You are on page 1of 41

Memorandum,

Adyenda at
Katitikan ng
Pulong
Memorandum o MEMO
• Ito ay isang kasulatang
nagbibigay kabatiran tungkol sa
gagawing pulong o paalala
tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin
o utos.
• Ito ay kadalasang maikli lamang na ang
pangunahing layunin ay pakilusin ang
isang tao sa isang tiyak na alituntuning
dapat isakatuparan gaya halimbawa ng
pagdalo sa isang pulong, pagsasagawa o
pagsunod sa bagong sistema ng
produksiyon o
• Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang
aklat na Writing in The Discipline (2014) ,
ang mga kilala at malalaking kompanya at
mga institusyon ay kalimitang gumagamit
ng mga colored stationery para sa kanilang
mga memo
PUTI
PINK o ROSAS
DILAW o LUNTIAN
PUTI
• ginagamit sa mga
pangkalahatang
kautusan, direktiba o
PINK o ROSAS
• ginagamit naman para sa
request o order na
nanggagaling sa purchasing
department
Dilaw o Luntian
• ginagamit naman para sa
mga memo na
nanggagaling sa marketing
at accounting department.
• Sa pangkalahatan, ayon din kay
Bargo (2014) may tatlong uri ng
memorandum ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon
Mahalagang Dapat
Tandaan upang maging
maayos at malinaw ang
paggawa ng Memo
1. Makikita sa letterhead ang logo
at pangalan ng kompanya,
institusyon o organisasyon
gayundin ang lugar kung saan
matatagpuan ito at minsan maging
ang bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay
naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o
kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng
memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat
ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito.
Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa
ibang departamento, makatulong kung ilagay
rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa
maliban na lamang na napakapormal ng
memong ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng
pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.
Isulat ang buong
pangalan ng nagpadala kung pormal ang
ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay
ang pangalan ng departamento kung ang memo
ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi
na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at
iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang
memong ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang
paggamit ng numero gaya ng 11/25/15
o 30/09/15. Sa halip, isulat ang buong
pangalan ng buwan o ang dinaglat na
salita nito. Tulad halimbawa ng
Nobyembre o Nob. Kasama ang araw
at taon upang maiwasan ang
pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay
mahalagang maisulat nang
payak, malinaw at tuwiran
upang agad maunawaan ang
nais ipabatid nito.
6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli
lamang ngunit kung ito ay isang
detalyadong memo kailangan ito ay
magtaglay ng sumusunod:
• Sitwasyon
• Problema
• Solusyon
• Paggalang o Pasasalamat
Sitwasyon
• dito makikita ang
panimula o layunin ng
memo.
Problema
• nakasaad ang suliraning
dapat pagtuonan ng pansin.
Hindi lahat ng memo ay
nagtataglay nito.
Solusyon
• nagsasaad ng
inaasahang dapat
gawin ng kinauukulan.
Paggalang o
Pasasalamat
• wakasan ang memo sa
pamamagitan ng paggalang o
pagpapakita ng paggalang
7. Ang huling bahagi ay ang
‘Lagda’ ng nagpadala.
Kadalasang inilalagay ito sa
ibabaw ng kanyang
pangalan sa bahaging Mula
kay …
Adyenda o AGENDA
Galing sa salitang latin
na agendum na
ngangahulugang “to do” o
mga gagawin/dapat gawin. 
Adyenda
Karaniwang inihahanda
ng pinuno o pangulo ng
isang organisasyon.
Kahalagahan ng
Pagkakaroon ng
Adyenda ng Pulong
1. Ito ay nagsasad ng sumusunod
na mga impormasyon:
a.mga paksang tatalakayin
b.mga taong tatalakay o
magpaliwanag ng mga paksa
c.oras na itinakda para sa bawat
paksa
2. Ito rin ang nagtatakda ng
balangkas ng pulong tulad ng
pagkakasunod-sunod ng mga
paksang tatalakayin at kung
gaano katagal pag-uusapan
ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing
talaan o tseklist na
lubhang mahalaga upang
matiyak na ang lahat ng
paksang tatalakayin ay
kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng
pagkakataon sa mga
kasapi sa pulong na
maging handa sa mga
paksang tatalakayin o
pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong
nang malaki upang
manatiling nakapokus sa
mga paksang tatalakayin
sa pulong
Call to Order
• isang ekspresyong
isinasagawa ng kalihim o ng
isang awtoridad upang tawagin
ang pansin ng lahat sa
pagsisimula ng pulong
Bahagi ng Adyenda
Unang Bahagi Ikalawang
- Pang-ilang bilang Bahagi
ng pulong na, saan -Isusulat at Itatala
at kailan isasagawa na ang mismong
ang pulong adyenda
Katitikan ng Pulong
Minutes of Meeting
- Ito ang opisyal na tala ng isang pulong.
- Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal,
obhetibo at komprehensibo
- Matapos itong maisulat at mapagtibay sa
susunod na nasulatan ng samahan, kompanya,
o organisasyon maaring magamit bilang prima
facie evidence sa mga legal na usapin o
sanggunian
Heading
• Ito ay naglalaman ng pangalan ng
kompanya, samahan, organisasyon
o kagawaran. Makikita rin dito ang
petsa, ang lokasyon at maging ang
oras ng pagsisimula ng pulong.
Mga Kalahok o Dumalo
- Dito nakalagay kung sino ang
nanguna sa pagpapadaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga
dumalo kasama ang mga panauhin.
- Maging ang pangalan ng mga liban o
hindi nakadalo ay nakatala rin.
Pagbasa at pagpapatibay ng
nagdaang katitikan ng pulong
Dito makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng pulong
ay napagtibay o may mga
pagbabagong isinagawa sa mga
ito.
Action items o usaping
napagkasunduan 
- kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o
nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong
- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga
paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung
sino ang taong nanguna s apagtalakay ng isyu at
maging ang desisyong nabuo ukol dito.
Pabalita o Patalastas
Hindi ito laging makikita sa katitikan
ng pulong ngunit kung mayroon mang
pabalita o patalastas mula sa mga
dumalo tulad halimbawa ng mga
suhestiyong adyenda para sa susunod
na pulong ay maaaring ilagay sa
bahaging ito.
Iskedyul ng susunod na
pulong
Itinatala sa bahaging ito
kung kalian at saan
gaganapin ang susunod na
pulong.
Pagtatapos
Inilalagay sa bahaging ito
kung anong oras
nagwakas ang pulong
Lagda
Mahalagang ilagay sa
bahaging ito ang pangalan ng
taong kumuha ng katitikan
ng pulong at kung kalian ito
Tatlong Uri/ Estilo ng
Pagsulat ng Katitikan ng
Pulong
1. Ulat ng Katitikan
2. Salaysay ng Katitikan
3. Resolusyon ng Katitikan

You might also like