Module 4 Piling Larangan

You might also like

You are on page 1of 5

Grade 12

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING


LARANG AKADEMIK
Modyul 4: AKADEMIKONG SULATIN
Unang Semester, S.Y. 2020-2021

Prepared by:

CHERRY LY ABRASADO
Subject Teacher

____________________________________________________________________________
MDM-Sagay College, Inc.
Office: Feliza Bldg., Marañon St. Pob 2, Sagay City
Campus: National Highway, Poblacion 2, Sagay City, Negros Occidental
Tel.# 488-0531/ email: mdm_sagay2000@gmail.com.

0
Aralin 1. MEMORANDUM
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod;
1. makasulat nang maayos na akademikong sulatin (Memorandum)

SUBUKIN
Panuto: PAGTUKOY SA PAGKAMAKATOTOHANAN NG PAHAYAG:
Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay may katotohanan at MALI naman kung ito’y walang
katotohanan.

__________1. Ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing


pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o utos.
__________2. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
__________3. Ayon kay Bargo (2014) may apat na uri ng memorandum ayon sa layunin.
__________4. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon,o
organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at maging ang bilang ng numero
ng telepono.
__________5. Ang detalyadong memo ay kailangang nagtataglay ng sumusunod; sitwasyon,
problema at solusyon lamang.

BALIKAN

IBIGAY ANG MGA SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Panuto: PAG-UNAWA SA BINASA:


Narito ang halimbawa ng talumpating isinulat ni Manuel L.Quezon. Basahin itong mabuti at
sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Akademikong Sulatin: 1 Pagsulat ng Memorandum
Mensahe sa Aking Kababayan ni:
Manuel L. Quezon
Mga kababayan ko: may isang kaisipang nais kong lagi ninyong
tatandaan. At ito ay: kayo ay Pilipino. Na ang Pilipinas ay inyong bayan, at ang tanging bayan
na ibinigay ng Diyos sa inyo. Na dapat ninyo itong ingatan para sa inyong mga sarili, sa
inyong mga anak, at sa mga anak ng inyong anak, hanggang sa katapusan ng mundo.
Kailangan ninyong mabuhay para sa bayan, at kung kinakailangan, mamatay para sa bayan.

Dakila ang inyong bayan. Mayroon itong dakilang nakaraan at dakilang


kinabukasan. Ang Pilipinas ng kahapon ay naging dakila dahil sa pag-aalay ng buhay at
yaman ng inyong mga bayani, martir, at sundalo. Ang Pilipinas ngayon ay pinararangalan ng
taos-pusong pagmamahal ng mga pinunong di makasarili at may lakas ng loob. Ang Pilipinas
ng bukas ay magiging bayan ng kasaganaan, ng kaligayahan, at ng kalayaan. Isang Pilipinas
na nakataas ang noo sa kanlurang Pasipiko, tangan ang sariling kapalaran, hawak sa
kanyang kamay ang ilaw ng kalayaan at demokrasya. Isang republika ng mga mamamayang
marangal at may paninindigan na sabay-sabay nagsisikap mapabuti ang daigdig natin
ngayon.
Mula sa Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larang (Akademik)2017

Mga katanungan:
1. Ano ang paksa ng talumpati ni Manuel L. Quezon?
2. Ano ang uri ng talumpating ito ayon sa layunin at ayon sa hulwaran? Bakit

1
TUKLASIN

Memorandum o Memo Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English
for the Workplace 3 (2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran
tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain,
tungkulin, o utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan
nito, naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung
ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang
mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para sa lahat
na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing desisyon
o proyekto.

Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo ay hindi
isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang
tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng pagdalo sa isang
pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon o kompanya. Ito rin ay
maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at
pagbabago sa mga polisiya.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kanyang aklat na Writing in The Discipline (2014) , ang mga kilala
at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery
para sa kanilang mga memo tulad ng sumusunod:
 Puti - ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon
 Rosas – ginagamit naman para sa request o order na naggagaling sa purchasing department
 Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at
accounting department
Sa pangkalahatan, ayon din kay Bargo (2014) may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin
nito.
a. Memorandum para sa kahilingan
b. Memorandum para sa kabatiran
c. Memorandum para sa pagtugon

Mahalagang tandaan na ang isang maayos at malinaw na memo at dapat magtalay ng


sumusunod na mga impormasyon. Ang mga impormasyong ito ay hinango mula sa aklat
ni Sudaprasert na English for the Workplace 3 (2014).
1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon o organisasyon
gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang numero ng telepono.

2. Ang bahaging ‘Para sa/Para kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao, o kaya
naman ay grupong pinag-uukulan ng memo. Sa pormal na memo mahalagang isulat ang buong
pangalan ng pinaguukulan nito. Kung ang tatanggap ng memo ay kabilang sa ibang
departamento, makatulong kung ilagay rin ang pangalan ng departamento. Hindi na rin
kailangang lagyan ng G.,Gng., Bb. ,at iba pa maliban na lamang na napakapormal ng memong
ginawa.

3. Ang bahaging ‘Mula kay’ ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo. Isulat
ang buong pangalan ng nagpadala kung pormal ang ginawang memo. Gayundin, mahalagang
ilagay ang pangalan ng departamento kung ang memo ay galing sa ibang sekyon at tanggapan.
Hindi na rin kailangang lagyan ng G., Gng., Bb. , at iba pa maliban na lamang na nakapapormal
ang memong ginawa.

4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 o 30/09/15. Sa halip,
isulat ang buong pangalan ng buwan o ang dinaglat na salita nito. Tulad halimbawa ng
Nobyembre o Nob. Kasama ang araw at taon upang maiwasan ang pagkalito.

5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito. 3

6. Kadalasan ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo
kailangan ito ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon – dito makikita ang panimula o layunin ng memo

2
b. Problema – nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin. Hindi lahat ng memo
ay nagtataglay nito
c. Solusyon – nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan
d. Paggalang o Pasasalamat – wakasan ang memo sa pamamagitan ng pagpapasalamat
o pagpapakita ng paggalang.

7. Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng
kanyang pangalan sa bahaging Mula kay …

MDM SAGAY COLLEGE


Poblacion 2, Sagay City
(046)4376775

MEMORANDUM
Para sa: Mga Guro ng Ikaanim na Baitang
Mula Kay: Nestor S. Lontoc, Registrar, Academy of Saint John
Petsa: 25 Nobyembre 2015 Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test
Paksa: Rebyu para sa National Achievement Test

Ang National Achievement Test para sa mga mag-


aaral ng Baitang 6 ay nakatakda sa Disyembre 12, 2015. Mahalagang
maihanda natin ang mga mag-aaral sa pagsusulit na ito.

Sa darating na Sabado, Disyembre 5, 2015 kayo ay


pinakikiusapang magsagawa ng rebyu para sa mga mag-aaral. Mangyaring
sundin ang iskedyul na nakatala sa ibaba

Oras Asignatura Guro


08:00 – 10:00 n.u. Filipino Bb. Sarona
10:00 – 10:30 n.u. Malayang Sandali
10:30 – 12:30 n.h. Araling Panlipunan G. Pabiran
12:30 – 01:30 n.h. Malayang Sandali
01:30 – 02:30 n.h Matematika G. aneclito
02:30 – 04:30 n.h. Agham Gng. Dadula

PAGYAMANIN
Panuto: PAGSASAAYOS SA MEMORANDUM AYON SA PORMAT. Ang pagsunod sa mga
paalala at hakbang sa pagsulat ng memo ay mahalaga upang maging maayos, malinaw at
mabisa ang gawain. Ngayon, ayusin sa wastong pormat ang mga detalye ng memo o
memorandum sa ibaba. Isulat sa bondpaper.
 Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:
a..Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
b. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga
programang tulad nito na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;
c. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa
pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang
Pambansa
 Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng
taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto
alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041, s. 1997. Ang
tema ng pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng Karunungan.
 Sgd. BR. ARMIN A. LUISTRO FSC Kalihim  Hinihiling ang mabilis na
pagpapalaganap ng Memorandum na ito.
 Direktor ng Kawanihan Direktor Panrehiyon, Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan

3
 Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga
sumusunod:
a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan;
b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;
c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at
Karunungan;
d. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Saliksik.

ISAGAWA
Panuto; PAGSULAT NG MEMORANDUM: Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang pangulo sa inyong
klase o seksyon sa ikalabindalawang baitang.Sumulat ka ng isang organisado, malikhain, at
kapani-paniwalang memorandum para sa klase sa layuning magkaroon kayo ng pagpupulong
upang pag-usapan ang mga patakarang susundin sa klasrum sa kalagayang New Normal bunga
ng COVID-19 Pandemya. Isulat ito sa bondpaper.

You might also like