You are on page 1of 15

MEMORANDUM

AKADEMIKONG
SULATIN​
PAGTATALAKAY
KAHULUGAN
URI
GAMIT
KULAY NG PINAGSUSULATAN
KATAWAN NG MEMORANDUM
PADRON NG MEMORANDUM
MEMORANDUM
3

KAHULUGAN

Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert,


sa kanyang aklat na English for the
Workplace 3 (2014), ang memorandum
o memo ay isang kasulatang nagbibigay
kabatiran tungkol sa gagawing pulong o
paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng 4

gagawing miting. Sa pamamagitan


nito ,naging malinaw sa mga dadalo ng
pulong kung ano ang inaasahan mula sa
kanila. Kung ang layunin ng pulong na
nakatala sa memo ay upang ipabatid
lamang sa kanila ang isang mahalagang
desisyon o proyekto ng kompanya o
oraganisasyon ,magiging malinaw para sa
lahat na hindi na kailangan ang kanilang
ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang
nasabing desisyon o proyekto.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding5

isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay


hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli
lamang na ang pangunahing layunin ay
pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na
alituntunin na dapat isakatuparan gaya
halimbawa ng pagdalo sa isang pulong ,
pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema
ng produksyon o kompanya. Ito rin ay
maaaring maglahad ng isang impormasyon
tungkol sa isang mahalagang balita o
pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.
COLORED STATIONERY

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na


Writing in The Discipline (2014) , ang mga kilala
at malalaking kompanya at mga institusyon ay
kalimitang gumagamit ng mga colored
stationery para sa kanilang mga memo tulad ng
sumusunod:
Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan,
direktiba, o impormasyon.

Pink o Rosas – ginagamit naman para sa request o


order na naggagaling sa purchasing department.

Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga


memo na nanggagaling sa marketing at
accounting department
8

SA PANGKALAHATAN, AYON DIN KAY BARGO


(2014) MAY TATLONG URI NG MEMORANDUM
AYON SA LAYUNIN NITO.

a. Memorandum para sa kahilingan


b. Memorandum para sa kabatiran

c. Memorandum para sa pagtugon


9

MAHALAGANG TANDAAN NA ANG ISANG


MAAYOS AT MALINAW NA MEMO AT
DAPAT MAGTAGLAY NG SUMUSUNOD NA
MGA IMPORMASYON. ANG MGA
IMPORMASYONG ITO AY HINANGO MULA
SA AKLAT NI SUDAPRASERT NA ENGLISH
FOR THE WORKPLACE 3 (2014).
10

1. MAKIKITA SA LETTERHEAD ANG LOGO


AT PANGALAN NG KOMPANYA,
INSTITUSYON O ORGANISASYON
GAYUNDIN ANG LUGAR KUNG SAAN
MATATAGPUAN ITO AT MINSAN MAGING ANG
BILANG NUMERO NG TELEPONO.

2. ANG BAHAGING ‘PARA SA/PARA KAY/KINA AY NAGLALAMAN NG PANGALAN NG TAO O


MGA TAO, O KAYA NAMAN AY GRUPONG PINAG-UUKULAN NG MEMO. SA PORMAL NA MEMO
MAHALAGANG ISULAT ANG BUONG PANGALAN NG PINAG-UUKULAN NITO. KUNG ANG
TATANGGAP NG MEMO AY KABILANG SA IBANG DEPARTAMENTO, MAKATULONG KUNG
ILAGAY RIN ANG PANGALAN NG DEPARTAMENTO. HINDI NA RIN KAILANGANG LAGYAN NG
G.,GNG., BB. ,AT IBA PA MALIBAN NA LAMANG NA NAPAKAPORMAL NG MEMONG GINAWA.
• 3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay 11

naglalaman ng pangalan ng gumawa o


nagpadala ng memo. Isulat ang buong
pangalan ng nagpadala kung pormal ang
ginawang memo. Gayundin ,mahalagang
ilagay ang pangalan ng departamento kung
ang memo ay galing sa ibang sekyon at
tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan
ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na
lamang na nakapapormal ang memong
ginawa.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit
12

ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa


halip, isulat ang buong pangalan ng buwan
o ang dinaglat na salita nito. Tulad
halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama
ang araw at taon upang maiwasan ang
pagkalito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang
maisulat nang payak, malinaw at tuwiran
upang agad maunawaan ang nais ipabatid
nito.
6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang 13

ngunit kung ito ay isang detalyadong memo


kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod: a.
Sitwasyon – dito makikita ang panimula o
layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat
pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng
memo ay nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat
gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang
memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat o
pagpapakita ng paggalang
NARITO ANG HALIMBAWA NG MEMO NA GINAGAMIT SA PAGSASAGAWA 14
NG
PULONG O PAGBIBIGAY NG KABATIRAN.

Academy of Saint John La Salle Green Hills Supervised General Trias, Cavite
(046)4376775

MEMORANDUM
Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang
Mula Kay: Nestor S. Lontoc, Registrar, Academy of Saint John
Petsa: 25 Nobyembre 2015
Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test

Ang National Achievement Test para sa mga mag-aaral ng Baitang 6 ay nakatakda sa


Disyembre 12,2015. Mahalagang maihanda natin ang mga mag-aaral sa pagsusulit na ito.

Sa darating na Sabado, Disyembre 5, 2015 kayo ay pinakikiusapang magsagawa ng


rebyu para sa mga mag-aaral. Mangyaring sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba.
MARAMING SALAMAT

You might also like