You are on page 1of 3

Aralin 5:

MEMORANDUM
⮚ Ang MEMORANDUM o MEMO ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol
sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon,
gawain, tungkulin, o utos. (Sudprasert 2014)
⮚ Ang MEMORANDUM ay mula sa Latin na salita, 'memorandum est' na ang ibig
sabihin sa Ingles ay "It must be remembered ".
⮚ Ang pinaikli o abbreviation ng salitang ito ay "memo".
⮚ Isa itong kasulatan (note), dokumento o iba pang uri ng pakikipag-ugnayan na
tumutulong para ipaalala ang ilang bagay, tao, mga pangyayari, paksa, hinggil sa
negosyo o trabaho sa opisina at marami pang iba
⮚ Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan
nito, nagiging malinaw sa mga mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan
mula sa kanila.
⮚ Ang pangunahing layunin ng memo ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na
alituntuning dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong,
pagsasagawa, o pagsunod sa bagong sistema ng produksiyon o kompanya.
⮚ Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014) sa aklat na Writing in the Discipline, ang mga
kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng
mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng mga sumusunod:
Puti- ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon.
Pink o rosas-ginagamit naman para sa request o order na nanggaling sa
purchasing department.
Dilaw o luntian-ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa
marketing at accounting department.

 Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014), may tatlong uri ng memorandum
ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon

BAKIT ISINUSULAT ANG MEMORANDUM?


Narito ang mga rason kung bakit ginagamit ang memorandum:

▪ Para magbigay impormasyon


▪ Manghingi ng impormasyon

▪ Pagkompirma sa kombersasyon

▪ Pag-aanunsyo ng mga pagbabago sa pulong

▪ Pagbati sa katrabaho

▪ Pagbuod ng pulong

▪ Pagpapadala ng dokumento

▪ Pag-uulat sa pang araw-araw na gawain.

MAHALAGANG TANDAAN NA ANG ISANG MAAAYOS AT MALINAW NA MEMO


AY DAPAT MAGTAGLAY NG MGA SUMUSUNOD NA MGA IMPORMASYON

▪ Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o


organisasyon gayun din ang lugar kung saan matatagpuan at minsan maging
ang bilang ng numero ng telepono.

▪ Ang bahaging “ Para sa/ Para kay/ Para kina” ay naglalaman ng pangalan ng tao
o mga tao o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo.

▪ Ang bahagi namang ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o


nagpadala ng memo. Gaya din ng bahaging ‘Para sa, Para kay, Para kina’
maaaring gamitin lamang ang unang pangalan ng sumulat nito gaya halimbawa
nito: Mula kay Nestor. Ngunit kung ito ay pormal, isulat ang buong pangalan ng
nagpadala.

▪ Ang bahagi namang ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o


nagpadala ng memo. Gaya din ng bahaging ‘Para sa, Para kay, Para kina’
maaaring gamitin lamang ang unang pangalan ng sumulat nito gaya halimbawa
nito: Mula kay Nestor. Ngunit kung ito ay pormal, isulat ang buong pangalan ng
nagpadala.

▪ Sa bahagi ng Petsa : Iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o


30/09/15 sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita
nito tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang
maiwasan ang pagkalito.

▪ Ang bahagi ng Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran


upang agad maunawaan ang nais ipabatid.
▪ Kadalasang ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang
detalyadong memo kailangang ito ay magtaglay ng mga sumusunod.
a. Sitwasyon-dito makikita ang pinagmulan o layunin ng memo.
b. Problema-nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng
memo ay nagtataglay nito.
c. Solusyon-nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.
d. Paggalang o Pasasalamat-wakasan ang memo sa pamamagitan ng
pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang.

 Ang huling bahagi naman ay ang Lagda ng nagpadala.

HALIMBAWA NG MEMORANDUM

You might also like