You are on page 1of 12

HESIS - WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG PANAHON

1. 1. Republika ng Pilipinas ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC V.V.


Soliven Avenue II, Cainta, Rizal WIKANG FILIPINO, SA MAKABAGONG
PANAHON Ang Pananaliksik ay ipriniprisinta kay Mrs. Anita Boral
Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan Ng Asignaturang
Filipino2 (Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik) Ipriniprisinta
nila: Joemar Baldon Crispin Joses A. Carolino Julie Ann C. Clitar Nick
P. Felix Rochelle F. Gomez Lovely-Ann M. Infermo Armia P. Leonardo
Benjie G. Ramos Melecio M. Vista Jr. E-3 Petsa November 2014
2. 2. PASASALAMAT Ang mga mananaliksik ng paksang Wikang
Filipino, Sa Makabagong Panahon ay taos pusong ipininaabot ang
aming pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon at
nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong papel na ito. Ang
tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga
sumusunod: Sa aming mga Magulang, na buong unawa kaming
tinulungan at sinuportanhan sa aming mga pangangailangan. Kay
Gng. Anita Boral, ang aming matyagang guro na sumusuporta at
nagtitiyagang magturo sa amin upang lubusang namin maintindihan
ang aming asignatura. Sa aming mga respondentes na nagbigay
sa amin ng impormasyon na aming kinakailangan sa pananaliksik
na ito. sa aming kapwa mag-aaral na nagbahagi ng kanilang ideya
at kaalaman tungkol sa aming pananaliksik. At higit sa lahat sa
Poong Maykapal, sa pagdinig sa aming mga dalangin, sa mga
pagpapala at sa pagbibigay sa amin ng kalakasan.
3. 3. PAGHAHANDOG Lubos ang pagpapasalamat ng aming grupo sa
mga sumuporta at naging bahagi ng pananaliksik na ito. Kaya ito ay
aming inihahandog sa mga taong naging aming inspirasyon sa
paggawa nito. Sa aming mga magulang Guro mga kaibigan mga
kamag-aaral kaeskwela sa mga susunod na gagamit ng proyektong
ito at higit sa lahat sa Poong Maykapal.
4. 4. TALAAN NG NILALAMAN Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
. . . . . i Paghahandog . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ii Kabanata
1 Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1 Paglalahad ng
Suliranin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2 Kahalagahan ng
Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 Saklaw at Limitasyon ng
Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 3 Depinisyon/Kahulugan ng mga
Termino . . . . . . . . . . . . . . . . . 4 Kabanata 2 Lokal na
Literatura . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5 Dayuhang Literatura . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6 Kabanata 3 Disenyo ng Pananaliksik
Paraan ng Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 Mga Pokus
ng Pag-aaral . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 8 Mga Instrumentong

Pananaliksik . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9 Tritment ng mga


Datos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 9 Kabanata 4 Presentasyon at
Interpretasyon ng mga Datos . . . . . . . . . . . . . . 11
5. 5. Kabanata 5 Lagom . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 13
Konklusyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14 Rekomendasyon . .
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 14 Larawan ng Grupo . . . . . . . . . . . . .
. . . . . . . . . . . . 15 Kurikulum Bitey . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
16
6. 6. KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL
PANIMULA Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay
daan sa pagkakaisa ng mga mamamayan at nagbibigay tulong sa
pag-unlad ng ibat ibang aspeto sa isang bansa. Ang sariling wika ay
mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat
mamamayan. Ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang
mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan. Ang wikang
Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at
nagbabago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan upang
mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng ating wika, ilang
halimbawa ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng
akronim o ang paggamit ng mga letra na nagprepresenta sa isang
salita o tumatayo bilang kapalit ng salita. Sumunod na halimbawa
ay ang pagpapalit ng mga arkayk na salita, sa pamamagitan nito
pinapalitan ng mga makabagong salita ang mga salita na ginagamit
noong unang panahon upang mas madaling gamitin at mas
magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakauso sa panahon
ngayon ay ang paggamit ng mga balbal na salita, ito ang
pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga
kabataan at mga bakla. Ang mga mag-aaral sa urban ay gumagamit
ng ibat-ibang pagpapalawak ng bokabularyo na nakakaapekto din
sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.
7. 7. PAGLALAHAD NG SULIRANIN Ang pa-aaral na ito ay ginawa upang
maipakita ang pananaw ng mga mag-aaral sa kursong B.S.
Education major in Filipino sa patuloy na pag-unlad ng wika sa
paglipas ng panahon. At sila ay tinanong ng mga sumusunod na
katanungan: 1.Sang ayon ka ba na umunlad ang wikang Filipino?
2.Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga salik na
nakakaapekto sa pag unlad ng wikang Filipino? 3.Mahalaga ba ang
pag-unlad ng wika? 4.Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa
kasalukuyan? 5.Ang paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga
naging dahilan sa pag-unlad ng wika? 6.Nakaaapekto ba ang pagunlad ng wikang filipino sa kasalukuyan? 7.Nakakaimpluwensya ba
ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika? 8.Dapat
na bang kalimutan ang lumang salita na ating minana mula sa ating

wika? 9.Bilang mag-aaral, may maitutulong kaba sa pag-unlad ng


wika? 10.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating
pamumuhay? 11.Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa
ating lipunan? 12.Sang ayun ka bang tanggalin ang wilang filipino
sa kurikulom ng kolehiyo? 13.Ang pagpapalit ng mga salitang
arkayk ba ay talagang epektibo sa pakikipag komunikasyon? 14.Ang
paggamit ng akronim ba ay isang epektibong paraan upang
matandaan ng tao ang mga salita? 15.Sang ayon kaba sa paggamit
ng mix-mix na lenguwahe sa paaralan?
8. 8. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK Ang wika ay mahalaga at
kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipakomunikasyon, pakikipag-ugnayan at
pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ito ay talang
napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya ay hindi lalago o
uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.
Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga
sumusunod: 1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay
makakatulong sa kanila upang kanilang malaman kung paano
umuunlad ang wika at ang mga tamang paraan o salita na kanilang
kailangang gamitin na makakatulong din sa pagtatagumpay ng
kanilang pag-aaral. 2. Sa mamamayan. Ang pag-aaral na ito ay
magbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa kahalagahan ng wika at
kung paano ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan. 3. Sa mga
susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay ay maaari nilang
balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa wika sa
sinaunang panahon at kung paano ito nagbago. SAKLAW AT
LIMITASYON NG PAG-AARAL Ang layunin ng pag-aaral ay upang
malaman ang pagbabago ng wika noong sinauna hanggang ngayon
at sa susunod pang henerasyon. Sa mga tuntunin ng paggamit ng
wika at pag-unlad nito ay may mga limitasyon lang na dapat
isaalanglang, ang dahilan nito ay upang mapanatili ang kaayusan
ng pa-aaral ukol dito. Inawa ito upang malaman ang pananaw ng
mga mag-aaral ng B.S Education Major in Filipino ng mga mag-aaral
sa unang baiting ng Institute of Creative Computer Technology,
taong
9. 9. panuruan 2014-2015. Ang pagtitipon namin ng mga
impormasyon at iba pang mga kinakailangan na impormasyon ay
ginawa sa Institute of Creative Computer Technology.
DEPINISYON/KAHULUGAN NG MGA TERMINO Upang mas mapaigi pa
ang kaalaman sa pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na salita ay
binigyang kahulugan: Wika Ang wika ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga
kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Arkayk Ay ang Lumang Tagalog na ginamit bago ang paggamit ng

Filipino noong 1973. Ito ay kinabibilangan ng mga sinaunang anyo


ng tagalog gayundin ng mga salitang inimbento ng mga purista na
tila hindi na gaanong ginagamit sa kasalukuyang panahon.
Ekonomiya binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa
o ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain
at ang pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal,
distribusyon, at konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang
ito. Balbal o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga
salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan.
Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
10.
10. KABANATA 2 MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
LOKAL NA LITERATURA Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang
likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdain at mithiin. Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika
ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng
lipunan. Ito ay resulta ng unti -unting paglilinang sa loob ng
maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit, sa
isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga
hulwaran ng gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa
ibat ibang antas ng bawat kasapi ng pangkat o komunidad. Ayon
kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino /
Filipino: Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na
nilagdaan ni Pangulong Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937
ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng Wikang
Pambansa. Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat
ang Pilipinas ay multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating
mga watak-watak na isla ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi
lamang sa maraming tinig ng ibat- ibang rehiyon kundi gayon din
sa isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi
matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin ang
kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
11.
11. DAYUHANG LITERATURA Aram Noam Chomsky (1928),
lahat ng tao ay may Language Acquisition Device (LAD. Idinagdag
niya na everyone is born with some sort of universal grammar in
their brains------basic rules which are similar across all languages.
Antonio Piafetta noong 1525, mas maaga pa daw napormalisa ang
wikang Filipino ngayon kaysa sa kasaysayan ng bansa. May mga
pamilyar na salita ang luar na naiintindihan sa kahit saang dako ng
Pilipinas. Katulad na lang ng mga salitang buhok at ngipin. Ibig
sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa man sa usapin tungkol
sa wika. Ayon din kay Archibald A. Hill sa kanyang papel na What is
Language? Ang wika raw ay ang pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong gawaing pantao. Ang simbolon ito ay binubuo
ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isanasaayos

sa ma klase at pattern nga lumilikha sa isang komplikado at


simetrikal na istruktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding
kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan. Ayon kina Barker at
Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan
at ang hinaharap. Iniingatan din nito ang ating kultura at mga
tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang hehnerasyon,
subalit sa pamamagitan ng wika, naipapabatid pa rin nila ang
kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan, at maging ang kanilang
mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga
sumusunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaaring
matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayoy maiiwasan ang
muling pagkakamali o di naman
12.
12. kaya ay naitutuwid o matutuwid ang mga dating
pagkakamali. Masasabikung gayon na sa pamamagitan ng wika ay
umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal, at
kultural. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan
natin at susuriin ang kasaysayan ng ating wikang Filipino?
13.
13. KABANATA 3 METODOLOHIYA AT PARAAN NG
PANANALIKSIK Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng
pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral, mga instrumentong
pananaliksik at tritment ng mga datos DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng
pamamaraang deskripto-analitik napamamaraan. Tatangkaing
ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang Pag-unlad ng Wikang
Filipino sa makabagong panahon., sa unang antas ng kursong B.S.
Education major in Filipino sa taong panuruan 2014-2015 sa ICCT
College ng pilipinas, lungsod ng Cainta, Rizal. PARAAAN NG
PANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa papamagitan
ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng sarbey
kwenstyuner na naglalayong makahanap ng mga datos upang
malaman ang mga salik sa pag-unlad ng wikang Filipino sa
makabagong panahon. Magsasagawa din ng pangangalap ng mga
impormasyong ang mga mananaliksik sa ibatibang hanguan, sa
aklatan tulad ng mga aklat, dyaryo, magasin, at pamanahunang
papel. Kukuha din ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa
internet.
14.
14. MGA POKUS NG PAG-AARAL Ang mga pipiliing mga
respondentee sa pag-aaral na ito ay ang mga nasa unang antas ng
kursong B.S. Education major in Filipino sa taong panuruan 20142015 sa ICCT College ng pilipinas, lungsod ng Cainta, Rizal. Sa
kasalukuyan ay may limampung respondentee kaming kinuha na
kung saan ang mga mananaliksik ay gagamit ng quota sampling.
Sila ay magpapamahagi ng animnapung na sarbey kwenstyuner at
ang unang limampung respondente na unang makakatapos ang

siyang automatikong magiging respondente. MGA INSTRUMENTONG


PANANALIKSIK Ang sarbey kwestyoneyr ay ginamit upang maipakita
ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang mga katanungan
ay pinasagot sa mga mag-aaral sa unang baitang ng B.S. Education
Major in Filipino. TRITMENT NG MGA DATOS ang pagtally at
pagkukuha ng porsiyento ang kinakailangang gawin ng
mgamananaliksik upang maibuod ang mga datos ng pag-aaral.
15.
15. ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC V.V. Soliven Avenue II,
Cainta, Rizal Survey for Thesis Filipino-02
Name:____________________________ Course:___________
Date:___________ Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon ng iyong
napiling sagot. 1. Sang-ayon ka ba na umuunlad ang wikang
Filipino? Oo Hindi 2. Ang makabagong teknolohiya ba ay isa sa mga
factor na nakakaapekto sa pag-unlad ng wikang Filipino? Oo Hindi 3.
Mahalaga ba ang pag-unlad ng wikang Filipino? Oo Hindi 4.
Mahalaga pa ba ang wikang Filipino sa kasalukuyan? Oo Hindi 5. Ang
paglipas ba ng panahon ay isa din sa mga naging dahilan sa pagunlad ng wika? Oo Hindi 6. Nakaaapekto ba ang pag-unlad ng
wikang Filipino sa kasalukuyan? Oo Hindi 7. Nakaimpluwensya ba
ang pananakop ng ibang bansa sa pag-unlad ng ating wika? Oo
Hindi 8. Dapat na bang kalimutan ang mga lumang salita na ating
minana mula sa ating mga ninuno? Oo Hindi 9. Bilang mag-aaral,
may maitutulong kaba sa pag-unlad ng wika? Oo Hindi 10. Naging
epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating pamumuhay? Oo Hindi
11. Naging epektibo ba ang pag-unlad ng wika sa ating lipunan? Oo
Hindi 12. Sang ayon ka bang tanggalin ang wikang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo? Oo Hindi 13. Ang pagpapapalit ng mga
salitang arkayk ba ay talagang epektibo sa pakikipag
komunikasyon? Oo Hindi 14. Ang paggamit ng akronim ba ay isang
epektibong paraan upang matandaan ng tao ang mga salita? Oo
Hindi 15. Sang-ayon ka ba sa paggamit ng Mix-mix na lengguwahe
sa paaralan? Oo Hindi
16.
16. KABANATA 4 PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA
DATOS Sa kabanatang ito ay ipapakita ang mga datos na nakalap
mula sa mga mag-aaral sa unang baitang ng B.S. Education Major in
Filipino tungkol sa pagbabago at pag-unlad ng wikang Filipino sa
makabagong panahon at ang kahalagahan nito sa pa-unlad ng
ekonomiya. 1. Ano ang mga factor na nakakaapekto sa pagbabago o
pag-unlad ng wikang Filipino? Table 1 Mga factor na nakakaapekto
sa pag-unlad ng wika Filipino Mga Factor Respondente Percentage %
Teknolohiya 35 70 Paglipas ng panahon 10 20 Pagsakop ng ibang
bansa 5 10 Ipinapakita ng table 1 na Teknolohiya ang pangunahing
factor na nakaapekto sa pagbabago o pag-unlad ng wikang Filipino
para sa respondente sa unang antas ng kursong B.S. Education

major in Filipino na may 35 respondente o 70% nang kabuuan ng


respondente. Sinundan ito ng Paglipas ng panahon na may 10
respondente o 20% nang kabuuan ng respondente. At ang pangatlo
ay pagsakop ng ibang bansa na may 5 respondente o 10% nang
kabuuan ng respondente. 2. Saan mas naging epektibo ang pagunlad o pagbabago ng wikang Filipino?
17.
17. Table 2 Mga aspeto kung saan naging epektibo ang pagunlad ng wikang Filipino Aspeto Respondente Percentage %
Ekonomiya 23 46 Pag-aaral 22 45 Lipunan 5 10 Ipinapakita ng table
2 na Ekonomiya ang pangunahing aspeto kung saan mas naging
epektibo ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino. Ito ay
sinang-ayunan ng 23 respondente o 46% nang kabuuan ng
respondente. Sinundan ito ng Pag-aaral na may 22 respondente o
45% nang kabuuan ng respondente. At ang pangatlo ay lipunan na
may 5 respondente o 10% nang kabuuan ng respondente. 3. Bakit
kailangan umunlad ang wikang Filipino? Table 3 Mga Dahilan kung
bakit kailangan umunlad ang wikang Filipino Dahilan Respondente
Percentage % Mas malinaw na Komunikasyon 22 44 Magamit sa
pag-aaral 17 34 Mapaunlad ang ekonomiya 11 22 Ayon sa table 3
ang Mas malinaw na komunikasyon ang pangunahing dahilan kung
bakit kailangan ang pag-unlad o pagbabago ng wikang Filipino. Ito
ay sinang-ayunan ng 22 respondente o 44% nang kabuuan ng
respondente. Sinundan ito ng dahilan na magagamit sa pag-aaral na
may 17 respondente o 34% nang kabuuan ng respondente. At ang
pangatlo ay upang mapaunlad a na may 5 respondente o 10% nang
kabuuan ng respondente.
18.
18. KABANATA 5 LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom ng pag-aaral at ang
konklusyon at rekomendasyon para sa solusyon sa problemang
naitala sa pag-aaral na ito ay maibibigay. LAGOM Ang paglalathala
ng pag-aaral tungkol sa Wikang Filipino, sa makabagong panahon
para sa mga BS Education major in Filipino ay naganap. Limampung
respondente ang sumagot sa mga katanungan na aming pinamigay.
At ang resulta ay ang mga sumusunod: 1. Karamihan sa mga
respondente ay naniniwala na teknolohiya ang pinakaunang factor
sa pagbabago ng wika. Ito ay sinangayunan ng 70 posyento. 2. At
para sa kanila sa Ekonomiya mas naging epektibo ang pag-unlad o
pagbabago ng wikang Filipino na nakakuha ng 46 porsyento. 3. Mas
malinaw na Komunikasyon ang pangunahing dahilan kung bakit
kailangan umunlad ang wikang Filipino ayon ito sa 44 porsyento ng
kabuuang respondente.
19.
19. KONKLUSYON Ayon sa lagom ng pag-aaral, ang mga
sumusunod ay nakita. 1. Mas malinaw na Komunikasyon ang
pangunahing dahilan kung bakit kailangan pang mas mapa-unlad

ang wikang Filipino. 2. Mas maaapektuhan ang Ekonomiya sa pagunlad ng ating wika. 3. Karamihan sa mga respondente ay
naniniwala na teknolohiya ang pinakaunang factor sa pagbabago ng
wika, sa pag-unlad ng panahon kasabay din ng pag-unlad ng wika.
REKOMENDASYON Matapos ang masusing pagkalap ng mga
kailangang datos nabuo ng mananaliksik ang mga rekomendasyong
ito. 1. Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa
ekonomiya, mas magiging madali para sa mga mamamayang
Pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at
mga transaksyon sa loob ng ating ekonomiya. 2. Maaaring paunlarin
ang wika ngunit dapat iwasan ang paggamit ng mga salitang gaya
balbal upang mas maging pormal ito. 3. Kahit nasaan pa man tayo
dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating sariling wika, dahil
bukod sa ito na ang ating kinagisnan, ito din ang magiging daan
para sa ating tagumpay sa hinaharap. Katulad nga ng sinami ni Gat
Jose Rizal: ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop
at malansang isda.
20.
20. LARAWAN NG GRUPO
21.
21. KURIKULUM BITEY Name: Armia P. Leonardo Address:
Taytay, Rizal Contact No.: 09056346386 Email Address:
armia_leonardo@yahoo.com Birthdate: September 27,1993 Age: 21
Gender: Female Course: B.S. Accountancy Name: Melecio M. Vista Jr.
Address: Blk. 4, Lot 4, Carissa Homes East 2C, Brgy. Dalig, Teresa,
Rizal Contact No.: 0943-728-7117 Email Address: Birthdate:
February 20, 1981 Age: 33 Gender: Male Course: B.S. Education
Name: Lovely-Ann Infermo Address: Taytay, Rizal Contact No.:
09161545895 Email Address: lhobly_20@yahoo.com Birthdate: Nov.
20,1990 Age: 24 Gender: Female Course: BSBA
22.
22. Name: Julie Ann C. Clitar Address: Pasig City Contact No.:
09268648672 Email Address: julieannclitar25@yahoo.com
Birthdate: October 25,1996 Age: 18 Gender: Female Course: BS
Accountancy Name: Benjie G. Ramos Address: Taytay, Rizal Contact
No.: 09079417648 Email Address: bhenjramos@gmail.com
Birthdate: Feb. 9,1993 Age: 21 Gender: Male Course: BSC Name:
Joemar C. Baldon Address: Quezon City Contact No.: - Email
Address: joemar_baldon@yahoo.com Birthdate: August 9,1993 Age:
21 Gender: Male Course: BS Accountancy
23.
23. Name: Crispin Joses A. Carolino Address: Antipolo City
Contact No.: 09102976358 Email Address:
criscarolino11@gmail.com Birthdate: October 11,1986 Birth place:
Age: 28 Gender: Male Course: BSIT Name: Rochelle F. Gomez
Address: Cainta, Rizal Contact No.: 09109099290 Email Address:
chellleefries@yahoo.com Birthdate: December 19,1995 Age: 19
Gender: Female Course: A.C.T Name: Nick P. Felix Address: Angono,

Rizal Contact No.: 09353620757 Email Address:


nickfelix99@yahoo.com Birthdate: July 16,1986 Age: 28 Gender:
Male Course: BSBA
Recommended

Techniques and Concepts of Big Data

Data Visualization for Data Analysts

Foundations of Programming: Databases

THESIS (Pananaliksik) Tagalog


Hillaine Almia

Thesis (FIL2A)
Regine Elago

Research paper in filipino


SFYC

Pamanahong Papel tungkol sa pagkatuto sa Filipino


Shem

Pananaliksik
RL Miranda

Pamanahong Papel o Pananaliksik (Research Paper)


Merland Mabait

PANANALIKSIK (K+12)
joyieloo

English
Espaol
Portugus
Franais
Deutsch
About

Dev & API


Blog
Terms
Privacy
Copyright
Support

LinkedIn Corporation 2016

You might also like