You are on page 1of 6

KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE, INC.

Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, Kidapawan City


Tel. No: (064) 521-3830
www.kdci.edu.ph/fbpage: KdciKidapawan

MODULE 7
Pangalan: Arcely Buenavides Wario Asignatura: Filipino sa Piling
Larangan
Strand/Taon/Seksyon: STEM 12-C Modyul #: 7

PAGSASANAY 1

ADYENDA SA PAGPUPULONG

ANO: PAGPUPULONG TUNGKOL SA MAHAHALAGANG PROYEKTONG ISASAGAWA SA IKALAWANG


MARKAHAN

SAAN: KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE INC. STEM 12-C ROOM

KAILAN: IKA-10 NG NOBYEMBRE ALAS 4 NG HAPON

TAGAPANGASIWA: SSG PRESIDENT1.

I. INTRODUKSYON

II. PAGTALA NG BILANG NG MGA DUMALO

III. MGA PLANONG ISASAGAWA SA IKALAWANG MARKAHAN


1. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng Pasko
a. Palamuti sa eskwelahan
b. Paligsahan sa bawat silid
c. Petsa ng Christmas Party
2. Pagpaplano para sa Handog ng Ligaya
a. Balangkas ng programa
b. Listahan ng mga mapeperform
c. Skedyul ng pagbabahagi ng mga donasyon

IV. Karagdagang impormasyon

V. Pangwakas na salita
KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE, INC.
Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, Kidapawan City
Tel. No: (064) 521-3830
www.kdci.edu.ph/fbpage: KdciKidapawan

PAGSASANAY 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa binigay na halimbawa ng isang Katitikan ng
Pulong na pinamagatang “Pambansang Samahan sa Pagsusulong ng Wika at Panitikang Filipino
(PSPWPF) Silid Blg. 401, Gusaling San Alberto Magno, Pamantasan ng Bagong Pilipinas”.

1. Ano-ano ang mga pamungad na impormasyong ibinigay sa katitikan ng pulong? Bakit


mahalaga ang mga impormasyong ito?

Ang mga pamungad na impormasyong ibinigay sa katitikan ng pulong ay ang mga paksa, petsa,
oras, pook ng pagdarausan ng pulong, mga taong dumalo at hindi dumalo, oras ng pagsiaimula at oras ng
pagtatapos. Ito ang nagsisilbeng paalam sa mga sankot at mga nangyari sa isang pulong o pagtitipon. Sa
Ingles, ito ay pwedeng ma ihambing sa “minutes of the meeting“.Ito rin ay magiging gabay ng hanguan o
sanggunian sa mga susunod na pulong at batayan ng mga indibidwal na miyembro ng pulong.

2. Paano sinimulan ang pulong? Ano-ano ang mga pormalidad na sinunod nito?

Ang isang produktibong pagpupulong ay nangangailangan ng maingat na paghahanda pati na rin ang
pamumuno upang mapanatili ang mga dumadalo na nakatutok sa mga bagay na nangangailangan ng
pansin at nakatuon sa talakayan. Sinimulan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras at lokasyon ng
pagpupulong, at pagtatala ng mga nakadalo at hindi nakadalo sa pagpupulong, at panghuli ay ang
pagtalakay sa adyenda ng pagpupulong.

3. Paano mo ilalarawan ang pagkakasulat ng katitikan ng pulong? Kung muli mo ito isusulat,
paano mo ito babaguhin?

Maayos naman ang pagkakasulat ng kaititikan ng pulong dahil may sinusunod naman ako. Hindi ko na
babaguhin ang pormat ng pagkasulat ng katitikan sapagkat pareho lamang kami ng ideya at istilo kung
sakaling babaguhin ko ito at may tiwala naman ako sa sagot ko.

ASSESSMENT:
KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE, INC.
Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, Kidapawan City
Tel. No: (064) 521-3830
www.kdci.edu.ph/fbpage: KdciKidapawan

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang isang adyenda? Paano nito inihahanda ang mga kalahok sa isang pulong?

Adyenda o talaan ng mga bagay na dapat maisaalang-alang o maisakatuparan. Ito ay mga plano o layunin
na maaaring gumabay sa isang tao para makamit ang ninanais na kahahantungan. Madalas na ginagamit
ang salitang adyenda sa mga pagpupulong, halimbawa ay ng mga organisasyon o samahan.

2. Bakit dapat maghanda ng adyenda sa isang pulong? Ipaliwanag ang kahalagahan nito.

Dapat maghanda ng adyenda sa isang pulong dahil ito ang nagsisilbing gabay para mabigyan ng malinaw
na daloy ang iyong pulong. Masisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong kung ikaw ay may
paghahanda. Mas mabilis matatapos ang pagpupulong kung alam ng lahat ang lugar na pagdarausan, ang
oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangang talakayin, at ang maaaring kalabasan ng pulong.

3. Ano-ano ang mga impormasyon na karaniwang taglay ng isang katitikan ng pulong?

Ito ay dapat na organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga puntong napag-usapan at


makatotohanan. Ibig sabihin, hindi pwedeng gawa-gawa o hinokus-pokus na mga pahayag. Ito ay
dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. Dapat ding maikli at tuwiran ito. Dapat
walang paligoy-ligoy, walang dagdag-bawas sa dokumento, at hindi madrama na parang ginawa ng
nobela. Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa pagsulat.

4. Ano-ano pa ang potensiyal na halaga ng katitikan ng pulong bukod sa pagiging opisyal na


dokumento ng isang kompanya o organisasyon?

Mahalaga ito dahil naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. Maaari ito maging isang
memorandum sapagkat nakatala na dito ang mga mahahalagang impormasyon na tinalakay at tatalakayin
sa pagpupulong.

MODULE 8

PAGSASANAY 1
KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE, INC.
Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, Kidapawan City
Tel. No: (064) 521-3830
www.kdci.edu.ph/fbpage: KdciKidapawan

Ang Susunod na Sampung Taon: Paglingon sa Nakaraan, Pagtanaw sa Hinaharap

Minsan napapaisip ako sino nga ba ako sampung taon mula ngayon? Marahil, hindi lamang ako
ang nag-iisip ng ganitong bagay. Bawat isa sa atin ay may pangarap sa buhay. Pangarap na pilit nating
inaabot. Sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga, naroon na makakamit natin kung ano man ang
ating hangarin sa buhay.

Bilang isang estudyante at bilang isang anak ng aking mga magulang, ako'y magsumikap upang
makatapos ako sa aking pag-aaral. Ngayong ako ay nasa Grade 12, mas pinagbubuti ko ang aking pag-
aaral nang sa gayon ay makamit ko ang mga pangarap ko sa buhay at para sa pamilya ko.

Sampung taon mula ngayon, magagampanan ko na ang aking tungkulin bilang isang anak at
mamamayan ng ating bansa. Sampung taon mula ngayon ako'y isa ng ganap na doktor na tumutulong sa
mga taong nangangailangan. Gusto ko maging doktor dahil gusto kong alagaan ang aking mga pamilya
kapag sila ay magkakasakit. Gusto ko maging doktor para makatulong sa ibang tao lalong lao na sa mga
ordinaryong mamamayan na hindi masyadong natutugunan ang pangangailangang medical kasi akala
nila mahal magpagamot. Kung ako na ay isang ganap na doktor gusto kung magtrabaho sa ibang bansa
para makapag ipon ako at makapagtayo kami ng mga kapatid ko ng sariling hospital dito sa Pilipinas
dahil parehas kaming medical course. Gusto ko ding magpatayo ng magandang negosyo, negosyong
magbibigay trabaho sa ibang tao upang makatulong ako kahit sa kunting bagay. Ibibigay ko lahat ang
mga pangangailangan ng aking mga magulang at patuloy ko silang aalagaan bilang kapalit sa mga
sakripisyong ginawa nila nung ako’y sanggol pa lamang hanggang ngayon. Unti unti ko na rin bubuoin
ang aking pangarap na masaya at payapa na pamilya.

Sana lahat ng mga pangarap ko sa buhay ay unti unti ko nang matutupad sa loob ng sampung
taon. Alam kong masyadong mataas ang aking hinahangad na buhay sa hinaharap. Ngunit naniniwala
ako na makakamit ko ito sa pamamagitan ng determinasyon sa buhay at tiyaga na makuha ang mga ito.
Naniniwala din ako na hindi ako nag-iisa sa landas na aking tinatahak sa buhay. Nariyan ang aking mga
kaibigan, at pamilya ko na patuloy na sumusuporta sa aking mga adhikain. At nandiyan din ang
Panginoong gumagabay sa akin sa bawat hamon ko sa buhay.

PAGSASANAY 2 
KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE, INC.
Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, Kidapawan City
Tel. No: (064) 521-3830
www.kdci.edu.ph/fbpage: KdciKidapawan

1.  Ano ang paninindigan ng Fakulti ng mga Sining at Wika ng Pamantasang Normal ng Pilipinas
Maynila kaugnay ng bagong kautusan ng CHED na nag-aalis sa Filipino bilang asignatura o kurso
sa kolehiyo?

Gamit ang Filipino bilang isang larangan, itinatampok at binubuo nito ang pagkatao at pagkakakilanlan
ng ating lahi na pundasyon ng ating kamalayan at kalinangan. Malinaw na ang wikang Filipino ang
pangunahing instrumento upang mapaunlad ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral tungo sa
pambansang kaunlaran.

2.  Paano nila sinuportahan ang mga umiiral na batas sa kanilang argumento?

Nanindigan sila na dapat na mas payabungin, paunlarin, at palawakin ang pagtuturo ng Filipino sa antas
tersyarya bilang pagtalima sa saligang batas. Dahil maslalakas at tatalas ang mga mag-aaral naPilipino na
pinanday ng sariling wika, ang wikang Filipino.

3.  Bilang mambabasa, nahikayat ka ba sa posisyong papel na iyong nabasa? Bakit o bakit hindi?

Oo, nahikayat ako sa aking binasang posisyong pael dahil ipinakita talaga nila kung gaano kahalaga ang
pagtuturo ng Filipino sa atin.

ASSESSMENT:

1. Bakit mahalagang pagnilayan ang isang hindi malilimutang karanasan sa buhay? Bakit isulat
din ito sa halip napag-isipan lang o ikuwento sa iba?
KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE, INC.
Ninoy Aquino Road, Brgy. Lanao, Kidapawan City
Tel. No: (064) 521-3830
www.kdci.edu.ph/fbpage: KdciKidapawan

Mahalagang pagnilayan ang isang hindi malilimutang karanasan sa buhay kasi nagbibigay ito ng aral sa
atin. Para sa akin mas maganda na isulat na lang ito kaysa ibahagi sa ibang tao kasi mas maipapapahayag
ko ito ng maayos at kung ako ay malungkot pwede ko lang ito basahin para mabawasan ang lungkot ng
aking nararamdaman.

2. Paano nagiging paraan ng metakognitibong pagsulat ang replektibong sanaysay?

Ang metakognitibong pagbabasa, ay masasabing isang paraan ng mahusay at mabisang paraan ng


pagbabasa ng isa na kung saan nauunawaan niya ang nais iparating na impormasyon ng material na
binabasa. Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nakapasailalim sa isang anyong
tuluyan o prosa. Isa itong masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin
sa isang partikular na pangyayari.

3. Ano-anong mga katangian ang dapat taglay ng isang posisyong papel?

• naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang basehan sa


likod nito;
• nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng matibay na
pundasyon sa mga inilatag na argumento;
• hindi gumagamit ng mga personal na banat o pagbatikos upang pulaan ang kabilang panig;
• gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad;
• sinusuri ang mga kalakasan at kahinaan sa sariling posisyon maging ang sa kabilang
panig;
• pinaglilimian ang lahat ng maaaring solusyon at nagmumungkahi ng mga maaaring
gawin upang matamo ang layunin; at
• gumagamit ng akademikong lengguwahe.

4. Paano matitiyak ang disenteng pakikipagtalo sa iba na may taliwas na paninindigan?


Pag-aralan mo mabuti ang mga argementong inyong pagtatalunan at pakinggan mo mabuti kung ano ang
sinasabi ng iyong kalaban, dapat lahat ng iyong mga sagot ay panindigan mo.

You might also like