You are on page 1of 12

SURIIN (PAGTATALAKAY)

Pagsulat ng Talumpati
Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Ipinapakita ang kahusayan ng mananalumpati
sa panghihikayat upang paniwalaan ang kaniyang pananaw at pangangatwiran sa isang
partikular na paksan. Ito ay pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa
man ito ay biglaan. Salain muna ang salita na iyong bibitiwan. Ang pagsulat nito ang susi
sa mabisang pagtatalumpati.
Ang Pagtatalumpati ay isang paraan ng pagpapahayag ng ideya sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang uri ng partikular na paksa. Ang isang talumpati ay hindi magiging
ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas o maibabahagi sa harap ng madla.

Mga Uri ng Talumpati


1. Biglaang Talumpati – Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda,
kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
2. Maluwag na Talumpati – Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda.
Nagbibigay ng ilang minute para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.
3. Manuskrito – Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon ng seminar o
programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong talumpati – Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay
mahusay ring pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harpa ng mga
tagapakinig.

Mga Uri ng Talumpati batay sa Layunin


1. Talumpating Panghikayat - Talumpati itong nagmamatuwid na angkop sa sermon sa
simbahan, sa pangangampanya sa panahon ng halalan, o sa talumpati ng abogado sa
harap ng hukuman.
2. Talumpating Pampasigla - Ito ay pumupukaw ng damdamin at impresyon.
3. Talumpating Parangal -Inihahanda upang kilalanin ang isang tao dahil sa kanyang
angking galling.

Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati


1. Kronolohikal na Huwaran - Wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari.
2. Topikal na Huwaran – Ang paghahanay ng mga materyales ay nakabatay sa
pangunahing paksa.
3. Huwarang Problema-Solusyon – Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang
pagkakahabi ng talumpati gamit ang huwarang ito.

Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng Talumpati – Ang pagsulat ng nilalaman nhg


talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring isaalan-alang
upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing talumpati.

1. Introduksiyon – Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng talumpati


kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga
sumusunod ay katangian ng isang mahusay na panimula:
- Mapukaw ang damdamin ng mga makikinig.
- Maipaliwanag ang paksa
2. Diskusyon o Katawan – pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito
tinatalakay ang mahahalagang puntong nais ibahagi sa mga tagapakinig. Ito ang
pinakakaluluwa ng talumpati.

Mga Katangiang Taglayin ng Katawan sa Talumpati


a. Kawastuhan – tiyaking wasto ang nilalaman ng talumpati. Kailangang totoo at
maipaliwanag nang mabisa ang lahat ng detalye.
b. Kalinawan – siguraduhing maliwanag ang pagkakabigkas ng talumpati upang
maunawaan ng mga nakikinig.
c. Kaakit – akit – gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga paliwanag para sa
paksa.

3. Katapusan o Kongklusyon – dito nakasaad ang pinaka kongklusyon ng talumpati. Dito


kalimitang binibigyan ng buod ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng
talumpati.
4.
5. Haba ng Talumpati - minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas. Malaking tulong sa
pagbuo ng nilalaman nito ang tiyak na oras.

SURIIN (PAGTATALAKAY)

Pagsulat ng Memorandum, Adyenda at Katitikan ng Pulong


Ang memorandum o memo ay kasulatang nagbibigay alam tungkol sa
gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon,
gawain, tungkulin, o utos. Dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing
pagtitipon. Sa pamamagitan nito, naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung
ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa
memo ay upang ipaalam lamang sa kanila ang isang mahalagang desisyon o
proyekto ng kompanya o organisasyon, malinaw na sa kanila na pinal na ang
nasabing desisyon o proyekto (Prof. Ma. Rovilla Sudapresent, English for the
Workplace 3, 2014).
Maituturing na isang sining ang pagsulat ng memo. Tandaan na ang memo
ay hindi isang liham. Maikli lamang ito na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang
tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan katulad ng pagdalo sa
isang pulong, pagsasagawa, o pagsunod sa bagong sistema ng produksiyon o ng
kompanya. Ito rin ay maaaring magpahayag ng isang impormasyon tungkol sa isang
mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.
Batay sa aklat na Writing in The Discipline (2014) ni Dr. Darwin Bargo, ang mga
kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay madalas na gumagamit ng
mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad nga sumusunod:
 Puti – ito ay ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba,
o impormasyon.
 Rosas – ito naman ay ginagamit para sa request o order na
nanggagaling sa purchasing department


Dilaw o Luntian – ito ay ginagamit para sa mga memo na
nanggagaling sa marketing at accounting department.
Sa pangkalahatan, may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito ayon
kay Bargo (2014).
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Dapat tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo ay dapat magtaglay
ng mga sumusunod na impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango
mula sa aklat ni Sudarprasert na English for the Workplace 3 (2014).
1. Makikita sa Letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o
organisasyon gayundi ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsa maging
ang bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina’ naglalaman ito ng pangalan ng tao o
mga tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan nito. Sa pormal na
memorandum ay mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan
nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang departamento,
makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na kailangang
lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang kung napakapormal ang
memong ginawa.
3. Sa bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ito ng pangalan ng gumawa o
nagpadala ng memo. Isinusulat ang buong pangalan ng nagpadala kung
pormal ang ginawang memo. Gayundin, mahalagang ilagay ang pangalan ng
departamento kung ang memo ay galing sa ibang seksyon at tanggapan. Hindi
na rin kailangan lagyan ng G., Gng., Bb., at iba pa maliban na lamang kung
napakapormal ng memong ginawa.

4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/13/15 o


30/08/15. Ang gawin ay isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na
salita nito. Tulad ng halimbawa ng Oktubre o Oktub. Ang araw at taon ay dapat
kasama upang maiwasan ang pagkalito.

5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at


tuwiran upang agad maunawaan ang nais ipabati nito.

6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang


detalyadong memo kailangan ito ay nagtataglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang suliraning o layunin ng memo.
b. Problema – dito nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin,
hindi lahat ng memo ay nagtataglay nito.
c. Solusyon – ditto nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.

d. Paggalang o Pasasalamat – dapat wakasan ang memorandum sa


pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.

7. Sa huling bahagi ng memo ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Madalas inilalagay ito


sa ibabaw ng kaniyang buong pangalan sa bahaging Mula kay…
SURIIN

You might also like