You are on page 1of 43

Pagsusulat ng

Adyenda at
Memorandum
Pagsusulat ng
Adyenda
/Agenda
Ayon kay Sudaprasert(2014)

Ang agenda ang nagtatakda ng


mga paksang tatalakayin sa
pulong.Ang pagkakaroon ng
maayos at sistematikong adgenda
ay isa sa mga Susi ng
matagumpay na pulong.
Kahalagahan ng
pagkakaroon ng
adgenda ng pulong
1.Ito ay nagsasaad ng sumusunod na mga
impormasyon:

a.mga paksang tatalakayin


b.mga taong tatalakay o
magpapaliwanag ng mga paksa
c.oras na itinakda para sa bawat isa
2.Ito rin ang nagtatakda ng balangkas
ng pulong tulad ng pagkasunod-sunod
ng mga paksang tatalakayin at Kung
gaano katagal pag-usapan ang mga ito.

3.Ito at nagsisilbing talaan o tseklist na


lubhang mahalaga upang matiyak na
ang lahat ng paksang tatalakayin ay
kasama sa talaan.
4.Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa
mga kasapi sa pulong na maging handa sa
mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.

5.Ito ay nakakatulong nang malaki upang


mananatiling nakapokus sa mga paksang
tatalakayin sa pulong.
Mga Hakbang sa
Pagsulat ng adgenda:
1. magpadala ng memo na maaaring

nakasulat sa papel o kaya naman ay

isang e-mail na nagsasaad na magkaroon

ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa

o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.


2). Ilahad sa memo na kailangan nilagdaan ito bilang
katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-mail naman
kung kinakailangan mag padala sila ng kanilang
tugon. Ipaliwanag din sa memo na sa mga dadalo
mangyayari ng ipadala ibigay sa gagawa ng agenda
ang kanilang concerns o paksang tatalakayin at
maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan
upang pag-usapan ito.
3).Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag
ang lahat ng mga adgenda paksa ay napadala na o nalikom
na. Higit na maaring sistematiko kung ang talaan ng agenda
ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan
makikita ang adyenda o paksa ang pag paliwanag at oras
kung gaano katagal pag usapan.ang taong naatasang
gumawa ng agenda ay kailangan maging matalino at
mapanuring ko ang mga isinumpa ng agenda ay may
kaugnayan sa layunin ng pulong.
4). Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong
dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong
bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng
pulong at kung kailangan at saan ito naganapin

5). Sundin ang nasabing agenda sa pagsasagawa


ng pulong.
1).Bakit mahalaga ang paggamit ng Adyenda sa
isang pulong?

2).Ano-ano ang bunga/resulta sa isang pagpupulong


Kung walang inihandang Adyenda?
Pagsusulat ng
Memorandum
Memorandum o Memo

Ayon kay Prof.Ma Rovilla Sudaprasert,sa kanyang


aklat na English for the Workplace 3 (2014), ang
memorandum o Memo isang kasulatan
nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong
o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon ,gawain ,tungkulin ,o utos.
Isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan
gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulo ng
pagsasagawa o pagsunod sa bagong sistema ng
produksyon o kompanya ito rin ay maaaring
maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang
mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa
mga pulisya.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding

isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay

hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli

lamang na ang pangunahing layunin ay

pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na

alituntunin na dapat isakatuparan.


Ayon Kay Dr.Darwin Bargo

Sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014), ang


mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay
kalimitang gumagamit ng mga colored Stationery para
sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:
Puti-ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan direct iba
o impormasyon.

Rosas-ginagamit naman para sa request order na


nanggaling sa purchasing department.

Dilaw o Luntian- ginagamit naman para sa mga memo na


ng galing sa marketing at accounting department.
Tatlong uri ng memorandum ayon sa lyunin.

a.Memorandum para sa kahilingan

Ito ay isang uri ng pagsulat na humihingi ng pabor o


hiling na gustong ipa abot sa taong namamahala ng
isang bagay.
2.Memorandum para sa kabatiran

ito ay isang uri ng pagsulat na may


layuning magbigay ng impormasyon sa
isang grupo ng tao o sa pangkalahatan.
3.Memorandum para sa pagtugon

Ito ay isang uri ng pagsulat na nagbibigay tugon


o pagresponde sa alok ng isang partido o panig.
1.makikita sa letterhead ang logo at pangalan
ng kumpanya institusyon o organisasyon
gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito
at minsan naging ang bilang ng numero ng
telepono.
2.Ang bahaging Para sa/Para Kay/kina ay naglalaman ng

pangalan ng tao o mga tao o kaya naman ay grupo ng pinag-

uukulan ng memo.Sa pormal na memo mahalagang ilagay Ang

buong pangalan sa pinag-ukulan nito.Sa ibang department o

nakakatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento.

Hindi na rin kailangan lagyan G.,Gng.,Bb,. At ibaba maliban na

lamang na nakapapormal ng memong ginawa.


3.Ang bahaging 'Mula kay' ay
naglalaman ng pangalan ng gumawa
ng nagpadala ng memo isulat ang
buong pangalan ng nagpapadala ko ng
pormal ang ginawang memo.
4. Sa bahagi ng petsa iwasan ang gamit ng numero gaya

ng 11/25/23 o 30/09/22. Sa halip isulat ang buong

pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito.Tulad

halimbawa ng Nobyembre 25,2022 o Nob.25,2024

kasama ang araw at taon upang maiwasan ang

pagkalito.
5. Ang bahagi ng paksa ay
mahalagang magsulat ng payak
malinaw at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito.
6. Kadalasan ang sige maikli lamang ngunit kung ito ay isang
detalyadong memo kailangan ito ay mag taglay ng
sumusunod;
a.Sitwasyon-dito makikita ang panimula o layunin ng memo.
b.Problema-nakasaad ang suliraning dapat pagtuunan ng
pansin hindi lahat ng may memo ay nagtataglay nito.
c.Solusyon-nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng
kinauukulan.
d.Paggalang o pasasalamat-wakasan ang may mo sa
pamamagitan ng pagpapasalamat o pagpapakita ng
paggalang.
7. Ang huling bahagi ay ang'Lagda'
nagpadala.kadalasang in ilagay ito sa
ibabaw ng kanyang pangalan sa bahagi
ng mula kay....
1).Ano-anong ang mga bagay na dapat
tandaan sa pagsulat ng memo?

2).Ano ang nilalaman ng isang memo o


memorandum?saan at kailan ginagamit
ang Memorandum?

You might also like