You are on page 1of 4

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isada” - Dr.

Jose P. Rizal. Kung kaya’t ating pagyamanin ang wikang sariling atin. Nag-alay ng buhay puso’t,
isip at kaluluway ibinigay upang maipaglaban ang kalayaan na ating nakamit. Mag mula noon
hanggang ngayon daladala pa rin natin ang wikang Filipino. Karamihan sa mamamayang
Pilipino ay hindi pansin na ang wikang Filipino ay ang nag patunay na tayo ay malaya na sa
kamay ng mga dayuhan. Ito ay nag silbing sagisag at pundasyon ng ating bansa na ito ay
patunay na sariling atin.

Ayon kay Palencia (2014), ang pagkakaroon ng sariling wika ay masasabing katumbas
ng pagkakaroon ng sariling mga paa dahil ito ang tumatayong instrumento upang tayo’y
magkaunawaan at magkaisa. Ito ay magsisilbing tulay upang maipahayag natin ang ating
saloobin, opinyon, pananaw at kuro-kuro sa iba’t – ibang pang aspekto. Gayunpaman sa
wikang pambansa ay higit pa roon na pwede nating ipagmalaki tulad ng mga ibang mas kilala
at tanyag na wika ng mga dayuhan, na kaya rin natin na makipag sabayan sa kanila hindi bilang
isang kakumpitensya kundi may iisang layunin na pagbuklod-buklorin ang mga mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng wikang Filipino.

Subalit sa paglipas ng pahanon tila’y unti-unting ng nag lalaon ang kahalagahan ng


wikang Filipino sa atin. Isa sa mga patunay na pagpapatupad ng Commission of Higher
Education (CHED) Memorandum Order no. 20 series of 2013 o ang pagbago sa General
Education Curriculum (GEC) na magtatangal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Ang asignaturang Filipino ay naglalaman ng ibat-ibang mahahalagang impormasyon na
magagamit natin sa kasalukuyan. Dito rin matatalakay ang tamang paggamit ng ating wika,
mga kayamanang literature na ipinamalas ng mga batikang manunulat ng ating bansa at iba
pang mga importanteng bagay kailangan nating malaman bilang isang mamamayang Pilipino.

Samantala, marami man tumututol, ito ay patuloy na ipaglalaban ng organisasyong ng


mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino at iba pang di-sangayon sa pagtanggal nito. Kung
kaya’t ang pananaliksik na ito ay bukas sa pananaw o opinyon nating lahat.

Ang pag aaral na ito ay ginawa upang malaman natin ang mga pananaw o opinyon ng
mga Guro partikular na sa mga pangunahing Guro sa Filipino ng Rizal Technological University
ng Pasig Campus. Ito ay sumasagot sa mga sumusunod na katanungan:
1. Pabor ba kayo na tanggalin ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo?
2. Ano ang reaksyon ninyo tungkol sa pagtanggal ng Asignaturang Fililpino sa
kolehiyo?
3. Paano nakatutulong ang Asignaturang Filipino sa mag-aaral sa kolehiyo?
Pamamaraan at Pinagmulan ng Datos

Ang kabana na ito ay naglalaman ng mga detodo at disenyo na ginamit sa pag-


aaral. Kasama rin dito kung paano isinagawa ang pananaliksik. Tinalakay din dito
ang pagkuha ng datos ay mga instrumentong ginamit sa pag-aaral.

Metodo

Ang ginamit na uri ng pananaliksik ay Deskriptibong Metodolohiyang


pananaliksik na gumagamit na talatanungan para makalikom ng mga datos. Ang
deskriptibo ay ang nakita ng mga mananaliksik na mabisa sa pag-aaral upang
makalikom ng datos na magiging epektibo sa pananaliksik.

Ang ginamit na paraan upang makakalap ng datos ay ang pagpipigay ng


talatanungan sa paraang ito madali nalang makakakuha ng datos ang mga
mananaliksik sa oras na nakatakda.

Pagpili ng Repondante

Ang napiling respondante ay dalawang guro (2) na mula sa Rizal Technological


University Pasig Campus. Ang nasabing respondante ay pangunahing guro sa
Filipino.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pangunahing instrumenting ginamit sa pagkalap ng mga datos ay


talatanungan dahil naniniwala ang mga mananaliksik na ito ay mabisang kagamitan
upang makalikom ng mga tiyak na impormasyon.

Ang talatanungan ay binubuo ng dalawang seksyon: una ang propayl ng


respondante ay naglalaman ng kanilang personal na propaly tulad pangalan, edad,
kasarian at kung ilan taon na sila nagtuturo ng Asignaturang Filipino. Ang pangalawa
ay naglalaman ng mga sumusunod na katanungan: Una, Pabor ba kayo na tanggalin
ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo? Pangalawa, Ano ang reaksyon ninyo tungkol sa
pag papatanggal ng Asignaturang Filipino sa kolehiyo? at ang Huli, Paano nakatutulong
ang Asignaturang Filipino sa mag-aaral sa kolehiyo?

Nariro ang sipi ng talatanungan upang lubos na maunawaan ang komposisyon ng


mga talatanungan na ginamit sap ag-aaral.
Pangalan:____________________________ Edad:______

Kasarian:_____ Ilang taon ng Guro sa Filipino:______

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.Isulat ang iyong sagot sa puwang
na inilaan.

1. Pabor ba kayo na tanggalin ang Asignaturang Filipino sa kolehiyo?

2. Ano ang reaksyon ninyo tungkol sa pag papatanggal ng Asignaturang Filipino sa


kolehiyo?

3. Paano nakatutulong ang Asignaturang Filipino sa mag-aaral sa kolehiyo?


Istatistikal na Pagsusuri ng Datos

Ang mga nakuhang datos ay susuriin upang masala ang mga datos na nakalap.
Gugamit ng Descriptive Statistical Analysis ang mga mananaliksik upang mas madali
ipresenta ang mga imposmasyon na nakuha kung saan gumamit ang mga mananalksik
ng iba’t- ibang uri ng talaan gaya ng graphs, tsarts at talahanayan. Mas madaling
maintindihan ang mga nalikom na datos dahil ito ay naka buod na.

Magiging epektibo ang Descriptive Statistical Analysis sa pag aaral na ito.


Sa pagbuo ng interpretasyon ng resulta sa pinaka mabilis na paraang maiintindihan ito
kaagad ng mga mananaliksik.

You might also like