You are on page 1of 31

FILIPINO SA

PILING LARANG –
AKADEMIK
QUARTER 2 – WEEK 1 & 2
PAGPUPULONG O MITING
Ito ay bahagi na ng pangkaraniwang gawain ng bawat samahan,
organisasyon, kompanya, paaralan, institusyon, at iba pa.

Halos araw-araw ay nagaganap:


 pulong sa opisina
 lingguhang board meeting sa kompaniya
 Seminar
 malalaking komperensya

Kasalukuyan bunga ng makabagong teknolohiya :


 Teleconference
 Videoconference
 Online
Elementong Kailangan Upang Maging Maayos, Organisado, at
Epektibo ang Isang Pulong:

Memorandum o Memo
Adyenda
Katitikan ng Pulong
Sintesis o buod ng pulong
Memorandum o Memo
Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014)
Isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o
paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.

 Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.


 Sa pamamagitan nito nagiging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang
inaasahan mula sa kanila.
 Kung ang layunin ng pulong ay nakatala sa memo, pabatid lamang sa kanila ang
isang mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o organisasyon, magiging
klaro para sa lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon
sapagkat pinal na ang nasabing desisyon o
Pagsulat ng Memorandum o Memo
 Ang memo ay maituturing ding isang SINING.
 Dapat tandan na ang memo ay HINDI ISANG LIHAM.
 Kadalasan ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin
ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan

Halimbawa ng tiyak na alintuntunin:


 pagdalo sa pulong, pagsasagawa o pagsunod sa bagong sistema ng
produksiyon o kompanya.
 Ito rin ay maaaring maglahad ng impormasyon tungkol sa isang
mahalagang balita o kaganapan at pagbabago sa mga polisiya.
Memorandum o Memo
Dr. Darwin Bargo (2014) “Writing Of Discipline
Ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang
gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng
sumusunod:
 PUTI – ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon.
 PINK O ROSAS – ginagamit naman para sa request o order na nanggaling sa
purchasing department.
 DILAW O LUNTIAN – ginagamit naman para sa mga memo na naggaling sa
marketing at accounting department.

Talong Uri ng Memorandun ayon sa layunin nito:


A. Memorandum para sa kahilingan B. Memorandum para sa kabatiran
C. Memorandum para sa pagtugon
Memorandum o Memo
Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng
sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa
aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014).

1.Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o


organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang
bilang numero ng telepono.

2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao,
o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang
isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay
kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng
departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na
lamang na napakapormal ng memong ginawa.
Memorandum o Memo
Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng
sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa
aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014).

3.Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o


nagpadala ng memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang
ginawang memo. Gayundin ,mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento
kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang
lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang
memong ginawa.

4.Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa
halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad
halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang
pagkalito.
Memorandum o Memo
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang
agad maunawaan ang nais ipabatid nito.

6.Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo
kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo
ay nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o
pagpapakita ng paggalang.

7.Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw
ng kanyang pangalan sa bahaging Mula kay …
35% 65%

Mars Neptune
Mars is actually a Neptune is the
cold place farthest planet
Agenda o Adyenda
Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014)
Ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang
pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng
matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at
maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong.

1. Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:


a. mga paksang tatalakayin
b. mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa
c. oras na itinakda para sa bawat paksa
Agenda o Adyenda
Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong.
2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-
sunod ng mga paksang tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga
ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak
na ang lahat ng paksang tatalakayin ay kasama sa talaan.
4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na
maging handa sa mga paksang tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang
tatalakayin sa pulong.
Agenda o Adyenda
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda: .
1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay
isang e-mail na nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang
tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw, oras at lugar.
2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng
kanilang pagdalo o kung e-mail naman kung kinakailangang magpadala sila
ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa mga dadalo, mangayaring
ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o
paksang tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan
upang pag-usapan ito
Pagsulat ng Agenda o Adyenda
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga
adyenda o paksa ay napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung
ang talaan ng agenda ay nakalatag sa talahanayan o naka-table format kung saan
makikita ang adyenda o paksa, taong magpaliwanang at oras kung gaano
katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang gumawa ng adyenda ay
kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda ay may
kaugnayan sa layunin ng pulong.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang
araw bago ang pulong. Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong
at kung kailang at saan ito gaganapin.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong
35% 65%

Mars Neptune
Mars is actually a Neptune is the
cold place farthest planet
Katitikan ng Pulong
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga
napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng isang pulong ay
tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang
pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at komprehensibo o
nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na
pagpupulong ,ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng
samahan ,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit bilang
prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa
susunod na pagpaplano at pagkilos.
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
(1) Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan,
organisasyon,o kagawaran. Makikita ang petsa ,lokasyon , at maging
ang oras ng pagsisimula ng pulong.
(2) Mga Kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna
sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga
dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban
o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
(3) Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong-Dito
makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o
may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
(1) Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan,
organisasyon,o kagawaran. Makikita ang petsa ,lokasyon , at maging
ang oras ng pagsisimula ng pulong.
(2) Mga Kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna
sa tagapagdaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga
dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban
o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
(3) Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong-Dito
makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o
may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4) Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang
mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay . Inilalagay rin sa
bahaging ito kung sino ang taong manguna sa pagtalakay ng isyu at maging
ang desisyong nabuo ukol dito.
(5) Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng
pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga
dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na
pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito .
(6) Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kailan at
saan gaganapin ang susunod na pulong.
(7) Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang
pulong
(8) Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng
taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito
isinumite.
Katitikan
Mga ng
Dapat Gawin Pulong
ng Taong Naatasang kumuha ng Katitikan ng
Pulong
Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan
ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga
napag-usapan sa pulong. Sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat
lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa
pagsasagawa nito.

Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3


(2014), ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang :
1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
Katitikan ng Pulong
Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3
(2014), ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang :
1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
5. Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
6. Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at
kompletong heading
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong
Katitikan ng Pulong
Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

1. Ulat ng katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.


Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang
pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.

2. Salaysay ng katitikan – isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng


pulong.Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.

3. Resolusyon ng katitikan -Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung


napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay
nito at maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “
Napagkasunduan na … Napagtibay na..
Katitikan ng Pulong
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-akda ng
“The Everything Practice Interview Book at The Everything Get-a-job Book,
sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay
na dapat gawin bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at pagkatapos
ng pulong .

Bago ang Pulong


 Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang
pagpupulong tulad notbuk, papel ,bolpen , lapatop ,recorder
 Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o
balangkas ng katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa
bawat paksa.
Katitikan ng Pulong
Habang Isinagawa ang Pulong
 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan
ito ng bawat isa.
 Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang
magsasalita sa pulong.
 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
 Itala ang mahalagang ideya o puntos.
 Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong
nagbanggit nito, gayundin ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng
botohan.
 Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at
pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong.
 Itala kung anong oras natapos ang pulong.
Katitikan ng Pulong
Pagkatapos ng Pulong
 Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos
habang sariwa pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay.
 Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon,
pangalan ng kometi , uri ng pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang
layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng
nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod ng
iyong pangalan.
 Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa
kinauukulan pasa sa huling pagwawasto nito,
 Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna
sa pagpapadaloy nito
35% 65%

Mars Neptune
Mars is actually a Neptune is the
cold place farthest planet
35% 65%

Mars Neptune
Mars is actually a Neptune is the
cold place farthest planet
35% 65%

Mars Neptune
Mars is actually a Neptune is the
cold place farthest planet
Sintesis/Buod
Ang Sintesis o Buod ay isang pamamaraan kung saan sinasabi ng isang
manunulat o tagapagsalita ang mga orihinal na teksto sa mas maikli ngunit
komprehensibong paraan. Ang pagbubuod na ito ay hindi lamang pagpuputol-putol ng
mga pangyayari kundi pagbuo dito bilang isa.
Ito ay mas malikhaing paraan kung saan ang mga pinakamahalagang bahagi
ng teksto o sulatin ay naibabahagi sa
pamamagitan ng sariling pananalita ng manunulat.
Ang layunin nito ay makakuha ng mahalaga ngunit maikling sulatin na
kumakatawan sa kabuoan ng tekstong ibinuod. Taglay nito ang sagot sa mahahalagang
tanong katulad ng “Sino, Ano, Paano, Saan at Kailan” naganap ang mga pangyayari.

Tandaan:
Ang Sintesis ng pulong o napag-usapan at ang Katitikan ng Pulong ay magkatulad
lamang ng nilalaman kaya naman magkatulad din ng mahahalagang impormasyong
nakapaloob dito. Bagaman, ang Sintesis ng pulong o napagusapan ay isinusulat sa paraang
pasalaysay.
35% 65%

Mars Neptune
Mars is actually a Neptune is the
cold place farthest planet
LAGOM:
Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang
buhay ng isang samahan o organisasyon. Kung walang maayos
na daloy ng komunikasyon sa loob ng isang samahan, kadalasan
ito ay walang kaayusan. Gayundin naman, kung ang
komunikasyon ang buhay ng samahan, itinuturing namang
pinakapuso at isip nito ay ang pagpupulong. Sa pamamagitan ng
epektibong pagpupulong nauunawaan at nadarama ng bawat bahagi ng
samahan ang mga lithiin at nais tahakin nito. Kaya naman,
napakahalagang maisagawa ang isang maayos, organisado , at
sistematikong pagpupulong ito man ay isang business
meeting ,one-on-one meeting , o company or school meeting.

You might also like