paalala tungkol sa
isang mahalagang impormasyon,
gawain, tungkulin, o utos.
- Sa memo nakasaad ang layunin
o pakay ng gagawing miting.
- Sa pamamagitan nito ,naging
malinaw sa mga dadalo ng
pulong kung ano ang
inaasahan mula sa kanila.
- ang memo ay hindi isang liham.
- Kadalasang ito ay maikli lamang
na ang pangunahing layunin ay
pakilusin ang isang tao sa isang
tiyak na alituntunin na dapat
isakatuparan
3 Uri ng Memo ayon sa Layunin
(Bargo; 2014)

a. Memorandum para sa kahilingan


b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Mga Dapat Taglayin ng Memo

1. Makikita sa letterhead ang logo


at pangalan ng kompanya,
institusyon o organisasyon
gayundin ang lugar kung saan
matatagpuan ito at minsan maging
ang bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para
sa/Para kay/Kina ay
naglalaman ng pangalan ng
tao o mga tao, o kaya
naman ay grupong pinag-
uukulan ng memo.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay
naglalaman ng pangalan ng gumawa
o nagpadala ng memo. Isulat ang
buong pangalan ng nagpadala kung
pormal ang ginawang memo.
Gayundin ,mahalagang ilagay ang
pangalan ng departamento kung ang
memo ay galing sa ibang sekyon at
tanggapan.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan
ang paggamit ng numero gaya
ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa
halip, isulat ang buong
pangalan ng buwan o ang
dinaglat na salita nito.
5. Ang bahaging Paksa ay
mahalagang maisulat nang
payak, malinaw at tuwiran
upang agad maunawaan
ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasan ang Mensahe ay
maikli lamang ngunit kung ito ay
isang detalyadong memo
kailangan ito ay magtaglay ng
sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita
ang panimula o layunin ng
memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning
dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng
memo ay nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang
dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang
memo sa pamamagitan ng
pagpapasalamat o pagpapakita ng
paggalang
7. Ang huling bahagi ay ang
‘Lagda’ ng nagpadala.
Kadalasang inilalagay ito sa
ibabaw ng kanyang
pangalan sa bahaging Mula
kay …
Pagyamanin
Panuto: PAGSASAAYOS SA MEMORANDUM
AYON SA PORMAT. Ayusin sa wastong pormat
ang mga detalye ng memo o memorandum sa
ibaba. Isulat sa bondpaper.
A. Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga
sumusunod:
a.Ganap na maipatupad ang
Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
b. Mahikayat ang iba’t ibang
ahensiyang pampamahalaan at
pampribado na makiisa sa
mga programang tulad nito na
nagpapataas ng kamalayang
pangwika at sibiko;
c. Maganyak ang mga
mamamayang Pilipino na
pahalagahan ang wikang
pambansa sa pamamagitan ng
aktibong pakikilahok sa mga
gawain kaugnay ng Buwan ng
Wikang Pambansa
B. Ang Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) ay mangunguna sa
pagdiriwang ng taunang Buwan ng
Wikang Pambansa tuwing ika-1
hanggang ika-31 ng Agosto
alinsunod sa itinakdang
Pampanguluhang Proklamasyon
Big. 1041, s. 1997. Ang tema ng
pagdiriwang sa taong ito ay
Filipino: Wika ng Karunungan.
- Sgd.
BR. ARMIN A. LUISTRO FSC
Kalihim
- Hinihiling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
- Direktor ng Kawanihan
Direktor Panrehiyon ,Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan
- Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang
mga sumusunod:
a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan;
b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na
Bansa;
c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman
at Karunungan;
d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

You might also like