You are on page 1of 6

Memorandum o Memo

Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the
Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay
kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay
ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito, naging malinaw sa mga dadalo ng
pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang layunin ng pulong na
nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang mahalagang
desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon, magiging malinaw para sa
lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang
nasabing desisyon o proyekto.

Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining . Dapat tandaan na


ang memo ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang
pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntunin na
dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o
pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay maaaring
maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari
at pagbabago sa mga polisiya.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline
(2014) , ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang
gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo tulad ng
sumusunod:
 Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
 Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa
purchasing department
 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa
marketing at accounting department

Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng


memorandum ayon sa layunin nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon

Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat


magtalay ng sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay
hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014).
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o
organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang
bilang numero ng telepono.
2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga
tao, o kaya naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo
mahalagang isulat ang buong pangalan ng pinag-uukulan nito. Kung ang tatanggap
ng memo ay kabilang sa ibang departamento, makatulong kung ilagay rin ang
pangalan ng departamento. Hindi na rin kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa
maliban na lamang na napakapormal ng memong ginawa.
3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng
memo. Isulat ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo.
Gayundin ,mahalagang ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay
galing sa ibang sekyon at tanggapan. Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng.,
Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal ang memong ginawa.

4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o


30/09/15. Sa halip, isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita
nito. Tulad halimbawa ng Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang
maiwasan ang pagkalito.

5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran


upang agad maunawaan ang nais ipabatid nito.

6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong
memo kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat
ng memo ay nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng
pagpapasalamat o pagpapakita ng paggalang
.
7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa
ibabaw ng kanyang pangalan sa bahaging Mula kay …
Narito ang halimbawa ng memo na ginagamit sa pagsasagawa ng pulong o
pagbibigay ng kabatiran.

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite
(046)4376775

MEMORANDUM
Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang

Mula Kay: Nestor S. Lontoc,


Registrar, Academy of Saint John

Petsa: 25 Nobyembre 2015

Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test

Ang National Achievement Test para sa mga mag-aaral ng Baitang 6 ay nakatakda sa


Disyembre 12,2015. Mahalagang maihanda natin ang mga mag-aaral sa pagsusulit na ito.
Sa darating na Sabado, Disyembre 5, 2015 kayo ay pinakikiusapang magsagawa ng
rebyu para sa mga mag-aaral. Mangyaring sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba.

Oras Asignatura Guro


08:00 – 10:00 n.u. Filipino Bb. Reyes
10:00 – 10:30 n.u. Malayang Sandali
10:30 – 12:30 n.h. Araling Panlipunan G. Nieras
12:30 – 01:30 n.h. Malayang Sandali
01:30 – 02:30 n.h Matematika G. Pineda
02:30 – 04:30 n.h. Agham Gng. Abundo
Pagyamanin

Panuto: PAGSASAAYOS SA MEMORANDUM AYON SA PORMAT. Ang


pagsunod sa mga paalala at hakbang sa pagsulat ng memo ay mahalaga upang
maging maayos , malinaw at mabisa ang gawain. Ngayon, ayusin sa wastong
pormat ang mga detalye ng memo o memorandum sa ibaba. Isulat sa bondpaper.
 Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
a.Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
b. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na
makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang
pangwika at sibiko;
c. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang
pambansa sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay
ng Buwan ng Wikang Pambansa

 Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng


taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng
Agosto alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041, s.
1997. Ang tema ng pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng Karunungan.

 Sgd.
BR. ARMIN A. LUISTRO FSC
Kalihim

 Hinihiling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.

 Direktor ng Kawanihan
Direktor Panrehiyon ,Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan

 Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga


sumusunod:
a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan;
b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;
c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at
Karunungan;
d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

 2016 Buwan ng Wikang Pambansa

 Memorandum Pangkagawaran Blg. 24, s. 2016

 Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang patnubay at magsisilbing


batayan ng lahat ng gawaing bubuuin at isagawa sa isang buwang
pagdiriwang. Ang mga ito ay hindi nakaayos ayon sa pagkakasunud-
sunod upang magkaroon ng Kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng
programa.

 Para sa iba pang detalye o impormasyon , mangyaring makipag-


ugnayan sa:
Komisyon ng Wikang Filipino(KWF)
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel San Miguel , Maynila
Telepono; (02) 736-2525-; (02) 736-2524 ; (02) 736 -2519
Email: komfil@kwf.gov.ph
Komisyonsawikangfilipino@gmail.com
Website ; www.kwf.gov.ph.

 Kagawaran ng Edukasyon
Ultra Complex , Meralco Avenue
Pasig City ,Metro Manila Philippines

 Enero 18,2016

Isagawa

Panuto; PAGSULAT NG MEMORANDUM: Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang


pangulo sa inyong klase o seksyon sa ikalabindalawang baitang.Sumulat ka ng
isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang memorandum para sa klase sa
layuning magkaroon kayo ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga patakarang
susundin sa klasrum sa kalagayang New Normal bunga ng COVID-19 Pandemya.
Isulat ito sa bondpaper.
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng 10
memorandum .
Kompleto ang bahagi ng memorandum na nabuo at nakapagbibigay 10
ng komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng memorandum nang maingat ,wasto at angkop ang 10
paggamit ng wika.
Wasto at angkop ang mga nabuong impormasyon sa memorandum. 10

Kabuoang puntos 40

You might also like